You are on page 1of 7

TULANG LIRIKO

Ang tulang liriko ay may himig awit pa rin hanggang ngayon bagama’t pinatutunayan ng
makata na hindi na kailangan ang isang lira o anupamang instrumento upang siya’y umawit.
Nakalilikha siya ng musika sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga salita. Palibhasa’y
matindi siya kung magdamdam, ang kanyang mga salita at damdamin ay nalilikha ng tunog
na maaliw-iw at nakagagayuma.

Bukod sa mayamang damdamin, ang iginaganda ng tulang liriko ay ang indayog ng mga
taludtod at ang pagsising-isang tunog ng mga huling pantig bukod pa ang paggamit ng
maririkit na paglalarawan.

HALIMBAWA #1:

Sa Dalampasigan
ni Teodoro A. Agoncillo

I.

O mumunting alon!

Buhat sa magalas na batong tuntungan,

Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw

Bago ka humalik sa dalampasigan.

Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang

Namadmad sa labi ng isang kariktan!

Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,

Titik kang masigla ng luma ng talindaw.

O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan,

Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan!

II

Buhat sa malayo,
Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis,

Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit,

Sa pananambulat ng iyong tilamsik

Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!

Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,

Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!

Sa buhanging tuyo’t may kislap na init,

Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!

III

Lumapit-lumayo

Ay pinapawi mo ang kayraming bakas

Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas,

Aywan kung ang mga magkatabing yapak

Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag

Kung magkagayon man, nais kong isulat

Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak;

Ako, sa ganito, ay magkakapalad

Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!

Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!”

IV

At ang mga bulong

Sa aki’y di ingay kundi mga awit


Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig!

At sa paanan ko kung aking mamasid

Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib

Ng isang dalagang bago pang ninibig

Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,

Nang di ko madama yaring tinitiis!

Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig

Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis!

HALIMBAWA #2:

"Isang Punongkahoy"
Jose Corazon de Jesus

"Kung tatanawin mo

sa malayong pook,

ako'y tila isang

nakadipang kurus,

sa napakatagal na pagkakaluhod,

parang hinahagkan
ang paa ng Diyos"

Elehiya (Dalitlumbay)

TULANG PADULA
Ang tulang pandulaan ay naglalarawan ng mga dulang pangyayari na karaniwang nagaganap
sa araw araw nating pamumuhay o nangyayari sa tunay na buhay at layunin nito na
maitanghal. Masasabing ang katangian nito ay nabibilang o patungkol sa dula at ang
kaanyuan at kayarian nito ay patula.

HALIMBAWA #1:

Maikling Buod ng Ibong Adarna


Nagkaroon ng malalang sakit ang hari ng Berbanya na si Don Fernando dahil sa isang
masamang panaginip.

Nakita niya sa kaniyang panaginip na pinaslang ng dalawang buhong ang bunso niyang anak
na si Don Pedro at pagkatapos ay inihulog ito sa balon.

Ayon sa isang medikong paham, tanging ang awit lamang ng Ibong Adarna ang
makakapagpagaling ng karamdaman ng hari.

Inutusan ng hari ang panganay na anak na si Don Pedro na magtungo sa bundok Tabor at
hanapin ang puno ng Piedras Platas dahil dito dumadapo ang Ibong Adarna. Nabigo itong
mahuli ang Ibong Adarna dahil naging bato ito nang mapatakan ng dumi ng ibon.

Sunod na inutusan ng hari si Don Diego ngunit nabigo rin ito. Natulad lamang siya sa sinapit
ng panganay na kapatid.

Huling inutusan ni Haring Fernando ang paborito niyang anak na si Don Juan. Sa kaniyang
paglalakbay ay tinulungan siya ng isang matandang ermitanyo kaya nailigtas niya ang
kaniyang mga kapatid na naging bato.

Nang pabalik na sa Berbanya ay pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan.
Binugbog nila ito at iniwang nakahandusay sa daan habang sila ay umuwi sa kaharian dala
ang ibong Adarna.

Muling tinulungan ng ermitanyo si Don Juan kaya ito nakabalik sa Berbanya.


Nagalit si Don Fernando nang malaman ang pagtataksil nina Don Pedro at Don Diego.
Napatawad naman ito ng hari dahil inihingi ito ng tawad ni Don Juan.

Dahil sa anking ganda ay nawili ang hari sa ibon. Sa takot na mawala ang ibon ay inutusan
niya ang tatlong anak na magbantay. Nakatulog si Don Juan habang nagbabantay sa ibon at
pinakawalan ng dalawang magkapatid ang Ibong Adarna.

Dahil sa takot na baka maparusahan ng ama ay tumakas ito at naglakbay hanggang sa


makarating sa Armenya upang doon manirahan. Doon ay sinundan naman siya ng kaniyang
mga kapatid.

May natuklasan sila doon na mahiwagang balon. Lahat sila ay nagtangkang bumaba ngunit si
Don Juan lang ang nakapagpatuloy hanggang sa pinakailalaim na bahagi. Nang maabot ang
kailalimang bahagi ay natuklasan niya ang isang lugar na malaparaiso sa ganda.

Nakilala niya doon sina Donya Juana at Prinsesa Leonora. Natalo niya ang mga tagapag-
bantay ng mga prinsesa katulad ng higante at serpyente na may pitong ulo. Inilabas niya ang
mga ito sa balon ngunit biglang naalala ni Prinsesa Leonora ang naiwang singsing.

Muling bumalik si Don Juan sa balon upang kuhanin ang singsing. Nang makarating sa baba
ng balon ay pinutol ni Don Pedro ang lubid.

Inutusan ni Prinsesa Leonora ang kaniyang alagang lobo upang iligtas si Don Juan.

Nang makaligtas at gumaling ang kanyang mga sugat ay muling nagkita si Don Juan at ang
Ibong Adarna. Inutusan ng ibon na pumunta ang prinsipe sa Reyno delos Cristales.

Ginabayan siya ng mga ermitanyo at inihatid siya ng isang olikornyo papunta sa reyno. Inabot
siya ng isang buwan sa paglalakbay bago tuluyang makarating sa banyo na paliguan ni Maria
Blanca, isa sa mga prinsesa ng Reyno delos Cristales na anak ng tusong hari na si Salermo.

Doon ay humarap siya sa iba’t-ibang pagsubok ni Haring Salermo upang payagan na


mapasakanya ang anak na si Maria Blanca. Sa huling pagkakataon ay naisahan ng hari si Don
Juan.

Nalaman ni Maria Blanca ang plano ng ama kaya tumakas siya kasama si Don Juan. Dahil sa
galit ay isinumpa ni Haring Salermo na makakalimot si Don Juan at pagtataksilan si Maria
Blanca.
Nang makabalik sa kaharian ng Berbanya ay nakalimot nga si Don Juan at inibig si Prinsesa
Leonora. Hindi ito matanggap ni Maria Blanca kung kaya’t nagpanggap siya bilang emperatris
na panauhin sa kasal nina Don Juan at Prinsesa Leonora.

Gumawa ito ng paraan upang ipaalala sa prinsipe ang mga pagsubok na napagdaan at ang
pag-iibigan nilang dalawa ngunit nanatiling tapat si Don Juan kay Prinsesa Leonora.

Paglaon ay muling bumalik ang alaala ni Don Juan at humingi ng tawad. Nangako ito na hindi
na muli magtataksil.

Ipinamana kay Don Diego at Prinsesa Leonora ang kaharian ng Berbanya samantalang si Don
Juan at Maria Blanca naman ang namuno sa Reyno delos Cristales.

HALIMBAWA #2:

MAIKLING BUOD NG ROMEO AT JULIET

Habang nagaganap ang kasiyahan sa bulwagan at habang si Juliet ay nakikipagsayaw ay


nakita siya ni Romeo mula sa hanay ng mga kababaihan. Nabihag ng angking kagandahan ni
Juliet ang puso ni Romeo.

Si Romeo naman ay hindi napigilan ang sarili at nilapitan si Juliet at hinagkan ang kamay nito
at mula noon ay palihim na nagpupunta na si Romeo sa tahanan ng mga Capulet para makita
ang sinisintang dalaga na nabighani at napaibig na rin si Juliet sa taglay na katangian ng
binata. Nagpasya ang magkasintahan na magpakasal sa kabila ng pagkakaalit ng kani-
kanilang pamilya.

Ipinagkasundo ng mga magulang si Juliet na magpakasal at makaangasawa ng ibang lalaki


dahil sa ganitong kadahilanan naisipan ni Juliet na magkunwaring patay para makatakas sa
kanyang pamilya subalit ito ay hindi nakarating sa kaalaman ni Romeo na dahil sa labis na
kalungkutan sa inaakalang kamatayan ng kanyang minamahal ay kinausap niya ang isang
butikaryo para sa isang lason na kikitil din sa kanyang buhay. Kaya naman sa muling pagmulat
ng mata ni Juliet at nakita ang walang buhay na si Romeo ay kinuha ang isang balaraw at
tinarak sa kanyang dibdib at tuluyan na ring binawian ng buhay.

TULANG PATNIGAN
Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at
matalas na pag-iisip.
Ang mga ito ay magkakatulad sa nilalaman at Tula ng Pagtatalo. May ganap na sukat at
tugma ang mga taludturan bagamat magkakaiba sa paraan ng pagsasagawa at sa dami ng
tauhan o mambibigkas.

Inilalarawan dito ang takbo ng buhay ng mga Pilipino, gayundin kung paano nila sinusunod
ang ilang paniniwala, tradisyon, pananampalataya, at higit sa lahat ang paglinang ng
kagandahang asal noong panahong bago pa dumating ang mga Kastila

You might also like