Kung pa'no ako sasablay, matyagang nag-aantay Kung kailan ako tatamlay at lalaylay 'Yung mga laway na laway na Makita ako na mahina umay na umay na manira Ngalay na ngalay na manghila Kasi nga walang pinakitang hindi pamatay Nung napasarap mag rap ang daming nagbago Daming nagbago mula nung kilalanin ng tao Daming nagtulak sa'kin palaging maging ganado Palaging plakado 'pag gumalaw palaging planado
Daming pasabog kailangan
'pag malawak ang sakop Ikaw din ang talo sa laban 'pag nabalot ng takot kung sa'n ka aabot Hakutin lahat nang mahahakot 'Yung dami ng pagod ay may sukli 'pag 'di ka madamot At kung hindi ko tyinaga baka Nauwi na sa wala ganito pala 'to kalala Kita mo naman ang napala Pa'no kung hindi ko ginawa 'yung iba 'di makahalata Malaki na ang nakataya Marami na pwede mawala Kaya 'di na pwede pabaya Hindi pwede puro mamaya Baka sa huli mapahiya, totoo na parang himala Nagsimula sa ibaba, tiningala Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa Gumanda pa 'yung kalidad 'di mo nakitang binaba Dumarami pang nagdududa Puro kilos ang inuuna Ngayon kita mo namumunga, tumutubo na Napakarami ko nakukuha pero 'di Pa rin nalulula
Ta's sa ugali wala pa ring binago
Tao pa rin 'pag humaharap sa tao Pero 'pag usapang rap, paiba-iba 'ko Literal na may bago kang aabangan Sa tuwing may ilalabas na bago
'Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi
Para mas lalo sila ganahan 'di 'yung mga bago ko hanapin 'Yung iba naman nababawan pero 'di na para atupagin 'Di kasi nila maunawaan na 'yung bulsa ko pinapalalim Kahit papa'no naman naganapan Ko paunti paunti Gumalaw ng pino, hindi maitatanggi Iba din na laking Munti Tila may anting-anting sa galing Himala 'yung kuting ay naging kambing Sa dami ng hinain na putahe Pwedeng akalain malaking canteen 'Yung iba nakahalata na sa pang-anim na plaka Nagiging malala bigla Lalo 'pag babaliktad na binasa Bago magawa ang 'di ko pa Nagagawa maiba lang ang lasa Para maipakita ko na 'di ako Gumagawa nang basta basta
Ngayon lalo pang nananabik
Kasi meron nang bumabalik Gagawin ko pa rin nang gagawin Ngayon sa'n pa kaya ako nito dadalhin
Subok na subok na 'yung
Lagi niyong sinusubok 'to 'Yung mga nanubok 'yung ilong umusok tsaka kumulo tumbong 'Eto na ngayon 'yung mga Sinabihan niyong gunggong Sa tuktok na kami tumutungtong 'eto 'yung hindi niyo matutunton Tsaka ramdam niyo na rin na Pataas kami nang pataas Kada labas kahit hindi madalas Palakas pa rin nang palakas Sa'min na 'tong palabas Mabanas kayo nang mabanas Pagka-usapang 'Pinas Pasok kami d'yan hindi na mapapalabas 'Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papa'no Kasi kitang-kita niyo naman Malinaw pa sa klaro Sarili na lang ang tinatalo, oo Wala nang iba Halata kasi nga nung 'yung uso naiba Oh, 'di ba 'yung iba nabura