You are on page 1of 10

ALTAR DE AGATHA

Narrative Report

AGENDA

Sa paunang gawain, inanyayahan ang mga estudyanteng dadalo sa gaganaping pagpupulong


upang mailahad sa kanila ang paksang tatalakayin. Sa pagpupulong na naganap ay pinag-usapan ang
proyektong nais gawin ukol sa layunin na magagampanan ng mga estudyante na mula sa kanilang naisip
na gawain. Ang pagpupulong na ito ay pinangunahan ng Class President ng room na si Nicole De
Guzman kasama ng kanyang Vice President na si Zena De Castro at ang punong tagapamahala ng
proyekto na si Nathaniel Elmido at Jose Emmanuel Ondoy bilang katulong nila sa pagpapaliwanag ng
mga gagawin.

Ang mga estudyanteng nagbigay ng opinyon ay kanya-kanyang nagreport ng mga gawaing


kanilang inirekomenda sa unahan upang maliwanagan ang mga kasali sa pagpupulong sa kanilang layunin
na nais gawin. Ang pagpupulong na naganap ay tinalakay ang mga paksang nais ipresenta sa gaganaping
proyekto. Ang mga proyektong napag-usapan:

 Anti - Dengue Kit,


 Pintura,
 Pinto ng CR,
 Tiles ng CR,
 Ceiling Fan,
 Flag Pole,
 Clean and Green Materials,
 Kisame ng CR,
 Water Dispenser,
 Free Printing for a Day,
 Hygiene Kit,
 Feeding,
 New Altar.

Ang mga nabanggit na proyekto ay masinsinang pinag-usapan, binigyan ng iba't-ibang opinyon


ng bawat estudyanteng kasama sa pagpupulong. Binanggit din dito ang mga posibleng positibo at
negatibong problemang pwedeng maging makaharap ng mga proyektong inilatag.

Sa pagbibigay ng opinyon ng bawat isa, dito napag sang ayunan na ang bagong altar na ang
gagawing proyekto na tinawag na “ALTAR DE AGATHA”. Ang lahat ng kasali sa pagpupulong ay
sumang ayon sa napiling gawain. Sa huli ay inilatag sa isang magandang proposal ang proyekto upang
masimulan ang naturang gawain.
KATITIKAN

Agenda: Pag-buo ng Panibagong Altar

Petsa ng Pagpupulong: ika- 18 ng Oktubre 2022, araw ng Martes

Oras ng Pagpupulong: Ika-2 hanggang Ika-4 ng hapon

Pinamunuan ni:

Nicole De Guzman - Presidente ng Klase

Zena Antonia De Castro - Bise Presidente

Nathaniel Elmido - Punong Tagapamahala

Mga Kalahok:

Buong Klase ng Grade 12 St. Agatha of Sicily STEM

Naging laman ng naging pagpupulong:

Sa pagpupulong na naganap, nagbigay ng mga suhestyon ang bawat isa na maaring gamitin para
sa proyektong isasagawa. Upang makapili at makapag desisiyon ay bumoto ang bawat indibidwal upang
malaman kung ano bang proyekto ang pabor para sa lahat. Napagkasunduan ng lahat na ang magiging
proyekto ay ang pag sasagawa ng bagong Altar.

Sa pag papatuloy ng pagpupulong tinalakay dito kung magkano ang maaring magastos, ano ano
ang kailangan at gagamitin para sa ALTAR DE AGATHA. Napag usapan din dito ang Pera na
kakailangan at gagastusin para sa proyekto na gagawin. Sumangayon ang lahat sa laki at halaga na 50
pesos na kontribusyon na pagkukuhanan ng gastusin upang maisagawa ang proyekto na ito.

Sa huling bahagi ng pagpupulong ay nag toka at nagbigay na ng kanya kanyang gawain sa bawat
isa ng klase upang makatapos at mapabilis ang pag gagawa ng Altar. Karamihan sa klase ay sila mismo
ang gagawa ng Altar, ang iba naman ay tatapusin ang Narrative Report, may taga-kuha ng litrato at bidyo
at ang iba ay tututok sa mga bilihin ng proyekto.

Sa ganap na Alas - 4 ng hapon ay nagtapos nang maayos at sang-ayon ang lahat sa pagpupulong,
umabot din ito ng humigit-kumulang dalwang oras.
PANUKALANG PROYEKTO

Deskripsyon sa Panukalang Proyekto

Ang proyektong napag-usapan ng buong STEM ay ang pagsasaayos o paggawa ng panibagong


altar, sapagkat ang dating altar ay mahuna at hindi na sobrang ayos tingnan. Isinagawa ito ng mga
estudyante sa pamamagitan ng masinsinang pagpupulong at pagtotoka sa mga gawain tulad ng mga
kalalakihan para sa pagbuo ng buong altar at halos kababaihan naman para sa narrative report. Ang grupo
nina Nathaniel Elmido ang namuno sa pagbuo, samantalang ang mga natira ay hinati para sa
documentary, powerpoint presentation, narrative report at mga magpre-present sa gurong nakalaan sa
aralin. Nagkaroon ng tatlong araw para maisagawa ang buong proyekto, Miyerkules at Huwebes ang
nilaan na pagpunta sa paaralan, habang Biyernes naman para sa pagtatapos ng lahat ng bahagi ng gawain
na isinagawa na lamang sa kani-kanilang tahanan. Pagdating naman sa halaga ng pagsasagawa ay umabot
ito ng Php 1,850.

Mga Tiyak na Layunin

- Maging presentable at maganda ang altar.


- Daan sa mas malawig na pagkilala sa ating santo.
- Instrumeto upang mas mapalapit sa Diyos.
- Makabuo ng isang maayos at magandang proyekto kasama ang buong seksyon.

Proseso

- Pakikinig sa guro upang malaman ang buong detalye na kailangan sa proyekto.


- Magsasagawa ng isang pagpupulong upang ipaalam sa buong seksyon ang napiling proyekto at
layunin nito.
- Pagtotoka o pagbabahagi ng gawain sa mga kalahok.
- Paglalahad ng kabuuang badyet sa panukalang proyekto.
- Pagsasagawa ng naturang proyekto sa loob ng tatlong araw.
- Pagprepresent sa naturang proyekto sa guro.

ANG KALIGIRAN NG PROYEKTO

Ang silid aralan ang nagdudulot ng karunungan, nagpapaunlad ng kakayahan, at patuloy na


naghuhubog sa isang mag-aaral. Hindi lang tungkol sa akademiks ang dapat ituro ng mga guro, sa
katolikong paaralan nararapat na magbigay ng punto ng pagpapakilala sa komunidad ng
pananampalataya, pagsamba at paglilingkod sa simbahan. Isa ang altar sa pangunahing makikita sa
katolikong silid aralan. Ang muling pagsasaayos ng altar ang napiling proyekto ng aming pangkat.
Maaaring matagal o luma na ito kung kaya’t hindi na ito presentableng tingnan. Gato-gato na at
maraming bukbok, hindi na rin maayos ang pintura nito na magreresulta ng mabilis na pagkasira ng altar.
Ito ay bibigyan ng panibagong itsura at mas magiging kapakipakinabang sa mga mag-aaral.
MGA LAYUNIN NG PROYEKTO

Ang layunin ng proyektong inilahad ay magkaroon ng mas maayos at presentableng altar. Sa loob
ng nagdaang mga taon habang may pandemya at walang face-to-face classes, hindi nagalaw ang altar ng
silid-aralan kung kaya't ito ay hindi na gano'n kaayos. Ang lumang altar ay marami ng bukbok, natuklap
na ang pintura, may makapal na alikabok na hindi na kayang daanin sa punas-punas lamang at marami na
ring sira ang ibang parte nito. Kung kaya't hindi na nag-atubiling ito ang gawing proyekto ng mag-aaral
ng St. Agatha of Sicily upang magkaroon ng mas maayos na altar. Sa pagkakataong ito, mayroong
magandang kinalabasan ang agenda na napag-usapan. Nagkaroon na ng maganda, mas maayos, malinis at
presentableng altar ang St. Agatha of Sicily.

METODOLOHIYA NG PROYEKTO

1. LAGOM NG LAPIT SA PROYEKTO

• Noong Martes, ika labing-apat ng Oktubre 2022, nagkaroon ng pagpupulong para sa proyektong
gagawin.

• Napag-usapan ang mga suhestyon para sa mga proyektong maaring maisagawa.

• Ang proyektong napagkasunduang gawin ay ang pagsasagawa ng bagong altar sa loob ng silid.

• Ang paghahati ng mga gawain, at pondo para sa proyekto ay napag-tuunan din ng pansin.

• Narito ang mga pangkat sa pagsasagawa: Gumawa ng Altar, Naratib, Dokumentaryo, Gumawa ng
PowerPoint presentation, Taga-ulat, at Tagapangasiwa ng

• Miyerkules, ika labing-walo ng Oktubre ay nagkaroon ng pagkikita-kita ang mga ilang miyembro ng
proyekto para sa pamimili ng mga kagamitan.

• Nasimulan sa araw na ito ang proyektong “Altar de Agatha” mula sa pagpuputol ng mga plywood
hanggang sa pagtatakid ng base ng altar.

• Tinapos ang proyekto sa araw ng Huwebes, ika dalawampo ng Oktubre.

• Pinagtipon-tipon din sa araw na ito ang mga pinaghati-hating gawain sa narrative at inilapat sa
kompyuter. At sa hapon naman ay natapos din sa pagpipintura ng barnis ang altar.

2. ANG PAGTIGIL SA GAWAIN AT PAGLALAAN NG ORAS SA MGA GAWAIN

PETSA NAKATAKDANG ORAS AT GAWAIN


Oktubre 11 2022 2:00-2:45– pagpupulong para sa isasagawang
Tuesday agenda

Oktubre 19, 2022 9:00- meet up


Wednesday
9:10 - split up ng gagawa at mamimili
9:20 - measuring ng paglalagyan ng bagong altar

9:30- tapos ng pagmemeasure/ pagbili ng


materials/ pagpapaputol ng kahoy

10:00 -naglagari ng plywood

10:30- bumalik ang mga bumili ng materials

10:40 nagtanggal ng mga bibles sa lumang altar

11:00- pagliliha ng mga parte ng gagawing


bagong altar

11:50- lunch break

12:46- start ng paggagawa ng bagong altar

12:50- bumili ng pako

1:00- pagtutuloy ng paggawa ng bagong altar

2:00- pagbili ng s4s

3:00- tapos ng base new altar

Oktubre 20, 2022 8:00- pagtutuloy ng altar at pagsisimula ng


Thursday narrative

9:00- pagbili ng varnish

10:00-10:50– pagcocompile ng narrative report

11:00- 11:40– pagvavarnish ng altar

11:50-12:40–lunch break

12:40 – pagpapatuloy ng paggawa ng altar at


narrative report

4:30 – Uwian
3. MGA IDEDELIVER KAUGNAY NG PROYEKTO

Mga idedeliver kaugnay ng Proyekto

Kaugnay ng proyektong aming ginawa, inanyayahan namin ang aming gurong tagapayo at ang
aming guro sa asignaturang Filipino upang tunghayan ang pagpreresinta at pagtatalakay sa aming
proyektong nabuo. Naglalaman ang aming paanyaya ng mga impormasyon kagaya ng kung anong
nilalaman ng nasabing agenda at kung para saan ito, gayundin ang oras kung kailan magaganap ang
pagpupulong.

4. PAKIKIPAGSAPALARAN SA PAMAMAHALA NG PROYEKTO

Sa pagbuo ng mga proyekto hindi maiiwasang magkaroon ng mga problema ngunit bilang mga
taga-buo ng proyekto ay isa sa mga katangian na dapat taglayin ay ang kakayahang tumugon sa mga
kakaharaping problema.

Mga nakaharap na suliranin at solusyon

1. Masamang Panahon

- dahil unang gumawa ay sa open area kung saan ay mababasa ng ulan, lumipat ang aming pangkat sa
lugar na hindi maaapektuhan ng malakas na ulan

2. Kakulangan ng pondo at Gastusin na wala sa plano

- May mabuting pusong nag abuna muna sa kulang na pondo habang hindi pa nadadagdagan ang pondo.

4. Pagkawala ng kuryente

- Naging resourceful ang bawat isa kaya naman nakagawa ng paraan para magawa ang nakatakdang
gawain kahit walang kuryente.

5. Kakulangan sa materyales

- Dahil wala nang mabili at wala nang pambili ay gumawa ng paraan ang bawat isa upang makatipid at
mapagkasya ang mga available na materyales

6. Kakulangan sa kaalaman

- Pagtatanong at pagpapaturo sa mga nakatatandang marunong sa gawain.

7. Kakulangan sa oras

- Pagiging maagap, pagbabahagi ng gawain, at pagtutulungan upang mapabilis ang gawain

5. HALAGA NG PROYEKTO
Napagkasunduan ng bawat miyembro na magkaroon ng kontribusyon na Php.50 upang
magkaroon ng pondo. Tatlumpo’t pitong (37) tao ang nag-ambagan ng Php.50 kaya nakalikom ng
Php.1,850.

Nakatala sa ibaba ang budgetary plan ng nasabing proyekto.

MATERYALES AT IBA PA HALAGA


Marine Plywood [1 piece] Php.950
Stikwel [2 pack] Php.115
Sand Paper #120 [3 pcs.] Php.60
CWN #1[1/4 kl.] Php.23
Finishing Nail [1/4 kl.] Php.25
Smooth Nail [100 g.] Php.16
S4S 1/2X1X12 [2 piece] Php.336
Shelf Bracket [1 pair] Php.50
Varnish Maple [2 btl.] Php.100
Labor Php.150
TOTAL EXPENSES Php.1,825
NATIRANG PERA Php.25
Nakagastos ng Php.1,825 sa mga materyales na ginamit kung saan ay may natira pang
Php.25 mula sa kabuuang pondo na Php.1,850. Ang natirang perang ito ay buong pusong ibinigay na sa
Class Fund ng Grade 12 – St. Agatha of Sicily – STEM.

6. KONKLUSYON

Sa pagbubuklod ng lahat, nagsimula ang pagsasaayos ng proyekto sa isang masinsinan na


pagpupulong na kung saan pinag usapan ang mga maaaring maging proyekto na pwedeng gawin at
isaalang alang sa naturang paaraalan. Sa isinagawang pagpupulong ay marami ang nagbigay ng ideya at
komento ukol sa mga ibinigay na gawain ng bawat isa. Ang oras ng pag pupulong ay umabot ng halos
dalawang oras upang mas maipaliwanag ng bawat estudyante na nagbigay ng ideya ang mga proyekto
nais nilang ipresenta at gawin. Nagkaroon ng iba't ibang suhestyon at sa huli ay nagkaroon na ng tiyak na
proyekto na sinang ayunan ng bawat isang kasali sa pagpupulong na naganap. Ang Altar na makikita sa
silid aralan ang napag usapang ayusin at isa-ayos ng buong seksyon.

Napag usapan din sa pagpupulong na ito kung ano ang mga gamit na gagamitin at kung magkano
ang maaaring maging presyo ng kabuuan. Sa pag sasa-ayos ng proyektong napili, nagkaroon ng pagtotoka
ng bawat gawain upang mas mapabilis ang paggawa ng agenda. May ilang grupo na gagawa ng
powerpoint presentation, narrative report, at ang mga magprerpesent ng proposal na ginawa ng mga
estdyudante sa ilang gurong nakalaan sa aralin. Inabot ng halos tatlong araw ang pag gawa ng mga
gawain. Ang pang huling araw ng gawain ay isinigawa na lamang sa bawat tahanan ng mga estudyante.

Napili ng lahat ang pag sasaayos ng Altar sapagkat isa ito sa pangunahing makikita sa isang
katolikong paaralan. Ang pinakalayunin ng agendang ito ay magkaroon ng maayos at presentableng altar
na dapat makikita sa isang silid aralan. Sa loob ng halos ilang taon na walang pasok ang paaralan ay may
mga silid aralan na hindi napupuntahan at di nalilinisan ang mga kagamitan kasama na rito ang mga altar.
Kung kaya't hindi na nag atubili ang mga kasama sa proyektong ito na ang isagawa at ituloy ang naturang
agenda. Nagkaroon na ng maganda, mas maayos, malinis, at presentableng altar ang St. Agatha of Sicily
na tinatawag na ALTAR DE AGATHA

7. APPENDIX
PANGALAN TUNGKULIN SA BILANG NG E-MAIL ADDRESS
PROYEKTO TELEPONO
Atienza, John Nhicos Documentary 0909-589-4392 johnnhicossss@gmail.com
Calog, Chester King Documentary 0907-203-9954 calogchesterking28@gmail.com
Cuasay, Ken Rafael Altar Constructor 0919-838-7459 kencuasay1@gmail.com
De villa, Ralph Andrei Documentary 0995-347-9869 ralphandrei2005@gmail.com
Elmido, Nathaniel Lowell Altar Constructor 0938-063-3454 elmidonathaniel30@gmail.com
Espiritu, Frederic Narrative Reporter 0961-140-0067 fredericespiritu17@gmail.com
Guevarra, Kevin Hugh Documentary 0977-651-1029 kevinhughguevarra@gmail.com
Leonida, Arnold Janssen Altar Constructor 0999-911-0570 arnoldleonida8@gmail.com
Maranan, Lanz Randell Altar Constructor 0909-589-4670 lanzmaranan30@gmail.com
Mendoza, Jhames Altar Constructor 0906-552-9019 jhamezmendozakj@gmail.com
Ondoy, Jose Emmanuel Altar Constructor 0956-845-1265 joemondoy5@gmail.com
Osorio, Benjie Altar Constructor 0961-712-1284 osoriobenjie07@gmail.com
Salazar, Janssen Cyril Narrative Reporter 0963-225-1260 cyril0921salazar@gmail.com
Watiwat, Karl Fredrich Documentary 0916-780-8259 karlwatiwat@gmail.com
Ylagan, Ian Pol Table Setting and Design 0951-936-7121 ylaganianpol@gmail.com
Zamora, Blake Justine Altar Constructor 0970-595-2739 zamorablake02@gmail.com
Aborde, Aprilyn Table Setting and Design 0951-740-4378 Epeyaborde23@gmail.com
Alcorcon, Hazel Shanley Narrative Reporter
Anonuevo, Anjelika Table Setting and Design 0961-506-3618 anonuevobrionesanjelika@gmail.com
Barrios, Justine Nicole PowerPoint Presentation 0951-740-4378 barriosjustinenicole54@gmail.com
Cortez, Stacy Anne Narrative Reporter 0950-039-8994 stacyannecortez@gmail.com
Cuasay, Mikaela Joy Narrative Reporter 0951-870-5560 mikaelajoycuasay@gmail.com
Dalangin, Abbie Juanna Narrative Reporter 0939-885-6599 abbiejuannadalangin@gmail.com
De Castro, Zena Antonia Presentation 0956-558-4080 zenaantoniadecastro@gmail.com
De Guzman, Adrienne Table Setting and Design 0950-784-4118 deguzmanadrienne169@gmail.com
De Guzman, Ericka Joy Narrative Reporter 0977-149-4036 erickajoy7@gmail.com
De Guzman, Nicole Presentation 0951-117-7791 deguzmannicolelopez@gmail.com
De Leon, Yrish Narrative Reporter 0912-230-3127 deleonyrish1224@gmail.com
De Villa, Rita Mae Narrative Reporter 0961-652-3780 devillaritamae@gmail.com
Dela Cruz, Christine Mae Narrative Reporter 0917-250-4621 delacruzchristine0504@gmail.com
Estrellado, Micaella Jane Narrative Reporter 0995-620-2197 micaellaestrellado@gmail.com
Fernandez, Cassandra Azlyn Narrative Reporter 0919-838-7482 fernandezcassandraazlyn@gmail.com
Fortu, Francine Documentary 0967-407-4479 fortufrancine22@gmail.com
Garcia, Alyssa Lorraine Altar Constructor 0998-212-2229 alyssalorrainegarcia@gmail.com
Manibo, KC Nicole Narrative Reporter 0961-970-0495 manibokcnicole@gmail.com
Mission, Akira Eunice Altar Constructor 0928-475-2025 akiramission7@gmail.com
Tolentino, Edlyn Rose PowerPoint Presentation 0935-974-8137 tolentinoedlynrose@gmail.com

Hindi magiging matagumpay ang proyektong ito kung hindi dahil sa bawat miyembro ng Grade
12 – St. Agatha of Sicily – STEM. Napakalaki ng naitulong ng mga Altar Constructor dahil sila ang
gumawa ng altar at sila ay sina Ken, Nath, AJ, Lanz, JoEm, Benjie, Blake, LA, at Akira. Gayundin naman
ang mga gumawa ng Narrative report na sina Frederic, Cyril, Hazel, Stacy, Mikaela, Abbie, Ericka, Yrish,
Rita, CM, Micaella, Cassandra, at KC Nicole dahil sila ang naglahad ng mga pangyayari at iba pang
impormasyon tungkol sa proyekto. Malaki rin ang naitulong ng DocuTEAM dahil sila ang nagrecord ng
mga pangyayari sa pamamagitan ng pagkuha ng mga litrato at bidyo at sila ay sina Nhicos, Andrei,
Chester, Kevin, Karl, at Francine. Gayundin naman ang mga gumawa ng PowerPoint Presentation na sina
Justine Nicole at Edlyn Rose upang maipresent ng mga taga-ulat na sila Nicole at Zena ang lahat ng
impormasyon na may kaugnayan sa proyekto. At mahalaga rin ang naging trabaho nila Adrienne,
Anjelika, Aprilyn, at Ian Pol dahil sila ang nagset ng table para sa mga panauhin na inimbitahan upang
matunghayan an presentsyon ng proyektong isinagawa. Kung hindi dahil sa pagtutulungan ng lahat ng ito
ay hindi magiging matagumpay at maayos ang proyektong “Altar de Agatha”.

You might also like