You are on page 1of 5

1. Ito ay yaong mga karapatan na kinakailangan para sa ating buhay bilang tao.

Ito ay ang mga


karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang.

a) Karapatang Pampolitikal

b) Karapatang Pantao

c) Karapatang Pang-ekonomiya

d) Karapatang Pagpapakatao

2. Kung wala tayong karapatang pantao, hindi natin lubusang magagamit at mapauunlad ang ating
mga ________, ang ating ________, ________ at ________.

a) Katangian, Talino, Talento at Espiritwalidad

b) Kakayahan, Kaligtasan, Tapang at Moralidad

c) Kahusayan, Tibay ng loob, Pagka-makatao at Maturidad

3. Ang mga ________ ng tao ay dapat matugunan upang siya ay mabuhay. Karapatan ng tao na
matugunan ang kanyang mga ________ upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao.

a) Kagustuhan

b) Karapatan

c) Pangangailangan

4. Sinumang umagaw sa ating pangangailangan o kumitil sa ating buhay nang walang dahilan ay
lumalabag sa ating ________ bilang tao.

a) Kagustuhan

b) Karapatan

c) Pangangailangan

5. Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala sa karapatan ng ________.

a) Sarili

b) Iba

c) Mamamayan

6. Ano ang kahulugan ng UDHR?

a) United Development of Human Retrieval

b) United Detention of Human Rights

c) Universal Declaration of Human Rights

d) Universal Department of Human Resource


7. Sa pamamagitan ng deklarasyong ito, kinikilala ng pamahalaan ang kanilang obligasyon na
siguraduhing lahat ng mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o babae, at mula sa anumang lahi at
relihiyon, ay tatratuhin nang ________.

a) Kaaya-aya

b) Tama

c) Karapat-dapat

d) Pantay

8. Tumutukoy sa mga karapatan ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.

a) Sibil

b) Politikal

c) Ekonomiko

d) Sosyal

e) Kultural

9. Tumutukoy sa mga karapatan ng taong lumahok sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa


ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.

a) Sibil

b) Politikal

c) Ekonomiko

d) Sosyal

e) Kultural

10. Tumutukoy sa mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at mapayapa.

a) Sibil

b) Politikal

c) Ekonomiko

d) Sosyal

e) Kultural

11. Tumutukoy sa mga karapatan upang mabuhay ang tao sa isang lipunan at isulong ang kanyang
kapakanan.

a) Sibil

b) Politikal
c) Ekonomiko

d) Sosyal

e) Kultural

12. Tumutukoy sa mga karapatan ng tao na makisali sa mga proseso ng pagdedesisyon ng


pamayanan.

a) Sibil

b) Politikal

c) Ekonomiko

d) Sosyal

e) Kultural

13. Ang pamahalaan ng ________ ang isa sa mga bansang nagbigay ng mataas na pagpapahalaga sa
dignidad at mga karapatang pantao.

a) Amerika

b) Japan

c) Pilipinas

d) China

14. Bilang patunay, malinaw na inilalahad sa ________ ang pagpapahalaga ng Estado sa karangalan
ng bawat tao at ginagarantiyahan nito ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.

a) Artikulo II, Seksyon 11 ng Saligang Batas ng 1987

b) Artikulo I, Seksyon 12 ng Saligang Batas ng 1988

c) Artikulo III, Seksyon 11 ng Saligang Batas ng 1987

15. Ayon sa aklat ni ________ may tatlong uri ng mga karapatan ang bawat mamamayan.

a) De Guzman et al. (2014)

b) De Leon et al. (2014)

c) Dela Cruz et al. (2014)

16. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.

a) Natural

b) Constitutional

c) Statutory
17. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan
ng panibagong batas.

a) Natural

b) Constitutional

c) Statutory

18. Ito ay tumutukoy sa mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng Estado.

a) Natural

b) Constitutional

c) Statutory

19. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong


kalagayan ng mga indibiduwal.

a) Karapatang Politikal

b) Karapatang Sibil

c) Karapatang Sosyo-ekonomik

d) Karapatang ng Akusado

20. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibiduwal na maging kasiya-
siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.

a) Karapatang Politikal

b) Karapatang Sibil

c) Karapatang Sosyo-ekonomik

d) Karapatang ng Akusado

21. Ito ay tumutukoy sa kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa


pagtatatag at pangangasiwa ng pamahalaan.

a) Karapatang Politikal

b) Karapatang Sibil

c) Karapatang Sosyo-ekonomik

d) Karapatang ng Akusado

22. Ito ay tumutukoy sa mga karapatan na magbibigay proteksiyon sa indibiduwal na inaakusahan sa


anumang krimen.

a) Karapatang Politikal
b) Karapatang Sibil

c) Karapatang Sosyo-ekonomik

d) Karapatang ng Akusado

23. Kanino ka magrereklamo kapag may paglabag sa iyong mga karapatan?

a) Mama

b) Pulis

c) Bureau of Corrections

d) Commission on Human Rights

24. Kapag bahagi ng gobyerno (pulis, militar, korte, at iba pa) ang nag abuso ng tao, ito ay isang
human rights violation. Maari itong i-report sa ________?

a) Mama

b) Pulis

c) Bureau of Corrections

d) Commission on Human Rights

25. Kapag sibilyan o pribadong tao ang nang-rape, pumatay at iba pa, ito ay krimen. Sa ________ ka
dapat pumunta.

a) Mama

b) Pulis

c) Bureau of Corrections

d) Commission on Human Rights

You might also like