Professional Documents
Culture Documents
Ang araw ay sumisikat na parang ginto ang liwanag, ang langit naman ay puting puti na napapalibutan
ng ulap, ang mga tala ay nag niningning sa langit.
Sa isang iglap lamang ay nalikha ang daidig. Ang mga puno, luntiang halaman at damo ay sumibol at ang
mga bulaklak ay namukadkad.
Ang mga ilog ay umagos, nagsiliparan naman ang mga ibon sa himpapawid.
Isang araw, ang mga ibon ay walang patid sa paglipad hanggang sa masilayan nila ang dalawang puno ng
kawayan.
"Palayain mo ako dito haring ibon!" ang sabi ng misteryosong nilalang sa loob ng kawayan.
"Baka ito'y patibong" ang nasa isip ng ibon.
Isang butiki ang biglang sumulpot papunta sa dulo ng kawayan, dahil sa gutom ay tinuka ito ng ibon.
Isang makisig na lalaki ang lumabas at nagpasalamat ito, at muling humingi ng pabor.
"Ako'y si Malakas. Pakiusap haring ibon, tuktukin mo uli ang isa pang kawayan, iyong palabasin ang aking
kasama".
Tinuktok ng ibon ang isa pang kawayan at kalaunay nabiyak ito at lumabas ang isang napakagandang
babae.
Ito'y si Maganda.
"Halina kayo at sumakay sa aking likuran, dadalhin ko kayo sa lupang hinirang at doon kayo
maninirahan". saad ng ibon
Si Malakas at Maganda ay inihatid ng ibon sa luntiang lupain at ito'y kumikinang sa sinag ng araw.