Professional Documents
Culture Documents
TV Broadcasting Script
TV Broadcasting Script
Anchor 2 Ang oras sa buong kapuluan, __ minuto makalipas ang alas __ ng __, ika-siyam ng
Nobyembre sa taong 2022.
Voiceover Live mula sa TV Bandera 630 (Sais Trenta), ito ang Balitang Alisto.
Both anchors Kami ang inyong FAST na FAST na mga tagapagbalita. Ito ang BALITANG ALISTO!
Anchor 1 Sa balitang ibayong dagat, Piloto ng Japan Airline, nag-paumanhin dahil naka-inom.
Alertong ipapahayag ni ka-alistong __________
News Presenter 1 Humingi ng paumanhin ang Japan Airlines (JAL) matapos maaresto ang isa sa kanilang
mga co-pilots na nakainom matapos mahuli sa ikalawang in-house breath test na
isinasagawa ng kompanya, dahilan para maantala ang biyahe ng mga pasahero patungong
Tokyo.
Bunsod nito, hinimok naman ng Japanese transport ministry ang mga airline companies na
mahigpit na tumalima sa batas ukol sa pag-inom ng nakalalasing na inumin.
<sounds>
INFOMERCIAL 1
Anchor 2 Sa balitang nasyonal, Sister Fox, babalik na sa Australia mamayang gabi. Alertong
ipapahayag ni ka-alistong __________.
News Presenter 2 Nakatakda nang bumalik sa Australia mamayang gabi si Sister Patricia Fox matapos ang 27
taong pananatili dito sa Pilipinas dahil ngayong araw mapapaso ang kanyang tourist visa.
Subalit pahayag ng legal counsel ng madre na si Atty. Jobert Pahilaga na hindi pa tapos ang
laban dahil sa nakabinbin na kasong deportation laban kay Sister Fox sa Department of
Justice (DOJ).
<sounds>
Anchor 1 Tutukan ang balitang sariwa para sa masa, dito lang sa….
INFOMERCIAL 2
News Presenter 3 Popondohan ng DOST ang paggawa sa Hybrid Trimaran na isang uri ng barko na kayang
gawing electrical energy ang mga ocean waves na nahahagip nito.
Alegro, totoo ang inyong agham master, (name) para sa Balitang Alisto!
<sounds>
Anchor 2 Sa balitang isports, Raptors nanatiling on top kontra Suns sa East Con, 107-98! Alistong
ipapahayag ng ating isports Ekspert________.
News Presenter 4 Nadepensahan ng Toronto Raptors ang kanilang pwesto bilang top team ng Eastern
Conference matapos padapain ang Phoenix Suns sa nagpapatuloy na play-offs ng NBA,
107-98.
Binuhat ni Kawhi Leonard ang Raptors sa 19 points, na sinundan ng 16 points mula kay
Jonas Valanciunas habang nanguna naman para sa Suns ang Number 1 overall pick noong
draft na si Deandre Ayton na nagpakawala ng 17 points at 18 rebounds.
Alegro, totoo, ang inyong isports Ekspert, (name) para sa Balitang Alisto!
<Sounds>
Anchor 2 Kami ang inyong FAST na FAST na tagapagbalita sa loob ng limang minuto!
Signing off
News Anchor 1:
News Anchor 2:
News Presenter 1:
News Presenter 2:
News Presenter 3:
News Presenter 4:
Voice Over: