You are on page 1of 8

K-4

ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

Aralin 3
PAGMAMAHAL SA KATOTOHANAN

MAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipakikita ang pagmamahal sa katotohanan
sa pamamagitan ng pagsusuri sa napapanood, nakikita at nababasa nang may mapanuring pag-iisip at
tamang pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan.

ARALIN
Ang pagmamahal sa katotohanan o Love of Truth ay ang pagiging totoo at tunay na dapat maisabuhay
at mapagsikapang mapairal sa lahat ng pagkakataon. Sabi nga "ang pagiging mapagmahal sa katotohanan ay
kinagigiliwan ng sinuman" mula dito nakabubuo tayo ng isang maganda komunidad at pagkatao
Ito ngayon ang hamon sa bawat tao – maging instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na
mapanindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya at mga pagpapahalaga. Nararapat nating suriin
ang katotohanan sa likod ng mga balita sa pahayagan, radio, telebisyon o social media upang hindi tayo
madaya ng mga maling impormasyon. Nararapat na maging mausisa at mapagtanong.

Ano ang balita? Ang balita o news ay isang impormasyon o ulat tungkol sa mga pangyayaring naganap sa
nakaraan, nagaganap sa kasalukuyan at magaganap pa lamang sa hinaharap.

Saan naakakakuha ng balita? Ang mga balita ay maaaring makita, marinig, o mabasa sa mga sumusunod:

pahayagan radyo telebisyon social media

A. Pahayagan - Sa pahayagan natin makikita o mababasa ang iba’t-ibang balita, patalastas, pagbati, at
marami pang iba.
B. Radyo - Sa radyo naman maaaring makarinig ng mga musika at iba’t-ibang napapanahong balita.
C. Telebisyon - Sa telebisyon mapapanood ang mga paborito mong programa, mga patalastas, at mga
balita.
D. Social media - Mayroong iba’t-ibang klase ng social media. Ang mga halimbawa nito ay facebook,
instagram, twitter at marami pang iba- kung saan maaari ka ditong makakita ng iba’t-ibang balita,
entertainment, at iba pang napapanahong impormasyon ng mga kasalukuyang pangyayari sa buong
mundo.

Ano ang dalawang uri ng balita?

A. Magandang balita- Ang magandang balita ay ulat tungkol sa mga positibong pangyayari o mga
bagay na mangyayari pa lamang.

K-4 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 1

K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

Mga Halimbawa:

Source: screenshot from GMA news TV and CNN news TV

B. Mapanghamong balita -Ito ay maituturing na hindi angkop para sa mga batang taga-panood ng
telebisyon, taga-pakinig ng radyo, o taga-basa ng mga diyaryo. Ang mga mapanghamong balita ay mga
balita na may kinalaman sa mga pangyayaring may:
 Karahasan
 Droga
 Mga hindi kanais-nais na Gawain

Mga Halimbawa: (Screenshot from GMA news TV)

Nakapanood ka na ba ng mga ganitong balita sa telebisyon? Huwag kalilimutan na ang panonood ng

mga ganitong klaseng balita ay nangangailangan ng patnubay ng magulang upang mabigyang linaw nila ang
mga kaganapang napapanood ninyo.

TANDAAN

Naipakikita ang pagmamahal sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa napapanood,

nakikita at nababasa nang may mapanuring pag-iisip at tamang pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas
ng katotohanan.

K-4 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

MGA PINAKAMAHALAGANG TANONG

1. Ano ang balita? Saan-saan nagmumula ang mga balita?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Ano-anong mga pamamaraan ang nararapat gawin upang masuri ang katotohanan ng mga balita?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
PORMATIBONG PAGSUBOK
I.PANUTO: Isulat sa patlang ang MD kung ang pangungusap ay halimbawa ng magandang balita, isulat
naman ang MH kung ang pangungusap ay halimbawa ng mapanghamong balita.

____1. Pulis, sangkot sa droga.

____2. Inaasahan ang pagdagsa ng mga turista sa bansa na magdudulot sa pag-ahon ng ekonomiya.
____3. Tuluyan ng natapos ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas gayundin sa iba pang bahagi ng mundo.
____4. Lalaki patay matapos umanong manlaban sa pulis.
____5. Maraming pilipino ang makakatanggap ng maagang pamasko mula sa kanilang
pinagtatrabahuhang kumpanya.

II. PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na larawan na nagpapakita ng mga balita sa telebisyon, sa
pahayagan, at social media. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay positibo, at isulat naman ang ekis (X) sa
unahan ng numero kung ito ay nakakasama. Ipaliwanag ang iyong sagot.

_____ 1. ______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

_______________________________________
_____2. _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

________________________________________
_____3. ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

K-4 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3

K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

________________________________________
______ 4. ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

________________________________________
______ 5. ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________

(Photos taken from various sources, print media and internet.)

KONTEKSWALUSADONG GAWAIN
I. Panuto: Punan ang hugis ng mga halimbawa ng iyong mga napapanood sa telebisyon. Magtala ng mga
impormasyon sa iyong napanood sa telebisyon. Isulat sa kahon ang mabuti at di mabuting bagay na nakita
mo mula rito.

K-4 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

PROGRAMANG MABUTING-ARAL HINDI

NAPANOOD MABUTING-
ARAL
1.

2.

3.

4.

5.

6.

MGA KAUGNAY NA BABASAHIN

 Author’s Pontigon, Harriet O., Cristobal, Guadalupe C., Watson, Rebecca T., De Guzman, Aladdin L.2018-
2019. Gintong Butil. Morayta:856 N. Reyes Sr. St., Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.

K-4 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

Aralin 4
PAGKAMATIYAGA

MAHALAGANG KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang naipakikita na sa pagtitiyaga, laging may
nakalaang gantimpala napahahalagahan ang magagandang bunga ng pagiging matiyaga.

ARALIN

Narinig niyo na ba ang kasabihang, “Kapag may tiyaga may nilaga”? Ano kaya ang nais ipakahulugan ng
kasabihang ito? Tama! Nais nitong sabihin na kapag ikaw ay matiyaga at pinagsusumikapang makamit ang
isang bagay, ito ay magbubunga ng maganda. O di kaya naman ay makakamit mo ang pinapangarap o
magandang plano mo sa buhay.

Nabasa o narinig nyo na ba ang kwento ng pagong at ng langgam? Natatandaan nyo ba ang mga aral na
napulot nyo sa kwento?

Masdan ang mga larawan mula sa kwento.

Ang pagong na lumaban sa isang kuneho sa paligsahan ng pagtakbo ay nanalo, hindi dahil sa bilis, kundi
sa unti-unti at matiyaga niyang paglakad.

Kapag ang tao ay marunong magtiyaga o magpunyagi, ang lahat ng kanyang pagsisikap ay laging may

Ang langgam na hindi nagutom dahil sa matiyagang

pag-iimbak ng pagkain bilang paghahanda sa
panahon ng taglamig.

kapalit na tagumpay o gantimpala. Sa pagtatiyaga ang mahirap na gawain ay napagagaan. Ang mahabang
gawain ay napapaikli at ang inaasam na tagumpay ay nakakamit.

Ang pagtitiyaga ay dapat isapuso at isaisip natin. Dapat din nating maunawaan na sa pagtitiyaga,
kinakailangan mo ang pasensya, pagtitimpi, at pag-unawa sa iyong ginagawa. Samahan mo pa ito ng mapanuri at
bukas na kaisipan upang lubos na maunawaan.

Mahalaga rin ang pagtitiyaga sa pag-aaral. Kung tayo ay may tiyaga anumang hirap ng pinag-aaralan ay
maaaring matutunan. Ngunit hindi lamang sa pag-aaral naipapakita ang pagtitiyaga. Ito ay maipapamalas din sa
mga pang araw-araw na gawain.

TANDAAN

“Kapag ang isang bata ay marunong magtiyaga, magtatagumpay siya sa lahat ng ginagawa.”

K-4 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

MGA PINAKAMAHALANG TANONG

I.PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Paano maipakikita ang pagtitiyaga sa pag-aaral ng isang batang katulad mo?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
2. Ano sa iyong palagay ang maidudulot sa isang tao ng pagtitiyaga?
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

PORMATIBONG PAGSUBOK

I. PANUTO: Isulat ang TAMA sa patlang bago ang numero kung ang pangungusap ay nagpapakita ng pagtitiyaga
at MALI naman kung hindi.

______ 1. Hinintay nina Aiza at Ana si Erika sa may Plaza kahit lagpas na sa takdang-oras ng kanilang
usapan.
_______ 2. Pinipilit tapusin ni Maria ang pagsagot sa kanyang takdang-aralin kahit na ito ay may
kahabaan.
_______3. Itinapon na lamang ni Rahul ang may punit niyang damit sapagkat ayaw niyang manahi.
_______ 4. Sumingit sa pilahan ng pagkain si Eva dahil nagugutom na siya.
_______5. Isa-isang pinulot ni Alexa ang natapong butil ng bigas dahil alam niyang bawat butil nito ay
mahalaga.
________ 6. Patuloy parin ang pagtulong ni Ash sa kanyang kamag-aral na si Grace kahit alam niyang
madalas itong hindi nakakatapos ng gawain.
________ 7. Tumutulong si Maya sa pag-imbak ng tubig tuwing hapon dahil ito lamang ang oras na
mayroong tubig sa kanilang lugar.
________ 8. Alam ni Kara na ang oras na iyon ang panonood ng kanyang kuya sa paborito nitong
estasyon ngunit inilipat niya parin sa ibang channel ang telebisyon.
________ 9. Inihiwalay ni Aryan ang mga papel ng kwaderno niyang walang sulat at itinahi itong muli
upang magamit.
________10. Hindi tinapos ni Iman ang kanyang pagdidilig dahil sabik na siyang makipaglaro sa mga
kaibigan.

KONTEKSWALUSADONG GAWAIN

K-4 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

K-4
ARELLANO UNIVERSITY
“For God and Country”

I. PANUTO: Tingnan ang mga sumusunod na larawan. Ipaliwanag kung bakit kailangan dito ang pagtitiyaga.

planting rice clipart - Google Search 1. Paghahanapbuhay

____________________________________________

2. Pag-aaral

3. Pagpapaunlad ng kakayahan

practicing skills clipart - Google Search

MGA KAUGNAY NA BABASAHIN

 Author’s Pontigon, Harriet O., Cristobal, Guadalupe C., Watson, Rebecca T., De Guzman, Aladdin L.2018-
2019. Gintong Butil. Morayta:856 N. Reyes Sr. St., Sampaloc, Manila: Rex Book Store, Inc.

K-4 EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8

You might also like