You are on page 1of 14

5

READING ENHANCEMENT
Activity Sheets
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikalawang Markahan
READING ENHANCEMENT ACTIVITY SHEETS (REAS)
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 5
Ikalawang Markahan
Unang Edisyon, 2022

Karapatang sipi © 2022


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Reading Enhancement Activity Sheets

Manunulat: Clarence T. Carreon


Lalaine G. Bańez
Jessie D. Fontanilla
Evelyn A. Generosa
Ernesto G. Ortiza, Jr.
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Cover Art: Eizenne Roxanne S. Pulmano
Tagaguhit: Maeludi M. Manongdo
Jasmine D. Colcol

Content Evaluator: Glenda B. Bernardo


Cherry Belle F. Del Rosario
Language Evaluators: Luisito V. Libatique, PhD
Blinda M. Balderas
Gemma C. Estacio
Design and Layout: Erma A. Banayat
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr. Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Schools Division Superintendent Asst. Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD Virgilio C. Boado, PhD
CID Chief EPS in Charge of LRMS
Michael Jason D. Morales Claire P. Toluyen
Project Development Officer II Librarian II
Melba N. Paz, EdD
EPS in Charge of EPP

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, San Fernando City, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph
READING ENHANCEMENT ACTIVITY SHEETS (REAS)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(Agriculture)
Ikalawang Markahan
Pangalan: _______________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________Distrito: ______________________

Kasanayang Pampagkatuto: Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng


halamang gulay sa sarili, pamilya at pamayanan (EPP5AG-0a-1)

Panuto: Basahin at unawain ang kwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Ang Gulayan ni Kiko


ni Clarence T. Carreon

Guhit ni Ernesto G. Ortiza, Jr.

Araw ng Sabado, kaarawan ni Kiko. Nasasabik siya sa araw na iyon. Maaga


siyang nagising. Bumangon siya sa kaniyang higaan at agad itong naghilamos.
Pumunta agad siya sa likod ng kanilang bahay, kung nasaan ang kaniyang taniman
ng mga gulay. Nagulat si Kiko sa kaniyang mga nakita sa kanyang gulayan.

“Wow! Tiyak na marami na naman kaming makukuha na gulay at maibebenta


ni Nanay,” saad ni Kiko. Marami siyang tanim na gulay doon tulad ng talong,
kamatis, okra, kamote, ampalaya, sitaw at marami pang iba na siyang
pinagkukunan nila sa pang-araw-araw nilang pagkain dahil nakapagbibigay ito ng
bitamina at mineral na kailangan para sa malusog at masiglang pangangatawan.

Agad na kumuha si Kiko ng tubig at isa-isa niyang diniligan ang mga ito.
Nilinisan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagtanggal o pagbunot ng mga ligaw
na damo. Nagsisilbing libangan at ehersisyo ni Kiko ang pagtatanim ng mga gulay
dahil bukod na nakatutulong ito sa kaniyang pamilya ay nakapagbibigay pa ito ng
sariwang hangin at napagaganda ang kapaligiran sa pamayanan. Hindi
namamalayan ang oras ni Kiko dahil giliw na giliw siya sa kaniyang mga tanim na
gulay. Agad siyang tinawag ng kaniyang nanay.

“Kiko anak, halika na at pumunta tayo sa bayan upang bumili ng rekado ng


pansit na paborito mo,” wika na kaniyang nanay.
“Sige po Inay,” sambit ni Kiko. Agad-agad na naligo at nagbihis si Kiko upang
samahan ang kaniyang nanay. Pagdating ni Kiko na galing sa bayan ay nagulat siya
sa kaniyang nakita dahil mas dumami pa ang mga bunga ng kaniyang tanim na mga
gulay.

“Ito na siguro ang pinakamagandang regalo sa aking kaarawan dahil higit na


makatutulong at mapauunlad ang aming buhay,” saad ni Kiko sa kaniyang sarili.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Sino ang may kaarawan sa kuwentong binasa?


A. Nanay B. Kiko
C. Kapit-bahay D. Tatay

2. Ano ang mga tanim ng tauhan sa kwento?


A. mga gulay B. mga prutas
C. mga halamang herbal D. mga halamang ornamental

3. Ang sumusunod ay mga pakinabang sa pagtatanim ng halamang gulay sa sarili,


pamilya at pamayanan maliban sa isa.
A. nagbibigay ng sariwang hangin
B. nagbibigay ng pagkain sa pamilya
C. nagsisilbing libangan at ehersisyo
D. nagbibigay ng dagdag gastusin sa pamilya

4. Ano ang makukuha ni Kiko sa pagtatanim ng halamang gulay?


A. pampalipas oras ni Kiko
B. ipagbili sa mataas na halaga
C. gawing laruan ang mga ito kapag lumaki
D. mapagkukunan ng pagkain at maibenta para kumita

5. Kung ikaw si Kiko, matutularan mo ba ang kaniyang ginawa?


A. Oo, dahil gusto kong ipakita sa mga tao kung ano ang aking kakayahan.
B. Oo, dahil malaki ang maitutulong nito sa aking pamilya at maging sa
aming pamayanan.
C. Hindi, dahil nakadaragdag pa ito sa aking mga gawain sa pangaraw-araw
kong pamumuhay.
D. Hindi, dahil may mas importante pa akong gagawin kaysa sa pagtatanim
ng mga halamang gulay.
READING ENHANCEMENT ACTIVITY SHEETS (REAS)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(Agrikultura)
Ikalawang Markahan
Pangalan: _______________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________Distrito: ______________________

Kasanayang Pampagkatuto: Naipakikita ang kaalaman, kasanayan at kawilihan sa


pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda (EPP5Ag-0e-10)

Panuto: Basahin at unawain ang tula at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Mga Alaga ni Tatay


ni Jessie D. Fontanilla

Guhit ni Maeludi M. Manongdo

Nawiwili si tatay sa mga manok niyang puti, itim at talisay ang kulay
Mga tilapia niyang iba-iba ang kulay ay kaniyang inaalagaang tunay.
Sa bawat pagsikat ng umaga, mga alaga’y sa kanya sabik na naghihintay
Parang mga anak ang turing sa kanila ni tatay dahil maalaga siyang tunay.

Minsan ako’y napasyal sa likod ng aming munting bahay


Upang tumulong magpakain sa mga alaga ni tatay
Napansin ko sa isang sulok ang isang inahing pasuray-suray
Agad kong tiningnan, natalian pala ito ng pising gutay-gutay.

Akin ding napagmasdan, mga tilapiang nagbibigay buhay


Naglulundagan, lumalangoy tuwang tuwa si tatay sa paghagis ng tinapay
Tila ba sa isip ko’y ang pag-aalaga ni tatay ay nakagagaan ng buhay
Sa aming pamilya ito’y nagdudulot ng buhay na matiwasay.
Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Sino ang tila sabik na naghihintay kay tatay?


A. mga anak B. mga kaibigan
C. mga kapitbahay D. mga alagang manok at isda

2. Ano-ano ang mga inaaalagaan ni tatay na nabanggit sa tula?


A. tilapia at hito B. manok at tilapia
C. kalapati at pugo D. mga manok at itik

3. Bakit napasyal ang anak sa likod ng kanilang bahay?


A. maglaro
B. hanapin ang kaniyang tatay
C. magpakain ng mga alaga ng kaniyang tatay
D. maglinis sa likod ng kanilang munting bahay

4. Kung ikaw ang magiging tatay, gusto mo rin bang mag-alaga ng manok o isda?
A. Oo, dahil nakawiwili kapag may alaga ka.
B. Hindi, dagdag gawain lamang ito para sa akin.
C. Hindi, dahil mabaho ang paligid kapag may alagang hayop.
D. Oo, dahil bukod sa sila’y nakawiwili, nakaaalis din sila ng stress.

5. Sa iyong palagay, paano nakagagaan ng buhay ang pag-aalaga ng hayop?


I. libangan at nakaaalis ng stress
II. maaring pagkuhanan ng masustansiyang pagkain
III. nagpapalala ng problema sa kakulangan ng pagkain
IV. maaaring ipagbili ang mga alaga para may dagdag-kita ang pamilya

A. I, II, at III lamang B. I, III, at IV lamang


C. II, III, at IV lamang D. I, II, III, at IV
READING ENHANCEMENT ACTIVITY SHEETS (REAS)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(Agriculture)
Ikalawang Markahan
Pangalan: _______________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________Distrito: ______________________

Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga


ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda. (EPP5AG-0e-11)

Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Ang Baon ni Elvie


ni Evelyn A. Generosa

Guhit ni Jasmine D. Colcol

Oras na nang pananghalian, niyaya ni Danica si Elvie na sabay na silang


kumain sa kantina. Kaagad namang sumama si Elvie dahil mas gusto niyang may
kasabay kumain.
“Halika na pumila na tayo beshie para makabili na tayo ng pagkain,” yaya ni
Danica.

“May baon akong dala beshie,” tugon ni Elvie.


Nang makabili na si Danica ng kaniyang pagkain ay kaagad namang inilabas
ni Elvie ang kaniyang baon.

“Wow ang sarap naman ng baon mong adobong manok at pritong tilapia,”
wika ni Danica nang buksan ng kaniyang beshie ang kaniyang baon. “Ganyan din
sana ang gusto kong baon kaso mahal na daw ang manok ngayon,” kuwento ni
Danica sabay buntong hininga.

Ngumiti si Elvie at sinabing hindi na sila bumibili pa ng karne ng manok dahil


maraming alaga ang kaniyang tatay. “Araw araw ay nangingitlog sila kaya hindi na
namin kailangan bumili pa. May maliit din siyang palaisdaan sa gilid ng aming
bakuran. Marami ring pumupunta sa bahay at bumibili ng manok at tilapia, dagdag
kita ito kay nanay,” kuwento ni Elvie sa kaibigan. “Napagtanto ni tatay at nanay na
maaari pala itong pagkakitaan kaya tulong-tulong kami sa pag-aalaga. Nagdudulot
ito ng kasiyahan at nagsisilbing libangan na rin namin. Nakatitipid din kami sa
gastusin,” patuloy na paliwanag niya.

“Maganda nga iyon,” pagsang-ayon ni Danica. “Ikukuwento ko ito kay tatay


at siguradong gagayahin niya ang tatay mo,” dagdag na pahayag ni Danica.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Saan bumili at kumain sina Danica at Elvie?


A. kantina ng paaralan
B. malapit na restawran
C. Sari-sari Store ni Ben
D. malapit na karinderya

2. Ano ang masarap na baon ni Elvie?


A. adobong manok at pritong tilapia
B. tinolang manok at paksiw na isda
C. adobong baboy at relyenong bangus
D. lechon manok at pritong galunggong

3. Ano ang dahilan ni Danica kung bakit hindi sila nag-uulam ng karne ng
manok?
A. ayaw ng kaniyang nanay
B. bawal sa kanilang pamilya
C. mahal na ang karne ng manok
D. hindi masarap ang karne ng manok

4. Ang sumusunod ay nagsasaad ng mga kabutihang dulot ng pag-aalaga ng


hayop, maliban sa isa.
A. nakatitipid sa gastusin ng pamilya
B. nakapapagod at nagiging sanhi ng sakit
C. maaaring pagkakitaan ang pag-aalaga ng hayop
D. nagdudulot ito ng kasiyahan at nagsisilbing libangan

5. Bakit kaya ikukuwento ni Danica sa kaniyang ama ang nalaman kay Elvie
tungkol sa pag-aalaga ng hayop?
A. Maaari itong gayahin ng kanyang ama.
B. Nais niyang mapagod ang kanyang ama.
C. Para yumaman sila at sumikat sa kanilang barangay.
D. Gusto niyang magtinda ng karne at itlog ng manok sa palengke.
READING ENHANCEMENT ACTIVITY SHEETS (REAS)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(Agrikultura)
Ikalawang Markahan
Pangalan: _______________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________Distrito: ______________________

Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga hayop na maaaring alagaan gaya


ng manok, pato, itik, pugo/tilapia (EPP5AG-0g-15)

Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Itik Din!
ni Ernesto G. Ortiza, Jr.

Guhit ni Jasmine D. Colcol and Rodel R. Rimando

“Ayos! Nakapagbenta na naman ako at dumarami na rin ang aking kustomer,”


wika ni Abdul. Hindi niya maitago ang kaniyang tuwa at napansin ito ng kaniyang
tiyuhin na siyang tumulong sa kanya upang makapagsimulang mag-alaga ng manok
na Plymouth Rock, isang uri ng manok na nakapagbibigay ng masustansiyang karne
at itlog.

“Kumikita ka na rin Abdul,” pabirong pahayag ng kaniyang tiyuhin. “Dati


libangan mo lang at para may uulamin kayo ng mga kapatid mo,” dagdag niya.

“Oo nga po tito,” masayang tugon ni Abdul. “May napag-aralan kami sa klase
Tito na mainam ang pato o itik sa lugar na malapit sa ilog. Malapit tayo sa ilog Tito
at gusto kong mag-alaga ng itik. Maaari po bang tulungan ninyo po ulit ako Tito?,”
tanong na may pagsabik ni Abdul.

“Makaaasa ka Abdul,” tugon ng kanyang Tito Manuel.


Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Anong uri ng hayop ang Plymouth Rock na inaalagaan at pinagkikitaan ni


Abdul?
A. itik B. manok
C. pato D. pugo

2. Kanino natuto si Abdul na mag-alaga ng manok?


A. sa kaniyang guro B. sa kanilang paaralan
C. sa kaniyang tito Manuel D. sa kaniyang mga kapatid

3. Anong hayop ang nais ring alagaan ni Abdul dahil malapit sila sa ilog?
A. itik B. pato
C. pugo D. tilapia

4. Sa palagay mo, mainam bang mag-alaga ng itik sa lugar na malapit sa ilog?


A. Hindi, dahil makapagdudulot ng sakit sa itik ang ilog.
B. Hindi, dahil tiyak na malulunod lamang ang mga itik sa ilog.
C. Oo, basta laging bantayan ang mga itik sa kanilang paliligo sa ilog.
D. Oo, dahil angkop sa mga itik ang malamig na lugar at may makukuha
silang pagkain sa ilog.

5. Kung iyong tutularan ang ginawa ni Abdul, alin sa sumusunod ang dapat
mong isaisip upang higit mong mapakinabangan ang paghahayupan?
I. dagdag-kita ito ng pamilya
II. dahilan ito ng paglaki ng utang
III. mainam itong libangan o pampalipas oras
IV. nakababawas ito sa gastusin lalo na sa pagbili ng ulam

A. I, II, at III lamang B. I, II, III, at IV


C. II, III, at IV lamang D. I, III, at IV lamang
READING ENHANCEMENT ACTIVITY SHEETS (REAS)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(Agriculture)
Ikalawang Markahan
Pangalan: _______________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________Distrito: ______________________

Kasanayang Pampagkatuto: Nasusunod ang mga tuntuning pangkaligtasan at


pangkalusugan sa pag-aalaga (EPP5AG-0i-17)

Panuto: Basahin at unawain ang kuwento at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Ligtas Ang May Alam!


ni Clarence T. Carreon

Tuwing bakasyon, umuuwi si Cyrus sa Barangay Sta. Rita Norte, ang


barangay ng kaniyang lolo Karding. Pagdating niya sa nasabing lugar ay agad siyang
nagpunta sa bukid ng kaniyang lolo. Sumalubong kaagad sa kanya si Bantay na
tuwang-tuwa na makita siya dahil sa malambing nitong mga kahol.

“Nakatutuwa naman dito sa bukid ni Lolo, malamig ang hangin at malinis ang
paligid,” wika ni Cyrus.

Masayang nilibot ng maglolo ang bukid. Tuwang tuwa si Cyrus habang


nakasakay sa traktora ng kaniyang lolo Karding. Nasubukan din ni Cyrus na
magpakain sa mga alagang hayop habang sila ay naglilibot sa bukid at talagang
nasisiyahan siya sa pagpapakain sa mga ito.

Isang araw, inutusan si Cyrus ng kaniyang lolo na magpakain sa mga alaga


nilang hayop. Habang siya ay nagpapakain sa mga biik ay mayroon siyang napansin
na isang biik na nahihirapang tumayo at parang nanghihina ito. Napag-alaman niya
na mayroon itong sakit kaya agad niyang naisip ang itinuro sa kanila ng kanilang
guro sa EPP tungkol sa mga panuntunang pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop.
Kumuha agad si Cyrus ng bota, guwantes at mask at isinuot ang mga ito.
Inihiwalay ni Cyrus ang biik na may sakit upang hindi ito makahawa sa iba. Agad
na ipinagbigay-alam ito ni Cyrus sa kaniyang lolo upang maisangguni sa beterinaryo
at mabigyan ito ng agarang lunas.
Malaking tulong ang napag-aralan ni Cyrus sa kaniyang asignaturang EPP
dahil nasunod niya ang mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-
aalaga ng hayop.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Saang barangay nagbakasyon si Cyrus?


A. Sta. Rita East B. Sta. Rita Sur
C. Sta. Rita Norte D. Sta. Rita West

2. Sino ang lolo ni Cyrus na nakatira sa Barangay Sta. Rita Norte?


A. Lolo Kasyo B. Lolo Karding
C. Lolo Kardo D. Lolo Kokoy

3. Anong uri ng hayop si Bantay?


A. aso B. pusa C. ibon D. kambing

4. Ano ang unang ginawa ni Cyrus bago niya inihiwalay ang biik na may sakit?
A. kumain
B. pinagmasdan lang ito
C. hinintay ang kaniyang lolo para ipagbigay-alam
D. kumuha agad ng bota, guwantes at mask at isinuot ang mga ito.

5. Anong panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop


ang naalala at ipinakita ni Cyrus sa nakitang sitwasyon ng biik?

A. pinulot ito at itinapon sa ibang lugar


B. inihiwalay agad ito upang hindi makahawa
C. agad niya itong kinuha at inilibing upang hindi na mahirapan ang biik
D. hinayaan nalang ito sa kanyang kinalalagyan hanggang ito ay mamatay
READING ENHANCEMENT ACTIVITY SHEETS (REAS)
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
(Agriculture)
Ikalawang Markahan
Pangalan: _______________________________________________________________________
Paaralan: ________________________________________Distrito: _______________________

Kasanayang Pampagkatuto: Naipaliliwanag ang palatandaan ng alagang maaari nang


ipagbili (EPP5AG-0j-18)

Panuto: Basahin at unawain ang pabula at sagutin ang mga kasunod na tanong.

Handa nang Pangbenta


ni Lalaine G. Bańez

Guhit ni Ernesto G. Ortiza, Jr.

Sa malawak na ilog ng Sta. Cruz ay may mga magkakaibigang hayop na nagkita


at nag-usap tungkol sa naging sitwasyon nila. Palundag-lundag sa tubig si Pia Tilapia.

“Wow! Pia,” sigaw ni Mandy Manok. “Sobrang saya mo ha!” wika ni Mandy.

“Oo, naman kaibigan kong Mandy. Dahil sa malakas na ulan kagabi, umapaw
ang tubig sa palaisdaan ni Mang Pablo kaya ako nandito ngayon. Alam mo ba na
mayroon siyang kausap kahapon?” tanong ng tilapia. Umiling lang ang manok.

“Sabi ni Mang Pablo na ang kaniyang mga tilapia ay tatlo hanggang apat na
buwan na o kaya’y 80-100 gramo na at maaari na silang anihin,” kuwento ni Tilapia.
“Kaya isa ako sa mapalad na napadpad dito sa ilog,” dagdag niya.

“Ako rin kaibigan, nakalabas din ako sa aming kulungan,” sambit ni Mandy.
Sabi rin ni Mang Pablo, “Si Mandy ay tumitimbang na ng 1.6 kg. sa loob ng 35 araw,
hugis-bilog ang harapan, malusog at hindi siya sakitin kaya puwede na siyang ibenta .”
“Laking gulat ko talaga, kaibigan! Mabuti na lang nakalimutan ni Mang Isko na isara
ang aming kulungan,” sambit ni Mandy.
Bigla namang dumating si Puloma na naiiyak.

Palundag na umahon mula sa tubig si Pia. “Magandang umaga, kaibigan kong


pugo! Bakit ka malungkot?” tanong ni Pia.

“Ang sakit sa pakiramdam mga kaibigan,” wika ni Puloma. “Nangitlog ako at


lahat ay binenta ni Mang Pablo sapagkat sariwa pa raw ang mga ito. Ang aking mga
kasamang pugo ay kilala sa kanilang mataas na uri ng karne at itlog. Sa loob lamang
ng 7 linggo ay puwede na rin silang ipagbili basta malusog. Sa sobrang takot, ako ay
lumayo,” pahayag ng pugo.

Biglang bumangon si Mang Pablo na gulat na gulat, mabuti panaginip lang pala.
Ang akala niya, ang kaniyang mga alagang hayop ay tuluyan na siyang iniwan.

Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Sino ang may-ari ng mga hayop?


A. Mang Kiko B. Mang Leo
C. Mang Pablo D. Mang Nilo

2. Kung si Pia ay isang tilapia, si Mandy ay isang manok, ano naman si Puloma?
A. ibon B. itik
C. kalapati D. pugo

3. Saan nagkita-kita ang magkakaibigang hayop?


A. bukid B. dagat
C. kalapati D. pugo

4. Bakit umiiyak si Puloma Pugo?


A. Pinagalitan siya ni Mang Pablo.
B. Binenta ang kaniyang mga itlog.
C. Nabasag ang kaniyang mga itlog.
D. Kinain ng alagang aso ni Mang Pablo ang mga itlog niya.

5. Paano natin masasabi na ang isang hayop ay puwede ng ibenta?


A. Ang tilapia ay dalawang buwan na o kaya’y 40-60 gramo.
B. Sa loob lamang ng tatlong linggo ay puwede nang ipagbili ang mga pugo
basta sila ay malulusog.
C. Tumitimbang ang manok ng 1 kg. sa loob ng 20 days, hugis bilog ang
harapan, malusog at sakitin.
D. Ang itik ay nasa hustong gulang na, dalawa hanggang tatlong buwan,
tamang timbang, malusog at mabuting mangitlog.

You might also like