You are on page 1of 28

Mitolohiya

Ang mga mata


ni Odin
Ang Norse ay tumutukoy sa mga taong nanirahan sa Scandinavia at mga
kalapit pang lugar bago ang Kristiyanisasyon ng kanilang mga bayan noong
ika-8 hanggang ika-12 siglo. Tinatawag din itong Nordic Region.
Ang Nordic Region ay binubuo ng Denmark, Finland, Iceland, Norway, at
Sweden. Kasama rin dito ang Faroe Islands, Greenland (Denmark), at Åland
Islands (bahagi ng Finland).
Ang mga bansang ito ay may mahigpit na ugnayang nakaugat sa kanilang
kasaysayan at kooperasyon ng kanilang mga pamahalaan. diyos sa
mitolohiyang Norse.
Isa si Odin sa mga diyos sa mitolohiyang Norse. Iniuugnay siya sa
karunungan,sa mga panggagamot at pagpapagaling, kamatayan, digmaan,
tagumpay, tula, at alpabetong Runic. Siya rin ang kabiyak ng diyosang si
Frigg. Basahin ang kuwento ni Odin at ang kaniyang sakripisyo upang
mailigtas sa kapahamakan ang mga tao.
Ayon sa mitolohiya mga Norse,
ng naninirahan ang mga diyos sa
Asgard, ang mga tao ay nasa
Midgard, at nabubuhay naman sa
cosmos ang mga higante,
duwende, at iba pang mga
nilalang at espiritu. Umiikot ang
mga daigdig na ito sa
kosmolohikal na puno ng
Yggdrasil.
Ang puno ng Yggdrasil ang sumusuporta sa mundo. Umaabot hanggang sa
Niflheim (daigdig sa ilalim ng lupa) ang isa sa kaniyang mga ugat, ang isa
naman ay umaabot hanggang sa Jötunheim o ang lupain ng mga higante, at ang
pangatlo ay sa Asgard, ang tahanan ng mga diyos. Nasa ilalim ng punong ito
ang tatlong balon: una ay ang Urdarbrunnr (Balon ng Kapalaran). Mula rito ay
dinidiligan ng mga Norns (Kapalaran) ang puno. Ang ikalawa ay ang
Hvergelmir na tinatawag ding "Sumisirit na Takure" kung saan nakatira si
Nidhogg, ang dragon na ngumangatngat sa mga ugat ng puno. Ang ikatlo ay
ang Mimisbrunnr (Balon ni Mimir), kung saan nagmumula ang karunungan.
Dito rin isinakripisyo ni Odin ang kaniyang mata.
Ang puno ng Yggdrasil ang sumusuporta sa
mundo. Umaabot hanggang sa Niflheim
(daigdig sa ilalim ng lupa) ang isa sa kaniyang
mga ugat, ang isa naman ay umaabot
hanggang sa Jötunheim o ang lupain ng mga
higante, at ang pangatlo ay sa Asgard, ang
tahanan ng mga diyos. Nasa ilalim ng punong
ito ang tatlong balon: una ay ang Urdarbrunnr
(Balon ng Kapalaran). Mula rito ay dinidiligan
ng mga Norns (Kapalaran) ang puno. Ang
ikalawa ay ang Hvergelmir na tinatawag ding
"Sumisirit na Takure" kung saan nakatira si
Nidhogg, ang dragon na ngumangatngat sa
mga ugat ng puno. Ang ikatlo ay ang
Mimisbrunnr (Balon ni Mimir), kung saan
nagmumula ang karunungan. Dito rin
isinakripisyo ni Odin ang kaniyang mata.
Maaaring hatiin sa dalawang pangkat
ang mga diyos sa mitolohiyang Norse.
Ang Æsir ay may kaugnayan sa mga
kaguluhan at digmaan. Ang Vanir
naman ay may kaugnayan sa kalikasan
at panganganak. Sa mga kuwento,
hindi pa natatapos ang labanan ng
dalawang pangkat na ito dahil pareho
nilang gustong maging pinuno.
Si Thor ang pinakapopular na diyos sa
mitolohiyang Norse. Inilalarawan siya
bilang diyos na laging hinahabol ang
kaniyang mga kalaban bitbit ang
Mjölnir, ang kaniyang masong
nakalilikha ng kulog. Katulad niya si
Odin. Sa mga kuwento, siyam na araw
at gabi niyang ibinitin nang patiwarik
ang kaniyang sarili sa kosmolohikal na
puno ng Yggdrasil upang makamit ang
karunungang dala ng alpabetong
Runic, at ipinasa niya ang
karunungang ito sa mga tao. Isa siya
sa mga diyos na may kaharian sa
Asgard.
Talasalitaan, ph. 140
Panuto: Pagsamahin ang dalawang salita mula sa pangkat ng mga salitang nasa kahon.
Ibigay ang bagong kahulugan ng pinagsamang salita. Maaaring ulitin ang paggamit ng
mga salita. Isulat ang sagot sa patlang.

agaw noo tala akda pagong ubos taas alamang lipat


basag bahay ulo lakad mamon lakas bakal puso buhay

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
Nakatira si Odin sa Asgard, ang tahanan ng mga
diyos. Maliban sa pagiging diyos ng digmaan,
tagumpay, at kamatayan, diyos din siya ng mahika,
tula, at karunungan. Tulad ng ibang diyos, madalas
siyang nasa Midgard, ang tahanan ng mga tao.
Naglalakad siyang nakasuot ng mahabang asul na
balabal na may pang-ipit na pilak at may mga
nakaukit na simbolo. May agimat sa mga
simbolong ito. May baston din si Odin na
ginagamit niyang panghawi ng mga sanga at damo
sa kaniyang daanan. Ngunit kung minsan ay hindi
niya ginagamit ang baston kapag nakasakay siya sa
kaniyang mahiwagang kabayong si Sleipnir, walo
ang mga binti nito at napakabilis tumakbo.
Dumating ang panahong nagsawa na sa paglalakad at pagsakay sa
kaniyang kabayo si Odin kaya naisip niya, "Kung nakikita ko lang
sana ang mga nangyayari, hindi na sana ako umalis ng Asgard."
Habang nag-iisip siya kung paano niya ito magagawa, naisip niyang
kailangan niya ang tunay na karunungan. Ngunit alam niyang upang
magkaroon ng tunay na karunungan, kailangan niyang uminom sa
balon na binabantayan ni Mimir, ang pinakamatalinong tao sa
Midgard.
Kinabukasan, pumunta si Odin sa balon ni Mimir. Mapanganib ang
paglalakbay na ito. Kailangan niyang tawirin ang mabatong bundok
na makapal ang yelo at napakalamig ng hangin. Malapit ang balon sa
tirahan ng mga higante sa Jotunheim, sa lilim ito ng isang malaking
puno. Hindi madaling kausap si Mimir. Alam ni Odin na hindi basta
magbibigay ng tubig si Mimir nang walang kapalit.
Habang naglalakad si Odin papunta sa balon, nakasalubong niya ang
isang higanteng nakasakay sa usa. Kilala niya ang higanteng ito ang
pinakamatalinong higante na napakaraming alam ngunit hindi
nakilala si Odin. Binantayan ni Odin ang higante at
nakipagkuwentuhan sa kaniya. "May isang bagay na gustong-gusto
kong malaman tungkol sa iyo," sabi niya sa higante.
Masayang sumagot ang higante, "Bago ko sagutin ang tanong mo,
sagutin mo muna ang tatlo kong bugtong. Kapag mali ang sagot mo
sa isa man sa mga ito, mapupugot ang ulo mo. Ngunit kapag tama ang
sagot mo, makapagtatanong ka sa akin ng tatlong tanong."

Ayaw ni Odin sa ganitong mga abala. Ngunit dahil kailangan niyang


makarating sa balon, pumayag siya sa gusto ng higante.
"Ito ang mga tanong," sabi ng higante. "Ano ang pangalan ng ilog na
naghahati sa Asgard at Jötunheim? Ano ang pangalan ng kabayong
pinatatawid nina Araw at Gabi sa papawirin? At ano ang pangalan ng
lugar kung saan magaganap ang huling labanan?“
Nakahinga nang maluwag si Odin dahil alam niya ang mga sagot.
"Ifling ang pangalan ng malamig na ilog na nagyeyelo agad kapag
may anumang buhay na dumaan dito. Skinfaxe at Hrimfaxe ang
pangalan ng mga kabayo. Sa Vigard magaganap ang huling labanan.
Diyan tayo nakatakdang maglaban sa katapusan ng panahon."
"Ikaw naman ang magtanong sabi ng higante na bahagyang nalungkot
dahil natalo siya.
"Ano ang huling salitang ibubulong ni Odin sa kaniyang anak na si
Baldur?" tanong ni Odin
"Aba! Hindi naman patas ang tanong na iyan. Paano ko naman
malalaman kung ano?" sabi ng higante
"Bakit? Inisip mo ba iyan kanina nang magtanong ka? Hindi naman,
'di ba? Pero huwag kang mag-alala, hins naman kita pupugutan ng
ulo. Sabihin mo na lang sa akin kung ano ang hihingin sa akin ni
Mimir bilang kapalit ng pag-inom ko sa kaniyang balon."
"Ang iyong kanang mata," mabilis na sagot ng higante Kinilabutan si
Odin. "Napakahirap naman niyan. Wala na bang iba?"

"Wala na. Maraming gustong makainom sa tubig ng karunungan.


Ngunit wala ni isa sa kanila ang gustong magbayad.

Tumango si Odin. Iniwan na niya ang higante at nagpatuloy sa


kaniyang paglalakad. Habang papunta siya sa balon, umulan nang
napakalarnig at tila nagyeyelo ang hangin. Basang-basa na rin ang
kaniyang balabal Hinawakan niya ang kaniyang agimat at
binulungan.
Mabilis na natuyo ang kaniyang balabal at unayos ang panahon.
Ngunit nanatiling mabato ang daan kaya kailangang maingat na
maingat siya sa paghakbang. Napakalungkot ng paglalakbay na ito,
lalo na at naiisip niyang mawawala ang kaniyang kanang mata. Iniisip
din niya ang sakit na mararanasan niya. Kapag nasa Midgard ang
mga diyos, nararamdaman nila ang nararamdaman ng mga tao
nagdurusa rin sila at nahihirapan katulad ng pagdurusa at paghihirap
ng mga tao. Ngunit tanggap na ni Odin na kailangang isuko niya ang
kaniyang kanang mata upang maliligtas ang daigdig.
Nagpatuloy sa kaniyang paglalakbay si Odin hanggang sa matanaw
niya ang malaking puno na uno na hangga ganan ng Jotunheim, ang
lupain ng mga higante. Napakaganda ng punong ito, mataas, at
napakalalim ng ugat. Kumukuha ng karunungan sa apat na sulok ng
daigdig ang malalim na mga ugat ng punong ito. At naroon si Mimir,
nakatayo sa lilim ng puno.
"Odin! Kanina pa kita hinihintay," sabi ni Mimir. Dahil umiinom siya
ng tubig mula sa balon, alam niya ang lahat ng mga mangyayari at
alam din niya ang pangalan ng lahat. "Nauuhaw ka ba?"
"Oo," sagot ni Odin. "Uhaw na uhaw ako sa karunungan. Kailangan
kong makainom ng tubig mula sa iyong balon."

Tumawa si Mimir. "Maraming uhaw sa aking tubig, ngunit hindi sila


nakainom dahil wala pang pumapayag sa hinihingi kong kapalit.
Kailangang ibigay mo sa akin ang iyong kanang mata," sabi ni Mimir.
Sa huling pagkakataon, pinag-isipan ni Odin kung napakamahal nga
ba ng kapalit ng tubig. Ang kaniyang mga mata ay kakulay ng langit
sa taglamig, kapag nalalatagan ng yelo ang lupa. Nakikita ng
kaniyang mga mata ang pinakamaliit na ibon sa nagyeyelong lupa,
ilang milya man ang layo nito. Namamangha ang mga tumitingin sa
kaniyang mga mata, tao man sila o diyos. Ngunit naisip niyang
dalawa naman ang kaniyang mga mata.
"Magbabayad ako, Mimir," sabi niya at inalis niya ang kaniyang
kanang mata. Tiniis niya ang pumupunit na sakit. Ibinigay niya ang
kaniyang mata kay Mimir. Iniabot naman sa kaniya ni Mimir ang
isang sungay na puno ng tubig ng karunungan. Ininom itong lahat ni
Odin. At agad-agad, nakita niya ang mga nangyari sa nakalipas at ang
mga mangyayari sa hinaharap. Maraming mga tao ang ayaw malaman
ang hinaharap dahil hindi maganda ang ilan sa mga ito. Ngunit hindi
tao si Odin, siya ay diyos. At nang makita niya ang ligayang darating
sa kaniya, napahalakhak siya sa labis na katuwaan. Ngunit dahil
nakikita rin niya ang mga pagdurusang mangyayari sa mga tao, alam
niya kung paano siyang makatutulong.

You might also like