You are on page 1of 3

SI MALAKAS AT SI MAGANDA (KUWENTONG-BAYAN)

Bago nagsimula ang panahon, ang daigdig ay isang malaking kawalan. Ang tahanan ng Diyos ay di-
masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala Siyang makita at walang marinig.

Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay napapalamutihan ng mapuputing ulap. Sa
malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.

Iniangat ng Diyos ang Kanyang kanang kamay at ito’y itinuturong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang
mundo. Ang mga luntiang kakahuyan ay sumibol, pati ang damo. Namukadkad at humalimuyak ang mga
bulaklak.

Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid at nag-
aawitan.

Nabuo ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso.

Ganda! Ubod ng ganda!

Isang araw, ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ay ikinampay ang
matipunong mga pakpak at napaimbulog na pababa sa kakahuyan.

Mula sa malayo, kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin.
Kanyang binilisan ang paglipad at napaimbulog na pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang
magpahinga.

______________________________________________________________________________

Tok! Tok! Tok!

Nadama niya ang maririig na katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig!

“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. Tuktukin ng iyong tuka ang
kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel!” Gustong-gusto ko nang makita
kung ano ang nasal abas ng kawayang ito.”

“Baka ito’y patibong !” ang isip ng ibon. Mayamaya’y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang
ibong palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi nahuli. Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.

Krak!

Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.

You might also like