You are on page 1of 2

AGES AND STAGES SCHOOL OF LIPA, INC.

Brgy.7, Granja, Lipa City


FIRST QUARTERLY EXAMINATION in FILIPINO 5
GRADES 456 DEPARTMENT

NAME: ____________________________________ SCORE:

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Bilugan ang letra ng may kasingkahulugan sa bawat di pamilyar
na salita.
1. Kulay ginto ang mga kubyertos ang pinagamit para sa mga bisita. Ano ang kahulugan ng salitang kubyertos?
A. kasangkapang ginagamit sa pagkain
B. kasangkapang sa pag-aalaga ng hayop
C. kasangkapan sa kubeta
D. kasangkapang ginagamit sa pagluluto
2. Humahangos siya nang makapasok sa bahay dahil sa pagmamadali. Ano ang kahulugan ng salitang
humahangos?
A. humihingal B. Inuubo C. Nagmamadali D. Mabagal
3. Kasama ko ang nakatatanda kong kapatid na tulog-mantika habang nasa biyahe. Ano ang kahulugan ng salitang
tulog-mantika?
A. mantikang natutulog B. mahimbing ang tulog C. patay D. pagod
4. Nasindak ang mga bisita sa guluhan kaya sila ay nagtayuan. Ano ang kahulugan ng salitang nasindak?
A. natakot B.nagustuhan C.humanga D.nalungkot
5. Nabasag ang paso na nasa kanilang lamesa. Ano ang kahulugan ng salitang paso?
A. Kaldero B. Kutsara C. Kawali D. Palayok
6. Ito ay karaniwang ngalan ng tao, tao, hayop, bagay, pook, kalagayan, at pangyayari; nagsisimula sa maliit na titik.
A. Pantangi B.Pandiwa C.Pambalana D.Panghalip
7. Alin sa mga pangngalan ang nananatili lamang sa isip, diwa o damdamin. Hindi ito nakikita at nahahawakan.
A. Dyaryo B. Kumpol C. Pagmamahal D. Lungsod
8. Ito ay mga salitang pantawag sa tao, bagay, pook, kalagayan, at pangyayari.
A. Pandiwa B.Panghalip C. Pang-uri D. Pangngalan
9. Alin sa mga pangngalan ang nakikita at nahahawakan?
A. Kalayaan B. Hirap C. Lapis D. Lungkot
10. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
A. Bugtong B. Salawikain C. Tula D. Pangungusap
II. Panuto: Isulat ang bawat pangngalan sa tamang hanay ayon sa kayarian nito.
ingat-yaman takipsilim bahay-bahayan
tagapayo barangay kagandahan
ari-arian pangingisda bulong-bulungan
alpabeto usap-usapan lungsod
kayamanan halamang-ugat silid-tulugan
anak-anakan serbisyo pagkabahala
longganisa laman dagat

Payak Maylapi Tambalan Inuulit


11. 16. 21. 26.
12. 17. 22. 27.
13. 18. 23. 28.
14. 19. 24. 29.
15. 20. 25. 30.

III. Panuto: Tukuyin ang kasarian ng mga sumusunod na pangngalan sa bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang.

______________31. Nakatitig ang lahat sa prinsesa habang siya'y sumasayaw.


______________32. Sabik na sabik ang mga mamamayan sa pagbisita ng pangulo.
______________33. Ang lolo ni Lisa ay dating sundalo sa digmaan ng mga Kastila at Amerikano.
______________34. Kulay puti ang damit ng mga dalagita sa kasal.
______________35. Nakaabang na ang buong pamilya sa harap ng bahay.
______________36. Ang inspektor ay ang ginoo na nakatayo sa labas ng tanggapan.
______________37. Napakaganda ng mga bulaklak at halaman sa hardin ng plaza.
______________38. Laging sinusundan ng mga sisiw ang inahin.
______________39. Kinuha ng nars ang blood pressure ni Tatay bago siya binigyan ng gamot.
______________40. Maganda ang sermon ng pari kahapon sa misa.
IV. Panuto: Isulat ang tamang panghalip sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

41. Ngayon lang kita nakita dito sa paaralan. Bagong mag-aaral _________ ba rito?
42. Sabi nila may bagong kamag-aral daw kami. ______________ ba ang bagong kaklase namin?
43. Ang pangalan ko ay Michael. ___________ ay siyam na taong gulang.
44. Ang tatay at nanay ko ay parehong guro. ___________ ang nag-aalaga at nagpapaaral sa akin.
45. Ang kapatid ko na si Ramces ay apat na taong gulang. _____________ ay nasa kindergarten.
46. Ikaw at ako ay magkaklase. _____________ ay mga mag-aaral ni Binibining Angela Perez.
47. Pumasok na sa silid-aralan sina Jim at Mica. ____________ ay ating mga kamag-aral.
48. Ako, si Jim, at si Mica ay magkakaibigan. Matagal na _________________ magkakilala.
49. Nakita ko na nag-usap kayo ni Lino. Magkakilala ba _____________?
50. Nariyan na si Binibining Angela Perez. _______________ ang ating guro sa Filipino at ESP.

V. Panuto: Tukuyin ang kaukulan ng panghalip sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang ang PL kung Palayon,
PA kung Paari, at PG kung palagyo.
__________51. Kami ay handa na sa pag-alis.
__________52. May uwing pagkain ang tatay sa amin.
__________53. Para sa iyo ang pagkaing nasa supot.
__________54. Hiningi nila ang mga sobrang kahoy at yero.
__________55. Inyo po ba ang mga pinamiling iyon?
__________56. Magsama-sama tayo tungo sa pag-unlad.
__________57. Ang inilipat na gamit ay kanila.
__________58. Akin ang hikaw na iyan.
__________59. Kayo ay parehong kasapi ng pangkat ni Karen.
__________60. Ako ang naatasan na maghanda.

You might also like