Professional Documents
Culture Documents
NARRATOR:
Inihahandog ng Saint Anthony Boys´ Village, ngayong selebrasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag
nito, ang isang natatanging Musical, at drama, tampok ang mga Interns sa pagpapamalas nila ng kanilang
mga talento at husay sa pagganap. Ating tunghayan ang kwento ng buhay, pangarap, pag-asa, pag-ibig at
inspirasyon na sumasalamin sa buhay ng ating mga interns. Ang kwento ng walang kapantay na pagmamahal
ni San Antonio de Padua sa paggabay, pag-akay at probidensya sa Saint Anthony Boys Village sa loob ng
lumipas na 25 taon.
SETTING: ITALY, deathbed of St hannibal. There are 5 priests, on giving him viaticum, last rite, there will
be some orphans crying entering slowly. Fr Hannibal asks the priest to take care of them and the many
children who are poor and abandoned; and entrust to St Anthony of Padua.
A symbolic statue will be given by St Hannibal to the succesors of him. Then the priests, stand up and travel
using the boat while holding St Anthony, Pachal candle and Cross with blue cloth.
Then the Commissioning of the successor priests will be played and choreographed with the music the
mission.
(Props needed: Big Candle if possible, the PASCAL CANDLE and WOODEN CROSS with BLUE CLOTH
on the CROSS; Sound of GONG) (Boys are from all corners of the venue, gather on the center stage and
choreograph the song.)
They travel to different countries, every flag with costume of countries welcome them. (Japan, India,
Indonesia, China, Philippines).
When they reached Philippines, the locals will receive the symbols, and turn-over to the Davaoenos. Then
they start dancing the Kadayawan, a festive local dance of Davao.
NARRATOR:
The night is calm and holy. Each one around the Padre is on a deafening silence. Tears flow from the
sorrowing hearts of the Rogationist priests. The orphans receive the final blessing of the saintly Padre.
With each tiny gleam-drop of night mist on the window, Father Hannibal gently with growing forceless and
numbness clenches his palm in prayer. He reaches out to His comrade and intercessor, the Patron of the
Avignione quarter, St Anthony of Padua, As his breath grows shorter… shorter and shorter. St Hannibal
makes his final act of entrusting the mission of the orphans to his successors. He closes his eyes and
embraces life’s final farewell. The sweet agony of death claims him. (soft music)
Death now folds his wings, takes over his heartbeat. He is now forever sleeping.. Lifeless among us, but
truly alive in heaven in the company of the holy angels and the saints.
SCENE 1: TONIO
Props: kama unan, kumot, damit pambahay, kurtina, banig. Tilaok ng manok. Gigising dahan dahan si
tonio.
Dialogue:
Naku! Ang mga baboy nga pla, kailangan ko ng magpakain ng mga alaga naming hayop.
-----continuation --------
Lolo Oscar: Mga Apo halina kayo at kakain na tayo. (Meet tonyo bless).. Gisingin mo na ang kapatid mo.
SCENE 2: TAPATAN
Background: table, pagkain.
**Kumakain
Lolo Oscar. Mga apo, magdasal muna… sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Panginoon
salamat po sa mga biyaya ninyo na patuloy ninyong pinagakakaloob sa amin, Salamat po Panginoon. Amen.
Lolo Oscar: Apo, lagi ninyong tandaan mag pasalamat sa panginoon sa lahat ng biyaya.
Lolo: ohh. Jonmark pasok ka, Napa aga ka yata. Halika sumabay ka na sa amin pagkain.. Kamusta ang pag
aaral mo sa mga pari..
Jonmark: ay mabuti nman po, sa katunayan po nyan nandito ako dahil may maganda akong balita sa inyo.
Ang mga pari po namin ay nagahhanap ng mga pag aaralin. Si Tonyo po. diba gagraduate sya ngaun..
Lolo: oo Jonmark, Naku salamat sa Diyos, narinig nya ang mga panalangin ko.
Lolo Oscar: Narinig mo ba yon Tonio. Gusto mo bang mag aral sa mga pari, dun sa Boys village kung san
nag aaral si JohnMark?
Tonio: Pero Lo, Paano po kayo at si Bunsoy? Pwede po ba dito na lang ako mag aral sa atin, mas malapit pa
at matutulungan kita.
Lolo: Tonio (hold the hands of Tonio), ayoko din naman na malayo ka sa amin ng kapatid mo, Isa
pa ,naasahan kita dito. Pero matanda na ako at hindi ko alam kung kakayanin ko pa makapagtrabaho. Sa mga
pari, doon sigurado magagabayan ka at makakapagtapos ka.
Diba gusto mong maging Doktor!!!!!! doktor ng mga hayop (comedy). Maaring ito na ang maging daan-----
para matupad mo mga pangarap mo. Mabait kang bata at may awa sa iyo ang Diyos.
Tonyo: Naintindhan ko po Lolo. (malungkot, kakapitan ni Lolo ang kamay ni Tonyo at ngingiti.)
JonMark: Hindi man bunsoy, doon lang mag-aral ang kuya mo.
Lolo: Baka naman ikaw Bunsoy ang magpapari. Basta laging mong tatandaan, Apo, nandito kmi ni Bunsoy
palagi. Pamilya tayo. Salamat JohnMark,
SCENE 3: INTERVIEW
Narrator: Makalipas ang ilang linggo, nagtungo si Lolo Oscar at si Tonyo sa St Anthony Boys Village,
kasama si JohnMark upang mag inquire sa proseso ng admission sa internship (naglalakad habang
namemeet ang ibang mga interns at magulang).
Dito, nakausap nila si Fr. Jaime, ang Superior ng Boy´s Village, (magmamano) mainit niyang tinanggap ang
mga bisita (uupo) . Habang silaý nag uusap, namanghang nagmamasid ang magkapatid na si Tonyo at
Bunsoy.
Lolo: (bow) Mabuti nman po Father, Masaya po kami na makarating dito sa inyong lugar. Excited nga po
ang mga bata ng malaman nila na pupunta kmi dito sa Village.
Tonyo: Opo Father. Anlaki po ng bahay ninyo, tapos may basketbolan pa! (masaya)
Narrator: Ngumiti si Father habang pinagmamasdan si Tonyo, nakita niya sa mga mata nito ang kagustuhan
nyang makapag aral. Bakas sa kanila ang mukha ng kahirapan, kaya ganun na lamang ang pagka antig ng
damdamin ni Fr Jaime.
------Music sad------
Fr Jaime: Tay, nalaman ko po kay Jon Mark na, mag-isa lng kayong nag aalaga kela Tonyo.
Lolo: Opo Father, 1 taon pa lang po si Bunsoy ng iwan sila ng nanay nila. Tonyo naman po mga 5 taon pa
lang nun. Mula po noon ako na ang tumayong magulang sa kanila. Kaya rin po kami nagbaka sakali Father
na magpunta dito, dahil naniniwala po ako na kaya ninyo syang magabayan at mapag aral. Matanda na po
ako Father, at hindi nrin po kagaya ng dati na malakas pa akong magtrabaho.
Fr Jaime: Tay , ano gamit niyo? Naka kotse siguro kau no? (pabiro)
Lolo: Ay hindi po Father, ano po, bisekleta lang po gamit ko.. Mahirap na rin pong maglako ngayon dahil
parati na pong sumasakit ang mga binti ko.
at naniniwala po ako na hindi nag tatagal magpakailanman ang ganitong uri ng mga sitwasyon. May plano
rin po ang Panginoon sa lahat ng mga bagay, siguro nga po isa rin sa mga plano niya ang pag punta niyo rito
sa Boy´s Village…… Tay ito po,ang misyon ng SABV ay ang matulungan ang mga bata na makapagtapos
sa pag-aaral, at magabayan sila upang maging mabuting Kristyano. Katulad ni Tonyo na gustung makapag-
aral
Narrator: Matapos mag usap ni fr. Jaime at lolo oscar, nag exam si tonyo para sa kanyang admission sa St.
Anthony Boy´s Village at umuwi na sila. Ilang araw ang lumipas at nakatanggap na nga sila ng sulat galing
sa St. Anthony Boy´s Village na nagsasabing nakapasa at pwede nang pumasok si tonyo sa susunod na
pasukan.
SCENE 4: FAREWELL
Background: Bunsoy natutulog, Si Lolo Oscar at Tonio naman ay nag-uusap habang nag-iimpake
Lolo Oscar: Apo, Tonio ihahatid kita bukas sa Saint Anthony Boys Village.
Tonio: Sasama po ba si Bunsoy. (lalapitan niya at, haplusin ang ulo ni Bunsoy)
Tonio: (Iiyak.)
Lolo Oscar: Halika Apo. (aakapin si Tonio) Apo, lagi mong tatandaan mahal na mahal kita. Heto! may
ibibigay ako sa yo. (ilalabas ang pendant at isususot)
Habang suot mo ito, kahit saan ka magpunta, kasama mo si San Antonio. Gagabayan ka niya palagi kahit
wala man ako sa tabi mo.
Tonio, malungkot na mag iimpake ng damit nya, dahan dahan nyang titingnan ang kanyan lolo at si bunsoy.
Iiyak sya at magiging sentimental. (tutunog ang music-sad)
Makikita nya ang litrato ng mama nya, aakapin nya ito, at iikot sya habang isinasayaw ito.
Ibabalik nya ito pagkatapos halikan. Uumpisa na ang music ng ¨Bohemian Rhapsody¨ magsusuot sya ng
coat. Papasok ang mga naka coat and tie na singer.-kakanta siya ng Bohemian rhapsody.
The interns enter the scene with all their bags and with a happy smile. They will say Hi and tlak to each
other.They greet all ----(Hello, ako nga pla si _____. Taga san ka)
Fr Jaime will also enter the scene and call their attention. They will sit. -papasok ng may dalang bags,
magkakamustahan. 30 seconds.
Fr. Jaime: Magandang araw sa inyong lahat. Ako nga pala si Fr. Jaime, ang Superior ng St Anthonys Boys´
Village na ito, ikinagagalak naririto´ kong kayo ngayon. Una sa lahat sa mga hindi pa nakakaalam na bagong
pasok na interns, ang buhay dito sa village ay naiiba sa buhay na alam at nakasanayan nyo sa inyong mga
tahanan at pamilya. Dito simple lang ang buhay natin. Dito may sinusunod tayo na schedule ng mga gawain.
May oras ang bawat activities natin dito. May panahon para magdasal, kumain, maglaro at mag-aral. Ang
pinaka importante ninyong dapatt tandan, ay ang tunog ng bell. Ang tunog ng bell, ang siyang hudyat ng
inyong mga schedule,hmmm.. sa tingin ko´y iyon lamang lahat, at ngayon ay iiwanan ko na kayo sa kamay
ng inyong Bro Assistant na si Bro Vincent (Tutunog ang bell paulit ulit)
-------CLOSE TELON- PREPARE THE BED------
PANTOMIME PRESENTATION
-RINGGGGGGGGGG
MEMBERS:
-------CLOSE TELON-
------
SETTING: Welcome Party for the Grade 7. (Yvan is emceeing—nakaupo na ang lahat.)
Narrator: Ilang Linggo ang lumipas at kinausap ni Fr Jaime si Fr Sebastian, ang Prefect of Discipline tungkol
sa adjustment ng mga bagong interns.
Fr Jaime: Fr Sebastian, kumusta ang mga Grade 7? May mga umiiyak pa ba?
Fr Sebastian: Nakaka-adjust na po ang karamihan sa kanila, pero iba po ang kalagayan ni Tonio. Malungkot
ang mga mukha niya. Kinamusta ko siya at nasabi niya sa akin na namimiss niya ang kanyang lolo at kapatid.
Fr Jaime: Unang beses malayo ni Tonyo sa lolo niya kaya naiintindihan ko na mahirap sa kanya ito. Alalayan
mo siya Fr Sebastian.
Fr Sebastian: Padre, siya nga po pala may Welcome Party po tayo sa mga bata ngayong darating na Sabado
Fr Jaime: OO sige, mabuti yan para maipamalas ng mga bata ang kani-kanilang talento.
Narrator: Sa kabilang banda naman, bakas parin ang pangungulila ni Tonio sa kanyang Lolo at kapatid.
Naging ugali na ni Tonio na kausapin ang imahe ni San Antonio simula ng maikwento ng Lolo niya ang
himala ng pagkaligtas ng buhay niya.
Tonio: (magsisindi ng kandila gamit ang psoporo, magdarasal) San Antonio, nalulungkot parin po ako.
Kamusta na kaya sila Lolo at Bunsoy? Namimiss ko ng katabi pagtulog si Bunsoy. Dito pakiramdam ko nag-
iisa ako. Kaya ko kayang tumagal dito San Antonio. Tulungan mo po ako. Kayo po ba nalulungkot din? Pero
hindi naman siguro kayo nalulungot kasi lagi niyong yakap si Baby Jesus. Hayyy.. Namimiss ko ng yakap si
Bunsoy. San Antonio pwede ko din po bang mayakap si Baby Jesus pra maibsan ang pangungulila ko kay
Lolo at Bunsoy.
Narrator: Sabado na ng gabi at araw na ng Welcome Party para sa mga Grade 7. Natapos na ang practice na
mga interns. Handa na si Tonyo sa kanyang ipapamalas na talento.
Yvan: Magandang gabi sa inyong lahat!!!! Handa naba kayo para sa welcome party natin?!
Yvan: Handa naba kayong ipakita ang mga ka gilagilalas na talents nyo?
Yvan: Okay…mabuti naman at ganon, ngayon tawagin na natin ang grupo ni Tonio para sa kanilang
presentation..oh hali ka rito Tonio…parang ang gwapo mo ngayon ahh…ano bang ipi-present mo?
Tonio: Ayyy mag ma-micheal jackson po ako kuya…idol ko po kasi siyang sumayaw (excited niyang
sasabihin)
Yvan: Micheal jackson?! Wowwww…….nakaka bilib talaga ang batang to…sige! Galingan mo ha…
Everyone, please welcome ang micheal jackson ng village!!! Tonio!!
MUSIC: Dangerous
(Pagkatapos ng sayaw, sobrang excited na pupunta ang mga interns kay Tonio dahil sa amazement nila sa
kanya. Magsasabi sila ¨Ang galing mo Tonyo¨..
-------end------
Part 1
ACT 1. CENTER
NARRATOR: Dalawang taon ang makalipas. Nagpatuloy si Tonio sa pagtupad niya sa kanyang mga
pangarap. Naramdaman ni Tonio ang pagmamahal ng isang pamilya sa Saint Anthony Boys´Village.
(nakikipag usap kasama ang mga interns then there will the sound of the bell)
Fr Jaime: Dear Interns, we will be celebrating the Feast of St Anthony this coming week on June 13. Please
prepare our House for this Great feast. We have to thank St Anthony for not failing to assist us all the times.
Tonio: (pupunta sa image ni St Anthony (alive)). St Anthony, thank you po sa patuloy mong pag-iingat sa
amin dito sa Village, sa mga pari namin kay Lolo at Bunsoy. Magpi-Fiesta na po kayo at magbibirthday narin
ako. Sana St Anthony, masagot na po ang panalangin ko.. (darating si Kaloy)
Kaloy: Tonio, napakaprayerful mo tlaga. Sana all. Lagi kang nagdarasal kay San Antonio, ano bang
pinagpipray mo sa kanya?
Tonio: Marami Kaloy Si Lolo, si bunsoy, sila Father,..ikaw..Sabi ng Lolo ko, Lagi daw akong magdasal sa
kanya kasi very powerful ang prayer Niya. Tingnan mo si San Antonio, isang bulong lang Niya kay Baby
Jesus, sagot na agad ang panalangin niya. Si San Antonio din ang Patron natin dito sa Boys Village. Sabi
nila Father sa kanya daw ipinagkatiwala ni St Hannibal tayong mga interns. Tapos alam mo ba Kaloy, si San
Antonio din ang Patron ng mga nawawala.
Tonio: oo, kahit nawawalang hayop, pati nawawalang tao, Si St Anthony ang lalapitan,
-----EXIT-----------------
ACT 3: CENTER
Narrator: Habang naghahanda ang mga interns, isang hindi inaasahang balita ang matatanggap ni Tonio!
Social Worker: OO Tonyo, may natanggap akong balita sa Lolo Oscar mo…..(pause) Nasa ospital ngayon
ang lolo mo at nagpapagaling.
Social Worker: Dinala siya sa Ospital kagabi. Minomonitor pa ng doktor ang kanyang kalagayan. Maaari
mong mabisita ang iyong Lolo Oscar.
----------------CLOSE TELON------------------
Part 2
ACT 1.
Narrator: Tumungo si Tonyo sa ospital upang makita ang kanyang Lolo Oscar. Lumabas ang resulta ng tests,
at nalaman nilang may tumor ang Lolo niya sa baga. Tumulo ang luha sa mga mata ni Tonio. Hindi niya
malaman kung ano ang gagawin. (pagdating ni tonio sa ospital, chineheck ng doctor si lolo using
stethoscope..
Doctor: Donio-
Lolo Oscar: Apo, huwag kang mag-alala sa akin. Ang isipin mo ang pag-aaral mo. Kailangan kang
makapagtapos.
Tonyo: Lolo, dito na lng po muna ako. Ako na muna ang magbabantay sa inyo.
Lolo Oscar: Apo, Tonyo. Magiging Ok ang lahat. May Awa ng Diyos.
ACT 2
NARRATOR: Samantala, si Fr Jaime ay namomroblema sa babayaran niyang tuition fee ng mga bata.
Fr Jaime: O Panginoon, saan po ako kukuha ng pambayad nito. 6 na zero Lord. Pwedeng 4 zero lang. Walang
anim na zero ang hawak kong pera. Sana po magpadala kayo ng tao na tutulong sa amin.
Fr Jaime: Fr Sebastian, halika at tawagin mo ang mga interns at magdasal tayo kay St Anthony..,
Fr Sebastian: oo Padre..
BELL: CALLING OF THE INTERNS-- (interns go to pray- kneel) (more time in prayer, well-disposed)
St Anthony with the baby Jesus walks and approaches Tonio. He will give Baby Jesus to Tonio and prays.
San Antonio at the back of Tonio wherever he goes and smiles at him. Tono walks to scenarios. First to the
hospital,
HOSPITAL: Lolo Oscar and bunsoy are praying, Then Tonio gives the child to Lolo. After they go out, the
doctor will come and they will bring the good news. The tumor disappered
CHAPEL: Fr Jaime receives baby Jesus and when they leave benefactor came with a check (BIG) contains 6
zeros.
KITCHEN: Fr Sebastian holds the baby Jesus, and sacks of rice will be received by him and bring to the
kitchen.. Then they sing the Hymn of St anthony with a ready procession.
They joyfully celebrate now the feast. Procession with Mama Mary- (touch of Mama Mary)
SCENE 9: DIAMONDS
Fr Jaime: Dear Interns, we are so blessed by God. Magpasalamat tayo sa Diyos at sa intercession ni San
Antonio dahil after ng prayer natin sa chapel, instantly a benefactor came to help us pay your tuition fees.
(everyone clap their hands)
At the same time, we also received 50 sacks of rice from anonymous family, They only sent us a message
that they are devotees of St Anthony. (clap)
And most especially, we thank God for the miracle of healing sa lolo ni Tonio. The doctor found out that the
tumor was miraculously disappeared,, (clap)
Fr Jaime: Your prayers, dear interns are precious in the eyes of God. They are like diamonds in the sky…
They attract God to gaze upon. Just like your prayers, you mesmerize him with the sweetness of your pleas.
Your Prayers are like Diamonds in the night sky…. (slowly exit,the dancers enter.)
BACK UP DANCERS: Vincent B, Eanjay, kusunuki, john mark, merbin , ivan, charles
They dance the Diamonds and change character from Kevin Arobo to John Paul.
BACKGROUND: SCHOOL
Tonio (JohnPaul) and Kaloy (Marc) ay matalik na magkaibigan. Habang nagkakakwentuhan, dadaan si Chloe
at Kyle, (tutunog ang Magandang Dilag)
Paul:OO (nafreeze)
Narrator: Hindi makakain at hindi makatulog si Tonio. Talagang, Nalove at first sight siya kay Marian.
Nabighani siya sa yumi at kahinhinan nito. Kahit sa panaginip niya, nakikita niya ang maamong mukha ni
Marian, (tunog Radio)
-----continuation-----
Brother: Oh Tonio, kumusta? Bakit parang balisa ka. May problema ba?
Tonio: Brod ilang araw na akong hindi makatulog eh… Parang may kabog sa dibdib ko..
Brother: ahhh ok nagets ko na.. Hindi ka makatulog, malakas ang kabog ng dibdib mo, hmmm tapos ohhhh,
ang ilong mo! May malaking tagihawat.. isa lang ibig sabihin nyan , Tonyo.,, In-love ka!(choir)
Brother: Tonio, normal lang yan… normal lang mainlove, sa edad mong yan,, You will experience Love and
Intimacy. Feelings yan, emotion, hindi mo siya makokontrol, pero Tonio, tandaan mo to ¨Love can wait¨. (I
can wait forever song)
Tonio: Anong ibig sabihin nun Brother?
Brother: Simple lang, ngayon you are studying, Nag-aaral ka para paghandaan ang kinabukasan mo, para
matulungan ang lolo mo at si Bunsoy.
Tonio: Oo Brod, yun din ang pangako ko sa lolo ko, na makapagtapos at matulungan sila. Yun din ang
nagdala sa akin dito, ung kagustuhan kong maging Veterenarian.
Brother: Tonio, May tamang panahon para sa lahat ng bagay. You talk to your heart. I know it will listen.
¨Love can wait¨
Brother: Tonio, If God meant you to be, He will find ways to make this love mature. Makakapaghintay
naman ang puso mo. At kapag handa na ang puso mong magmahal, it will be fruit of a patient love.
Tonio: Ang lalim naman nun Brod, hindi ko mareach. Pero naintindihan ko. I will focus on my studies, Mag-
aaral akong mabuti, para I can make my lolo proud, (I can wait forever)
Narrator: Mabilis na lumipas ang mga taon. Masigasig si Tonio sa kanyang pag-aaral. Natapos niya ang
Junior High at nagpatuloy sa Senior High. Minahal siya ng marami at nagsilbing mabuting ehemplo sa mga
kasamahan niyang interns. Sipag, Talino, Talento, Disiplina, at Kababang Loob. Ilan ito sa mga katangian ni
Tonio. Lagi siyang handa na magbahagi sa iba ng kanyang oras at kaalaman.
Background: Nag papractise para sa Salvo, Maraming interns, puno ang stage sa practise.
Tonio: Oks lang. Basta Para kay Lord , sulit ang pagod. (ngingiti)
Tonio: Alam mo ba Chino, noong Grade 7 ako, sumayaw ako ng Michael Jackson dance, Kabado ako nun..
Pero binigay ko yung best ko. Paulit ulit kong sinasabi ko sa sarili ko, kaya ko to, kaya ko to.. walang
imposible basta ibigay mo ang best mo. naniniwala ako sayo Chino..
Tonio: Kaya mo yan, nandito ako para turuan kita….ok,, (fistbump tapos magngingitian sila.)
Narrator: Dumating na ang araw ng Opening ng school. Handa na ang mga interns magpamalas nila ng
galing sa pagsayaw. Para sa kanilang Opening Salvo. Sit back Relax and Enjoy!!!!
-------------------------------SALVO DANCE--------------------------------------
Pagkatapos ng sayaw, magaakapan like brothers ang mga interns,, with all the big smiles shouting,,laughing
, maingay,,,and with a background song (memories)
Slowly they go out, and last person to go out is Kaloy and Tonio waiting for Chino..
Narrator: Unti-unting natutupad ni Tonio ang kanyang pangarap na makapagtapos. Mabilis na natapos ang
Academic year. Naghahanda na siya sa nalalapit niyang pagtatapos sa Senior High. Magkahalong emosyon
ang nagngingibabaw kay Tonio. Pasasalamat, Kasiyahan at kalungkutan. Ang napamahal na St Anthony´s
Boys Village ay magiging parte ng isang kahapon ngunit ang binuong ala-ala ay mananatiling buhay at
liwanag na tatanglaw sa mga susunod na kabanata ng kanyang paglalakbay.
Tonio: Sobrang masaya ako ngayon San Antonio. Ilang araw mula ngayon, magsusuot na ako ng toga at
maglalakad papuntang stage para kunin ang aking diploma. Ang bunga ng anim na taon kung pagsususmikap
sa pag-aaral. Masayang masaya ako. Salamat po San Antonio. Hindi ko alam kung paapano kita
mapasasalamatan. Ikaw ang umakay sa akin para makaya ko lahat ng pagsubok.
Malungkot din ako dahil lilisanin ko ang lugar na ito na nagsilbing tahanan ko. Ang mga kasama kong
interns na itinuring kong mga kapatid ko. Ang mga pari namin na parang tatay namin. Malungkot ako dahil
mamimiss ko ang buhay ko dito. Mamimiss ko ang tunog ng bell. Mamimiss ko ang bonding namin, mga
kakulitan. Hayy.
Umaasa din ako san Antonio na marinig niyo ang matagal ng ninananis ng puso ko. From the moment I wore
this necklace, I continued praying for a miracle. Sana po, San Antonio.
(darating si Fr Jaime)
Fr Jaime: Humahanga ako Tonio sa pagka madasalin mo at sa debosyon mo kay San Antonio.
Tonio: Sobrang laki po ng tulong sa akin ni San Antonio. At malaki po ang pasasalamat ko sa Boy´s Village.
Marami akong natutunan at nadiskubre ko ang mga talento ko . Salamat po Fr Jaime, tinuruan niyo akong
maging responsible, at mabuting Kristiyano.
Fr Jaime: Isa kang pagpapala sa amin Tonio. Dahil sa yo at sa mga kapatid mong mga interns, nagagampanan
namin ang aming misyon bilang tagasunod ni Hesus. Masaya ako na naaabot mo na ang pangarap mo, Tonio,
Naalala ko nung interview ko sa inyo ng lolo mo, nakita ko sa mata mo ang kislap ng pag-asa at pangarap.
Natatandaan mo pa ba ang sagot mo sa akin nung tinanong kita kung gusto mo dito sa Village.
Fr Jaime: (tatango) May nais akong sabihin sa yo.. (maglalakad papunta sa imahe ni San Antonio)
Malapit na ang graduation ninyo. At naisip kong itanong sayo kung nais mong magpatuloy s kolehiyo.
Tonio: Opo Father. Nais ko po sanang matupad ko ang pangarap kong mging Beterinaryo.
Fr Jaime: Tonio, ito ang magandang balita ko para sayo. Makakapagkolehiyo ka sa University kung saan
may offered course ng veterinary. SasagutiN ng Boys Village ang tuition fee at allowance mo.
Tonio: Maraming maraming salamat po Fr Jaime. (aakap kay Father) Titingin kay San Antonio
Narrator: Ito ang araw na pinakahihintay. Ang araw ng pagtatapos ni Tonio. Isang pangarap, isang pangako,
isang kwento ng pag.asa. Si Antonio, puso at pag.ibig sa pamilya ang puhunan niya sa pag-abot ng kanyang
mga pangarap. Ang kanyang buhay ay sumasalamin sa malaking pag-ibig ng Diyos-
God who has been faithful. God who have been so…so Good. And Tonio and the interns could only proclaim
and sing the Goodness of God. ------sing the Goodness of God (solo and choir)------
Tonio sings the solo part. As he sings, each one will enter the stage and congratulate him.
Last part after the embrace of Tonio and the mother. Tonio will give the necklace to St Anthony
and embrace him.
The End