You are on page 1of 1

BUMAGSAK KA hindi ka IBINAGSAK

hindi ka ibinagsak, bumagsak ka dahil nung tinanong ni guro kung sino ang nalilito, at hirap sa topic
ay hindi ka kumibo...
hindi ka ibinagsak, bumagsak ka dahil nung abalang nagtuturo si guro ay abala ka din sa
pakikipagkwentuhan at pakikipagdal dalan sa kaklase mo ung tipong 48/50 ay nkikinig sa guro pero
bakit kaung 2/50 ay hindi tuloy nagtatanong si guro sa sarili kung siya ba ang may problema...
hindi ka ibinagsak, bumagsak ka dahil nung mag written output na bigla kang nawala at di na
bumalik pa, ayon andun kna pala sa kantena nauna ng nagmeryenda...
hindi ka ibinagsak, bumagsak ka dahil nung magperformance task na di ka sumali sa grupo at mas
pinili mong mamasyal, umabsent at magbisyo kasama ng iyong mga barkada at ng papagawan ka ng
individual performance task malakas pa loob mong tumanggi na para bang pakiramdam mo papasa
ka ng walang ginagawa...
hindi ka ibinagsak, bumagsak ka dahil nung hinahanap ka ni guro sa paaralan, sa kalsada, sa inyong
barangay upang ipaalala sayo na kelangan mong pumasok ay hindi ka mahagilap na para bagang
pakiramdam mo papasa ka kahit no show ka...
hindi ka ibinagsak, bumagsak ka dahil nung sinabihan kang tawagin ang iyong magulang para sa
iyong pag aaral na sobra na sa pagliban ay walang pmupunta ngunit kapag certification always
present nan sila... na pati home visitation ay wala ng TALAB para pumasok ka...
hindi ka ibinagsak, bumagsak ka dahil ng si guro ay nagbigay ng sangkatutak na palugit at remedial
ay siya namang sangkatutak na dahilan ang ibinigay mo para ikay lalong lumiban...
hindi ka ibinagsak, dahil walang kakayahan si gurong ibagsak ka lalo kong alam mong kompleto sa
WW, PT at Periodic test...
bumagsak ka dahil alam mong ni isa ay wala kang ginawa... o kung meron man ay tlagang di aabot
sa PITUMPOT LIMA...
PERO WAG KANG MAG ALALA MAY SECOND QUARTER PA. redeem yourself kaya mo yan
KID....
"HINDI PO MATAAS ANG STANDARD NI GURO at kami ay maximum tolerance sa lahat ng
bagay ngunit nasaan ang hustisya sa BATANG DI PUMAPASOK ng walang valid reason...with all
the possible intervention given, talaga bang natutulungan natin sila kung sila ay papasa ng walang
ginagawa o tinotolerate lang natin ang katamaraan nila na in the long run lalong di natin
NATULUNGAN?"
give a man a fish and he will live for a day but teach the man how to fish and he will live a lifetime...
bigyan mo ang bata ng pasadong grado at papasa siya...oo papasa siya... pero turuan mo ang bata
kung paano matuto ay matututo siya sa buong buhay nya mataas man o mababa ang marka .

You might also like