You are on page 1of 14

Modyul 63

Pakikipanayam

Magandang araw sa iyo mag-aaral!

Isa sa mahalagang kasanayan sa modyul na ito ay ang layuning malinang ang kahusayan
mo sa kasanayang pangwika sa pamamagitan ng pagkuha ng pangunahing impormasyon.
Paano mo ito maisasagawa? Tama ka! Sa pamamagitan ng interbyu o pakikipanayam. Ang susunod
na aralin ay tungkol sa pakikipanayam .
Minsan, hindi lamang sa aklat makakukuha ng mahahalagang impormasyon tungkol sa
isang paksa. Maaari ka ring makakuha ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng
pakikipanayam o pagsasagawa ng interbyu.
Paano ba ang tamang pagsasagawa ng interbyu? Ano-ano ba ng mga pamantayan sa
paggawa ng mga tanong na gagamitin mo sa interbyu? Ano-ano lang ang dapat na itanong? Ano
ang mga hindi pwedeng itanong? Upang maging makabuluhan ang gagawing pakikipanayam
dapat magsagawa ng mga pamantayan na dapat sundin.

Ang lahat ng iyan ay matutunan mo sa modyul na ito.

Handa ka na ba?

49
Aralin 1

Kailan ka nagsasagawa ng isang pakikipanayam? Bakit ka nag-iinterbyu ng isang kilalang

tao? Kailangan bang ang iintebyuhin ay isang kilala o eksperto sa paksang iyong napili? Paano
ba mag-intebyu? Ano-ano ang mga itinatanong sa isang interbyu?
Bago mo sagutin ang mga katanungang nabanggit ay sagutin mo muna ang pang-unang
pagsusulit na inihanda para sa iyo.

Pang-unang Pagsusulit

Basahin at unawain ang sumusunod na talataan.

Naatasan si Andrea ng kanyang guro sa Filipino na kapanayamin ang panauhing tagapagsalita
sa kanilang paaralan. Ayon sa kanyang guro, ang mga impormasyong makukuha niya ay ilalathala sa
kanilang pahayagang pampaaralan. Isang sikat na manunulat at makata ang kanilang panauhin kaya’t
kailangan paghandaan niya ito. Kinagabihan, sa kanilang tahanan ay nag-iisip at nagsusulat na siya ng
mga maaaring itanong sa panauhin . Nais niya ng naiibang tanong sapagkat ayaw niyang mapahiya siya
sa kanyang guro at sa panauhin.Marami na siyang naisulat na tanong ngunit parang hindi pa rin siya
nasisiyahan sa mga ito.

Tapos mo na bang basahin ang talata? Subukang sagutan ang inihandang pang-unang
pagsusulit .

Magsulat ng limang tanong na maaaring itanong ni Andrea sa kanilang panauhin.

1. _______________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________________

4. _______________________________________________________________________________

5. _______________________________________________________________________________

Ano ang dapat tandaan ni Andrea sa kanyang isasagawang pakikipanayam? Magbigay ng tatlo.

1. _______________________________________________________________________________

2. _______________________________________________________________________________

3. _______________________________________________________________________________

50
Nasagot mo ba ang mga tanong? Kung Oo, ibig sabihin lamang na marunong
ka ng magsagawa ng interbyu o pakikipanayam. Kung hindi naman ay halika na at
pag-aralan mo na.
Ang modyul na ito ay naglalayong matulungan ang isang mag-aaral na nagsasagawa ng
isang pakikipanayam.

Ano nga ba ang pakikipanayam o interbyu?

Ito ay isang sistematikong paraan ng pakikipag-usap ng isang tao, upang makakuha ng
sapat na impormasyon at kaalamang pang-akademiko sa tao, bagay, o pangyayaring naganap
sa pang-araw-araw na buhay.
Ilang tao ang kakailanganin sa pagsasagawa ng isang pakikipanayam?
Tama ka dyan. Dalawang tao ang kalahok sa panayam, ang nagbibigay ng impormasyon
at ang kumukuha ng impormasyon.
Ito ay isang anyo ng personal na pakikipag-usap ng dalawang panig na nagkasundong
magtagpo para sa layuning magbigay ng impormasyon, ang taong hinihiling na makapanayam
at makakuha naman ng mahahalagang impormasyon kaugnay ng mga tiyak na katanungan,
mula sa taong humihingi ng panayam.
Sa papaanong paraan maisasagawa ang isang pakikipanayam? Maaaring gawin ang
pakikipanayam nang tuwiran sa pamamagitan ng aktwal na pakikipag-usap sa taong kasangkot
sa pakikipanayam o kaya’y di tuwiran na tulad ng pakikipag-usap sa telepono, cell phone, radio
at iba pa.
Kung gayon, ano-ano ang mga kakailanganin upang maging matagumpay ang isang
pakikipanayam?
May dalawang uri ng pakikipanayam batay sa layunin ng humihingi ng panayam
1. Panayam na pangkaalaman 2. Panayam na panghanapbuhay

Mga dapat tandaan sa pakikipanayam:

1. Magpakilala muna sa kakapanayamin bago sabihin ang layunin.
(Maging magiliw at magalang ka sa pakikitungo sa taong kakapanayamin subalit
sikaping maging natural sa iyong mga kilos. Ang isang pambungad na ngiti na may
kasabay na pagmamagandang umaga/ tanghali/ hapon ay makatutulong sa paghahanda
ng isang magandang kalagayan o sitwasyon ng gagawing pakikipanayam. Ipakilala mo
ang iyong sarili sa isang paraang kalugod-lugod sabay ang paglalahad na muli ng iyong
layunin kaugnay ng gagawing pakikipanayam.)
2. Humingi ng takdang petsa at oras ng pakikipanayam.
(Bigyan ng pagkakataon na makapaghanda rin ang taong kasangkot sa
pakikipanayam.)
3. Magbalangkas ng mga katanungan para sa pakikipanayam.
(Kailangan maging handa sa panayam sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
makabuluhang tanong. Maging tiyak sa mga tanong at hindi paulit-ulit.)

51
4. Dumating sa takdang oras ng pag-iinterbyu.
(Isaisip na ikaw ay humihingi lamang ng pabor sa taong kakapanayamin. Ibabahagi
lamang niya ang kanyang panahon sa kabila ng napakaraming mga gawain kaya dapat na
dumating ka sa takdang oras na inyong napagkasunduan.)
5. Gawing kawili-wili at masigla ang pag-iinterbyu upang hindi kabagut-bagot.
(Huwag lalayo sa paksang pinag-uusapan. Iwasang makipagtalo at hayaan muna
siyang matapos magsalita bago magtanong ng panibago.)
6. Itala ang mga naging kasagutan.
(Maaaring magdala ng recorder upang higit na maging mabisa at makuha ang buong
detalye.
7. Sa pagtatapos ng pakikipanayam magbigay galang muli bilang pagpapasalamat sa
panahong kaniyang ibinahagi.

Mga dapat tandaan sa paggawa ng mga tanong

• Ang mga tanong ay dapat na nakasulat
ayon sa pagkakasunod-sunod.
• Sikaping maging malinaw ang mga tanong.
• Simulan ang pagtatanong sa paraang
ito ay gigising sa kawilihan ng taong
kakapanayamin.

• Iwasan ang mga tanong na sasagutin lamang ng Oo o Hindi.

• Ang mga tanong ay dapat na bukas upang maging daan ng malayang pagsasalita ng
kakapanayamin.
• Ang mga mahihirap at maselan o mga personal na katanungan ay dapat na ilagay sa
huli.
8. Sa pagbabalangkas ng pasulat na pakikipanayam ang unang bahagi ng talataan ay ang
pagpapakilala sa taong kinapakinayam, dito inilalahad ang kanyang pangalan, edad, estado
sa buhay at sa trabaho na di na kinakailangang ibilang sa mga tanong sa talatanungan sa
gagawing pakikipanyam.

52
Basahin mo ang inihandang pakikipanayam na isinagawa ng piling mag-aaral ng
Angelicum College.

Paksa: Walang Tigil Na Pagtaas Ng Gasolina

Paul : Manong (drayber ng dyip), maaari po ba namin kayong mainterbyu? Mag-aaral po kami
ng Angelicum College. Nais po naming malaman ang inyong saloobin tungkol sa pabago-
bagong presyo ng gasolina ngayon. Layunin po naming malaman ang reaksyon ng mga
drayber o operator ng dyip hinggil dito.
Manong: Ay naku iho! Bukod sa malaking kabawasan na naman ito sa aming kita ay dagdag pasakit
na naman sa sambayanan ang pagtaas ng gasolina. Kahit babaan ang pamasahe siguradong
magtataasan din ang mga bilihin, gayun din ang mga piyesa ng sasakyan.
Paul: Ganoon po ba? Samakatwid, hindi po makabubuti para sa atin ang pagtataas ng presyo ng
gasolina.
Manong: Oo naman. Sa tulad kong isang mahirap ay malaki ang epekto nito sa aking kabuhayan.
Paul: Salamat po sa inyong pagpapaunlak.
Kyle: Nanay, ano po ang masasabi ninyo hinggil sa balitang pagtataas muli ng presyo ng
gasolina?
Aling Tess: Alam mo iho, baka di ko na matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa pag-aaral
dahil sa taas ng pamasahe at iba pang bilihin.
Kyle: Akala ko po, di na gaanong pinapansin ng mga tao ang pagtaas ng presyo ng gasolina.
Aling Tess: Akala mo lang yon. Nagtataasan ang bilihan ngunit di naman tumataas ang sweldo ng
tao.
Kyle: Marami pong salamat sa pagpapaunlak sa aming isinagawang pakikipanayam.
James: (sa isang manggagawa) Sir, pwede po ba namin kayong maabala?
Gumagawa po kami ng sarbey para malaman ang saloobin ng mga tao sa pagtaas ng presyo
ng gasolina na may epekto sa pagtaas ng bilihin. Kayo po ba ay apektado rin ng ganitong
pangyayari?
Manggagawa: Baka magsara ang aming pabrika dahil hindi makakayang ibigay ang hinihinging umento
sa sahod ng mga trabahador. Marami kaming mawawalan ng trabaho, kaya mag-aantay na
lang kami ng desisyon mula sa may-ari. Sa ngayon, di ko pa alam ang pwedeng mangyari
sa aming buhay. Sana ay huwag akong mawalan ng trabaho.
James: Nakalulungkot naman po ang maaaring mangyari sa inyo. Gayun pa man maraming
salamat po sa inyong panahon.
Paul: Maaari na siguro tayong bumalik sa paaralan para maayos ang isinagawa nating pag-
iinterbyu.
Kyle: Oo naman, kaya lang nakalulungkot ang sagot sa mga tanong natin.
James: Sana, makagawa ng hakbang ang pamahalaan upang malutas ang problemang ito.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Mahusay kung ganoon, upang matiyak na

nauunawaan ang iyong binasa sagutan ang inihandang mga tanong.

53
Ano ang paksang pinag-aaralan ng mga piling mag-aaral ng Angelicum College?
____________________________________________________________________________________

Gasolina ang pinag-aaralan ng mga piling mag-aaral.

Bakit kinailangan nilang mag-interbyu ng ilang tao?

____________________________________________________________________________________

Batay sa sarbey na ginawa ng grupo, ilahad ang reaksyon ng mga taong kinapanayam
nila.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Halimbawa, kinapanayam nila ang isang drayber ng dyip.Malaking kabawasan sa kanilang

kita, kapag nagtaas naman ng pamasahe maaaring magtaasan din ang mga bilihin. Kasabay sa
pagtaas ng bilihin tataas din ang presyo ng mga piyesa ng sasakyan.

Bilang isang mag-aaral ano ang iyong masasabi sa isyung pinag-aaralan ng piling mag-
aaral?
____________________________________________________________________________________

Paano nakakatulong ang pakikipanayam sa pagkuha ng impormasyon?

____________________________________________________________________________________

Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung dapat sundin ang panuntunan sa pakikipanayam at
ekis ( ) kung hindi.

________ 1. Paggamit ng magagalang na pananalita habang nakikipag-usap sa taong kasangkot

sa interbyu.
________ 2. Pagdating ng huli sa itinakdang oras ng pakikipanayam.
________ 3. Walang nakahandang tanong na gagamitin sa pakikipanayam.
________ 4. Dapat malinaw ang layunin sa pagsasagawa ng interbyu.
________ 5. Paliguy-ligoy sa pananalita.
________ 6. Pagkuha lamang ng mahahalagang impormasyon na kailangan sa isinasagawang
pag-aaral.

54
________ 7. Pakikipagkita muna at pagtatakda ng petsa at oras sa taong kakapanayamin.
________ 8. Biglaang pag-interbyu kahit na abalang-abala ang taong kakapanayamin.
________ 9. Masyadong personal ang mga tanong na ibinibigay sa taong kasangkot sa interbyu.
________ 10. Dapat ang mga tanong na gagamitin sa interbyu ay sinasagot ng oo at hindi lamang
upang makatipid sa oras o panahon.

Tinalakay na natin ang ilang mga dapat isaalang-alang sa pagpaplano ng

pakikipanayam. Paano naman kung ikaw ang kakapanayamin? Ano naman ang iyong
dapat tandaan?

A. Pakikipanayam na panghanap-buhay
Ang pakikipanayam na panghanap-buhay ay isang uri ng pakikipanayam na
isinasagawa upang kilalanin at tiyakin ng magiging employer o pinuno na tatanggap sa
isang aplikante ang mga datos ukol sa kakapanayamin.
Ito ay isinasagawa nang personal sa pagitan ng employer at employee, kung kaya’t
marapat lamang na mapabilib mo ang employer upang ikaw ang piliin.
Magdala ng Resume o Curriculum Vitea sa araw na kakapanayamin ka. Sa pagsulat
nito kinakailangang lakipan ng liham aplikasyon na kung saaan nakalahad kung bakit
kailangan ka nilang tanggapin o kung bakit ikaw ang dapat nilang piliin kumpara sa
ibang aplikante.

B. Pagbuo ng biodata o resume

• Pumili ng angkop o nais na disenyo ng resume o biodata, maaring gamitin ang mga
aplikasyong naka-upload sa internet ayon na rin hanap-buhay na iyong nais.
• Isulat sa unang bahagi ang layunin mo kung sakaling tanggapin ka nila at trabahong
nais pasukan.
• Ang kadalasang format ng isang resume o biodata sa unang bahagi ng mga
impormasyon ay ang mga personal na impormasyon sa iyo tulad ng ngalan ng iyong
mga magulang, kapanganakan, edad, at iba pa.
• Ang ikalawang bahagi naman ay ukol sa iyong edukasyon, talakayin ang iyong
mga napag-aralan hanggang sa pinakamataas na natamo mo, lalo’t higit ang mga
kasanayan na sa iyong palagay ay mayroong kaugnayan sa trabahong iyong
papasukan.
• Sa paglalagay ng mga ngalan ng mga taong mapagtatanungan sa iyong kakayahan
bilang isang magiging empleyado, pumili lamang ng mga taong may kinalaman sa
trabahong iyong papasukin at siguraduhing ipaalam ito sa mga taong iyong isinulat.

Ipagpalagay na ikaw ay mag-aaplay ng trabaho. Bumuo ng iyong sariling resume.

Isaalang-alang ang mga paalala sa pagsulat ng resume.

55
Ipasa ang nabuong resume sa iyong guro.

Kung ang resume ay mahalaga kapag nag-aaplay ng trabaho, ang angkop na kasuotan din
ay nararapat lamang paghandaan.

C. Ang Kasuotang Pang-interview

Ang kasuotan mo sa iyong interbyu ay maaaring makatulong o makasira sa iyo. Ito
ay totoo lalo na kung ang employer ay partikular tungkol sa personalidad ng nag-aaplay.
Sa pag-iisip ng angkop na kasuotan para sa interbyu, isaalangalang ang kompanya at ang
trabaho na nais mong pasukan. Ang maong na pantalon at t-shirt na walang kuwelyo
ay hindi isinusuot kung magpapa-interview. Maaari ito kung ikaw ay mamamasukan
bilang isang manggagawa sa pabrika o manggagawa ng hollow blocks at ibang katulad
na trabaho.

Para sa kababaihan naman, ang bestida o marangyang damit ay hindi naaangkop.

Ang palda at blusa o kaya naman ang slacks o disenteng pantalon ay mas mainam na
kasuotan para sa interview. Kung ikaw naman ay nag-aaplay sa isang mataas na posisyon,
ang terno para sa lalaki at ang pormal na kasuotan naman para sa babae ang naaangkop
na isuot.

Naunawaan mo na ba ng aralin? Kung gayon, simulan mo na ang pagsagot sa mga gawain.

Gawain 1

Interbyuhin ang isa sa inyong mga kasambahay. Maghanda ng sampung tanong na

gagamitin ninyo sa pagtatanong. Isulat din ang layunin ng iyong pakikipanayam.

Taong Kakapanayamin (Maikling pagpapakilala)

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Layunin ng Pakikipanayam:

56
Mga Itatanong:
1. _______________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________________

Gawain 2

Bumuo ng limang tanong sa pakikipanayam hinggil sa mga sumusunod na tao/ paksa/

sitwasyon.
1. Panayam sa kasalukuyang punongguro ng paaralan ukol sa mga bagong panuntunang
ipatutupad para sa taong kasalukuyan.

Taong kakapanayamin (Maikling pagpapakilala)

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Layunin ng Pakikipanayam:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Mga Tanong:
a. _______________________________________________________________________________
b. _______________________________________________________________________________
c. _______________________________________________________________________________
d. _______________________________________________________________________________

57
2. Panayam sa Guidance Counselor tungkol sa karaniwang suliraning nararanasan ng mga
mag-aaral lalo na sa ikatlong taon.

Taong kakapanayamin (Maikling pagpapakilala)

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Layunin ng Pakikipanayam:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Mga Tanong:
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________
c. __________________________________________________________________________
d. __________________________________________________________________________
e. __________________________________________________________________________

3. Panayam sa isang taong nagsumikap makapagtapos at di-ikinahihiya ang pagkakaroon

ng kapansanan upang magtagumpay sa kanyang pag-aaral.

Taong kakapanayamin (Maikling pagpapakilala)

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Layunin ng Pakikipanayam:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

58
Mga Tanong:
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________
c. __________________________________________________________________________
d. __________________________________________________________________________
e. __________________________________________________________________________

4. Panayam sa isang bagong guro ng paaralan tungkol sa karanasan nila sa bagong komunidad
nila bilang mga guro.

Taong kakapanayamin (Maikling pagpapakilala)

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Layunin ng Pakikipanayam:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Mga Tanong:
a. __________________________________________________________________________
b. __________________________________________________________________________
c. __________________________________________________________________________
d. __________________________________________________________________________
e. __________________________________________________________________________
f. __________________________________________________________________________
g. __________________________________________________________________________
h. __________________________________________________________________________
i. __________________________________________________________________________
j. __________________________________________________________________________

Naisagawa mo ba nang maayos ang pag-iinterbyu?

59
Gawain 3

Magsagawa ng interbyu sa isa sa miyembro ng pamilya. Tandaan ang mga pamantayan sa

pagsasagawa ng interbyu at mga tanong na gagamitin. Isulat nang maayos ang naging panayam
at ipatsek sa guro.
Isulat sa patlang ang pangalan, layunin at mga tanong na tatanungin.

Taong Kakapanayamin (Maikling pagpapakilala)

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Layunin ng Pakikipanayam:
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Mga Itatanong:
1. _______________________________________________________________________________
2. _______________________________________________________________________________
3. _______________________________________________________________________________
4. _______________________________________________________________________________
5. _______________________________________________________________________________
6. _______________________________________________________________________________
7. _______________________________________________________________________________
8. _______________________________________________________________________________
9. _______________________________________________________________________________
10. _______________________________________________________________________________

60
Panghuling Pagsusulit

Pumili ng isang tao (maaaring doktor, abogado, akawntant, pari, madre at iba pa.),
kapanayamin siya tungkol sa kanyang ekspertis o espesyalisasyon. Gamitin ang pormat na
tulad ng nasa itaas.

Narito ang rubrics na magiging gabay mo sa pag-iinterbyu.

Napakahusay Mahusay Mapaghuhusay

Krayterya Pa Kabuuan
5 3 1
Nilalaman Napakamakabu- Makabuluhan at Hindi gaanong
luhan at higit na mapanuri ang makabuluhan at
mapanaruri ang inihandang mga mapanuri ang
inihandang mga katanungan inihandang kata-
katanungan nungan
Paraan ng Higit na nagpa- Sapat ang ipina- Hindi gaanong
Pagkikipanayam malas ng tapat, malas na kata- balanseng natala-
balanse at may patan, balanse kay ang paksa at
kompyansang at kompyansang may mga pag-
personalidad pwersonalidad kakataong nagig-
ing mahina ang
personalidad na
ipinakita habang
nagtatanong

Pansariling Ebalwasyon
Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, bilang mag-aaral ay inaasahang naunawaan
mo ang mga tinalakay na aralin.

Mga Kasanayang Aking Natutunan OO HINDI

1. Pakikipanayam/Interbyew

a. Nakagawa ako ng tiyak na tanong bilang gabay sa

pakikipanayam

b. Nakasunod ako sa paraan ng pakikipanayam

c. Nakapagsagawa ako ng isang pakikipanayam ayon sa

nais na paksa at sa taong kakapanayamin

Nagawa mo ba ang panghuling interbyu? Kung gayon maaari ka nang kumuha ng

Mastery Activity sa iyong guro.

61
Sanggunian
Badayos, Paquito B. et.al. 2000. Kudyapi Aklat sa Filipino III. Pasig City; Anvil
Publishing House.

Marquez Guimare, Aida et. al. 1999. Daloy ng Diwa III. Meycauayan, Bulacan:
Trinitas Publishing, Inc.

Marquez Guimarie, et.al. 2000. MITHI III. Meycauayan, Bulacan;Trinitas

Publishing, Inc.

Matienzo, Narciso V. 2000. Mabisang Filipino sa Sining ng Pakikipagtalastasan.

Manila; Marren Publishing House Inc.

Ortiz, Allan A. et.al. 2003. LIPI III (Batayang Aklat sa Literatura at Gramatika)
Sta. Cruz, Manila; Hope Publishing House.

Reyes, Maurita A. et..al. Hiyas ng Kayumanggi III. Quezon City; Abiva Publishing
House Inc.

Sauco, Consolacion P. 2001. Sining ng Komunikasyon (Binagong Edisyon) IV.

Quezon City: Omniscience Publishing Inc.

Suares-Buensuceso, Teresita at Espiritu, Jose Dakila. 1999. Retorika. Manila:

University of Santo Tomas Press.

62

You might also like