You are on page 1of 1

Nadine H.

Devera
Grade 8-Cooperation
Ang Preserbasyon ng ating kultura at pamana.
Noong unang panahon, nagkaroon ng isang malaking kontribusyon ang mga sinaunang tao sa
paghubog ng ating kultura at pamana. Dahil sa kanila, mas naging maunlad at organisado ang
ating buhay ngayon. Ngunit, maraming mga hamon at problema ang kanilang naranasan, upang
maipadali nila ang mga buhay ng mga susunod na henerasyon. Gayunpaman, dahil sa kanilang
pagsusubok at paghihirap nakamit nila ang kanilang layunin sa pag-uunlad ng kanilang buhay,
agrikultura, at ekonomiya. Naglikha rin sila ng iba’t ibang kagamitan, gumawa sila ng ibang
sistema, at higit sa lahat, nag-isip sila ng iba’t ibang ideya at imbensiyon upang magamit ito sa
kanilang pang-araw-araw na buhay. Kaya’t kailangan nating tandaan ang salawikain na “habang
maikli ang kumot, matutong mamaluktot.” Ang ibig-sabihin ng salawikain na ito ay kung
mayroon tayong problema kailangan nating magsikap at matutong lumaban hangga’t ito’y
naging maayos na. Sa aking palagay, ito ay mayroong malaking koneksyon sa mga pangyayari
noong unang panahon sapagkat dumanas ng maraming problema ang mga sinaunang tao
upang lumikha ng mga bagong imbensiyon para mas maunlad ang ating kabuhayan, pero dahil
dito nagsikap sila, natutong lumaban sa anumang problema na binato ng mundo at hindi sila
napigilan upang lumikha ng mga bagong ideya para sa ikabubuti ng ating daigdig. Subalit,
madalas nalilimutan ng mga kabataan ngayon ang mga kontribusyon na ginawa ng mga
sinaunang tao, nalilimutan din nila ang kahalagahan sa pagpapanatili ng kultura at pamana ng
ating bansa. Upang maiwasan ito, mahalagang mapagtanto natin ang kahalagahan sa
pagpapanatili at pagprotekta ng ating kultura at pamana. Maaari natin itong gawin sa pagagawa
ng ibang programa tungkol sa sitwasyon na ito upang maimpluwensiyahan natin ang ibang tao
para malaman nila ang kahalagahan nito at gumawa ng paraan sa pagpapanatili nito. Hanggang
ngayon, hindi pa rin nating lubos napagtanto ang malaking kahalagahan ng mga kontribusyon
ng sinaunang tao, kaya’t kailangan natin silang pagsasalamatan dahil mas naging madali ang
ating buhay ngayon kaysa noon.

You might also like