Tunay na binago ng globalisasyon ang bawat aspeto ng pamumuhay ng tao, maging ito ay sa ekonomiya, politika at sosyo-kultural. Sa mga pagbabagong ito, hindi maiiwasan ang mga hamong dinulot ng globalisasyon sa bawat bansa. KAYA NAMAN MARAPAT NA TUGUNAN NG BAWAT BANSA ANG HAMONG ITO. May ilang hakbang ang ginagawa ng mga pamahalaan sa iba’t ibang panig ng daigdig: Tugon sa Hamon ng Globalisasyon A.GUARDED GLOBALIZATION. Kahit na bukas ang bansa sa mga industriya at kalakal ng ibang bansa ay binibigyang proteksyon pa rin nito ang lokal na industriya o namumuhunan.
Halimbawa: 1. Pagpataw ng taripa o buwis sa mga produktong galing sa ibang bansa
2. Pagbibigay ng subsidiya sa mga
namumuhunang lokal Tugon sa Hamon ng Globalisasyon B. PATAS NA KALAKALAN O FAIR TRADE. Ito ay tungkol sa mas mabuting presyo, disenteng kondisyon sa pagtatrabaho at patas na mga tuntunin ng kalakalan para sa mga magsasaka at manggagawa lalo na sa papaunlad na bansa o developing countries. Ito ay kaayusan upang matulungan ang mga prodyusers sa mga umuunlad na bansa na makamit ang napapanatili at pantay na ugnayan sa kalakalan.