You are on page 1of 2

13 108013

BAMP-1A

Ang sandaigdigan ay isang kabuuan na may may katangiang pisikal at binubuo ng ibatibang sapin at rehiyon ; kabilang dito ang langit, lupa, na syang tinitirahan ng mga diyos, diwata,
anino, tao, hayop, halaman, at ng mga di pangkaraniwang nilalang na nagpatingkad sa ating
kultura hanggang sa kasalukuyan bagamat magkakaiba man ng paniniwala at katawagan dito.
Ang langit ay ang syang pinaniniwalaan na kung saan nananahan si Bathala, Kabunian,
Apong Mallari, Pamulak Manobo o kung sino pang tinatawag nilang pinakamataas na anito . Itoy
tinatawag na Batis ng Biyaya dahil dito nagmumula ang liwanag, tubig- ulan, at hanging mahalaga sa
araw- araw nating pamumuhay; ngunit sa kabilang dako ay tinatawag na Batis ng Paghihirap dahil dito
nagmumula ang mga bagyo, malakas na hangin, kulog at kidlat na pinaniniwalaaang pagpapamalas ng
galit ng mga anito o diwata.
Lupa naman ang tawag sa tahanan ng mga tao, hayop, halaman at kung ano anong diwata, anito o
espiritu. pinaniniwalaang may diwata sa bawat bundok at lambak, espititu sa mga bukid at halaman gayon
din sa mga hayop. Dahil dito, naging malaki ang parte ng mga Babaylan o Catalohan upang magsagawa
ng ibat ibang ritwal upang makapag- talastasan sa kanila. Sandaigdig, santinakpan at sanlibutan ang mga
salitang tagalong na ginagamit upang tukuyin ang mga nilalang sa ilalim ng langit.
Ayon sa mga mito, pinapaniwalaang may langit at dagat ngunit walang lupa. Ngunit may isang
ibon na walang humpay sa paglipad pero walang malapagan. Kaya pinag away ng ibon ang langit at
dagat, sinabuyan ng dagat ng tubig ang langit. pagtapon naman ng lupa ang siyang iginanti ni langit na
naging dahilan ng pagkabuo ng mga pulo at archipelago.

13 108013
BAMP-1A
Sa ilalim ng lupa matatagpuan ang mga posteng sumusuporta sa daigdig, dito din matatagpuan
ang ahas igat at alimasag na nagiging sanhi ng lindol. Ayon sa paniniwala ng mga bagobo,nagkakaroon ng
lindol sa pamamagitan ng pag galaw ng kasili o higat na nakapalupot sa mundo.
Nasaan ang hantungan ng mga Kaluluwa? Maraming lugar ang sinasabing hantungan ng
kaluluwa: ilalim ng lupa, langit, gitna ng langit at lupa gayun din naman ang mga bundok. ngunit isa lang
ang malinaw sa lahat, may tinutukoy na nakakababang rehiyon na pinamamahalaan ng mga piling diyos.

You might also like