You are on page 1of 35

Gr.

3 Tagalog
Science
T.G
Week 6

1
YUNIT 1: Matter

2
Kabanata 1: Ang mga Solid

Ang kabanatang ito ay tumutukoy sa mga katangian ng mga solids


ayon sa kulay, hugis, sukat at tekstura. Ang mga solids ay may tiyak na
katangian na nagpapakita nang iba-ibang katangian o pagkakatulad sa
bawat isa.

Aralin 1: Katangian ng mga solid


Gawain 1: Ano ang mga katangian ng solid?

Layunin

1. Nailalarawan ang iba-ibang bagay na nasa hardin ng paaralan.


2. Nauuri ang mga bagay ayon sa katangian

Kagamitan
Iba-ibang bagay na makikita sa hardin ng paaralan

Pamamaraan
1. Bumisita sa hardin ng paaralan. Manguha ng iba-ibang
solid.
2. Magtala ng 10 solid na iyong nakuha.
3. Ilarawan ang mga solid ayon sa katangian.
4. Isulat sa tamang hanay ang ngalan ng mga solid na iyong
nakuha. Gawin ito sa iyong kuwadeno.

maliit malaki magaspang makinis bilog parisukat itim puti

Sa inyong kuwaderno o papel, sagutin ang sumusunod:


1. Paano mo ilalarawan ang solids?
2. Ano-ano ang katangian ng solids?
3. Ano ang iba pang katangian ng solids?

3
Aralin 2: Mga Katangian ng solid ayon sa kulay Gawain 2:
Paano mailalarawan ang mga solid ayon sa
kulay?
Layunin
Nailalarawan ang solid ayon sa kulay.

Kagamitan
Mga larawan at hangga`t maaari ay tunay na hinog at hilaw na
papaya, hinog na manga, hinog na kamatis, hilaw na
kamatis,talong at uling
Pamamaraan

1. Pag-aralan ang mga larawan ng solids.

2. Isulat ang kulay ng solid sa talaan.

Solid Kulay

Hinog na manga

Hilaw na kamatis

Hinog na kamatis

Hilaw na papaya

4
Hinog na papaya

pakwan

Talong

Uling

Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod:


1. Paano mo inilarawan ang mga bagay?
2. Lahat ba ng solid ay may tiyak na kulay?
3. Ano-ano ang kanilang mga kulay?
4. Ang mga solid ba ay may tiyak na kulay?

Aralin 3: Katangian ng Solid ayon sa Hugis


Gawain 1:Mabuting Pagkakahugis ng mga solid

Layunin
Nakikilala ang mga solid ayon sa hugis

Kagamitan

5
bola, pambura, kalamansi, plato, bayabas, kuwaderno, tatsulok
(instrumento ng Musika)

Pamamaraan
1. Kumuha ng 6 na bagay sa kahon.
2. Masdan ang hugis ng mga ito.
3. Isulat ang ngalan ng mga bagay ayon sa tamang hanay.

Bilog Parihaba Tatsulok

Sa iyong kuwaderno o papel, sagutin ang sumusunod:


1. Paano mo inuri ang mga solid?
2. Ano-ano ang mga hugis ng solid?
3. Ang mga solid ba ay may tiyak na hugis?

Aralin 4: Katangian ng mga Solid ayon sa laki o sukat.

Gawain: Nakikilala ang mga solid ayon sa laki o sukat.

Layunin
1.Nakikilala ang mga solid ayon sa laki o sukat.
2.Nasusukat ang mga solid gamit ang ruler.

Kagamitan
bag na may lamang solid,ruler

Pamamaraan
1. Kunin ang mga solid sa iyong bag.
2. Kilalanin ang mga solid ayon sa kanilang sukat, lagyan ng tsek (/)
ang angkop na hanay sa ibaba.
3. Itala ito sa iyong kuwaderno.

Mga Kagamitan/Solid Laki


Maliit Malaki

6
1. Sukatin ang solid gamit ang ruler.
2. Itala ang tamang sukat sa kuwaderno.

Solid Sukat (tamang sukat)

Sagutin ang sumusunod:


1. Paano mo nalaman ang mga sukat ng mga solid?
2. Ano ang iyong ginamit sa pagkuha ng sukat?
3. Nakuha mo ba ang tamang sukat ng solid? Paano?
4. Mayroon bang tiyak/tamang sukat ang mga solid?

Aralin 5: Katangian ng mga Solid ayon sa Tekstura


Gawain 1: Uriin ang solid ayon sa tekstura

Layunin
Nauuri ang mga solid ayon sa tekstura

Kagamitan
Bag o kahon na may lamang bato, bulak, buhangin, saging, karton,
papel de liha, rambutan, balat ng langka

Pamamaraan
1. Kunin ang laman ng inyong mga bag.
2. Sa iyong kuwaderno, isulat ang ngalan nang mga solid.Uriin ito
batay sa tekstura at isulat sa angkop na hanay sa ibaba.

Bagay Makinis Magaspang Malambot Matigas

Sagutin ang sumusunod:

1. Paano mo pinangkat ang mga solid?


2. Ano ang mga katangian ng solid na nakita mo?

7
3. Nailarawan mo ba nang wasto ang mga solid ?
Bakit?
4. Anong mahahalagang bagay ang natutunan mo sa gawain?
5. Ang mga solid ba ay may tiyak na tekstura?

Kabanata 2: Ang mga Liquid


Ang kabanatang ito ay tatalakay sa liquids bilang bagay na may
bigat o timbang, paraan nang pagdaloy nito, paano nagiging katulad ang
hugis nang kanilang pinaglagyan, paraan kung paano sila nakakukuha ng
lugar/espasyo sa sisidlan, at kung ito ay may lasa o amoy.

Aralin 1: Katangian ng Liquids


Gawain 1: Pangalanan ang iba-ibang liquids

Layunin
Natutukoy ang pangalan ng mga bagay na liquid
Kagamitan

8
Liquids na may iba-ibang katangian ng paraan ng pagdaloy,
sumusunod sa hugis ng lalagyan,at lasa at amoy
Pamamaraan:
1. Pumunta sa kantina ng paaralan.
2. Itanong sa tauhan ng kantina ang mga liquids na makikita dito.
3. Pangalanan ang bawat liquid.
4. Suriin ang liquid batay sa kung paano ito dumaloy, sa hugis ng
pinaglalagyan nito, at sa espasyo na nakukuha ng mga bahagi nito.
5. Tikman ang lasa o amuyin ang mga liquid nang
may pag-iingat (Kailangan ng gabay ng guro
6. Itala ang inyong nakita sa iyong kuwaderno.

Aralin 2: Paglalarawan ng Pagdaloy ng mga Liquid


Gawain 1: Paano dumaloy ang liquids?

Layunin

Nailalarawan kung papaano dumadaloy ang liquids.

Kagamitan
Gatas na kondensada, toyo, suka,shampoo,tubig,langis, 2 kutsara,
silag na mangkok

Pamamaraan

1. Kumuha ng 2 kutsara.

2. Hawakan ng kamay ang bawat kutsara tulad ng nasa larawan.


3. Sumalok ng isang kutsarang tubig at isang kutsarang suka.
4. Hawakan ang bawat kutsara nang kapantay ng siko.
5. Itagilid ang dalawang kamay ng sabay tulad ng makikita sa
larawan.

9
6. Itala ang iyong napansin sa iyong kuwaderno. Alin ang
mabilis na dumaloy, tubig o suka?
7. Gawin muli ang pamamaraan mula 2 hanggang 6 gamit ang iba pang
liquids na ipapares sa tubig.
(Tandaan: Tubig ang magsisilbing pagtutularan ng bilis ng daloy
ng likido.)

Pangalan ng Liquid Mabagal Mabilis bang Napakabilis


bang dumaloy? bang
dumaloy? dumaloy?
1. tubig
2.toyo
3. suka
4. shampoo
5. langis
6. gatas na
kondensada
Tanong
1. Magkasabay bang dumaloy ang liquid?
2. Aling liquid ang mas mabilis dumaloy?
3. Aling liquid ang mabagal dumaloy?

10
Aralin 3: Paglalarawan sa Liquid Ayon sa Uri ng Hugis
ng Lalagyan Nito
Gawain 1: May hugis ba ang mga liquid?

Layunin
Nailalarawan kung paano nakukuha ng liquid ang hugis ng
lalagyan/sisidlan

Kagamitan
Lalagyan/sisidlan na may iba-ibang hugis
liquid

Pamamaraan
1. Ilarawan ang 3 hugis ng lalagyan/sisidlan.
2. Kumuha ng 3 uri ng liquids.
3. Ilagay ang bawat liquid sa tig-iisang lalagyan/sisidlan.
4. Sa inyong kuwaderno, Itala ang iyong nakita.

Pangalan ng liquid Hugis ng liquid na ibinuhos sa lalagyan

11
1. Ano ang nangyari nang ibuhos ang liquids sa lalagyan?
2. Magkapareho ba ang hugis ng mga liquid?
3. Anong katangian ng liquid ang iyong nakita? 4. Anong
kaisipan ang ipinahahayag ng gawaing ito tungkol
sa hugis ng liquid?
5.May tiyak na hugis ba ang likido?

Aralin 4: Paglalarawan ng Liquid Kung Paano Nakakukuha


ng espasyo/lugar ang mga Liquid
Gawain 1: Nakakukuha ba ng espasyo ang liquid?

Layunin
Nailalarawan kung paano nakakukuha ng espasyo/lugar ang liquid

Kagamitan
Bato, tubig, beaker, basahan

Pamamaraan
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Lagyan ng tubig ang beaker.
3. Dagdagan ng tubig ang beaker.
4.Masdan ang mangyayari habang dinadagdagan ng tubig ang beaker.
5. Lagyan ng bato ang beaker na may tubig.
6. Masdang muli ang mangyayari.
7. Itala/Iguhit ang nakita sa kuwaderno.

Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang nangyari sa tubig ng iyong dinagdagan? Bakit?


2. Nang lumubog ang bato, ano ang iyong nakita sa ilalim ng baso?
3. Ano ang nangyari sa tubig? Bakit?
4. Ang tubig ba ay nakakukuha ng lugar/espasyo? Bakit?
5. Totoo ba na ang liquid ay nakakukuha ng espasyo/lugar?

12
Aralin 5: Paglalarawan ng Liquid Batay sa Lasa
Gawain 1: May lasa ba ang liquid?
Layunin
Nailalarawan ang lasa ng mga liquid.
Kagamitan
Gatas, juice, tubig, suka, hot sauce, softdrinks,ketsup, patis
Pamamaraan
1. Tikman ang bawat liquid.
2. Ilarawan ang lasa nito.
3. Lagyan ng tsek ang tsart ayon sa lasa.

Liquid Matamis Maalat Maasim Mapait Maanghang Walang


lasa

Sa iyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod:

1. Paano mo ilalarawan ang lasa ng iba-ibang liquid?


2. Ano ang lasa ng iba-ibang liquid?
3. Magkakapareho ba ang lasa ng lahat ng liquid?
4. Ano ang dapat nating gawin upang maiwasan ang
pagkalason kung titikman ang liquid?

Aralin 6: Paglalarawan sa Liquids Ayon sa Amoy Nito


Gawain 1: May amoy ba ang mga liquid?

Layunin

Nailalarawan ang amoy ng mga liquid.

Kagamitan

13
Patis, pabango, alkohol, ketsup, coke, hand sanitizer, shampoo, liquid
na sabon Pamamaraan
1. Ihanda ang mga kagamitan. Kilalanin ang mga
liquid.
2. Amuyin ang bawat liquid.Ilarawan ang amoy.
( Paalaala: Mag-ingat sa pag-amoy sa mga liquid.
Huwag ilapit sa ilong na mabuti ang mga liquid dahil
maaaring makapagdulot ito ng iritasyon.)
3. Itala ang iyong nakita.Gamitin ang talaan sa ibaba.

Liquid Mabahong Amoy Mabangong Amoy

Sa inyong kuwaderno, sagutin ang sumusunod:

1. Ano-anong katangian ang naaamoy mo sa liquids?


2. Paano mo pinangkat ang mga ito?
3. Magkakapareho ba ang amoy ng lahat ng liquid?
4. Kumunot ba ang iyong noo nang maamoy mo ang mabahong liquid?
Bakit?
5. May amoy ba ang mga liquid?

Kabanata 3: Ang Mga Gas

Ang hangin ay gas. Hindi ito nakikita ng ating mga mata ngunit ito
ay ating nadarama dahil ang molecules ng gas ay magkakalayo.
Tatalakayin sa kabanatang ito ang mga kaisipan na ang gas ay
walang tiyak na hugis ngunit sumusunod sa hugis na lalagyan;
nakakukuha ng espasyo, walang lasa at walang amoy.

Aralin 1: Paglalarawan sa Paraan ng Pagsunod ng Gas sa


Hugis ng Lalagyan Nito
Gawain 1: May hugis ba ang mga gas?

Layunin
Nailalarawan na ang gas ay sumusunod sa hugis ng sisidlan

14
Kagamitan
Iba-bang hugis ng lobo (walang hangin), tali

Pamamaran
1. Kumuha ng lobong may iba-iba ang hugis.
2. Hipan ito upang magkaroon ng hangin at talian ang bahaging malapit
sa butas nito.
3. Ilarawan ang hugis ng hangin sa bawat lobo.
4. Isulat ang iyong nakita.
5. Iguhit ang hugis ng hangin na nasa lobo.

Sa inyong kuwaderno, sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang nangyayari sa lobo habang hinihipan mo?


2. Umayon ba ang hangin sa hugis ng lobo?Ang hangin ba ay may
hugis?
3. Anong katangian ng hangin ang ipinapakita sa gawain?
4. Ano ang hugis ng hangin sa loob ng pinaglalagyan nito? Kailan
nagkakaroon ng hugis ang hangin?

Aralin 2: Paglalarawan na ang Gas


ay Nakakukuha ng Lugar o Espasyo
Gawain 2 : Nakakukuha ba ng lugar o espasyo ang gas?

Layunin
Nailalarawan na ang gas ay nakakukuha ng lugar o espasyo

Kagamitan
tissue,basong inuman,malaking mangkok na puno ng tubig

Pamamaraan

15
1. Ihanda ang basong inuman.
2. Ilagay ang tissue sa pinakailalim na bahagi sa loob ng basong
inuman upang di mahulog kapag binaligtad.
3. Lagyan ng tubig ang malaking mangkok.
4. Hawakan ang baso ng pabaligtad at mabilis na ilubog sa tubig.
5. Bumilang ng 1-10 habang hawak ang baso na nakalubog sa
tubig.
6. Dahan-dahang alisin ang baso sa tubig. Siguraduhin na ang
baso ay pantay na nakatayo habang inaalis sa tubig.
7. Masdan. Ano ang nangyari sa tissue?

Sa isang kuwaderno, sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang nasa loob ng baso?


2. Ano ang nangyari sa tissue?
3. Ano ang ipakikita ng gawain?

Aralin 3: Paglalarawan na ang Hangin, isang Uri ng Gas, ay Walang


Kulay

Gawain 3: Walang Kulay ang Hangin (Gas)

Layunin
Nakapagbibigay ng hinuha na walang kulay ang gas.

Kagamitan

Pamaypay na papel,lobo,salamin

Pamamaraan
1. Ihanda ang set-up.
2. Hipan ang iyong kamay. Mayroon ka bang naramdaman?
3. Hipan ang lobo. Ilarawan ang hangin nasa loob nito.
4. Kumuha ng kapareha, paypayan ang bawat isa. Ilarawan ang
hangin na nagmula sa pamaymay.

16
Panuto

1. Iguhit kung paano mo hinipan ang iyong kamay upang mapatunayan


na ang hangin ay walang kulay.
2. Ilarawan ang hangin na lumipat sa loob ng lobo at sa salamin.
3.Sa tatlong pangungusap, ilarawan ang kulay ng hangin na iyong
naramdaman habang pinapaypayan ang sarili at ang kapareha.

Mga Tanong

1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong hipan ang iyong kamay?


May hangin ka bang nakita na lumabas sa iyong bibig?
2. Nakita mo ba ang hangin sa loob ng lobo?
3. Ano ang iyong naramdaman nang paypayan ka ng iyong kapareha?
Nakita mo ba ang kulay ng hangin habang isinasagawa ito?
4. Anong katangian ng gas ang ipinakita sa gawain?

Kabanata 4: Ligtas na Paggamit ng Karaniwang


Solid, Liquid at Gas sa Tahanan at Paaralan

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa solid, liquid at gas na


karaniwang matatagpuan sa bahay at paaralan tulad ng solid,liquid at
gas. Nararapat na ilagay natin ang mga ito sa tamang lugar at markahan
ang mga lalagyan nito ng angkop na pangalan.

Aralin 1: Mga Karaniwang Solid, Liquid, at Gas sa


Bahay at Paaralan
Gawain 1: Talaan ng mga Karaniwang Produkto na
Makikita sa Tahanan at Paaralan

Layunin
1.Nakakikilala ang karaniwang solid, liquid at gas na makikita sa
tahanan at paaralan.
2. Tukuyin ang gamit ng mga karaniwang bagay na makikita sa
tahanan
Kagamitan
Papel, pen,manila paper
Pamamaraan

17
1. Gumawa ng listahan ng mga karaniwang bagay na makikita sa
paaralan at tahanan. Pangkatin ang mga gamit ang talaan sa ibaba.

Solid Liquid Gas

2. Pagpangkatin ang mga bagay na nakatala sa Bilang 1 gamitin ang


talahanayan sa ibaba.

Paglilinis
Pagpapa-- Pamatay
Pagpapa- Paglilinis ng
Pagkain Pagluluto ganda ng kulisap/
ganda Ng bahay katawan/
bahay peste
sarili

 Ano-ano ang mga karaniwang bagay sa tahanan at paaralan?


 Ano – ano ang gamit ng mga bagay na makikita sa tahanan at sa
paaralan?

Gawain 2: Masasamang Dulot ng mga Karaniwang Bagay na


Matatagpuan sa Bahay at Paaralan

Layunin
Nakikilala ang mga masasamang dulot ng mga bagay na makikita
sa tahanan at sa paaralan
Kagamitan
Pinaglagyan/pinagbalutan na mga bagay ng kagamitan
Pamamaraan
1. Basahin ang mga label ng karaniwang produkto/kagamitan na
makikita sa tahanan at tingnan ang sumusunod na simbolo.

18
Nagliliyab Toxic

Nakalalason Nakasisira
Narito ang ilan sa mga halimbawa.

2.Gamit ang talaan sa ibaba, pangkatin ang mga kagamitan ayon sa mga
nakapipinsalang epekto nito sa tao, at iba pang may buhay.

3. Isulat ang iyong sagot sa sanayang kuwaderno.

Nakalalason Toxic Nagliliyab Nakasisira

19
Gawain 3. Mga Gawain Upang Maging Ligtas sa Paggamit
ng mga Mapaminsalang Bagay

Layunin
Nailalarawan ang wastong paraan ng paghawak at paggamit ng
mapaminsalang bagay.

Kagamitan
Larawan ng wastong paraan ng paghawak at paggamit ng
mapaminsalang bagay

Pamamaraan
1. Tingnan ang mga larawan.
2. Isulat sa sagutang papel ang letra ng larawan na nagpapakita ng
tamang paggamit ng mga nakapipinsalang bagay.

a. b.

Lagyan ng pangalan ang iba-


Magsuot ng guwantes sa kamay
ibang kemikal at ilagay ang
at gas masks kung gagamit ng
mga ito sa lugar na hindi
mga pamatay sa insekto.
maaabot ng mga bata

c. d.

Palagiang tingnan ang tangke na Ilagay ang mga bagay na


ginagamit sa pagluluto. maaring lumiyab malapit
Siguraduhing ito ay nakasara sa lutuan
nangmahigpit.
Tanong
20
Susundin mo ba ang mga gawaing pangkaligtasan sa paghawak at
paggamit ng mga nakapipinsalang bagay? Bakit?

Kabanata 5: Mga Pagbabagong Nagaganap sa mga Solid,


Liquid, Gas

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa pagbabagong nagaganap sa


solids, liquids, gases kapag ginamitan o sinasalang sa init.Tatalakayin
din dito ang mga mga pamamaraan sa pagkuha ng temperatura gamit ang
laboratory thermometer.

Aralin 1: Pagsusukat ng Temperatura ng mga Bagay

Gawain 1: Mainit ba o Malamig?

Layunin
Nasasabi kung ang bagay ay mainit o malamig

Kagamitan
manila paper, marker/pentel pen

Pamamaraan
1. Tingnan at suriin ang bawat larawan sa ibaba.
Tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita ng
mainit o malamig na bagay.

21
(1) (2)
(3) (4)
Gamit/Bagay
2. Magbigay ng iba pang halimbawa ng mainitMainit ba? na bagay.
at malamig Malamig ba?

ningas ng kandila

2
sorbetes

3
kumukulong tubig

kumukulong sopas

iced tea
Isulat ang mga ito sa angkop na hanay sa talaan.

Mainit na mga bagay Malamig na mga bagay

22
Tanong
1. Kailan mo masasabi na mainit ang bagay?
2. Kailan mo masasabi na malamig ang isang bagay?

Gawain 2: Pagsukat sa Temperatura ng Mainit/Maligamgam

na Bagay

Layunin
1.Nasusukat ang mga temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig
na mainit/maligamgam gamit ang thermometer.
2.Nababasa nang wasto ang temperatura na nakasaaad sa
thermometer.
3.Napaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa gripo at
tubig na mainit/maligamgam.

Kagamitan
2 beakers/magkaparehong babasaging lalagyan tulad ng baso
laboratory thermometer
magkaparehong dami ng mainit/maligamgam na tubig at tubig
galing sa gripo

Pamamaraan
1. Pag-aralang mabuti ang laboratory thermometer.
2.Suriin ang mga tanda na makikita sa thermometer. - Ano
ang pinakamaliit na bilang sa thermometer?
Saang bahagi ito matatagpuan?
- Ano ang pinakamataas na bilang sa
thermometer?
- Saang bahagi ito matatagpuan?
- Anong yunit ng panukat ang ginamit?
- Anong simbolo ang ginamit upang maipahayag ang sukat
ng temperature?
3. Lagyan ng kalahating dami ng tubig ang beaker
galing sa gripo.

23
4. Hawakan ng patayo ang thermometer, siguraduhin na ang
bahagi ng bulb nito ang siyang nasa ilalim.
Ilubog ang thermometer sa beaker na may galling sa gripo. Ilubog
lamang ang bahaging mayroong bulb upang masukat ang temperatura ng
tubig.

Paalala: Huwag hawakan ang may kulay na pulang liquid sa loob ng


5. thermometer. At huwag hayaang lumapat sa ilalim ng beaker.
Tukuyin ang sukat ng temperatura ng tubig sa thermometer. Kunin ang
tanda na katapat ng lebel ng pulang liquid sa thermometer at itala ito sa
Talaan 1.
a.Ano ang temperatura ng tubig galing sa gripo?
(Ito ay Temperatura ng tubig galing sa gripo na ayon temperature
sa loob ng silid-aral)

Paalala: Sa pagbasa ng thermometer, sikaping kapantay


ng iyong mata ang lebel ng tubig sa thermometer.

6. Lagyan ng kalahating dami ng mainit /maligamgam na tubig ang


beaker.

Paalala: Maging maingat sa pagsasalin ng mainit/maligamgam


na tubig sa lalagyan. Maaaring ikaw ay mapaso o maaksidente.
Hingin ang tulong ng guro.

7. Ilubog naman ang thermometer sa


loob ng beaker na may mainit/maligamgam na tubig.

24
8.Suriin ang nangyayari sa lebel ng pulang liquid sa loob thermometer.

3. Tukuyin ang temperatura ng mainit /maligamgam na tubig pagkalipas


ng 5 minuto, isulat ang temperatura sa Talaan 1 sa ibaba.
- Ano ang temperatura ng mainit/maligamgam na tubig?

Talaan 1: Temperatura ng tubig galing sa gripo at mainit/maligamgam na


tubig

Kagamitan Temperatura (0C)


Tubig galing sa gripo
Mainit/Maligamgam na tubig

1.Paghambingin ang mga temperatura ng tubig na galing sa gripo at


tubig na mainit/maligamgam.
- Paano mo mapaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa
gripo at tubig na mainit/maligamgam?

2. Ilarawan ang epekto ng init sa tubig.


- Ano ang epekto ng init sa tubig?

Tanong

Ano ang iyong gagawin kung kailangan mo ng mainit o malamig na tubig


sa bahay?

Gawain 3: Pagsusukat ng Temperatura ng Malamig na

Bagay

Layunin

25
1. Nasusukat ang temperatura ng tubig na galing sa gripo at ng
malamig na tubig gamit ang thermometer.
2. Nababasa nang wasto ang temperatura gamit ang thermometer.
3. Napaghahambing ang temperatura ng tubig galing sa gripo at ng
malamig na tubig.

Kagamitan
2 beakers/magkaparehong babasaging lalagyan,
laboratory thermometer,magkaparehong dami ng tubig na malamig
at tubig na galing sa gripo,ice cubes

Pamamaraan
1. Lagyan ang beaker ng kalahati ng tubig galing sa gripo.

2. Ilubog ang thermometer sa


beaker na may tubig
galing sa gripo.
Hawakan ito nang
patayo.

Paalala: Huwag
hawakan ang bulb
ng thermometer. At
huwag hayaang
lumapat sa ilalim
ng lalagyan.

3. Suriin ang sukat ng tubig sa thermometer.

26
4. Sukatin ang temperatura ng tubig galing sa gripo. (Basahin
ang tanda katapat ng sukat ng pulang likido sa loob ng
thermometer). Itala ang temperatura sa Talaan
-Ano ang temperatura ng tubig galing sa gripo?
(Temperatura ng tubig galing sa gripo ayon sa
temperatura sa silid-aralan)

Paalala: Sa pagbabasa ng thermometer, dapat kapantay ng


inyong mata ang lebel ng pulang liquid sa thermometer.

5. Lagyan ng kalahating dami ng malamig na tubig ang


beaker.(Lagyan ng kaunting maliliit na yelo upang maging
malamig ang tubig).

6. Ilubog ang thermometer sa loob ng beaker na may malamig na tubig.

7. Suriing muli ang sukat ng pulang liquid sa thermometer.

27
8. Basahin ang temperatura ng tubig na malamig. Pagkalipas ng 5
minuto, itala ang temperatura sa Talaan 2 sa ibaba.
-Ano ang temperatura ng tubig na malamig?
Talaan 2. Temperatura ng tubig galling sa gripo at tubig na malamig

Kagamitan Temperatura (0C)


Tubig galing sa gripo
Tubig na malamig

9. Paghambingin ang mga temperatura ng tubig galing sa gripo at tubig


na malamig.
- Paano mo paghahambingin ang temperatura ng tubig galing sa
gripo sa tubig na malamig?

10. Ilarawan ang epekto ng pag-aalis ng init sa tubig.


- Ano ang epekto ng kawalan ng init sa tubig?

Aralin 4: Pagbabagong Nagaganap sa mga Bagay Sanhi ng


Temperatura
Gawain 1: Ano ang Mangyayari Kapag ang Kandila ay Nainitan o
Lumamig?
Layunin
Nailalarawan kung ano ang mangyayari sa kandila kapag ito ay
nainitan at lumamig.

Kagamitan
maliliit na piraso ng kandila,1 kutsara, makapal na tela, platitong seramik
, 1 piraso kandila,posporo

Pamamaraan
1.Balutin ang hawakan ng kutsara ng makapal na tela. Ilagay ang piraso
ng maliit na kandila sa kutsara. Tingnan ang nasa larawan.
2. Nasa anong anyo (solid, liquid, gas) ang maliliit na
piraso ng kandila?

28
3. Itayo ang kandila sa isang platitong seramiks at sindihan
tulad ng nasa larawan.
4. Hawakan ang kutsara at ilagay sa tapat ng may sinding kandila.

Paalala: Ang kutsara ay iinit. Mag-ingat sa

paghawak.

5. Initin ang kutsara na may lamang maliliit na piraso ng kandila ng


limang (5) minuto. Tingnan at pag-aralan ang mangyayari sa kandila.

- Ano ang nangyari sa maliliit na piraso ng kandila?

- Mayroon bang nagbago sa anyo ng kandila? Anong anyo


mayroon ito ngayon?

-Ano ang dahilan ng pagbabago ng anyo ng kandila?


- Ano ang epekto ng init sa kandila?

6. Alisin ang kutsara sa tapat ng may sinding kandila.


7. Maghintay ng ilang minuto hanggang lumamig ang kandila.
Suriin at alamin kung ano ang mangyayari sa kandila.
- Anong nangyari sa kandila ng lumamig?
- Mayroon bang pagbabago sa anyo ng kandila? Anong
pagbabago ang nangyari?
- Bakit nangyari ang pagbabago?
- Ano ang epekto ng pag-alis ng init sa kandila?
- Mayroon bang nagbago nang sindihan ang kandila?

29
Gawain 2: Ano ang Mangyayari Kapag ang Tubig ay Ininit?

Layunin
Nailalarawan ang mangyayari sa tubig habang tumataas ang
temperatura o habang naiinitan ang tubig
Kagamitan

beaker,tubig,pangguhit/pananda

Pamamaraan
1.Lagyan ng 10 ml na tubig ang beaker. Markahan ang beaker ayon sa
antas ng dami ng tubig sa loob.

2. Ilagay ang beaker na may tubig sa ilalim ng init ng araw sa loob ng


15 minuto. Tingnan at pag-aralan kung ano ang mangyayari.

3. Markahan muli ang lebel ng tubig sa loob nito.


a.May nakita ba kayong pagbabago sa antas ng dami ng tubig?
b. Ano ang ipinakita ng pagsusuri na ito?
c. Ano ang epekto ng sikat ng araw sa tubig?

d. Nasubukan mo na bang maglagay ng palanggana na may tubig


sa ilalim ng init ng araw? Anong nangyayari sa dami ng tubig?

Gawain 3: Ano ang Mangyayari sa Water Vapor Kapag

30
Lumalamig?
Layunin Nailalarawan
ang nangyayari sa water vapor kapag lumamig.
Kagamitan
ice cubes,kutsara,garapon na may takip, orange juice

Pamamaraan
1. Hawakan nang dalawang kamay ang walang laman na garapon.
- Ano ang iyong naramdaman?
2. Lagyan ng orange juice ang garapon (lampas ng kalahati nito)
katulad ng nasa larawan sa ibaba.
3. Lagyan ng ice cubes. Pagkatapos, mahigpit na ilagay ang takip
ng garapon.

4. Aluging mabuti ang garapon nang ilang segundo.


5. Hawakan ang ibabaw ng lalagyan ng ilang minuto.
-Ano ang iyong naramdaman?
- May hangin bang nakapalibot sa garapon?
- Mayroon bang water vapor na nakapalibot sa
garapon?
- Saan nanggaling ang water vapor ?

6. Ipatong muna ang garapon sa ibabaw ng mesa sa loob ng


dalawang minuto.

7. Pagkatapos ng dalawang minuto, tingnan at suriing mabuti ang


garapon.Hawakan ang ibabaw ng garapon ng ilang minuto.

31
- Ano ang iyong naramdaman at nakita sa ibabaw ng garapon?
- Ano ang kinalabasan nang pagsusuri mong ito?

Gawain 4: Ano ang Mangyayari sa Naphtalene Ball Kapag Nainitan?

Layunin

Nailalarawan ang nangyari sa naphthalene ball kapag nainitan o


inilagay sa lugar na may mataas na temperatura.

Kagamitan
maliit na piraso ng naphthalene ball
2 magkaparehong may kulay na platito, piraso ng
bato, piraso ng damit

Pamamaraan
1. Kumuha ng isang piraso ng naphthalene ball. Ilagay ito sa isang
kapirasong damit tulad ng nasa larawan.

Napthalene ball

2. Ibalot ito sa kapirasong damit.

3. Durugin ang naphthalene ball sa maliliit na bahagi sa


pamamagitan ng bato.
4. Hatiin ang durog na naphthalene ball sa dalawang bahagi.
5. Ilagay ang durog na naphthalene ball sa isang platito at ang
kalahati ay sa isang platito.

32
- Nasa anong anyo ang napthtalene ball (solid, liquid, gas)?
6. Ilagak ang isang (1) platito sa loob ng silid.

7. Ang isa naman na platito ay sa labas ng silid na nasisikatan ng


araw tulad ng nasa larawan.

8. Pagkalipas nh
10 minuto,
tingnan at
suriin ang
naphthalene ball sa una at ikalawang platito. Ilarawan ang iyong
obserbasyon.
- Ano ang iyong napansin?
- May nakita ka bang pagbabago sa kaanyuan ng
naphthalene ball sa dalawang platito?
- Ano ang sinasabi ng nakita mo?
- Ano ang epekto o dulot ng init sa naphthalene ball?
- May kaalaaman ba kayo sa camphor ball?

(komersiyal na ngalan ng naphthalene ball)

33
Gawain 5: Ano ang Mangyayari sa Hangin na Nasa Loob ng Bote at
Lobo kung Ito ay Mainitn o Palalamigin?

Layunin
Nailalarawan kung ano ang mangyayari sa hangin sa loob ng bote/lobo
kung ito ay paiinitin at palalamigin

Kagamitan

babasaging bote (may makipot na bunganga),lobo


2 maliit na palanggana,mainit na tubig,malamig na tubig

Pamamaraan

1. Kumuha ng lobo. Banatin ang


butas at ipasok sa bibig
ng bote tulad ng nasa larawan.

- May hangin ba sa loob ng bote?


- May hangin ba sa loob ng lobo?

2. Ilagay ang bote sa palanggana na may mainit na tubig. Masdan at


suriin ito pagkalipas ng 3 minuto.

34
- Anong nangyari sa lobo?
- Ano ang epekto ng mainit
na tubig sa hangin sa loob ng bote?
3. Ilipat ang bote sa palanggana na may malamig na tubig. Masdan at
suriin itong muli ang gawain pagkalipas ng 3 minuto.

- Anong nangyari sa lobo?


- Ano ang epekto ng malamig na tubig sa hangin sa
loob ng bote?

35

You might also like