You are on page 1of 15

PAANO NAGKAANYO

ANG MUNDO?
▪Si Odin kasama ang dalawang kapatid
na sina Vili at Ve ay nagawang
paslangin ang higanteng si Ymir. Ito
ang dahilan kaya hindi magkasundo
ang mga Aesir at mga higante.
Lumikha sila ng isang mundo mula sa
katawan nito at iba’t ibang bagay
mula sa iba’t ibang parte ng katawan
nito.
▪Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o
ang mundo ng mga tao mula sa katawan
ng higante. Mula sa laman at ilang buto
nito ay lumikha sila ng kalupaan at mga
bundok. Ginamit nila ang dugo nito upang
makalikha ng karagatan at iba’t ibang
anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at
ilang buto nito ay nagsilbing mga graba at
hanggahan.
▪Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng
mundo at nagtalaga ng apat na duwende
sa apat na sulok nito. Ang mga duwendeng
ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran,
Timog at Hilaga. Ginamit nila ang kilay ni
Ymir upang lumikha ng kagubatan sa
buong mundo na magpoprotekta upang
hindi makapasok dito ang mga higante.
Tinawag nila itong Midgard o Middle-
Earth. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga
ulap.
▪Lumikha sila ng isang lugar para sa mga
liwanag na nakakawala sa Muspelheim,
isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila
ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang
nagsisilbing mga bituin, araw at buwan.
Ang maitim subalit napakagandang anak
na babae ng isang higante na
pinangalanang Gabi ay nagkaroon ng ank
na lalaki sa isang Aesir god at tinawag
niya itong Araw.
▪Si araw ay isang matalino at masayahing
bata. Binigyan ng mga diyos sina Gabi at
Araw ng kani-kanilang karwahe at mga
kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Sila
ay inutusang magpaikot-ikot habang
nakasakay sa mga kabayo nila. Ang mga
pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay
siyang nagsisilbing hamog sa umaga.
▪Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay
naglagay ang mga diyos ng bagay sa mga paa
ng kabayo nito upang hindi ito masunog. May
isang mangkukulam na naninirahan sa silangang
bahagi ng Middle-Earth ay nagsilang ng
dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo
ng isang asong-lobo. Si Skoll ang humahabol sa
araw at si Hati naman ang humahabol sa buwan.
Ang magkapatid na ito ang dahilan ng
paghahabulan ng araw at buwan kaya
nagkakaroon ng paglubog at paglitaw ng araw.
▪Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang
mga Duwende. Ang mga ito ay naninirahan sa
mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid
ng mga bakal, pilak, tanso, at ginto sa mga
diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga
nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa
itaas ng mundo na tinatawag na Alfheim, mga
diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at
isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo
ng mundo.
ANG MGA DIYOS NG
NORSE
▪Ang mga Diyos ng Norse ay kilala
sa tawag na Aesir. Ang mga Aesir
ay ang mga diyos ng digmaan at ng
kalangitan. Sila ay kawangis ng
mga mortal na tao subalit mas
malalaki na tulad ng higante. Bihira
silang makihalubilo sa mga tao
hindi tulad ng Greek Gods.
▪Ang mga Aesir ay naninirahan sa Asgard. Ang
Asgard ay iba sa langit na iyong pinapangarap
na Makita. Wala itong ningning ng kasiyahan o
labis na kaligayahan. Ito ay isang tahimik na
lugar na may nagbabantang tiyak na
kamatayan. Alam ng mga diyos na darating ang
panahon na sila ay mawawasak. Darating ang
kanilang mga kalaban na handa silang sugpuin.
At ang Asgard ay mawawasak. Ang mga mortal
nilang kalaban ay ang mga higante na
nananahan naman sa Johunheim.
▪Ang katotohanang ito ay hindi kaila sa
lahat ng mga nanahan sa Asgard lalo na
sa kanilang pinuno sa si Odin. Tulad ni
Zeus, si Odin ang bathala ng mga diyos
at lumikha sa mga tao. Siya ang may
pinakamabigat na tungkulin na pigilan
ang araw ng pagwawakas. Ang kanyang
asawa ay si Frigga, isang
makapangyarihang diyosa na may
kakayahang Makita ang hinaharap.
▪Sa lahat ng mga diyos na naninirahan sa
Asgard, lima sa kanila ang pinakamahalaga.
Sila ay sina Balder, Thor, Freyr, Heimdall at
Tyr.
▪Si Balder ang pinakamamahal sa lahat ng
mga diyos. Ang kanyang kamatayan ang
maituturing na pinakamalaking sakuna na
dumating sa mga Aesir. Si Thor ang diyos
ng kulog at kidlat; siya rin ang
pinakamalakas sa lahat ng diyos sa Aesir.
▪Sa kanya ring pangalan hinango ang araw
na Huwebes. Makikitang madalas niyang
dala ang malaking martilyo na tinawag na
Mjolnir. Ang tagapangalaga naman ng
mga prutas sa mundo ay nasa kamay ni
Freyr. Samantalang si Heimdall ang tanod
ng Bilfrost, ang bahagharing tulay
patungo sa Asgard. At si Tyr ang diyos ng
digmaan at sa kanyang pangalan hinango
ang araw ng Martes.

You might also like