You are on page 1of 2

LAVARRO LAW OFFICE

ATTY. FRANCIS EDGARDO G. LAVARRO


2/F Chua Bldg. 25 Quezon Avenue, Brgy. I, Lucena City

October 19, 2023

G. WILFREDO A. CAAGBAY at GNG. AILEEN A. CAAGBAY


Parang Carmen Subdivision
Brgy. Mateuna, Tayabas City, Quezon

Ginoo at Ginang Caagbay;

Kayo po ay aking sinusulatan sa ngalan ni Arlene De Castro Caňas na siyang


nagbayad sa inyo ng kabuuang halagang ₱34,100.00 noong Disyembre 24, 2021 bilang kanyang
ikatlong bayad para sa subdivision survey kay Engr. Nonilon Caagbay .

Sang-ayon sa rekord na hawak ni Ginang Arlene De Castro Caňas ay nagbigay siya


ng paunang bayad noong Disyembre 3, 2021 na may halagang ₱162,250.00 at ang ikalawa
naman niyang pagbabayad ay naganap noong Disyembre 18, 2021 na nagkakahalaga naman
ng ₱64,900.00 na kapwa personal na tinanggap ni Ginoong Nilfredo A. Caagbay. Noong December
24, 2021 naman ay nagbigay siya ng ikatlong bayad na may halagang ₱34,100.00 na personal
na tinanggap ni Ginang Aileen A. Caagbay. Ang mga halagang nabanggit na naibayad sa inyo ni
Ginang Arlene De Castro Caňas ay may kabuuang halaga na ₱261, 250.00.

Lubos na sinikap ni Ginang Arlene De Castro Caňas na makapagbigay ng tatlong


paunang bayad para sa subdivision survey ng lupa na kaniyang pagmamay-ari na noon ay
wala pang sariling titulo at pinoproseso pa lamang. Ayon rin sa kanya, nang lumabas na ang
Titulo ng lupang nabanggit ay sinubukan niya kayong tawagan upang isangguni kung itutuloy
pa ang subdivision survey na una nilang napagusapan ni Engr. Nonilon Caagbay o ibabalik
na lamang ninyo ang halaga na kaniya nang naibigay sa inyo subalit hindi na niya kayo
matawagan.
Nais ko pong ipaalam sa inyo na kung hindi kayo makikipag-ugnayan kay Ginang
Arlene De Castro Caňas patungkol sa mga bagay na nabanggit ay mapipilitan kaming
gumawa ng ligal na hakbanging sibil o kriminal upang maprotektahan ang mga karapatan at
interes ni Ginang Arlene De Castro Caňas.
Kaugnay nito, nais naming kayong imbitahan sa aking opisina sa __________ ganap
na ika-_____ upang kayo ay makapag-usap ni Ginang Arlene De Castro Caňas.
Kami po ay umaasa na bibigyan ninyo ng kaukulang pansin ang mga nilalaman ng kasulatang
ito upang maiwasan ang mga hindi kinakailangang gastos sa pagkuha ng abogado at sa mga
bayarin sa Hukuman. Kung kayo po ay mayroong mga katanungan ay maaari ninyo akong
tawagan sa aking cellular phone na may numerong: 09691297488 o 09516463884.
Sumasainyo,

FRANCIS EDGARDO G. LAVARRO


LAVARRO LAW OFFICE
ATTY. FRANCIS EDGARDO G. LAVARRO
2/F Chua Bldg. 25 Quezon Avenue, Brgy. I, Lucena City

Legal Counsel

You might also like