You are on page 1of 5

QUESTIONS:

1. ano po ang functions ng lupon?

2. Civil case?

3. Criminal Case?

4. Ano po nangyari?

5. Paano po nagrereklamo sa barangay?

Interview ng kagawad tapos pinapagawa ng complaint sheet sa barangay,

pangalan ng nagrereklamo at nirereklamo. At isalaysay ang nangyari. Ibigay sa

staff na nagrereceive ng complaint, bago tanggapin ang complaint, magbayad ng

200 pesos filing fee, in case of indigent naman, hingi muna ng certification ng

pagiging indigent. Papadalahan ngayon ng summons yung respondent para mag

attend for a dialogue with the barangay chairman on a designated date

patungkol sa complaint sa kanya. Sa araw na inukol, magkikita ang complainant


at respondent, tapos si barangay chairman ay hihikayatin na magka ayos at

pagusapan nalang ang problema.

6. Paano po umaaksyon ang barangay sa mga reklamo?

7. Paano po nagiimbestiga ang barangay?

Hindi kami nag iimbestiga kasi wala naman kami power na magsabi kung

sino ang tama o mali, nag dadialogue lang kami para pakinggan ang

magkabilang panig at subukan na magkaayos nalang sila.

8. Paano po ninyo hinihikayat magkaroon ng settlement?

Kinukumbinsi sila na bka naman pwede namang pagusapan nalang kasi

magastos pa, maabala pa kayo kasi magattend pa kayo ng hearing ant uupa

ng abogado, at matagal dahil marami pa pending na mga kaso. Usually kasi

magkakakilala naman yan or magkakapit bahay, so madali lang ayusin.

9. Bakit po dapat walang lawyer na kasama ang mga parties?

Dapat ang dalawang magkabilang panig lang ang mag aappear sa pangkat at di

na kailangan ang abogado kasi ang main function ng pangkat ay pagkasunduin


ang magkabilang panig at hindi ito litigation. Ang abogado kasi baka

maimpluwensiya pa na magkaso nalang.

10. Paano po kung hindi nagkaayos?

kung hindi parin magkaayos, i-aasign na yung kaso sa isang pangkat na may

3 lupon na members. Isa sa lupon member ay chairman, yung isa secretary na

mag rerecord ng minutes ng proceedings. Yung pangkat ay muling

magpapadala ng summons sa magkabilang parties para mag attend ng

panibagong settlement proceeding. During the settlement proceeding with

the pangkat, ang magkabilang parties ay haharap sa pangkat at muling

didinggin ang kanilang mga respektibong panig. Tapos sila ay sasabihan ng

chairman na ang function lang nila ay pagkasunduin sila at hindi mag sabi

kung sino ang tama at mali. Usually, maximum of 3 meetings yan with the

pangkat. Kung magkasundo, ang pangkat ay gagawa ng compromise

agreement para irecord ang kanilang napagkasunduan. Pagkatapos iahanda

ang compromise agreement, muli itong babasahin sa harap nila at

papipirmahin ang magkabilang panig. In the event naman na ang respondent


ay hindi tumupad sa napagkasunduan, babalik sa barangay yung complainant

para sabihin na hindi tumupad ang respondent sa napag kasunduan. Muling

ipapatawag ng barangay captain yung respondent para hingiin ang kaniyang

panig. May option na ngayon yung naghahabla, either hinrayin niya

magbayad or pumunta siya sa husgado or MTC para i-execute yoong

compromise agreement. After ng 3rd meeting, kung hindi parin nagkasundo

ang magkabilang panig, hihingi ngayon ang complainant ng certification to

file an action sa barangay na nilagdaan ng punong barangay. Itoy

magsisilbing certification na pwede na siya mag habla ng kaso sa korte.

11. Paano po umaakyat sa korte ang mga reklamo?

Natatapos ang jurisdiction ng barangay kapag nagkasundo na ang

magkabilang panig o kaya kung hindi nagkasundo, sa moment na nabigyan

nan g certification to file an action, matatapos na ang jurisdiction ng

barangay.

12. Paano po kayo nakikipag tulungan sa mga kapulisan?


Kung criminal case naman, hindi na siya iaassign sa lupon, ibblotter nay an tapos

itatawag na sa pulis para sila na ang magimbestiga. Katulad naman ng VAWC,

pwede kami mag issue ng TPO or temporary protection order.

13. ID? Picture?

You might also like