You are on page 1of 1

Hazelle Joy C.

Borja - 2K

Kasanayang Panonood

1. Saan matatagpuan ang Kalye Impyerno? Ilarawan ang lugar.

Ang Kalye Impiyerno ay matatagpuan sa Barangay San Roque, Navotas City. Ang daanan patungo sa
eskinita ng kalye impiyerno ay makipot at madilim. Tinatawag din itong bituka dahil sa pa “zigzag” na
daanan. Ang eksaktong lokasyon ng kalye impiyerno ay sa pagitan ng kalye langit at kalye banal.

2. Bakit Kalye Impiyerno ang pangalan nito? Ibigay ang mga dahilan.

Nagsimulang tawagin ang kalye impiyerno noong 1981 dahil sa simpleng katuwaan lamang ng mga
kabataan. Sa katotohanan ay napapagitnaan ito ng kalye banal at langit at napag desisyonang tawagin
kalye impiyerno ngunit pagkalipas ng ilang taon ay pawang naging totoong impiyerno ito. Noong taong
1989, ang lugar ay naging pugad ng mga taong “abu” kung tawagin. Sila ay mga birador o mga taong
binabayaran para pumatay. Isang dekada naghari ang mga birador at tuluyan ng lumisan sa lugar
noong 1998 pagkatapos ma “ambush” sa Malabon an isa sa mga lider ng grupo. Pagkaraan ng ilang
taong tahimik ang lugar ay tuluyan naman itong nag ingay dahil sa pagpatay sa isang pamilya na
kinabibilangan ng isang buntis at ang suspek ay ang kinakasamang lalake nito. Ang pangyayari ay
tinawag na “Friday the 13th Massacre.” Ang kalye impiyerno ay naging target rin ng operation tokhang
sa panahon ng administrasyong Duterte. Ang lugar ay naging kuta ng ipinagbabawal na gamot at isang
babaeng buntis ang namatay noong 2019 dahil siya ay nagpaghinalaang asset ng pagbebenta ng
droga. Subalit pagkatapos ng masalimuot na nakaraan ng kalye impyerno ay mapayapa na ito ngayon
sa tulong ng punong barangay na si Ricky kung saan binigyan niya ng pagkakataon magbago ang mga
adik sa lugar sa pagbibigay niya ng trabaho sa mga ito.

3. Ano ang mensahe ang gustong iparating ng dokumentaryo?

Ang mensaheng gustong iparating ng dokumentaryo ay para imulat sa realidad ang mga tao. Ang mga
taong pinakita sa bidyo ay biktima lamang ng kahirapan. Makikita din na ang mga masasamang tao na
nagdudulot ng rahas sa iba ay pinaparusahan agad ng Diyos. Ayon kay Kara David, “Huwag natin
husgahan ang isang tao dahil lang sa kanyang tahanan, pangalan at nakaraan.” Ang linyang ito ay
nagbibigay mensahe na ang lahat ng tao ay may pagkakataon pang magbago at maging isang
mabuting mamamayan. Ang istorya nina Edmund at ng kanyang asawa ay isang patunay kung saan
ang pagbabago ay nasa tao at hindi magiging rason ang kahirapan para maisaayos ang katayuan sa
buhay. Malaki din ang naitulong ni Ricky sa mga tao na nagpapatunay na kailangan mo pagkatiwalaan,
gabayan, at bigyan ng bagong pagkakataon ang isang taong nawawala sa landas ng buhay.

You might also like