You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Bulacan
Pandi South District
BUNSURAN ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNAN
Summative Test No. 2

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______

I. Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang patlang kung ang pangungugsap ay nagsasaad ng
kahalagahan ng komunidad at ekis (X) kung hindi.

___1. Ang bawat bata ay kabilang sa isang komunidad na dapat pahalagahan.


___2. Mahalaga ang komunidad upang magkaroon ng pag – uugnayan ang bawat kasapi.
___3. Ang mga tao sa isang komunidad ay nagtutulungan para gumanda ang buhay.
___4. Kung may kapayapaan ang bawat kasapi ng komunidad ay may kaguluhang magaganap.
___5. Ang diwang pagkakaisa ng bawat kasapi ay isang mahalagang sangkap ng komunidad.
II. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

___6. Dito pumupunta ang mga taong may karamdaman.


a. simbahan b. ospital c. pamilihan
___7. Dito sama-samang naglalaro ang mga bata.
a. bahay-pamahalaan b. paaralan c. plasa
___8. Maraming nagtitinda at namimili sa pook na ito.
a. sementeryo b. palaruan c. palengke
___9. Ang mga sasakyan ditto ay naghahatid sa atin sa
a. simbahan b. terminal c. tahanan iba’t-ibang lugar.
___10. Dito namumuhay nang maayos at tahimik ang isang mag-anak.
a. tahanan b. paaralan c. plasa
III.Panuto: Iguhit ang mga kagamitan ng mga sumusunod na bumubuo sa komunidad.
guro tindera doktor pari

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
Division of Bulacan
Pandi South District
BUNSURAN ELEMENTARY SCHOOL
ESP 2
Summative Test No. 2
Name: __________________________________________________________ Date: ___________ Score: _______

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
kuwadernong gawain.
___1. Si Ken ay nanonod ng patimpalak ng pag-awit sa kanilang paaralan, anong kilos ang dapat taglayin
niya upang magbigay halaga sa mga kalahok?
a. Lalaitin ang kanilang pagbigkas.
b. Sisigaw habang sila ay umaawit.
c.Tumahimik at making sa pagtatanghal.
___2. Nag-eensayo si Mitch ng kanyang deklamasyon, ano ang gagawin mo?
a. Siya ay guluhin.
b. Siya ay bigyan ng suporta’t papuri.
c. Siya ay lalaitin dahil hindi siya mahusay.
___3. Pinagtatawanan ng ilang kaklase mo si May habang siya ay sumasayaw sa entablado, ano ang iyong
gagawin?
a. Sasabayan sila sa pagtawa.
b. Hindi makikialam at hayaan lang sila.
c. Pagsasabihan sila na irespeto si May.
___4. Si Mike ay Tim ay tumutula sa harap ng klase, ano ang iyong gagawin?
a. Makinig at tumahimik.
b. Sasabayan sila sa pagtula.
c. Guluhin habang sila ay tumutula.
___5. Sino sa mga sumusunod ang may mabuting pagpapahalaga sa ibinabahaging talento ng iba?
a. Si Fe na laging kinukutya ang kaklase.
b. Si Lyn na walang pakialam sa mga nangyayari.
c. Si Mar na laging ipinagmamalaki ang mga kaklase.
II. Panuto: Tukuyin ang mga uri ng pangbubuly. Basahin ang mga pahayag at isulat ang tamang titik
ng iyong sagot sa kwadernong panggawain.
___6. Uri ng pangbubully na nag-iiwan ng mga pasa o kahit anong sugat sa balat ng biktima.
a. berbal bullying b. pisikal bullying c. sosyal bullying
___7. Si Ben na nag-upload ng malalaswang larawan ng kanyang kakalse sa facebook ay anong uri ng
pangbubully?
a. berbal bullying b. cyber bullying c. pisikal bullying
___8. Pumasok si Maria na namaga ang mata sanhi ng buong magdamag na pag- iyak dahil sa masasakit na
pananalitang natanggap niya sa kanyang ina. Siya ay nakaranas ng anong uri ng pangbubully?
a. berbal bullying b. pisikal bullying c. sosyal bullying
___9. Nilait ka ng iyong kapatid dahil ikaw raw ay pandak. Anong uri ito ng pangbubully?
a. berbal bullying b. pisikal bullyng c. sosyal bullying
___10. Narinig mo ang usap-usapan sa paaralan na isa ka raw ampon na naging dahilan ng madalas mong
pagliban sa klase. Ikaw ay nakaras na ng anong uri ng pangbubully?
a. berbal bullying b. pisikal bullying c. sosyal bullying

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
Division of Bulacan
Pandi South District
BUNSURAN ELEMENTARY SCHOOL

MATHEMATICS 2
Summative Test No. 2

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______


I. Panuto: Piliin ang tamang simbolo na tinutukoy. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___1. Ano ang simbolo ng “una”?


a. 1st b. 2nd c. 3rd
___2. Ano ang simbolo ng “Ikalabing-anim”?
a. 16nd b. 16st c. 16th
___3. Limampung piso at limampung sentimo
a. ₱50.00 b. ₱50.50 c. ₱50.52
___4. Dalawang piso
a. ₱0.02 b. ₱2.00 c. ₱20.00
___5. Dalawampu’t limang piso
a. ₱20.05 b. ₱20.50 c. ₱25.00

II. Panuto: Isulat ang buong halaga ng mga pinamiling prutas ni Boboy.Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Mga Prutas
Si Boboy ay inutusan ng kanyang nanay na bumili ng prutas sa fruit stand. Sa tsart sa ibaba
makikita ang mga prutas at halaga na kanyang bibilhin.

Isulat ang buong halaga ng mga pinamiling prutas ni Boboy.Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Prutas Perang Papel Buong Halaga
6. Pakwan - ₱ 100 = ______________
7. bayabas - ₱ 50 + ₱50 = _______________
8. mangga - ₱ 20 + ₱ 20 + ₱ 20 = ______________
9. dalandan - ₱ 20 + ₱ 20 + ₱ 20 + ₱ 20 = ______________
10. mansanas - ₱ 20 + ₱ 20 + ₱ 20 + ₱ 20 +₱20 = _______________
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
Pandi South District
BUNSURAN ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 2
Summative Test No. 2

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______


I.Panuto sa Mag-aaral: Makinig sa babasahing pabula ng Magulang.

Ang Huwarang Pamilya


Sina Mang Piolo at Aling Cristy ay may huwarang pamilya. Ang kanilang mga anak na sina
Arcy, Elvie, Nancy, at Frank ay masisikap na mag-aaral. Ang panganay na si Arcy na nasa Baitang VI
ay nangunguna sa klase. Ang kambal na sina Elvie at Nancy ay masisigasig sa pagpasok, aktibo sa
talakayan, at napapasali sa lahat ng paligsahang pang-akademiko. Ang nag-iisang lalaki na si Frank ay
gumagaya sa masisikap niyang mga kapatid.
Naitataguyod naman ang kanilang pag-aaral sa pagiging masigasig ng kanilang mga magulang.
Ang mag-asawa ay responsableng gumagabay, nagdidisiplina, at doble kayod sa paghahanapbuhay
para itaguyod ang edukasyon ng mga anak. Ginagawa nilang araw ang gabi para mapaglaanan ang
pangangailangan ng pamilya. Kahanga-hanga ang pamilya nina Mang Piolo at Aling Cristy.

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

___6. Sino-sino ang anak nina Mang Piolo at Aling Cristy?


A. Arcy, Elvie, Nancy, at Frank B. Arcy, Elvie, at Nancy C. Nancy at Frank
___7. Ano ang tawag sa pamilya nina Mang Piolo at Aling Cristy?
A. huwarang pamilya B. masayang pamilya C. masipag na pamilya
___8. Bakit maituturing na huwaran ang kanilang pamilya?
A. mayaman sila
B. marami silang kakilala
C. matatalino at masisikap ang mga anak at responsable ang mga magulang
___9. Dapat bang tularan ang pamilya nila?
A. opo B. hindi po C. ewan ko po
___10. Ano kaya ang magiging buhay ng mga anak nila pagdating ng panahon?
A. maghihirap sila
B. hindi makapagtapos ng pag-aaral
C. magkakaroon ng maunlad at maayos na pamumuhay

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
Division of Bulacan
Pandi South District
BUNSURAN ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 2
Summative Test No. 2

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______

I. Direction: Encircle the correct word for each picture.


II. Direction: Write the beginning sound of each picture.

MTB 2
Summative Test No. 2

Name: ___________________________________________ Date: ___________ Score: _______

I. Panuto: Basahin ang talata. Ibigay ang Pangunahing Ideya nito. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

_____1. Sa kasamaang palad ay nagkasakit si Totoy dahil sa pagod at puyat sa gabi. Palagi siyang naglalaoro ng
Mobile Legend kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang sabi ng manggamot ay kailangan niyang magpahinga at
bawas bawasan ang paglalaro tuwing gabi. Kailangan niyang matulog sa tamang oras at kumain ng
masustansiyang pagkain.

A. Sa kasamaang palad ay nagkasakit si Totoy dahil sa pagod at puyat sa gabi.


B. Kailangan niyang matulog sa tamang oras at kumain ng masustansiyang pagkain.
C. Ang sabi ng manggamot ay kailangan niyang magpahinga at bawas bawasan ang
paglalaro tuwing gabi.

_____2. Maraming tanim sa paligid ng aming paaralan. Maraming mga puno, halamang
namumulaklak, gulay at prutas. Makulay at masagana.

A. Makulay at masagana.
B. Maraming tanim sa paligid ng aming paaralan.
C. Maraming mga puno, halamang namumulaklak, gulay at prutas.

_____3. Magandang huwarang bata si Melinda. Kahit nakakaangat sa buhay ay napakabait niya na at
mapagkumbaba.

A. Magandang huwarang bata si Melinda.


B. Kahit na nakakaangat sa buhay ay napakabait niya at mapagkumbaba.
C. Magandang huwarang bata si Melinda. Kahit na nakakaangat sa buhay ay napakabait niya at
mapagkumbaba.

_____4. Hindi mapakali si Aling Martha dahil may sakit ang kanyang anak. Pinupunasan niya ang may sinat
niyang anak. Pinapainom ng gamut at binihisan. Si Aling Martha ay isang maalagang ina.

A. Pinapainom ng gamut at binihisan.


B. Si aling Martha ay isang maalagang ina.
C.Hindi mapakali si Aling Martha dahil may sakit ang kanyang anak.

_____5. Ang ekonomiya ng bansa ay masagana. Mayaman at maraming produkto. Mataas ang bilang ng palitan ng
salapi. Lumalawak ang palitan ng produkto mula sa ibang bansa.

A. Mataas ang bilang ng palitan ng salapi.


B. Ang ekonomiya ng bansa ay masagana.
C. Lumalawak ang palitan ng produkto mula sa ibang bansa.

II. Panuto: Punan ng tamang salita ang pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa mga salitang nakatala sa
loob ng kahon

Banig lilim piknik bukirin kariton

1. Ang magkakaibigang sina Jane, Michelle, Rica at Nonah ay nagkayayaang mag______________ sa parke ng
kanilang paaralan
2. Araw-araw pumupunta si Mang Juan sa kanyan _______________ upang asikasuhin ang kanyang tanim na palay.
3. Inaantok na ang nakababatang kapatid ni Risa kaya naglatag siya ng _________upang makatulog na ang kanyang
mahal na kapatid.
4. Gustong- gusto ng mga bata ang maglaro sa ______________ng mga puno sa kanilang bakuran
5. Si ALing Marta ay nagtintinda ng mga gulay at prutas gamit ang ____________.

You might also like