0% found this document useful (0 votes)
172 views13 pages

Whole Script

Ang kuwento ay tungkol kay Ben Zayb na manunulat at tagapagbalita. Nagkakaroon siya ng mga pagsubok sa kanyang trabaho dahil sa mga pagbabawal at pagpipigil sa balita. May mga balitang kumakalat naman tungkol sa mga tulisan at sa mga pulbura na natagpuan sa isang kiosko.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
172 views13 pages

Whole Script

Ang kuwento ay tungkol kay Ben Zayb na manunulat at tagapagbalita. Nagkakaroon siya ng mga pagsubok sa kanyang trabaho dahil sa mga pagbabawal at pagpipigil sa balita. May mga balitang kumakalat naman tungkol sa mga tulisan at sa mga pulbura na natagpuan sa isang kiosko.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Narrator: ang nakaraan sa noli me tangere!

*Nauna na sa eksena si Elias /cel at Ibarra/James, nakaready na ang props na bangka*


*Pumasok sa eksena ang dalawang guwardiya sibil na naghahabol kay Crisostomo Ibarra*
Guwardiya sibil 1 Lennox: dakpin ang taksil na si Ibarra, dakpin!!!!
Elias/cel: sumakay na po kayo ginoong Ibarra, sapagkat itatakas ko na kayo!!
Ibarra: halina tayo, Elias!!
Elias/cel: paparating na sila!!!
*Ang dalawang guwardiya ay napatigil at hindi nila ito naabutan sa pampang*
Guwardiya sibil 2 Genesis: nagpaputok ng baril*
Guwardiya sibil 1 Lennox: Tayo na, sa tingin ko ay patay na ang taksil na si Ibarra!
*Umalis sa eksena ang dalawang guwardiya sibil*
*Napahiga si Elias/cel habang duguan ito*
Elias/cel: iwanan mo na ako ginoong ibarra at itapon mo ako sa pampang!
Ibarra/James : hindi ko maaaring gawin yun!*habang umiiyak*
Elias/cel: makinig ka sa akin, hindi magtatagal ang buhay ko, Ginoong Ibarra! Ikaw na ang
bahala sa ating bayan, umaasa ako sa’yo.
Ibarra/James:*sumigaw ito ng* Eliaaaasssssssss!
*makalipas ang ilang Segundo, itinapon ang bangkay ni Elias sa Dagat habang ito’y umiiyak*
EL FILIBUSTERISMO (KABANATA 36)
Title: kabanata 36: Mga Kapighatian Ni Ben Zayb
Nicole/Narrator: Ang ating kuwento ay magsisimula sa kabanata tatlumpung-anim ng El
Filibusterismo. Matutunghayan natin si Ben Zayb, isang manunulat at tagapagbalita. May
malalim siyang pagmamahal sa pagsusulat at pagbabalita. Ngunit sa kabila ng kanyang
katapangan sa pagsusulat, may mga pagkakataong kahit siya ay nahihirapan.
*Pumasok si Rayner pagkatapos ng narration at umupo sa mesa na may dalang libro*
Rayner /Ben Zayb: Haha. Kailangan ko na agad mailathala ang pangyayari sa naganap na
kasalan! Ang pagkabayani ng Kapitan Heneral ay hindi matatawaran gayundin ang katapangan ni
Padre Irene, sa paghahabol sa nagnakaw ng lampara.
*Pumasok sa eksena ang tagapahayagan ng diyaryo at may inabot kay Ben Zayb/Rayner.*
Rayner/ Ben Zayb: Ano? Bakit ito ibinalik?
Romel/ Taga pahayagan ng dyaryo: Pasensiya na Ginoo, hindi pinayagan na ilathala ang
inyong pahayagan sapagkat ayaw ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit anong balita ukol
sa nangyari sa nakaraang gabi ng kasalan.
Rayner/ Ben Zayb: Ipinagbawal?! Hindi maaari! Ang ganoong dahilan ay maihahantulad sa
pagpatay sa isang anak na magandang at matapang na dalaga! Ang gayong karaming paghihirap
ay hindi pwedeng walang gantimpala ng Diyos!
Romel/ Tagapahayagan ng diyaryo: ako’y lilisan na, Ginoo!
Rayner/ Ben Zayb: Tumango*
*Umalis sa eksena si Romel/ Tagapahayagan ng diyaryo at pumasok sa eksena si Clarrise/
Marites1 at kasama si Hengelyn Marites 2*
Clarrise/Marites 1: mahigit na dalawang libong piso ang nakuha ng mga Tulisan, nasugatang
malubha ang isang prayle at dalawang alila. Nagtanggol ang kura sa pamamagitan ng silya, na
nagkasira-sira sa kanyang mga kamay.
Hengelyn/Marites 2: Tumango
*Umalis si si Rayner, Clarrise/ Marites 1, Marites 2/ Hengelyn sa eksena at pumasok
naman sa eksena si Kenneth/Padre Camarro at muling pumasok sa eksena si Rayner/Ben
Zayb*
*Napatayo si Rayner/ Benzayb at nagmumuni-muni*
Rayner/Ben Zayb: (Nagmumuni-muni) Nabalitaan ko ang pagsulob sa Ilog Pasig. Gusto kong
magsulat tungkol dito, at alamin ang mga nangyari.
Kenneth/Padre Camarro: Apat ang nanlusob na pawang nakaitak! At nagnakaw ng limampung
piso lamang!
Rayner/Ben Zayb: Hindi maaari! Tumigil kayo, Padre. Hindi ninyo alam ang inyong sinasabi.
Kenneth/Padre Camarro: Punyales! Anong hindi ko nalalaman!
Rayner/Ben Zayb: Hindi totoo yan! Tiyak na marami pang mga tulisan diyan.
Kenneth/Padre Camorra: At bakit hindi? Hindi ako hangal! Putris na mga maninipsip na
linyang iyan!
*Umalis sa eksena si Ben Zavb/Rayner at Padre Camarro/ Kenneth at pumasok sa eksena
ang dalawang Guwardya Sibil*
Lennox,/ Guwardiya Sibil 1: Ang mga tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat
ay isang lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan.
James/ Guwardiya Sibil 2: Kailangan mahanap ang mag-aalahas na si Simoun. Siya ang may
pakana ng kaguluhang ito.
*Umalis sa eksena ang dalawang guwardiya sibil*
*At pumasok na sa eksena ang dalawang tulisan*
*at sunod na pumasok sa eksena si Ben Zayb/ Rayner at Padre Camarro/ Kenneth
Mayumi/ Tulisan 1: Kami ang mga tulisan sa ilalim ng pamumuno ni matanglawin. Kami ay
pinamumunuan ng isang kastilang sunog sa araw ang balat, maputi ang buhok, at kaibigan ng
Kapitan heneral.
Emily/ Tulisan 2: Pinayuhan kami niya noon na huwag mangamba sa oras ng himagsikan.
Sapagkat kami ay hindi pababayaan ng mga kawal. Ngunit kami ay nagkahiwa-hiwalay sapagkat
ang iba ay umuwi at ang iba ay sapilitang bumalik sa kabundukan upang maghiganti sa kastilang
hindi tumutupad sa kanyang salita.
Ericka/ Tulisan 3: Habang kaming mga naiwan dito ay napilitan nang manloob ng mga bahay-
bahay upang ibigay ang dalawang bahagi nang mananakaw sakaling darating ito.
Kenneth/Padre Camarro: ang tinutukoy niya ba ay si simoun o hindi? *Nakatingin kay Ben
Zayvb/Rayner*
Rayner/Ben Zayb: Oo, siya nga! Mabuti at nailigtas tayo! Sino ang makapagsasabi.
*Umalis sa eksena si Rayner/Ben Zayb at Padre Camarro*
*Pumasok sa eksena si Genesis/Don Custodio at umupo habang may binabasang libro*
*Muling pumasok sa eksena si Benzayb/ Rayner at kinausap si Don Custodio*
Rayner/Ben Zayb: Don Custodio…
Genesis/Don Custodio: (May Ibinulong)
Rayner/Ben Zayb: (matapos bumulong) siya nga ba?
Genesis/Don Custodio: at kapag ito’y matagpuan (NAG SIGN LANGUAGE NA
MAGBABARIL)
Rayner/Ben Zayb: Ang mga brilyante?
Genesis/Don Custodio: Shhh. Shhhh. Kapag natagpuan ang mga iyon sa kanya (NAG SIGN
LANGUAGE SA LEEG NA PAPATAYIN)
Nichole/ Narrator: (Nagwawakas) Sa mga pangyayaring ito, patuloy si Ben Zayb sa kanyang
pagmumuni-muni.
KABANATA 37: ANG HIWAGA
NARRATOR: Magpapatuloy ang kuwento sa kabanata tatlumput pito at dito magpapatuloy ang
kuwento. Sa kabila ng mga pag-iingat at paghihigpit, kumalat din ang mga bali-balitang
maraming idinagdag at naging pagbabago. Nabatid din ng madla, sa likod ng pagpigil sa balita,
ang mga pagbabago at supot-supot na pulbura. Ito ang naging sentro ng usap-usapan sa bahay ng
isang mayamang pamilya, ngunit, palihim nga lamang. Ito ang PAMILYA ORENDA, negosyante
ng alahas sa pook ng Sta. Cruz. Si Chichoy, isang payat na platero, ang naging sentro ng usapan.
Ito ang nagkwento sapagkat galing ito sa bahay ni Don Timoteo at doon nasagap ang mga balita.
Naghatid ng pares na hikaw si Chichoy na panregalo ng ama sa anak at manugang.
*Pumasok na sa eksena si Chichoy/James na nakatayo nag kukuwento, naka upo sina
Clarrise/Kaptinana Loleng, Lennox/Momoy at axcel/ Ginoong Pasta at nakaupo rin sa
eksena si Isagani/ken*
CHICHOY/James: (Nababahala, Natatakot) Nakita ko ang ginigibang kiosko na kinainan ng
mga diyus-diyosan. Saku-sakong pulbura ang nagkalat sa sahig! Sa ilalim ng mesa! Mayroon din
sa bubungan, sa silong at sa likod ng mga upuan! Kung may nagsindi ng sigarilyo ay tiyak
na……….. (naputol ang sasabihin, biglang nagsalita si Kapitana Loleng)
KAPITANA LOLENG/Clarrise : (Hindi mababakasan ng takot ang mukha) Sino naman kaya
ang may gawa noon?
MOMOY/Noxx: (Maputlang-maputla at natitilihan. Nagsalita sa isip-isip lang) “Bakit hindi siya
magkakaganoon. Isa siya sa mga bisita at lumapit pa nga sa kioskong tinutukoy ni Chichoy.”
GINOONG PASTA/Cel: Iisa lang ang maaring gumawa ng gayon. Maaring isa sa kaaway ni
Don Timoteo o kaagaw ni Jacinto kay Paulita.
*Sa eksena si Isagani/Kenneth ay naka upo malapit sa hapagkainan at may binabasang
libro*
*Patuloy parin nag uusap ang naunang cast habang pumapasok ang mga susunod na cast*
*Sumunod na pumasok and tatlong dalagita na sina Mayumi/Sensia, Paulita/Zyreen at
Maricar/Biday pati si rayner/Kapitan Tiringgoy, At napa upo sa hapagkainan*
*Napatingin sila kay Isagani dahil batid ng lahat na siya ang dating kasintahan ni Paulita*
*MGA DALAGA(PAULITA, SENSIA AT BINDAY): Tumingin sa kinaroonan ni
kinatatayuan ni Isagani.*
Ken/Isagani: (tumango lamang ito*)
KAPITANA LOLENG/Clarrise: Isagani, ang mabuti pa siguro ay magtago ka na lamang at
baka ikaw pa ang mapagbintangan.
Ken/Isagani: (Nginitian lang niya si Kapitana Loleng)
CHICHOY/James: Hindi malaman ni Don Timoteo kung sino ang dapat sisihin sa pangyayari.
Sila lang naman daw ni Simoun ang namahal sa mga gawain. Dumating ang mga guwardiya sibil
at walang matukoy kung sino ang may kagagawan. Binilin kaming ilihim ang lahat at saka kami
pinaalis.
MOMOY:/Lennox: (Nagkakadautal) Ngu..ngu..ngunit….. (naputol ang sasabihin sapagkat
biglang nagsalita si Sensia)
SENSIA/Mayumi: (malungkot na may halong pagkatakot) Kung nagkaroon ng pagsabog pati
ikaw ay…. (tiningnan niya si Momoy)
Rayner/KAPITAN TORINGGOY: Walang matitira kung nagkaroon ng pagsabog.
*Napatingin sila kay rayner/Kapitan Toringgoy*
*Patuloy na nagmamarites ang 3 dalagita na magkakatabi*
CHICHOY/James pogi: Labis akong nabahala sapagkat kung nagyari ang pagsabog wala na
tayo ngayong Kapitan Heneral, arsobispo, mahahalagang mga tao at maging kawani ng mga
pamahalaan. Tiyak na wawasakin ng pagsabog ang buong Kalye Anloague.
KAPITANA LOLENG/Clarrise: Susmaryosep! Naroon pa naman lahat ng may pagkakautang
sa akin! Bukod pa sa mayroon tayong bahay doon. Sino ba talaga ang dapat managot sa
pangyayaring ito?!
GINOONG PASTA/Cel: sino naman ang naglagay ng supot-supot na pulbura? Sino ang may
kagagawan noon?
ZYREEN/PAULITA: Hindi kaya kagagawan din ito ng mga prayle?
James pogi/CHICHOY: Baka naman ang Intsik na si Quiroga.
Noxx/MOMOY: May kinalaman kaya ang mga estudyante?
Zyreen/PAULITA: Baka naman si Macaraig?
James pogi/CHICHOY: Ang mag-aalahas na si Simoun kaya?
Noxx/MOMOY: Si Simoun???
Rayner/KAPITAN TORINGGOY: (Umubo-ubo, sinulyapan ang kinaroroonan ni Isagani)
James/CHICHOY: Sasabihin ko na sa inyo kung sino ang higit na pinaghihinalaan. Ito’y
walang iba kundi ang mag-aalahas na si Simoun.
*Lahat ay natigilan Sa ginagawa at hindi makapaniwala sa sinabi ni Chichoy.*
*umalis na sa eksena yung mga wala nang gagawin nagpaalam at maiwan pa na nag
kukuwento sina Sensia, Momoy, Binday, Chichoy, Isagani, at Paulita*
Mayumi/SENSIA: (Nag-usisa) Wala ba si Simoun sa handaan?
Noxx/MOMOY: Naroon! Nakita ko siya! Ah, naalala kong umalis siya kaagad dahil kukunin
daw niya ang regalo para sa bagong kasal.
Mayumi/SENSIA: Pero kaibigan siya ng Kapitan Heneral at kasosyo ni Don Timoteo.
Noxx/MOMOY: Oo nga! Nakipagsosyo sya upang maisagawa ang balak na paggulo at
pagpatay.
Mayumi/SENSIA: Nauunawaan ko na ngayon ang lahat. Ayaw nyo kasing maniwala sa sinabi
Tiya Tentay na isang demonyo si Simoun at nabili na ang kaluluwa ng mga kastila.!
Maricar/BINDAY: Naalala ko ang kulay bughaw na ningas sa bahay ng mag-aalahas na si
Simoun ng magpunta kami para bumili ng bato.
Noxx/MOMOY: (Ngatal sa takot) Kagabi ay lumamlam ang ilaw sa kasalan. At ang isang
magnanakaw daw ay pumasok para nakawin ang lamparang iyon na galing kay Simoun.
*Nakaupo si ken at napatayo*
Ken/ISAGANI: (Palakad-lakad, habang nakikinig)
Zyreen/PAULITA: Hindi ba nahuli ang magnanakaw?
Noxx/MOMOY: Nakatalon daw sa ilog kasama ang lampara. May nagsasabi na isa raw Kastila.
Mayroon naman nagsasabi na Intsik daw, at may nagpalagay na isang Indiyo.
James/CHICHOY: Pinaniniwalaan na sa pamamagitan ng lamparang iyon, sasabog ang buong
kabahayan ni Don Timoteo. Pinaghahanap na ngayon si Simoun.
Noxx/MOMOY: Kundi sa magnanakaw na iyon, sana nga namatay na lang lahat.
Ken/ISAGANI: Ang kumuha ng pag-aari ng iba ay isang malaking kasalanan. Kung nalaman
lang marahil ng magnanakaw na ito ang tunay na layunin, malamang pinag-isipan niyang mabuti
ang lahat at tiyak na hindi niya iyon kukunin. Anuman ang maging kapalit, hindi ko nanaising
malagay sa kanyang kinatatayuan.
NARRATOR: Nagpatuloy ang kwentuhan ng mga naroroon. Makaraan ang isang oras,
nagpaalam na si Isagani sa pamilya upang umuwi at mamuhay sa piling ng kanyang amain.
*Kumaway si Isagani at nagpaalam*

ΚΑΒΑΝΑΤΑ 38 EL FILI
*Unang pumasok sa eksena si Simoun/James*
Simoun (james): Ang aking layunin ay wakasan ang suliranin at pagmamalabis na dinaranas ng
bayang ito sa kamay ng mga espanyol, kaya’t kailangan ko nang kumilos.
*Pumasok sa eksena ang dalawang guwardiya*
(Nakita si Simoun ng mga guwardiya)
Guwardiya 1 (Kenneth): Si Simoun! Si Simoun! Ang mag-aalahas na si Simoun!
Guwardiya 2 (Genesis): Atin siyang dakpin pagkat siya’y nagbabalat kayo, siya nga’y si Ibarra!
(pinagbubugbog ng dalawang guwardiya si Simoun ngunit ito’y nakatakas.)
Guwardiya 2 (Genesis) nakatakas si Simoun! Umalis na tayo!
*umalis sa eksena ang dalawang guwardiya at si simoun muling bumalik sa eksena si
Simoun/James*
*Ito’y lumuhod at nagmamakaawa sa Diyos*
Simoun/James: oh Diyos ko! ang kasalanan ba’y lumaban? Lumaban sa katarungan at
kapayapaan ng inang bayan? Gabayan niyo ako Panginoon ko! Gabayan niyo ang bayang
sinilangan ko!
Basilio/Rayner: Ginoong Simoun, Ginoong Simoun! Mabuti’t nakita ko kayo rito, may
kailangan po kayong Malaman, Ginoong Simoun! Patay na po si Maria Clara!
Simoun/James: Totoo ba ‘yan Basilio?
Basilio: Opo!!! Mamatay po siya sa pananamantala ni Padre Salvi!
*Umalis si Rayner/ Basilio sa eksena ngunit tumango muna ito Bago umalis*
*Simoun/James shout Maria Clara!!!!!!!!*
Kailangan ko nang kausapin si Padre Florentino!*habang umiiyak*
*Umalis na sa eksena si Simoun/James at pumasok sa eksena ang narrator*
Narrator: Naging bukambibig si Matanglawin bilang tagahasik ng kasamaan. Sinasalakay niya
ang mga lalawigang sunud-sunuran sa mga maykapangyarihan. Sinasamsam niya ang mga
sandata ng mga gwardia sibil na nang-aalipin sa mga walang muwang na mga mamamayan. Sa
sobrang galit ng mga pinunong pambayan ay pinaghuhuli nila ang sinumang masalubong na
magsasakang may baril o gulok na dala-dala. Sa kawalang katarungang ipinadama nagising sa
katotohanan ang mga ordinaryong mamamayan: ang na pamahalaan o mapangwasak na kamao
ng isang bandido?
*Pumasok lahat sa eksena ang mga casts except sa mga korporal*
*Hawak ni Mautang/Krichelle si Bilanggo na nakatali ang kanyang kamay habang ito’y
nakaluhod*
Carolina(Emily): Tama na! Maawa ka naman sa kaniya, Duguan na ang tuhod ay lika-ika pa
Bilanggo(Romel): ang sakit! Ang sakit!
Mautang(krichelle): Ha? Anong ika mo?
Carolina(Emily): Maawa ka naman sa kaniya. Katulad din natin sila.
Bilanggo(Romel): Parehas naman tayong kayumanggi ang balat, parehas din naman tayo ng
pinagsimulan, ngunit bakit ganito na lamang ang aming kinagigihasnan sa kamay ninyong
malulupit!
Mautang (Krichelle):Manahimik ka! (sinaktan ulit ang bilanggo at tumingin ulit kay Carolina)
Mautang(Krichelle): baguhan ka ano?
* Nilapitan ni Mautang si Carolino at pagkuwa’y binulungan*
Mautang(Krichelle): huwag kang hangal! Sinadya ko silang pagmalupitan at saktan para
galitin. Sa gayon ay magtangka silang tumakas Lumatigo, pumatay at maglibing sa sinumang
nag-aalsa sa pamahalaang ating sinumpaan.
Carolina: tama ka, sa pamahalaang ating sinumpaan pero sinumpaan sa ngalan ng katarungan!
Mautang(Krichelle): Pilipino ka nga pala at pilipino nga rin pala ako, pero kailangang maging
marahas din tayo. Kung lalambut-lambot ang mga sundalo tiyak na mag-aalsa ang lahat ng tao.
trabaho lang natin ito, isantabi mo yang awa.
*Pumasok sa casts ang mga korporal*
Korporal1(Ericka): Humanda kayo sa labanan, naisahan tayo, nasa itaas pa ang mga kalaban,
pagbarilin niyo ang sinumang tatakbo!
Korporal1(ericka): Ikaw na pinakabatang babaeng mandirigma. Ipakita mo ngayon ang iyong
tapang. Sige, hanapin mo ang kaaway. Asintahin mo ang sinumang makikita mo. Huwag kang
babalik na walang dalang bangkay.
Carolina(Emily): Si…Sino po. A… Ako po ba?
Korporal 2 (lennox): Oo, ikaw nga, Sino pa?
Korporal2 (Lennox): Paputukan mo’t pasabugin ngayon din ang utak ng demonyo!
Mautang (Krichelle): Huwag kang tumayu-tayo lang diyan! Bilisan mo! Bilisan mo!
*Umalis sa eksena ang lahat ng casts except kay Carolina/Emily at kanyang lolo/cel*
*Nakatalikod ang kanyang Lolo habang nakaupong bumabasa ng diyaryo*
Lolo/cel: gawin mo na apo!
Carolina(Emily): *naiiyak habang ito’y lumalapit sa kanyang lolo* *binaril nito ang kanyang
Lolo*
Carolina(Emily): Lolo, lolo! Patawarin niyo ako lolo, patawarin niyo po ako, pagkat wala
akong magawa!
Lolo/cel: mahal na mahal kita apo! At ipinagmamalaki kita!
*Umiiyak si Carolina/Emily habang nakahiga si Lolo/cel*
Narrator: Sa kapaitang naranasan sa buhay at kamatayan ay dilat na pumanaw ang isa sa mga
pinakamamahal na lolo ni Carolina, ngunit ako’y napatatanong kung nasaan na kaya ang
sugatang si Simoun? atin itong tunghayan sa susunod at huling kabanata.
*Umalis sa eksena ang lahat at naiwan lang ang narrator”
CHAPTER 39 : ANG PAGTATAPOS
Narrator: Sa kanyang tahanan na nasa tabi ng dagat, na kanyang nakikita ang umaandar na
ibabaw nito sa mga bukas na bintana, na umaabot sa malayo, hanggang sa makita ang pinakadulo
ng tanawin, doon nagpapalipas ng oras si Padre Florentino sa pamamagitan ng pagtugtog sa
armonium ng mga malungkot at hindi masayang tugtugin, na sinasamahan ng malalakas na alon
at mga bulong ng mga sanga ng kalapit na gubat. Mga tunog na mahahaba, malalakas,
mahinahon, na parang mga panalangin, kahit matindi, ang lumalabas sa matandang tugtugin; si
Padre Florentino, isang tunay na musikero, ay tumutugtog ayon sa biglang pagnanais ng
kalooban at dahil siya’y nag-iisa, ibinabahagi niya ang mga kalungkutan na taglay ng kanyang
puso.
Padre Florentino: Ititigil ko na ang pagtugtog ng instrumentong ito, sapagkat ako’y nayayamot
dahil kaaalis lamang ng aking mahal na kaibigan na si Don Tiburcio.
Guwardya sibil: Magandang umaga, Padre! May nagpapaabot po ng telegrama galing kay
Tenyente!
Padre Florentino: Salamat! “Perez, Perez, Cojera, Cogera. Hay! Ang telegramang ito ay para
kay Simoun at hindi kay Don Tiburcio. Bakit ang akala ng matandang iyon na siya ang tinutukoy
ng telegramang ito, sapagkat ang ibig sabihin ng Cojera ay Cogera. At ito’y hindi siya! Lahat ng
ito ay kagagawan ng Donyang Victorinang iyan!
Aliping babae: Magandang araw, Padre! Nais po kayong makausap ni Ginoong Simoun.
Padre Florentino: Sabihin mo na susunod ako.
Narrator: Agad namang tumungo si Padre sa bahay ni Simoun. Siya’y nagulat at hindi
makapaniwala sa kaniyang nakita!
Padre Florentino: Humiga ka at ipagdarasal kita sa Diyos na pagalingin ka.
Simoun: Wala ito, Padre. Mawawala din ito ngunit sa ilang sandali, anumang oras, ang mga
lason ay tatalab sa aking katawan.
Padre Florentino: Naku! Diyos ko!
Simoun: Huwag kang matakot, Padre. Sana ay maipahayag ko sa iyo ang aking lihim. At
itatanong ko sana kung totoo ba ang Diyos.
Padre Florentino: Ang Diyos ay laging nariyan. Kahit saan man tayo magtungo.

Simoun: *Naiiyak* Padre! Ayaw kong mamatay na may dalang kasalanan! Ako si Crisostomo
Ibarra! Na malaon nang ipinapalagay na patay! Noong araw pagkatapos kong mag-aral sa
Europa, umuwi ako upang pakasalan ang babaeng iniibig ko, si Maria Clara. Ngunit hindi ito
natupad.
Padre Florentino: Patawarin ka sana ng Diyos! Alam niyang hindi mo ginusto ang nangyari.
Sapagkat ikaw ay nasilaw sa galit at paghihiganti, hindi nagtagumpay ang iyong plano sapagkat
ang paghihiganti ay walang ibang nililikha kundi ang takot, pagkamuhi, at karahasan. Alam mo
kung saan tayo lalaya? Hindi sa tulong ng pandaraya, hindi sa tulong ng kasamaan, hindi sa
tulong ng pananakit. Dahil ang katumbas ng kalayaan ay ang pag-ibig. Pag-ibig mo sa bayan,
Simoun!
Simoun: Bakit ako ang pinarusahan? Hindi ang masamang namamahala na walang ibang
idinulot kundi ang kasarinlan.
Padre Florentino: Kailangan alugin ang mambabatas upang sila’y mapatalsik, ngunit hindi sa
pamamamamaraan ng karahasan.
*Patuloy ang malalalim na tugtugin*
Simoun: Maraming salamat, Padre. Ngayon ay mapayapa na ang aking kalooban.
Padre Florentino: Simoun! Simoun! Tumatakbo ng krus Nasaan na ang mga kabataang
magtatanggol para sa inang bayan? Nasaan na kayong may mga lakas upang ipagtanggol ang
mga inaapi? Aantayin namin kayo. Hihintayin namin kayo, mga kabataan.
Narrator: Si Simoun ay namatay na nakataas ang noo sa harap ng Diyos. Agad namang
tumungo si Padre Florentino sa baybayin upang iwaksi ang mga alahas na galing kay Simoun na
sumisimbolo ng kasakiman na dulot ng mga Kastila.
*Malalim na tugtugin na nagpapahayag ng kalungkutan*
Padre Florentino: Ang mga alahas na ito ay hindi nagdudulot ng tunay na kaligayahan. Ang
tunay na kayamanan ay matatagpuan sa pagmamahal sa kapwa at pagmamahal sa bayan. Ito ang
tunay na kalayaan na dapat nating ipaglaban.
Narrator: Sa gitna ng kalungkutan at pagkawasak, nananatiling buhay ang pag-asa. Ang pag-
ibig at pagmamahal sa bayan ang magiging lakas ng mga susunod na henerasyon upang harapin
ang mga hamon ng panahon.
*Malalim na tugtugin na nagpapahayag ng determinasyon*
Padre Florentino: Ang pag-ibig sa bayan ay hindi natatapos sa isang tao lamang. Ito ay
nagpapatuloy sa bawat puso na handang magsakripisyo at lumaban para sa katarungan at
kalayaan.
*Malalim na tugtugin na nagpapahayag ng pag-asa at pagbabago*
Narrator: Sa huli, ang pag-ibig at pagmamahal sa bayan ang magiging daan tungo sa tunay na
kalayaan at pagbabago. Ang mga susunod na henerasyon ay magiging tagapagdala ng liwanag at
pag-asa para sa kinabukasan ng ating bayan.
Padre Florentino: Kaawaan nawa ng Diyos ang nagligaw sa kanya sa matuwid na daan.

You might also like