You are on page 1of 8

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG MARCOS

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


ARALING PANLIPUNAN 8 (KASAYSAYAN NG DAIGDIG)
Pangakalahatang Panuto:

 Gamitin ang ZipGrade na sagutang papel. Bilugan ang angkop na letra gamit ang BALL PEN;
 Huwag masyadong malapit sa kaklase. Siguraduhin mong may space kayo ng katabi mo kagaya ng hinihingi ng ex
mo;
 Huwag agad maniwala sa katabi, baka mauto ka ulit tulad ng ginawa ng ex mo sa’yo noon;
 Huwag OA, review your answers. Hintaying matapos ang oras, total sanay ka namang maghintay;
 Hindi kailangang matalino para pumasa sa asignaturang ito. Gawin mo lang itong prayoridad na bagay na hindi
nagawa ng ex mo sa’yo;
 Pag-isipang mabuti ang tamang sagot, baka magkamali ka tulad ng relasyon ninyong napakalaking pagkakamali;
 Takpan mong mabuti ang iyong sariling sagot; mahirap na, nasa iyo na nga maagaw pa ng iba diyan;
 Ngumiti at irelaks ang puso at isip. Hindi ka naman bibitawan puwede ka nga lang hindi pumasa kagaya ng taste ng
naging ex mo.

I. KAALAMAN SA TIYAK NA BAGAY. Basahin nang maigi ang bawat pahayag o katanungan
sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot.
1. Tinalo ng Sparta ang Athens noong:
A. 400 B.C.E. B. 401 B.C.E. C. 403 B.C.E. D. 404 B.C.E.

2. Ang Karagatang _______ ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa iba pang panig ng mundo
A. Aegean B. Red C. Caspian D. Mediterranean

3. Ang mga mainam na _____ na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa maunlad na


kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan
A. daungan B. sakahan C. minahan D. pangisdaan

4. Ang mga Minoan ay nakatira sa bahay na yari sa ___________.


A. luwad B. laryo (bricks) C. kawayan D. bato

5. Isa ito sa pinaniniwalaang unang nagawa ng Kabihasnang Minoan kung saan nagsasagawa ng
mga labanan sa boksing
A. arena B. teatro C. entablado D. istadyum

6. Ang mga klasikal na kabihasnan ng Europa ay umusbong sa mga pulo na napaliligiran ng


__________.
A. dagat B. tubig C. lupa D. bundok

7. Sakop ng kabihasnang Minoan ang mga lungsod ng Phaestos, Hagia, Triadha, Gournia, at
______.
A. Mallia B. Hallia C. Tallia D. Gallia

8. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing larong pampalakasan ng Kabihasnang Minoan?


A. Boxing B. Archery C. Basketball D. Soccer

9. Pinahahalagahan ng mga Minoan ang kanilang kalayaan at _______.


A. kayamanan B. kapangyarihan C. kapayapaan D. kultura

10. Narating ng kabihasnang Minoan ang tugatog ng kanilang kabihasnan noong


A. 1100 BC B. 1200 BC C. 1300 BC D. 1400 BC

11. Itinatag ng mga Ionian ang Ionia bilamg isang pamayanan sa bandang ______ ng Gresya.
A. kanluran B. hilaga C. silangan D. timog
1
12. Sino sa mga sumusunod ang nakakita at sumalo sa kambal na Remus at Romolus sa ilog?
A. baboy B. baka C. lobo D. unggoy

13. Itinatag sa kalagitnaan ng ika- ______ siglo BCE ng mga unang Roman na nagsasalita ng
_________, isang sangay ng wikang nabibilang sa Indo-European.
A. walo; Kastila B. walo; Latin C. siyam; Kastila D. siyam; Latin

14. Itinatag ang Rome sa pampang ng Tiber River noong __________.


A. 750 BCE B. 751 BCE C. 752 BCE D. 753 BCE

15. Tinuruan ang Romana ng mga sumusunod MALIBAN SA ISA, ano ito?
A. pagpapatayo ng gusaling may arko B. paggawa ng barko
C. paggamit ng bakal D. paggamit ng tanso

16. Sino sa mga sumusunod ang nagdala sa Roma ng sistemang politikal na magaling din sa sining,
musika, at sayaw
A. Etruscan B. Minoan C. Mycenean D. Asyano

17. Ano ang klase/uri ng pamahalaan mayroon ang Roma?


A. Republika B. Komunista C. Monarkiya D. Aristokrasya

18. Sino sa mga sumusunod ang naging Hari ng mga Etruscan na nagtatag ng Republikang uri ng
pamahalaan?
A. Noma Pompilius B. Tarquinius Priscus
C. Tarquinius Superbus D. Lucius Junius Brutus

19. Namuno sa Roma at napagtagumpayan si Lucius Junius Brutus na itaboy ang mga Etruscan
noong ________.
A. 509 BCE B. 510 BCE C. 511 BCE D. 512 BCE

20. Isa sa mga ipinagmamalaki ng Roma na pamana sa muindo ay ang pagbabatas. Ang batas na ito
ay tinatawag na __________
A. 12 Tables B. 10 Tables C. 9 Tables D. 8 Tables

21. Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa First Triumvirate?


A. Crassus B. Pompey C. Caesar D. Octavian

22. Ano ang dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang First Triumvirate?
A. dahil sa namagitang inggitan at kompetisyon
B. dahil sa lawak ng lugar na nasakop ng bawat isa
C. dahila sa dami ng kayamanang taglay ng bawat pinuno
D. dahil sa kaalamang taglay at lakas ng bawat isa

23. Sino sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Second Triumvirate?


A. Crassus B. Lepidus C. Anthony D. Octavian

24. Sino sa mga sumusunod ang bumuo sa Second Triumvirate?


A. Crassus B. Lepidus C. Anthony D. Octavian

2
25. Sino sa mga sumusunod ang pinagkaitan ng kapangyarihan dulot ng mahinang pamamahala sa
Gaul at Spain?
A. Crassus B. Lepidus C. Anthony D. Octavian

26. Sino sa mga sumusunod ang nagpakamatay ng akalaing nagpakamatay ang kaniyang iniibig na
si Cleopatra sa Egypt?
A. Crassus B. Lepidus C. Anthony D. Octavian

27. Sino sa mga sumusunod ang tinawag na imperator na ginawaran rin ng titulong “Augustus?”
A. Crassus B. Lepidus C. Anthony D. Octavian

28. Ano ang ibig sabihin ng titulong “Augustus?”


A. pagiging banal B. pagiging malakas
C. pagiging tanyag D. pagiging makapangyarihan

29. Paano nakatulong ang heograpikal na lokasyon ng mga kaharian ng Mali at Songhai sa pag-
unlad nito?
A. Napalilibutan ito ng mga anyong-tubig na nagbigay-daan sa pag-unlad ng pagsasaka
B. Nagsilbi itong tagapamagitan ng kalakalan ng ginto, asin, at iba pang produkto sa pagitan ng
kaloob-loobang bahagi ng Africa at ng mga Arab sa Sahara
C. Nakatulong ang kanilang lokasyon upang mapanatili ang kalayaan at kaligtasan mula sa banta
ng mga mananakop
D. Nagsilbing natural na proteksiyon ng imperyo ang malawak na disyerto ng Sahara

30. Alin ang naglalarawan sa sinaunang kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific?
A. Ang pangunahing kabuhayan ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay pagsasaka at
pangingisda.
B. Ang mga sinaunang mamamayan ng mga Pulo ng Pacific ay naniniwala sa banal na
kapangyarihan o “mana”.
C. Ang sinaunang relihiyon ng mga tao sa mga Pulo ng Pacific ay Animismo.
D. Ang mga sinaunang pamayanan sa mga isla ay matatagpuan sa mga lawa o dagat-dagatan.

31. Basahin ang pahayag:


I. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay
nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at
magtayo ng imperyo.
II. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing
ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.

A. Ang unang pahayag ay tama; ang ikalawa ay mali


B. Ang ikalawang pahayag ay tama; ang una ay mali
C. Ang dalawang pahayag ay parehong tama
D. Ang dalawang pahayag ay mali

32. Basahin ang pahayag:


I. Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico
hanggang Guatemala.
II. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 300 C.E.
A. Ang unang pahayag ay tama; ang ikalawa ay mali
B. Ang ikalawang pahayag ay tama; ang una ay mali
C. Ang dalawang pahayag ay parehong tama
D. Ang dalawang pahayag ay mali
3
33. Pinalawig ng mga pinunong tinatawag na “halach uinic” ang mga pamayanang urban na sentro
rin ng kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos. Ano ang ibig sabihin sa wikang Filipino ang
salitang nasalungguhitan?
A. “tunay na babae” B. “tunay na kaibigan”
C. “tunay na namumuno” D. “tunay na lalaki”

34. Basahin ang pahayag tungkol sa lipunang Maya:


I. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay
mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya, at cacao.
II. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay
may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan.

A. Ang unang pahayag ay tama; ang ikalawa ay mali


B. Ang ikalawang pahayag ay tama; ang una ay mali
C. Ang dalawang pahayag ay parehong tama
D. Ang dalawang pahayag ay mali

35. Basahin ang pahayag tungkol sa pyramid sa kabihasnang Mayan:


I. Ipinagawa ang templo upang pagdausan ng mga seremonyang pangkultural.
II. Gawa ang pyramid mula sa malalaking bato at mayroon itong apat na panig na may
mahabang hagdan.
A. Ang unang pahayag ay tama; ang ikalawa ay mali
B. Ang ikalawang pahayag ay tama; ang una ay mali
C. Ang dalawang pahayag ay parehong tama
D. Ang dalawang pahayag ay mali

36. Basahin ang pahayag tungkol sa pyramid sa kabihasnang Aztec:


I. Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy.
II. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”isang mitikong lugar
sa Hilagang Mexico.
A. Ang unang pahayag ay tama; ang ikalawa ay mali
B. Ang ikalawang pahayag ay tama; ang una ay mali
C. Ang dalawang pahayag ay parehong tama
D. Ang dalawang pahayag ay mali

37. Ang mga sumusunod ay mga pulo sa Pasipiko MALIBAN SA ISA, Ano ito?
A. Pilonnesia B. Melanesia C. Micronesia D. Polynesia

38. Ang salitang Inca ay nagangahulugang “___________.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang
namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes.
A. Bansa B. emperador C. hari D. imperyo

39. Basahin ang pahayag:

“Ang madalas na pagsalakay ng mga barbaro ay nagbigay ligalig sa mga mamamayan ng Europe,
dahil dito ay hinangad lang lahat ang pagkakaroon ng proteksyon kaya naitatag ang sistemang
Piyudalismo”.
Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
A. magulo ang Europe dahil sa pagsalakay ng mga barbaro
B. sa panahon ng kaguluhan, ang mga tao ay naghahangad ng proteksyon
C. mahina ang pamahalaan noon kaya dumami ang mga grupong barbaro
D. ang sistemang Piyudalismo ay sagot sa kahirapan sa buhay ng mga tao

4
40. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mga pagbabago sa mga Aztec ay si Tlacaelel, isang tagapayo
at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Ito ang nagbigay-daan upang
makasakop ngmga lungsod. Ano ang tawag sa kinokolekta nila sa mga lungsod na nasakop?
A. Abuloy B. Barya C. Buwis D. Donasyon

41. Ang mga sumusunod ay mga ginampanan ng simbahan sa paglakas ng Europe MALIBAN SA
ISA. Ano ito?
A. Ang simbahann ay naging sentro ng debosyon.
B. Sa pamamagitan ng simbahan, sila ang nagsilbing lider-pangispirituwal.
C. Ang mga pari at papa ang panginoong-maylupa.
D. Hindi nakapagbigay nang kahit na anumang uri ng kaginhawaan sa aspeto ng edukasyon.

42. Mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval ang paglakas ng simbahang Katoliko. Isang
bahagi nito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan. Alin sa mga sumusunod ang higit na
naglalarawan sa Kapapahan o sa Papa?
A. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng
Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.
B. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang pulitikal ng Papa bilang pinuno ng estado ng Vatican.
C. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa
kasalukuyan.
D. Simbolo ang Kapapahan ng malawak na kapangyarihan ng simbahang Katoliko noong
Panahong Medieval

43. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga uring panlipunan ng sinaunang Rome?
A. Censor at Praetor
B. Etruscan at Roman
C. Patrician at Plebeian
D. Maharlika at Alipin

44. Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong European dahil sa
panawagan ni Pope Urban II. Ano ang pangunahing layunin ng Krusada?
A. mapalawak ang teritoryo ng mga Kristiyano
B. mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga Turkong Muslim
C. mapalawak ang kalakalan ng mga bansang Europeo
D. mapalawak pa ang kapangyarihan ng simbahang Katoliko

45. Para sa bilang na ito, suriin ang sumusunod na pahayag: “ Our constitution is called a
democracy because power is in the hands not of a minority but of the whole people. When
it is a question of settling private disputes, everyone is equal before the law;…”
- PERICLES
Funeral Oration
Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. Nasusunod ang kagustuhan ng minorya sa pamahalaang Demokrasya
B. Nakasalalay sa kagustuhan ng nakararami ang ikauunlad ng bansa
C. Nakabatay sa batas at kapakanan ng nakararami ang pamahalaang Demokrasya
D. Naipahahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin laban sa pamahalaan

5
46. Para sa bilang na ito, suriin ang kasunod na Larawan

Batay sa larawan, ano ang pangunahing gawaing pangkabuhayan sa loob ng isang Manor?
A. Pakikipagkalakalan
B. Pagsasaka
C. Paglilingkod sa may-ari ng lupa
D. Paggawa ng iba’t ibang kasangkapan

47. Ang unang kabihasnang nabuo sa Crete ay tinatawag na Minoan. Yumaman ito sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ang sandatahang-panlakas ng Minoan.
B. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napapalibutan ng mga kabundukan isla ng Crete.

48. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado. bawat lungsod-estado ay malaya sa isa’t
isa at may sariling pamahalaan. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-hiwalay na
lungsod-estado sa sinauanang Greece?
A. Iba- iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece na naging dahilan ng pagtatatag ng hiwa-
hiwalay na lungsod-estado.
B. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe na isang mabundok na lugar.
C. Mahahaba ang mga daungan ng Greece na naging dahilan ng pagkakaroon ng maraming mangangalakal sa
bawat lungsod-estado.
D. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece na naging dahilan ng iba’t ibang kabihasang
umusbong dito.

49. Alin sa sumusunod ang pinakamabigat na dahilan ng pag-usbong ng Rome bilang makapangyarihan sa
Mediterrenean?
A. Nakatulong ang maunlad na aspetong pangekonomiya ng Rome kung ikukumpara sa mga karatig-lugar.
B. Natalo at nasakop ng Rome ang mga malalakas na kabihasnan sa Mediterrenean tulad ng Carthage at
Greece.
C. Naipagpatuloy ng Rome ang kalakasan ng kulturang Greece kaya naging makapangyarihan ito.

50. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahahati sa tatlong uri- mga Pari, mga
Kabalyero, at mga serf. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa mga serf?
A. May karapatan at kalayaang bumuo ng sariling pamilya ang isang serf.
B. Malaya nilang mapapa-unlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.
C. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.
D. Itinuturing na natatanging sektor sa lipunan ang mga serf.

Tapos mo na ba talaga ang pagsusulit? Kung mayroon ka pang oras na natitira upang balikan ang mga aytem upang
maiwasto mo ang mga inaakala mong hindi ka sigurado, gawin mo nab ago mo ito ipasa sa guro. Huwag mong itulad
sa nakaraang relasyon mo na ni minsan ay hindi mo sinubukang binalikan ang mga good memories ninyo.

6
Inihanda ni:

G. ERWIN L. ABLAO
DalubGuro I

Inaprubahan ni:

G. DENEY UCOL RUIZ


Pinunong Guro III
Tagapamanihala, MNHS-SC
Key TO Correction:
1. D
2. D
3. A
4. B
5. A
6. A
7. A
8. A
9. C
10. A
11. D
12. C
13. B
14. D
15. C
16. A
17. A
18. C
19. A
20. A
21. D
22. A
23. A
24. D
25. B
26. C
27. D
28. A
29. B
30. B
31. C
32. A
33. D
34. C
35. B
36. C
37. A
38. D
39. B
40. C
41. D
42. A
43. C
7
44. B
45. C
46. B
47. B
48. B
49. B
50. C

You might also like