You are on page 1of 1

SI MALAKAS AT SI MAGANDA (KUWENTONG-BAYAN)

Bago nagsimula ang panahon, ang daigdig ay isang malaking kawalan. Ang
tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat
wala Siyang makita at walang marinig.

Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay


napapalamutihan ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan
samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.

Iniangat ng Diyos ang Kanyang kanang kamay at ito’y itinuturong pababa. Sa


isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga luntiang kakahuyan ay sumibol, pati ang
damo. Namukadkad at humalimuyak ang mga bulaklak.
Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon
sa himpapawid at nag-aawitan.

Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso.

Isang araw, ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin.
Pagkatapos ay ikinampay ang matipunong mga pakpak at napaimbulog na pababa sa
kakahuyan.

Mula sa malayo, kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa


mahinhing paspas ng hangin. Kanyang binilisan ang paglipad at napaimbulog na
pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga.

Tok! Tok! Tok!

Nadama niya ang maririig na katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May


tinig siyang narinig!

“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing.


Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para
itong karsel!”

“Baka ito’y patibong !” ang isip ng ibon. Kinamayamaya’y may butiking


gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibong palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit
hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.

Crack!

Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.

You might also like