You are on page 1of 3

SCRIPT GROUP #1

NOLI ME TANGERE

CHARACTERS:
Amurao Katrina A. – Narrator 1/Sarhento
Bagsic, Maica Andrea P. – Maria Clara
Corpus, Aira Marie C. – Donya Victorina
Decena, Mary Claire – Alperes
Guzman, Andrea Lauren – Don Tiburcio
Marinez, Angelo P. – Crisostomo Ibarra
Querido, Quenee Mae M. – Elias
Tulio, Cristine Joy P. – Narrator 2/Donya Consolacion

SCENE 13 ANG DALAWANG DONYA

NARRATOR 1/KATRINA: Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang Donya Victorina at


ang ika-ika nitong asawa na si Don Tiburcio, hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Donya
Consolacion na prenteng nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape.

CONSOLACION/CRISTINE: Pwe! Ano ba naman yan! Ang papangit naman ng dumadaan!

VICTORINA/AIRA: Hoy! Labandera, kami ba ang pinariringgan mo?!

CONSOLACION/CRISTINE: Bakit, nataman ka ba? At anong sinabi mo? Labandera? Gusto mo


labhan ko yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa? Mukha ka pa ngang
labandera kaysa sa akin!

VICTORINA/AIRA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang
maganda!

NARRATOR 1/KATRINA: Tumayo si Donya Consolacion hawak-hawak ang dyaryo na akma niyang
ihahampas kay Donya Victorina. Tiyempo namang dumatig ang Alperes.

CONSOLACION/CRISTINE: Anong sabi mo?! Gusto mo bang magtuos tayo?

VICTORINA/AIRA: Ako pa ba? Hindi kita uurungan!

NARRATOR 1/KATRINA: Namagitan si Don Tiburcio na asawa ni Donya Victorina para awatin ang
kanilang labanan. Dumarami na ang mga nakiki-usisa sa tarayan ng dalawang Donya.

ALPERES/MARY CLAIRE: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata!
Nakakahiya sa ating mga kapit-bahay!

VICTORINA/AIRA: Naku Alperes, kung ako sayo pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang
mangkukulam!

ALPERES/MARY CLAIRE: Napaka-yabang mong magsalita! Kung hindi ka lang isang babae—

TIBURCIO/ANDREA: Tayo na Victorina, wala tayong mapapala sa isang labandera at mukhang tuko
niyang asawa!

CONSOLACION/CRISTINE: Ang kapal ng mukha mo! Pilay ka na nga, kung anu-ano pa ang
lumalabas sa iyong bibig!

NARRATOR 1/KATRINA: Dahil takot mapahiya ang dalawang Donya, itinigil nila ang kanilang away.

VICTORINA/AIRA: May araw ka rin sa akin, Consolacion. Mabubulok ka sa impyerno!

CONSOLACION/CRISTINE: Ang mabubulok lang dito ay ang ngipin ng asawa mo!


NARRATOR 1/KATRINA: Naiinis namang nagtungo ang mag-asawang de Espadaña sa tahanan ni
Kapitan Tiyago.

VICTORINA/AIRA: Tiburcio, bakit hindi mo man lamang hinamon ang mukhang tukong Alperes na
iyon? Kahit sipain mo man lang?

TIBURCIO/ANDREA: Nakakalimutan mo na yatang pilay ako, Victorina! Mukha ba akong may laban
sa kanya?

VICTORINA/AIRA: Binabalaan kita, kapag hindi mo sila hinamon, hindi makakasal kay Maria Clara
ang anak mong si Alfonso, at malalaman ng lahat ang tunay nating pagkatao!

End of Scene.

SCENE 14 ANG PAGDAKIP KAY IBARRA


NARRATOR 2/CRISTINE: Balisang nagtungo si Elias sa tahanan ni Crisostomo Ibarra, dahil sa dala
nitong masamang balita sa binata.

ELIAS/QUENEE: Tao po! Tao po! Nariyan po ba kayo, Senyor Ibarra?!

IBARRA/ANGELO: Elias, bakit ka napa-rito?

ELIAS/QUENEE: Senyor Ibarra, iligtas po ninyo ang inyong sarili, umalis na kayo sa lugar na ito!

NARRATOR 2/CRISTINE: Bigla namang naguluhan ang binata sa naturan ni Elias.

IBARRA/ANGELO: Ano’ng ibig mong sabihin?

ELIAS/QUENEE: May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang palalabasing nagpasimuno nito.

IBARRA/ANGELO: Ano?! Ngunit sino ang…?

ELIAS/QUENEE: Hindi ko po alam kung sino ang may pakana nito, Senyor.

IBARRA/ANGELO: Ano pa ba ang dapat kong gawin?

ELIAS/QUENEE: Ihanda po ninyo ang inyong mga papeles at sunugin po ninyo ang mga ito.
Magtungo kayo kahit saan—iyong hindi nila kayo masusundan. Alam ko pong mahirap ang basta-
basta na lamang umalis sa bayan na ito, ngunit, wala na pong ibang paraan.

IBARRA/ANGELO: Maraming salamat, kaibigan. Napaka-buti mo.

NARRATOR 2/CRISTINE: Pumunta si Ibarra sa tahanan nila Kapitan Tiyago habang pinamunuan ni
Padre Salvi ang dasal. Bigla silang nakarinig ng sunud-sunod na putok. Sumigaw ang Alperes sa
labas. Nataranta silang lahat at nagmadaling umuwi si Ibarra at nag-empake. Bigla namang may
kumalabog sa pinto.

IBARRA/ANGELO: Sino yan?!

SARHENTO/KATRINA: Kami ang mga alagad ng batas! Lumabas ka na riyan, Ibarra!

IBARRA/KATRINA: Bakit po? Wala po akong ginagawang masama!

SARHENTO/KATRINA: Arestado ka! Sumama ka sa amin!

NARRATOR/AIRA: Mahinahong sumama si Ibarra sa kanila. Bumalik si Elias sa tahanan ni Ibarra at


sinunog nito ang mga papeles at agad na umalis. Nang dumating na ang guardia civil, sunog na ang
buong bahay.

End of Scene.
SCENE 15 TUGISAN SA LAWA
NARRATOR 1/KATRINA: Isang gabi, may isang salu-salong naganap sa tahanan ni Kapitan Tiyago.
Pinag-uusapan ng mga panauhin ang balita tungkol sa pagkadakip kay Crisostomo Ibarra, kasabay
nito ang balitang ikakasal na si Maria Clara sa kastilang si Alfonso Linares na anak nina Donya
Victorina at Don Tiburcio. Dahil sa hindi mapalagay ang dalaga sa usapan na kanyang naririnig,
lumabas ito upang magpa-hangin.

Ang malungkot na dalaga ay nagtungo sa Asotea at pinagmasdan ang ilog. At makalipas ang ilang
sandali nakita niya ang isang bangkang paparating.

MARIA CLARA/MAICA: Crisostomo… Ikaw ba iyan?

MARIA CLARA/MAICA: Ikaw nga! Akala ko’y dinakip ka ng mga guardia civil?!

IBARRA/ANGELO: Maria! Tinulungan ako ni Elias na makatakas.

NARRATOR 1/KATRINA: Masayang nagyakapan ang dalawang mag-kasintahan dahil ngayon na


lamang sila nagkitang muli.

MARIA CLARA/MAICA: Patawarin mo ako, Crisostomo... Wala man lang akong nagawa...

IBARRA/ANGELO: Hindi masama ang loob ko sayo, Maria. Ako ang patawarin mo... dahil kailangan
ko nang lumayo sayo... sa lugar na ito...

MARIA CLARA/MAICA: Anong ibig mong sabihin? Ngayon lang tayo nagkitang muli at ibubungad
mo sa aking lalayo ka?!

IBARRA/ANGELO: Hindi ko sinasadyang saktan ka, Maria... Ngunit ito ang nararapat kong gawin
upang hindi ka mapahamak.

MARIA CLARA/MAICA: Pwes! Mas gugustuhin ko pang mapahamak kaysa mawalay ka sa akin!

IBARRA/ANGELO: Patawarin mo ako, Maria... Ngunit buo na nag desisyon ko...

MARIA CLARA/MAICA: Hindi. Hindi ka dapat humingi ng tawad, dahil nasisiguro ko, mag-
aalinlangan ka sa akin kapag nalaman mong…

IBARRA/ANGELO: Nalaman kong ano?

MARIA CLARA/MAICA: Na ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong si Padre Damaso...

IBARRA/ANGELO: Ano? Paano?!

MARIA CLARA/MAICA: Hindi ko alam. Basta lagi mong tandaan, kahit nasaan ka man, ikaw lamang
ang iibigin ko, Crisostomo.

IBARRA/ANGELO: Paalam, Maria Clara...

NARRATOR 1/KATRINA: Muling nagyakapan ang dalawa sa isa pang pagkakataon dahil
mawawalay na naman sila sa isa’t-isa. Hindi mapigilan ni Maria Clara ang makaramdam ng lungkot
habang nakikita ang bulto ni Crisostomo Ibarra na papalayo.

Napa-sigaw na lamang ang dalaga nang makarinig ng iilang putok ng baril kung saan naroon ang
papalayong si Crisostomo Ibarra.

End of Scene.

You might also like