You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
Division of Agusan del Sur
Prosperidad District IV
LUCENA NATIONAL HIGH SCHOOL
Lucena, Prosperidad, Agusan del Sur

UNANG MARKAHANG PASULIT


Filipino 9
Pangalan:_______________________________ Baitang/Seksyon:__________________ Iskor:____________
Guro:___________________________________ Petsa: ___________________________ Bahagdan:________
PASULIT I: PAKIKINIG (Komprehensyon): Pakinggan ang orihinal na teksto na babasahin ng dalawang (2) beses
habang nakataob ang inyong pasulit na papel. Matapos ang pagbabasa ng guro ay saka pa sagutan ang mga
katanungang nakapaloob sa bawat bilang. Itiman lamang ang titik ng napiling sagot
1. Ano ang pamagat ng tekstong binasa?
a. Ang Ama b. Anim na Sabado ng Beyblade c. Nang Minsang Naligaw si Adrian d. Si Mui-Mui
2. Sino ang pangunahing tauhan sa tekstong binasa?
a. Mga bata b. Si Mui-mui c. Ang Ama d. Ang Ina
3. Saan pumunta ang ama para mag-alay ng mga pagkain?
a. Sa bahay b. sa tabing gulod c. sa lagarian d.sa paaralan
4. Alin sa sumusunod na bahagi ng maikling kwento ang napabilang binasang bahagi ng teksto?
a. Kasukdulan b. Panimula c. Wakas d. Suliranin
5. Ano ang damdaming nais ipadama batay sa kinikilos ng ama?
a. Pag-asa b. Pagsisi c.Pagmamahal d. Pangungulila
PASULIT II: PAGBASA (Pag-unawa): Basahin ang mga tekstong nakatala at sagutan ang mga katanungan sa
bawat bilang. bilugan lamang ang titik ng napiling sagot.
Para sa mga bilang 6-10
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa
abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap
niyang maging isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-
asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at
pangalagaan ang kaniyang mga magulang.Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula
nang siyang maging ganap na doktor,pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina.
-Halaw mula sa “Nang Minsang Naligaw si Adrian”
6. Sino ang panguning tauhan sa tekstong binasa?
a. Ama B. Mui-mui c. Adrian d.Rebo
7. Bakit naiiba siya sa kanyang mga kapatid?
a. dahil siya lamang ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
b. dahil siya lamang ang naiiba ng propesyon sa kanilang magkakapatid.
c. dahil siya lamang ang nakapag-asawa sa kanilang magkakapatid.
d. Dahil siya lamang ang hindi naging matagumpay sa buhay.
8. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa tekto?
a. Nabuhay b. umalis c. nagpaalam d. namatay
9. Ang sumusunod ay makatotohanan tungkol sa mga kapatid ng pangunahing tauhan maliban sa ______.
a. Abogasya ang naging propesyon c. nasa ibang bansa na naninirahan
b. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral d. nakapag-asawa na silang lahat
10. Ilang pangungusap ang bumubuo sa teksto?
a. Sampu (10) b. Siyam (9) c. Walo (8) d. Pito (7)
Para sa mga bilang 6-10
“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.” Ikaanim na Sabado nang paglabas ni
Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang Beyblade at may-ari
nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang
gutom, walang hirap.
Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming naiwan at pag-aaralang
tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
-Halaw mula sa “ Anim na Sabado ng Beyblade”

11. Sino ang tuluyan ng namaalam sa pagsapit nang ikaanim na Sabado?


a. Mui-mui b. Adrian c. Rebo d. Ama
12. Sa pahayag ng nagsasalita sa seleksyon, anong damdamin ang mahihinuha?
a. Panghihinayang b. Pagtanggap c. Pagsisi d. Pagdurusa
13. Sa ika-walong pangungusap, Aling bahagi ng pananalita napabilang ang salitang sinalungguhitan?
a. Panghalip b. Pang-abay c. Pandiwa d. Pang-uri

14. Ano ang kahulugan ng salitang sinalungguhitan sa ika-anim na pangungusap?


a. matatanaw b. magtatago c. mayayakap d. makikita
15. Ilang talata mayroon ang seleksyong binasa?
a. Tatlo b. Dalawa c. Isa d. Apat
Para sa mga bilang 16-20
Isa sa pinakamahusay na mang-aawit sa Asya si Sitti Nurhaliza mula sa bansang Malaysia. Nagkamit siya ng
iba’t ibang awit-parangal hindi lamang sa kaniyang bansa kundi maging sa internasyonal na patimpalak. Isa na
rito ang titulong “Voice of Asia” nang makamit niya ang Grand Prix Champion mula sa Voice of Asia Singing
Contest na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.
-Halaw mula sa “Sitti Nurhaliza Ginintuang Tinig at Puso ng Asya”
16. Sino ang pinag-uusapan mula sa tekstong binasa?
a. Ram b. Sitti Nurhaliza c. Grannd Prix d. KZ Tandingan
17. Maitururing na salitang naglalarawan ang ______________.
a. Pinakamahusay b. ginanap c. nagkamit d. patimpalak
18. Ang salitang nasalungguhitan sa sanaysay ay nangangahulugang ______.
a. Pag-eensayo b. paligsahan c. pamahiin d. programa
19. Ano ang talentong taglay ng pinag-uusapan mula sa tekstong binasa?
a. pagguhit b. pagsayaw c. pagtula d. pagkanta
20. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pinag-uusapan sa teksto ay pinakamusay na mang-aawit?
a. siya ay nagkakawanggawa sa mga maghihirap b. nagmamay-ari siya ng production company
b. wala siyang naipanalong patimpalak kahit isa d. Nagkamit siya ng iba’t ibang awit-parangal
Para sa mga bilang 21-25
Habang abala sa paglalaro ang mga Kinnaree , inihagis ni Prahnbun ang lubid at matagumpay na nahuli si
Prinsesa Manorah. Ganun na lamang ang pagkaawa ng ibang mga kapatid ng prinsesa, ngunit sila’y walang
nagawa kundi agad-agad na lumipad.
-Halaw mula sa “ Alamat ni Prinsesa Manorah”
21. Ano ang inihagis ni Prahnbun sa mga Prinsesa?
a. Tubig b. Asido c. Lubid d. Apoy
22. Aling bahagi ng pananalita napabilang ang salitang sinalungguhitan sa teksto?
a. Pandiwa b. Pang-abay c. Pangalan d. Panghalip
23. Sa huling pahayag ng teksto mahihinuha na ang damdamin ng mga Kinnaree sa pangyayari ay__________.
a. Natutuwa b. kawalang pag-asa c. nagagalak d. nasasaktan
24. Bakit hindi napansin ng mga prinsesa ang panganib?
a. abala sila sa pagkukuwento c. abala sila sa pag-aaway
b. b. abala sila sa paglalaro d. abala sila sa paliligo
25. Sino ang nahuli ni Prahnbun sa kanyang paghagis?
a. Prisesa Minarah b. Prinsesa Kinnaree c. Prinsesa Manorah d. Prinsesa Attaiya
Para sa mga bilang 26-30
Nang sa tarangkahan , ako’y makabagtas
Pasigaw ang sabing , “Magbalik ka agad”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangit akong luha’y nalaglag…
At Ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;
-Halaw mula sa “ANG PAGBABALIK”
26. Sino ang nagsasalita sa tula? a. may-akda b. kapatid c. Ram d. Jose
27. Ano ang sukat ng tula mula teksto?
a. pipituhin b. wawaluhuhin c. lalabindalawahin d.lalabin-aanimin
28. Alin sa sumusunod na pahayag mula sa tula ang naglalahad ng pangako?
a. magbalik ka agad b. Oo, hindi magluluwat c. nabiyak ang puso d. tinunton ang landas
29. Bakit malungkot ang damdaming nangingibabaw sa akda?
a. dahil magkakahiwalay pansamantala ang dalawang taong nagmamahalan
b. dahil magkakahiwalay nan ang tuluyan ang dalawang pusong nasasaktan
c. dahil babalik na sa kani-kanilang buhay ang dalawang taong nagmamahalan
d. dahil namamaalam nan ang tuluyan sa isa’t isa sapagkat hindi na puwedeng magsama
30. Ano ang kahulugan ng salitang nasalungguhitan sa akda?
a. kasintahan b. katipan c. sinumpaan d. asawa
PASULIT III: PANITIKAN AT GRAMATIKA
A. Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Piliin ang mga kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan sa bawat
bilang. Itiman lamang ang titik ng napiling sagot.
31. Dumating sa libingan ang ama na may dalang supot ng pagkain.
a. kinatatakutan b. himlayan c. bakasyunan d. simbahan
32. Ang buwaya ng lipunan ay tanging pumipigil sa pag-unlad ng bayan.
a. kurakot b. mabangis na hayop c. tumutulong d. pagkakaisa
33. Pumuti man ang uwak, hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niyang pagtapak sa pagkatao ko.
a. Mapapatawad b. Imposible c. natatakot d. nasasaktan
34. Ang ulo ng aming pangkat noon ay si Kristine ngunit pinalitan siya nang magkaroon ng malubhang sakit.
a. kasapi b. kaaway c. Pinuno d. Kakampi
35. Nagbibilang ng poste si Glenn kaya palaging napapagalitan ng kanyang ina.
a. mayaman b. mahirap c. tamad d. walang trabaho
B. Pagsipat sa Natutunan
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang may kaugnayan sa Hanay A. Titik ang isulat ng napiling sagot sa patlang na
inilaan sa bawat bilang.
HANAY A HANAY B
_____36. Elehiya para kay Ram a. Ikalawang asawa na mas bata sa unang
asawa.
_____37. Taludtod b. Alamat ng Laos
_____38. Pang-abay c. Pat V. Villafuerte
_____39. Buwang hugis-suklay d. Ito ay uri ng kuwentong nakatuon sa
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
_____40 Mia-noi e. Higit sa literal ang pagpapakahulugan
_____41. Maikling kuwentong makabanghay f. Kahulugan na makikita sa diksyunaryo
_____42. Denotasyon g. Ito ay elemento ng tula na binubuo ng mga
pantig
_____43.Konotasyon h. Ito ay kataga o salita na ginagamit sa
pagdurugtong ng salita sa salita, parirala
sa parirala, pangungusap sa
pangungusap.
_____44. Alamat i. Ito ay nagbibigay-turing sa pandiwa,pang-
uri, at kapwa pang-abay
_____45.Pangatnig j. Ito ay uri ng kuwento na naglalahad ng
pagpapaliwanag kung saan nagmumula
ang iba’t ibang bagay.

C. Panuto: Hanapin ang titik ng salitang nagpapamali sa pangungusap. Itiman ang napiling sagot.
46. Si Aling Maria ang ama ng tahanan.
A B C D
47. Ang mga BATA ay naglalaro sa kalsada nang may biglang dumaan na sasakyan.
A B C D
48. Sumakit ang ngipin ni Rosana samakatuwid kumain siya ng maraming kendi.
A B C D
49. Abala si ana sa gawaing bahay samantalang si Rosa ay walang ginagawa.
A B C D
50. Walang saysay ang kanyang tagumpay kaya sa kanyang malubhang karamdamdaman.
A B C D

You might also like