You are on page 1of 1

PAG -ASA

Tula ni : Cecilia T. Villalon

Pagmulat ng ating mga mata sa Diyos muna tayo umasa

Pagkat pagpapalaya niya ay tunay na matatamasa

Sa kabila ng maraming hamon at balakid sa buhay

Pag asay huwag mong isantabibagkus ihalayhay at isipin ito tuwina

Marahil nabibigatan ka na sa isip mo ay di mo na kaya

Patak ng luha mo ay hindi na mapigilan pa

Tahimik na paghagulgol ay siya mong kaakibat na

Pagdaloy ng luha sa iyong mga mata na tila di na namamalayan pa

Kaya kaibigan halika na pawiin mo na ang iyong pangamba

Tumingin ka at pagdaupin mga palad mong pagal na KA AT PAGDAUP

Diyos sa itaas na sa iyoy nakatingin sa tuwina

Kailanmay di Siya nagpapabaya lalo’t kailangan mo Siya

Tunay na pag -asa ay makakamit mo na

Basta sa kanya tunay na magtitiwala ka,

Lungkot at pagkadismaya ay walang magiging puwang pa

Sapagkat sa piling ng Diyos Ama walang humpay sa saya

Ay siyang tunay na pag-asa ay mapapasayo na.

You might also like