You are on page 1of 6

Filipino Reviewer:

Mga Tala Ukol sa Buhay ni Dr. Jose Rizal

Dalubwika – dalubhasa sa pagsasalita ng maraming wika.


Indeyalismo – paniniwala
Masasawata – napipigilan
Matayog – mataas
Mithiin – Layunin; naisin
Nagtamo – nagkamit
Pagpipigitan – paggalang
Pinilit – ikinulong
Simulain – paninindigan; prinsipyo
Sobresaliente -napakahusay

Dr. Jose Rizal – ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ang


taong may matayog na pagtingin sa kabutihan ng bawat
nilalang, lalong- lalo na ng kanyang mga kababayan ay
karapat-dapat pag-ukulan ng paghanga, pagpipigitan at
higit sa lahat ng puwang sa kaibuturan ng puso ng bawat
Pilipino. Ang dakilang taong ito, bagama’t patay na, ay
buhay pa sa alalaala ng bawat Pilipinong nagmamahal sa
kanyang simulain at ideyalismo.

Ang kanyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal


Mercado y Alonzo Realonda. Siya ay ipinanganak sa
lalawigan ng Laguna, noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Siya
ay ikapitong anak ni Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at ang asawa nitong si Teodora Morales
Alonzo Realonda y Quintos.
Noong ika-21 ng Nobyembre, 1849 ay ginamit ng
pamilya ang apelyidong Rizal na nangangahulugang
“luntiang bukurin.”
Ang kanyang inang si Donya Teodora ang kanyang naging
unang guro. Hindi lamang pagbasa, pagsulat, at
pagbilang ang natutuhan niya sa kanyang ina kundi
maging ang pagdarasal at pagsagot sa mga dasal.

9 na taong gulang si Jose nang siya ay ipinadala sa


Binyang at dito’y nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni
Ginoong Justiano Aquino Cruz.
Siya naman ay nagsimulang pumasok sa Ateneo
Municipal de Manila noong ika-20 ng Enero, 1872. Dito
siya nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip, at
nagtamo ng lahat ng mga pangunahing medalya at
notang Sobresaliente sa lahat ng aklat. Sa Paaralan ito ay
tumanggap siya ng katibayang Bachiller En Artes at
pagkailalang sobresaliente(Excellent), noong ika-14 ng
Marso, 1877.
Sa unibersidad ng Santo Tomas, nang sumunod na taon,
ay nag-aral siya ng Filosofia y letras at lumipat sa pag-
aaral ng medisina. Nagtapos din siya ng kanyang Land
Surveying sa Ateneo noong 1878. Nagtungo siya sa
Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang ipagpatulay
ang kanyang pag-aaral.

Sa Madrid Espanya, ay nagpatuloy siya sa pag-aaral ng


Medicina at Filosofia y Letras.
Taong 1884 ay nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles;
marunong na siya noon ng Pranses, sapagkat nag-aaral
na siya ng wikang ito buhat nang umalis sa Pilipinas.
Bukod sa mga wikang Italyano at Aleman sapagkat
naghahanda siyang naglagbay sa iba’t-ibang bansa sa
Europa.
Ayon kay Wencelao Retana na unang sumulat ng
talambuhay ni Rizal, ipinahayag ni Rizal na isinulat nito
ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong
nagtatapos 1884 o nang nagsisimula ang 1885; ang
isangkapat ay isinulat niya sa Paris , at ang isangkapat ay
sa Alemanya. Natapos ni Rizal ang Noli Me Tangere sa
Berlin noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Ipinalimbag ang
nobelang ito sa limbagan ng kapisanang itinatag ni
Ginang lette sa Berlin kung saan natapos ito noong taon
din iyon- Marso 1887. Dalawang libong(2,000) sipi
lamang ang ipinalimbag, at ang ibinayad niya sa
pagpapalimbag ay hiniram niya kay Dr. Maximo Viola,
taga-San Miguel, Bulakan. Ang nasabing halaga na
umabot sa Php 300 ay binayaran niya kay Dr. Viola nang
dumating ang padalang pera mula sa kanyang magulang.
Ang El Filibusterismo na siyang kasunod ng aklat ng Noli
Me Tangere ay ipinalimbag naman sa Chent,Belgium,
noong 1891.

Noong ika-8 ng Hukyo, 1892, ay itinatag ni Dr, Rizal sa


Maynila ang La Liga Filipina, isang samahan ang mithiin
ay ang mabago ang naghaharing sistema ng pamahalaan
sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at
hindi ng paghihimagsik. 21 taon pa lamang si Dr. Jose
Rizal nang lisanin niya ang Pilipinas noong ika 5 ng Mayo,
1882 upang magpatuloy sa pag-aaral sa
Espanya,Pransiya, at Alemanya. Nagbalik siya sa Pilipinas
noong ika-5 ng Agosto, 1887. Umalis siyang muli sa
Maynila noong ika-3 ng pebrero, 1888 upang magtungo
sa Europa;Hong kong,Yokohama(Japan); San Francico at
New York(US); at sa liverpool at London(US). Muli siyang
nagbalik sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1889.
Alinsunod sa kautusan ni Gobernador-Heneral Despujol
noong ika-7 ng hulyo, 1892, ay ipinatapon si Rizal sa
Dapitan noong ika-15 ng Hulyo noong taon din iyon dahil
sa bintang na siya’y may kinalaman sa kilusang ukol sa
paghihimagsik. Ito ay nasa isla sa hilagang-kanluran ng
Mindanao, sa Dapitan ay nagtayo si Rizal ng isang maliit
na paaralan at nagturo sa mga batang lalaki roon.

Siya’y binigyan ni Gobernaodr-Heneral Ramon Blanco ng


pahintulot na makapagkayag papupunatang Cuba. Ngunit
habang naglalakbay si Dr. Rizal, patungong Espanya nanag
magtatapos ang taong 1896 ay hinuli siya sa kanyang
sinasajyang barko nang dumaong ito sa Barcelona at
ibinalik siya sa Pilipinas.
Ipiniit si Dr. Rizal sa Maynila sa Real fuerza de santiago.
Nang iharap siya sa Hukumang Militar at litisin ay
nahatulan siyang barilin sa bugambayan.
Isinulat ni Dr. Rizal ang “Mi Ultimo Adios”(huling paalam).
Ito ang huling isinulat ni Dr. Jose Rizal bago siya binaril sa
bagumbayan(Rizal Park o Luneta ngayon) noong ika-30 ng
Disyembre, 1896.

You might also like