You are on page 1of 3

PANIMULANG

PAGTATASA SA
FILIPINO
Grade Two

SI MILA
Si Mila ay nakatira sa
bukid. Maraming hayop sa bukid.
Marami ring halaman
sa bukid.
Maraming alagang
hayop si Mila.
May alagang baboy si
Mila.
May alaga din siyang baka at kambing.
Sa mga hayop niya, ang manok niya ang kanyang paborito.
Tiko ang pangalan ng
manok niya.
Si Tiko ay kulay pula
at puti.
Siya ang gumigising kay Mila tuwing umaga.
Masaya si Mila kapag naririnig ang tilaok ni Tiko.
L
evel: Grade 2 Bilang ng mga salita: 71
Mga Tanong:
1. Sino ang may alaga?
a. si Mila
b. si Olla
c. si Tiko

2. Saan nakatira si Mila?


a. sa zoo
b. sa Maynila
c. sa probinsya

3. Ano ang alaga ni Mila?


a. isda
b. buwaya
c. tandang

4. Paano ginigising ni Tiko si Mila sa umaga?


a. tumatahol
b. tumitilaok
c. umiiyak

5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng


kuwento?
a. Ang Tandang ni Mila
b. Ang Kambing ni Mila
c. Hayop sa Gubat
Gabay sa Pagwasto ng Panimulang Pagtatasa
sa Filipino

Gr. 2
Si Mila

1. a
2. c
3. c
4. b
5. a

You might also like