FILIPINO SCRIPT
*intense sound tapos biglang titigil kapag nagsalita na ondine*
ONDINE: Nilinlang ko sya dahil umibig ako kay Bertram!
IKALAWANG MANGINGISDA: Hindi mo kailangang sumigaw Ondine, malinaw ang aking pandinig
ONDINE: (mahinhin) Nilinlang ko sya kay Bertram
HANS: Ayon sa sinasabi nya, hindi ba’t tama ako???
UNANG HUKOM: Batid mo ba ang masamang dulot ng pakikiapid sa iyo binibini? At isa pa ito ay iyong
inilihim
UNANG HUKOM: Ang hindi pag-amin ukol dito ay isang kasalanan dahil doble ang sakit na dulot nito!
ONDINE: Ngunit-
IKALAWANG MAGINGISDA: Sa papaanong paraan mo nilinlang ang iyong asawa kay Bertram?
ONDINE: Kami ay nasa isang gubat
IKALAWA MANGINGISDA: Sa umaga o sa tanghali?
ONDINE: Sa tanghali
IKALAWANG MANGINGISDA: Malamig ba ang panahon o mainit?
ONDINE: Ito ay parang nagyeyelo , winika sakin ni Bertram na ang aming pag-ibig ang syang
makapagpapainit sa amin. Na kahit sino ay hindi malilimutang mga salitang ito(parang dito yung voive
inlove)
IKALAWANG MANGINGISDA: Mahusay Binibini, at kung iyong mamarapatin, ngayon din ay ipatawag si
Bertram sa harapan.
UNANG HUKOM: Si Bertram ay nawawala nitong nakaraang anim na buwan dahil hindi na sya
nasasakupan ng batas, Mangingisda.
IKALAWANG MANGINGISDA: Mukhang may-takda ang kapangyarihan nito dahil narito na siya.
*footsteps ng kabayo ba kasi kabalyero*
HANS: Bertram!
UNANG HUKOM: Sandali lamang, Kabalyero nais kong siguraduhin kung sino ka. Ikaw ba si Konde
Bertram?
BERTRAM: Ako nga
UNANG HUKOM: Ayon sa babaeng ito na ang pangalan ay Ondine, nilinnyang nya ang kaniyang asawa s
aiyo.
BERTRAM: ano?!?!?- totoo, totoo nga ito sapagkat galing ito sakanya
UNANG HUKOM: Saan ito naganapkung ganoon?
BERTRAM: Sa kaniyang silid sa kastilyong ito.
UNANG HUKOM: Ito ba ay sa gabi o umaga?
BERTRAM: Ito ay noong hatinggabi
UNANG HUKOM: Malamig ba ang panahon o mainit?
BERTRAM: Nglalagablab ang mga kahoy sa mga dapog at winika Ondine na ano ang init ang daan
papuntang imyerno! Kahit sino ay hindi malilimot ang ganitong klase ng mga salita.
IKALAWANG MAGINGISDA: Magaling. Ngayon, malinaw na sakin ang lahat
ONDINE: At bakit naman ito nagging maliwanag?!?!? Bakit nyo pa kailangang tandan ang mga hindi
kanais-nais na mga inpormasyon na ito?
ONDINE: Kapag nagmamahalan ang dalawang tao, sa palagay mo ba’y mababatid pa nila kung ano ang
temperatura at ang oras na kanilang ginugunita?
IKALAWANG MANGNGISDA: Kung talagang kayo ay nagmamahalan- Konde Bertram, kunin mo ang
babaeng ito sa iyong bisig at hagkan ang kaniyang mga labi
*heartbeat*
BERTRAM: Ang tanging kautusan lamang na aking susundin ay ang kautusan mula kay Ondine,
Mangingisda.
IKALAWANG MANGINGISDA: Ondine sabihin mong hagkan ka niya.
ONDINE: Ngayon? Sa harap ng maraming tao? Hindi maaari
IKALAWANG HUKOM: Tignan mo ang iyong pamamaraan ng pagkilos Ondine. Sa tingin mo ba ay
maniniwala kami na ipinagkaloob mo ang iyong sarili sa Ginoong ito?
ONDINE: Bertram! Ako’y hagkan mo
BERTRAM: Iyan ba talaga ay iyong ninanais?
ONDINE: Oo Bertram. Kahit ito ay panandalian lamang upang mapatunayan na tayo ay nagmamahalan at
kapag nanginig ako ng kaunti sa iyong pagyakap, ang ibig ko lamang ipahiwatig ay malamig.
IKALAWANG HUKOM: Kami ay naghihintay sainyo.
ONDINE: Wala bang kahit anong maaaring ipangtakip man lang sa amin?
IKALAWANG HUKOM: Wala, Ondine
ONDINE: Naku! Mas mabuti kung ganoon. Nais kong maramdaman ang mga kamay ni Bertram na
humahaplos sa aking katawan ngunit kung mapatili ako ng kaunti Bertram kapag ako ay iyong hinawakan
gamit ang iyong makikisig na bisig. Ito ay nangangahulugan lamang na natatakot ako sa mga taong nasa
harap natin at baka hindi matuloy ang aking pagtili
IKALAWANG HUKOM: Marapat na ikaw ay magdesisyon na sapagkat nauubos ang ating oras.
ONDINE: Bueno. Mas mabuti kung gayon. Nais kong maramdaman ang mga kamay ni Bertram sa aking
katawan. Ngunit kung mapatili ako ng kaunti, Bertram, kapag hinawakan mo na ako sa iyong mga bisig,
nangangahulugan lamang 'yon na natatakot ako sa mga taong nasa harap natin. At saka, baka hindi
naman talaga ako tumili.
ONDINE: Kung hinimatay ako, o baka sakaling himatayin ako, maaari mo nang gawin ang nais mo sa akin,
kahit na ano'ng ibig mo, Bertram.
UNANG HUKOM: Bueno, Ondine?
ONDINE: Bueno, Bertram?
BERTRAM: Ondine!
ONDINE: Hans! Hans!
IKALAWANG MANGINGISDA: Mga ginoo, nariyan ang ang inyong katibayan.
ONDINE: Hindi nyo naiintindihan, Hinayaan ko na lamang na halikan ako ni Bertram, Hans, para lagi ko
siyang naalala. Mapanlinlang bang sambahin si Bertram nang hindi iniisip si Hans? Hindi, pero iniisip ko si
Hans sa tuwing mahal ko si Bertram, kaya nagsinungaling ako sa kanya kasama si Bertram.
IKALAWANG MANGINGISDA: Naiintindihan namin. Tapos na ang paglilitis. Maaari ka nang umalis, Konde
Bertram.
BERTRAM: Kailangan ko na bang umalis, Ondine?
ONDINE: Paalam, Bertram.
BERTRAM: Paalam na….
UNANG HUKOM: Ibibigay na ngayon ng korte ang kanilang hatol.
IKALAWANG HUKOM: Oo nga! Oo nga!
UNANG HUKOM: Kinondena ng korte ang Ondine na ito dahil sa paglabag sa mga hangganan ng
kalikasan. Sya ay nagpapakita ng katibayan na pagwawalang-bahala, kabutihan at pagmamahal lamang
ang kanyang dala.
IKALAWANG HUKOM: At kahit na sobra-sobrang kabutihan at pagmamahal.
UNANG HUKOM: Kung bakit niya kami gustong paniwalaan na nilinlang ka niya kay Bertram, na hindi
naman na sa totoo lang, ay isang katungang lampas sa paglilitis na ito. At dahil narin sa wala naman
syang ginagawang kasamaan. Napagkasunduan naming lahat na huwag na siyang bitayin sa harap ng
maraming tao bagkus sya ay gigilitan na lamang sa leeg ng walang ibang nakakasaksi nito
IKALAWANG HUKOM: Ito ay gaganapin sa araw na ito, sa paglubog at paglubog ng araw. Habang
hinihintay ang oras na iyon sya ay aming iiwanan muna sa pangangalaga ng tagapagbantay.
*kampana sound*
IKALAWANG HUKOM: Sandali- at ano ang tunog na iyon?
IKALAWANG HUKOM: Ito ay mula sa kampana ng simbahan dahil sa ikakasal na ang Kabalyero, panyero.
UNANG HUKOM: Oo nga pala, nawala sa aking isipan. Nasa pinto na ng simbahan ang mga abay para sa
kasal kaya't hayaan mo kaming daluhan ka sa oras ng iyong kaligayahan
*footsteps*
Hans: Sino ito? Sino ang babaeng papalapit sa akin na mukhang nagmula sa ibang daigdig?
IKALAWANG HUKOM: Ito ay hindi namin nakikilala
UNANG HUKOM: Ang babaeng ito ay mukhang naninirahan din dito.
HANS: Ayon sa utusan dito, sya ay isang kusinera.
HANS: Lubos ang kagandahang kaniyang tinatawaglay!
UNANG HUKOM: Totoo ba na maganda?
HANS: Napakaganda!
IKALAWAN GHUKOM: Hindi kana namin sasalungatin kung iyan ang iyong pagtingin. Nais kong tanungin
kung mauuna kaba sa amin?
HANS: Kailangan ko munang marinig ang kaniyang sasabihin dahil sya lamang ang tanging nakakaalam ng
katapusan ng kwentong ito kaya't hindi muna ako aalis.
HANS: Mangusap ka Binibini! Mangusap! Ako'y naghihintay sa iyong bigkasin
IKALAWANG HUKOM: Naloloko na ba sya kapwa ko hukom?
UNANG HUKOM: Nasa pagkilos nya ang ebidensya upang magkagayon.
HANS: Mangusap! Mangusap!
Kusinera:
Mukha ko'y payak, kalikasa'y mapakla
Ngunit, naku, parang bulaklak ang aking kaluluwa-
isabay yung music sa pagtula nya parang ano sound na pangtula
HANS: Tumutugma ba ito?
UNANG HUKOM: Hindi naman tumutugma
KUSINERA:
yung tula(check nalang sa book)
HANS: Sya ay tumutula hindi ba?
UNANG HUKOM: Ang narinig ko lamang ay isang hibang na nagrereklamo tungkol sa napagbintangan na
nagnakaw ng isang kutsara.
HANS: Isang lingkaw ba ang kaniyang tangan-tangan?
IKALAWANG HUKOM: Isa itong walis tambo
HANS: Ika'y aking pinapasalamatan binibining nagsisilbing kusineta. Sa susunod na ika'y darating, ako ay
maghahanda na. Tayo na at lumisan mga Ginoo
*pagbukas at pagsara ng pinto*
HANS: Ayon sa utusan ay nasa simbahan na ang aking novia at naghihintay narin ang pari kaya naman
tayo ay dadalo na sa lalong madaling panahon.
*tunog ng kampana medyo mahaba toh pahina ng pahina*