You are on page 1of 11

GAD-based iC CEBU

Lesson Exemplar

Grade Level: 5 Learning Area: Filipino Quarter: I Duration: 50 minutes


Learning Area/s Integrated: EsP, EPP, Science, MAPEH- Music ,PE and Health
Integration Approach Used: (Please tick.)
Multidisciplinary √ Interdisciplinary Transdisciplinary

I. 21st Century Skills to be developed (Please tick.)


√ Communication √ Learning and Innovation √ Problem Solving
√ Critical Thinking Information Media and Technology Life and Career

II. Focused Learning Competency


F5PT-Ih-i-1.5 naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng
kasalungat
III. Focused GAD-based Principle to be Integrated
naipakikita ang paggalang sa bawat kasapi nang pangkat
IV. Intended Learning Outcomes
Knowledge natutukoy ang mga salitang magkasalungat ang kahulugan

Skills nakasusulat ng mga salitang magkasalungat ang kahulugan

Attitude naipakikita ang pantay-pantay na pakikisama sa kapwa

Values napahahalagahan ang pakikipagkapwa-tao sa pamamagitan ng pagrespeto


sa kung anuman ang kanilang katangian
V. Learning Content/s Mga Salitang May Magkasalungat na Kahulugan

Concept Ang magkasalungat na salita ay mga salitang may


kabaliktaran na kahulugan o magkaiba ang kahulugan.

Themes

Learning Materials metacards, video clip, pentel pen, manila paper, larawan,
reyalya
naipakikita ang pag-ingat sa mga pangkatang gawain para
maiwasan ang aksidente
DRRE Concepts

LM Alab Filipino 5 pp. 46-47, TG Alab Filipino 5 p. 37, Curriculum


Guide p. 94, https://www.youtube.com/watch?v=R-IPRftd8lA,
References https://www.google.com/search?biw=1029&bih=630&tbm=isch
&sa=1&ei=y8rxXeqXJMLEmAX8r5CgCA&q=kuneho&oq=kuneho&
gs_l=img.3..0l10.258272.700401..701982...0.0..0.1256.5770.0j13j
0j1j6-3j1......0....1..gws-wiz-
img.....0..0i67j0i7i30j0i5i30j0i131.cIaLKBHtOiQ&ved=0ahUKEwiqq
aSlq6_mAhVCIqYKHfwXBIQQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=xWPcFSB1
Dqc2pM:,
oogle.com/search?biw=1029&bih=630&tbm=isch&sa=1&ei=_83x
XbKAIOa4mAXk47qQDQ&q=maitim+na+aso&oq=maitim+na+aso
&gs_l=img.3...21683.25368..27209...1.0..0.225.1808.0j10j2......0..
..1..gws-wiz-
img.......0i67j0j0i10j0i7i30.g5DFlm7U37Q&ved=0ahUKEwjy-
6Csrq_mAhVmHKYKHeSxDtIQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=Pfz0QnW
2xvt78M:,
https://www.google.com/search?biw=1029&bih=630&tbm=isch
&sa=1&ei=dc7xXY_jPJCQr7wPqfqSsAc&q=bulak&oq=bulak&gs_l=
img.3..0l10.931.1403..1883...0.0..0.533.1492.4-1j2......0....1..gws-
wiz-
img.gaakTTeTKj0&ved=0ahUKEwjP8d_krq_mAhUQyIsBHSm9BHY
Q4dUDCAc&uact=5#imgrc=5_vhSpDeumktBM:,
https://www.google.com/search?biw=1029&bih=630&tbm=isch
&sa=1&ei=us7xXaSFN-
S4mAWW4LJY&q=maitim+na+bato&oq=maitim+na+bato&gs_l=i
mg.3..0l3j0i24.14803.21400..23268...0.0..0.184.3182.0j24......0....
1..gws-wiz-
img.....0..0i67j0i131j0i8i30.szFPVlaUsLw&ved=0ahUKEwikys2Fr6_
mAhVkHKYKHRawDAsQ4dUDCAc&uact=5#imgrc=-
UW8Zeyi4ipKqM:

VI. Learning Experiences (5 Es)


1. Engage Sabihin: Mga bata, bago tayo magsimula ito ang mga dapat ninyong gawin
(10 minutes) para sa aralin natin ngayon.
1. Tumahimik at makinig ng mabuti sa nagsasalita.
2. Itaas ang kanang kamay kung gustong sumagot.
3. Sumali sa pangkatang gawain.
4. Iwasan ang pakikiusap sa katabi.
Tanong:

 Alam ba ninyo ang awiting "Tatlong Bibe"?


Inaasahang sagot:
Opo ma'am, alam po namin.
Sabihin: Sige, tingnan ninyo nang mabuti ang video clip, tumayo kayong
lahat at sumabay sa pag-awit at paggalaw ng inyong katawan ayon sa
nakita ninyo.
Tatlong Bibe
May tatlong bibe akong nakita, mataba mapayat mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, siya ang lider na nagsabi ng kwak,
kwak,kwak,kwak,kwak
Tayo na sa ilog ang sabi, kumending ng kemending ang mga bibe
Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa, siya ang lider na nagsabi ng kwak,
kwak, (kwak,kwak,kwak)2X
Tanong:

 Ano ang pamagat ng awitin?


Inaasahang sagot:
Ang pamagat ng awitin ay Tatlong Bibe po ma'am.
 Ilang bibe ang binanggit sa awitin?
Inaasahang sagot:
Ang binabanggit na bibe sa kanta ay tatlo.
 Mayroon ba kayong mga alagang hayop sa inyong bahay?
Inaasahang sagot:
Opo ma'am, mayroon po. Ang mga alaga naming hayop sa bahay ay
baboy, kambing, manok, itik, kuneho, pusa at aso.

2. Explore Tanong:
(10 minutes)
 Paano inilarawan ang mga bibe ayon sa kanta?
Inaasahang sagot:
Ang mga bibe ay mataba at payat.
Sabihin: Mayroon akong ipapagawa sa inyo. Sundin ninyo ang panuntunan
sa pangkatang gawain. Sundin ang panuto kung ano ang ipapagawa sa
inyo.
Pangkat 1: Paghambingin ang dalawang larawan. Isulat kung ano ang
kaibahan sa bawat isa.
Sabihin: Ang larong ito ay tawagin nating “Kilalanin Mo Ako”.

Inaasahang sagot:

kuneho aso

maputi maitim

maamo mabangis

maliit malaki

Pangkat 2: Gamit ang riyalya na bulak at bato. Ibigay ang kabaligtaran


na katangian sa bawat bagay.
Sabihin: Ang larong ito ay tawagin nating “Sa Pula sa Puti”.

Inaasahang sagot:
bulak bato

malambot matigas

maputi maitim

marami kunti

maliit malaki

Pangkat 3: Ikumpara ang dalawang bagay.


Sabihin: Ang larong ito ay tawagin nating ‘ Magkaiba Tayo”.

kape

Inaasahang sagot:

kape sorbetes

mainit malamig

maitim maputi

mapait matamis

3. Explain Sabihin: Bawat pangkat ay mag-ulat sa inyong mga sagot. Pumili ng


(8 minutes) isang miyembro na kasali sa pangkat na siyang tagapag-ulat.

 Tanong:
Anu-anong mga salita ang ginagamit ninyo sa paghahambing?
Inaasahang sagot:
Ang kuneho ay maputi, maamo at maliit ngunit ang aso ay
maitim, mabangis at malaki. Ang bulak ay malambot, maputi,
marami at maliit ngunit ang bato ay matigas, maitim, kaunti
at malaki. Ang kape ay mainit, maitim at mapait ngunit ang
sorbets ay malamig, maputi at matamis.
Sabihin: Basahin na ninyo ang inyong mga sagot.

 Magkatulad ba ang kahulugan ng salitang ginagamit ninyo sa


paghahambing?
Inaasahang sagot:
Hindi po magkatulad ang kanilang katangian.
Tanong:

 Ano ang masasabi ninyo sa bawat pares ng salita?


Inaasahang sagot:
Ang bawat pares ng salita ay hindi magkatulad ang
kahulugan.
 Ano ang tawag sa mga salitang may kabaligtaran na
kahulugan?
Inaasahang sagot:
Ang tawag sa mga salitang may kabaliktaran na kahulugan ay
magkasalungat.
 Paano natin matutukoy ang mga salitang magkasalungat?
Inaasahang sagot:
Matutukoy natin ang mga salitang magsalungat kung ang
pares ng salita ay may kabaliktaran na kahulugan.
Tanong:

 Sa mundong ito, lahat ba ng bagay ay magkakatulad?


Inaasahang sagot:
Hindi po lahat ng bagay ay magkakatulad.
 Ano ang gagawin mo kung makakita kayo ng kapwa mo tao
na may kakaibang katangian?
Inaasahang sagot:
Igalang o respetuhin po ma'am kung ano man ang kanilang
katangian.
 Sa mga hayop, lahat ba ay maamo?
Inaasahang sagot:
Hindi po lahat na hayop ay maamo, mayroon ding mabangis.
 Bakit nag-aalaga kayo ng mga hayop sa bahay?
Inaasahang sagot:
Nag-aalaga po kami ng hayop sa bahay para may makakain,
tagabantay sa aming bahay at makatulong na rin sa aming
pamumuhay.

 Paano ito nakatutulong sa inyong pamumuhay?


Inaasahang sagot:
May malaki po itong maitutulong sa pamumuhay ng pamilya
dahil kung naubusan na tayo ng mga pang-araw -araw na
pangangailangan maari po nating ibenta ang ilan sa ating mga
alagang hayop para pambili sa ating mga pangangailangan.

 Paano ninyo inalagaan ang mga ito?


Inaasahang sagot:
Inaalagan namin ang aming mga alagang hayop sa
pamamagitan ng pagpapakain, pagpaligo, pagbibigay ng
kulungan o masisilungan.
 Ano ang mangyari kung sasaktan ninyo palagi ang alaga
ninyong aso?
Inaasahang sagot:
Kung palagi nating sinasaktan ang ating aso , ito ay
mangangagat.
 Ano ang mangyayari kung ikaw ay aksidenteng makagat nito?
Inaasahang sagot:
Kung tayo ay makagat ng aso, tayo ay magkaroon ng rabis
mula nito na maari nating ikamatay kung hindi natin
maagapan.
Inaasahang sagot:

 Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay makagat nito?


Inaasahang sagot:
Kung aksidenting makagat ng aso, kaagad magpakonsulta sa
doktor.

4. Elaborate Sabihin: May ipagagawa ako sa inyo; “Kaya Mo, Kaya Ko”(Pangkatang
(5 minutes) Gawain). Sundin ninyo kung ano ang ipagagawa sa inyo.Idikit sa pisara
kung tapos na kayo sa pagsasagot. Pumili ng isang miyembro para mag-
ulat.

Pangkatang Gawain.

Pangkat 1: Magbigay ng 4 na pares ng salitang may magkasalungat na


kahulugan at isulat ninyo ito sa manila paper.
Inaasahang sagot:

Mga salitang Magkasalungat


1. mayaman - mahirap
2. malayo - malapit
3. luma - bago
4.bata - matanda
Pangkat 2: Isulat ang kasalungat ng bawat salita. Isulat sa tapat ng salita ang

inyong sagot.

Inaasahang sagot:
1. matulin mahina

2. maingay tahimik

3. malakas mahina

4. masama mabait

5. mabigat magaan

Pangkat 3: Pagtambalin ang mga salitang magkasalungat. Isulat ang titik sa


patlang.

Inaasahang sagot:

. Hanay A . Hanay B

__b__ 1. matigas a. bago

__ d__2. malinis b. malambot

__ a__3. luma c. malungkot

__ c__4. masaya d. marumi

Tanong:

 Ano ang tawag sa mga salitang may kabaliktaran na kahulugan?

Inaasahang sagot:
Ang mga salitang may kabaliktaran na kahulugan ay tinatawag na

magkasalungat na salita.

 Ano ang salitang magkasalungat?

Inaasahang sagot:
Ang salitang magkasalungat ay may kabaliktaran na kahulugan.

 Mayroon pa bang mga katanungan tungkol sa aralin?

Inaasahang sagot:
Wala na po.
 Naiintindihan niyo na ba ang aralin natin ngayon?

Inaasahang sagot:
Naiintindihan na po namin ang bago nating aralin ma'am.

5. Evaluate Sabihin : Maghanda ng isang kapat na papel at isulat ang


(15 minutes)
mga sagot ninyo.
Panuto: Hanapin sa kahon ang kasalungat ng bawat salita.

malamig mababaw malapit mabaho

Inaasahang sagot:

1. malalim - mababaw 3. mabango - mabaho


2. mainit - malamig 4. malayo - malapit

VII. Learning Enablement Gumupit o gumuhit ng apat na pares ng larawan na nagpapakita ng


(2 minutes) kabaliktaran na kahulugan at gamitin ito sa pangungusap.
Rubrics:

Puntos Pamantayan

Naipapakita ang kaalaman nang higit pa sa hinihingi sa


5 pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na may
kaakibat na pagpapalawak at pagpapaliwanag.

Nagpapakita ng kaalaman ayon sa hinihingi sa pamamagitan


4 ng pagsagot sa mga katanungan na may kaakibat na
pagpapalawak at pagpapaliwanag.

Nagpapakita ng kaalaman ayon sa hinihingi sa pamamagitan


3
ng wastong pagsagot sa mga katanungan .

Nagpapakita ng kaalaman subalit may mga kalituhan sa


2
pagsagot sa mga katanungan.

Nagpapakita ng kaalaman subalit may pag-alinlangan at


1
pagkakamali sa pagsagot sa mga katanungan.
Reflection (DepED Order No. 42, s. 2016)

A. No. of learners who earned 80% in the evaluation


B. No. of learners who require additional activities for remediation
C. Did the remedial lessons work?
D. No. of learners who have caught up with the lesson
E. No. of learners who continue to require remediation
F. Which of my learning strategies worked well? Why did these work?
G. What difficulties did I encounter which my principal or supervisor can help me solve?

Prepared by

CAROLIZA G. BANZON
Teacher II
Boljoon Central School, Boljoon District

Reviewed: Verified:

ARACELI A. CABAHUG, Ed.D . MARY ANN P. FLORES, Ed.D.


Education Program Supervisor-Filipino Chief, Curriculum Implementation Division

Recommending Approval:

LEAH B. APAO, Ed.D., CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Approved:

MARILYN S. ANDALES, Ed.D., CESO V


Schools Division Superintendent

You might also like