You are on page 1of 9

SECOND QUARTER EXAMINATION IN ARALING PANLIPUNAN 5

S.Y. 2023-2024

TALAAN NG ISPESIPIKASYON

COGNITIVE PROCESS
N
DIMENSIONS
o
. 10
N 60% 30%
o %
o
f
. U
D
o R n
a Item
Most Essential Learning f e d A E C
y A Place
Competencies I m e n v r
s p ment
t e r al al e
T pl
e m st y u a
a yi
m b a zi at ti
u er n
s n n in n
g in g
di g g g
h g n
t
g
Naipapaliwanag ang mga
dahilan at layunin ng 5 6 3 2 1 1-6
kolonyalismong Espanyol.
Nasusuri ang mga paraan ng
pagsasalilalim ng katutubong
populasyon sa kapangyarihan
10 13 8 3 2 7-19
ng Espanya
a. Pwersang military
b. Kristiyanisasyon
Nasusuri ang epekto ng mga
patakarang kolonyal na
ipinatupad
ng Espanya sa bansa
A. Patakarang pang
-ekonomiya
(Halimbawa: Pagbubuwis,
Sistemang 25 31 13 2 5 7 4 20-50
Bandala, Kalakalang Galyon,
Monopolyo sa Tabako, Royal
Company, Sapilitang
Paggawa at iba
pa)
B. Patakarang pampolitika
(Pamahalaang kolonyal)
TOTAL 40 50 24 7 0 8 7 4
Answer Key

1 B 11 B 21 A 31 B 41 D

2 C 12 A 22 D 32 A 42 B

3 D 13 A 23 D 33 A 43 C

4 D 14 B 24 B 34 A 44 C

5 A 15 D 25 C 35 A 45 A

6 A 16 B 26 D 36 B 46 C

7 C 17 A 27 A 37 A 47 D

8 D 18 C 28 B 38 C 48 A

9 B 19 C 29 A 39 A 49 A

10 C 20 B 30 A 40 A 50 D
Ikalawang Pagsusulit sa Araling Panlipunan V

Pangalan: ____________________________________ Marka: __________________


Pangkat: ____________________________ Petsa: ___________________

Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba at piliin ang titik ng tamang sagot sa
mga pagpipilian. Isulat ang sagot sa patlang.

___1. Ano ang tawag sa pagkontrol ng isang malakas na bansa sa isang


mahinang bansa?
A. kapitalismo C. komunismo
B. kolonyalismo D. sosyalismo
___ 2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng pagtuklas at pananakop ng
mga Espanyol?
A. Maging tanyag at makapangyarihan
B. Maipalaganap ang Relihiyong Kristiyanismo
C. Upang palakasin ang mga mahihinang bansa
D. Makuha ang kayamanan ng mga masasakop na lupain
___ 3. Si _____ay isang Portuges na manlalakbay at sundalong namuno sa isang
ikespedisyon na hiniling niya mula sa Hari ng Espanya.
A. Ferdinand Marcos C. Lapu-lapu
B. Francisco Amorsolo D. Ferdinand Magellan
___ 4. Ang mga sumusunod ay pangunahing layunin ng Espanya sa pagtuklas
ng mga lupain maliban sa isa. Ano ito?
A. Makakuha ng mga kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain
B. Maipalaganap ang relihiyong kristiyanismo
C. Makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang
bansa sa paggalugad ng mga bagong lupain
D. Magkaroon ng maraming kaibigan.
___ 5. Noong Marso 31, 1521, idinaos ang kauna-unahang misa. Saan ito
naganap?
A. Limasawa C. Panay
B. Maynila D. Leyte
___6. Alin ang isa sa mga dahilan kung bakit nabigo ang mga katutubong
Pilipino sa pagpigil sa mga dayuhang Espanyol na sakupin ang kanilang mga
pamayanan?
A. Hindi nagkakaisa ang mga katutubo.
B. Itinatag ng mga Espanyol bilang isang lungsod ang Maynila.
C. Muntik nang matalo ng mga katutubong Pilipino ang mga Espanyol.
D. Mas kakaunti ang bilang ng mga mandirigmang Pilipino laban sa
Espanyol
___ 7. Ang relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol ay ____.
A. Animismo C. Kristiyanismo
B. Budismo D. Paganismo
___ 8. Ito ay patakarang sapilitang ipinatupad ng mga Espanyol para lumipat
ng tirahan ang mga katutubo.
A. Doctrina Ekspedisyon C. Kristiyanisasyon
B. Ekspedisyon D. Reduccion
___ 9. Ano ang simbolong Kristiyano ang ipinatayo ng mga Espanyol para
maipalaganap ang Relehiyong Kristiyanismo?
A. Espada C. Simbahan
B. Krus D. Tubig
___ 10. Sa paggawa ng seremonya, ano ang ginamit ng mga Espanyol kapalit
ng mga bagay sa kalikasan?
A. Imahen ng Pari C. Imahen ng Santo at Santa
B. Imahen ng Gobernador D. Imahen ng Hari ng Espanya
___ 11. Ang sapilitang pagpapatupad ng Kristiyanismo ay naging daan para
sa_________.
A. Kanonisasyon C. Komunikasyon
B. Kolonisasyon D. Komunyon
___ 12. Sa pananakop ng mga Espanyol, ang simbolo ng hukbong sandatahan
ay__________.
A. espada C. krus
B. ginto D. pera
___ 13. Sino ang pinuno ng Cebu nang sakupin ni Legaspi ang kanilang lugar?
A. Humabon C. Lapu-lapu
B. Kolambu D. Martin de Goite
___ 14. Ano ang kadalasang nangyari sa mga lumaban sa mga Espanyol?
A. binibiyayaan C. nagiging opisyal
B. pinaparusahan D. nagiging sundalo
___ 15. Ano ang ginagawa ng mga Espanyol kung hindi sila tinatanggap ng
mga katutubo sa kanilang lugar?
A. lumisan sila C. nagmamakaawa sila
B. nagpaalipin sila D. gumagamit sila ng puwersa
___ 16. Bakit natalo ang mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol?
A. duwag sila C. maawain sila sa dayuhan
B. kulang sa armas D. marunong silang gumamit ng baril
___ 17. Ano ang paraang ginamit ng mga Espanyol na nagdulot ng kahinaan sa
mga Pilipino dahil pinag-away nila ang mga kapwa Pilipino?
A. divide and rule C. merkantilismo
B. kolonyalismo D. sosyalismo
___ 18. Ang tawag sa sapilitang pagpapalipat ng mga katutubo sa mga pueblo
o sentro ng populasyon ay _________________.
A. Falla C. Reduccion
B. Polo Y Servicio D. Residencia
___ 19. Ang malaking papel sa pagpapatupad ng Kristiyanismo ay ginampanan
ng __________________________.
A. gobernadorcillo C. simbahan
B. pamahalaan D. tahanan
___ 20. Ano ang katibayang papel na pinanghahawakan ng mga Pilipino na sila
ay nagbabayad ng buwis sa Pamahalaang Espanyol?
A. bandala C. listahan
B. cedula personal D. resibo
___ 21. Ang taunang quota ng mga produkto sa mga lalawigan na kailangang
ibenta ay tinatawag na_____.
A. bandala C. real situdo
B. encomienda D. tributo
___ 22. Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng sapilitang paggawa
sa Pilipinong polista?
A. Naging mapagkumbaba sila.
B. Natuto silang magtipid ng pagkain.
C. Sila ay naging matiyaga sa pagtatrabaho.
D. Nawawalay sila sa kanilang pamilya nang matagal.
___ 23. Ang pinakamapangyarihang opisyal sa bansa sa pamahalaang sentral
ay___.
A. Alcalde Mayor C. Corrigedor
B. Cabeza de Barangay D. Gobernador-Heneral
___ 24. Ang tawag sa ibinayad na halaga ng isang polistang hindi
makapagtatrabaho sa sistemang polo.
A. encomienda C. reduccion
B. falla D. tribute
___ 25. Bakit mahalaga ang tungkulin ng Royal Audiencia sa panahon ng
Espanyol?
A. Ito ang nagsisilbing hukumang pambarangay noon.
B. Ito ang sumasaklolo sa mga Pilipinong nagkakasala
C. Ito ang pinakamataas na hukuman sa panahon ng Espanyol
D. Ito ang nagbibigay ng sweldo sa mga opisyal ng pamahalaan.
___ 26. Sino-sino ang nagtatrabaho sa Polo Y Servicio?
A. babaeng walang asawa
B. mga hindi lumipat sa poblacion
C. mga lalaking walang asawa
D. mga lalaking 16 hanggang 60 taon
___ 27. Alin sa mga sumusunod ang ginawa ng mga polista noon?
A. paggawa ng kalsada at mga simbahan
B. pagtitinda ng alahas
C. pagtatrabaho sa mga pamilihan
D. pangunguha ng mga ligaw na hayop at prutas
___ 28. Sa pagpapatupad ng patakarang bandala, ang mga magsasaka
ay____
A. Binabayaran kaagad ang kanilang mga produkto.
B. Kinukumpiska ang mga produkto ng mga katutubo.
C. May kapalit na produkto rin galing sa mga Espanyol.
D. Binibigyan ng premyo ng mga Espanyol kung makukuha ang mga
produkto.
___ 29. Ang paglikom ng buwis ay napupunta sa tungkulin ng ___
A. pamahalaang lokal C. pamahalaang sentral
B. kataas-taasang hukuman D. pampublikong pamahalaan
___ 30. Isa sa mga pamamaraan upang maipatupad ang pananakop ng mga
Espanyol ay ang sapilitang paggawa. Ilang araw kailangang magtrabaho sa
loob ng isang taon ang mga kalalakihang may edad 16 hanggang 60?
A. 40 araw C. 60 araw
B. 50 araw D. 3 araw
___ 31. Bakit kailangang magbayad ng falla ang isang polista?
A. Upang hindi pahirapan ng mga prayle
B. Upang malibre sa paglilingkod sa polo y servicio
C. Upang maging kaibigan ng mga Espanyol
D. Upang mapabilang sa mga mayayamang angkan
___ 32. Bakit sinasabing ang paninirahan sa pueblo ay batay sa pilosopiyang
“bajo el son de la campana” o sa lalim ng tunog ng kampana?
A. dahil lahat ng naninirahan sa pueblo na naaabot ng tunog na
kampana ay dapat maging Kristiyano
B. dahil lahat na mga taong nakatira sa pueblo ay dapat
makipagkalakalan
C. dahil lahat ng taong nakatira sa pueblo ay dapat maging malaya
D. dahil ang mga taong nakatira sa pueblo ay dapat
makipagsanduguan
___ 33. Ang cedula personal ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa
pamahalaan bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis. Ano ang
kaparusahan ng taong mahuhuling walang dala nito?
A. Pagmumultahin o ikukulong C. Ibibilad sa araw
B. Paparusahan ng kamatayan D. Puputulan ng kamay
___ 34. Bakit naghirap pa rin ang mga magsasaka kahit kumita ng malaki ang
pamahalaan mula sa monopolyo ng tabako?
A. dahil nandaya ang mga nangangasiwa ng tabako at nagkulang sila
ng pagkain dahil hindi nakakapagsaka ng palay.
B. dahil pinagbawal ang pagtatanim ng tabako
C. dahil pinatawan ng parusang kamatayan ang mga hindi natatanim
ng tabako
D. dahil dinadagdagan ng mga Espanyol ang tubo sa tabako.
___ 35. Bakit tinawag na “Kalakalang Maynila-Acapulco” ang kalakalan sa
pagitan ng Pilipinas at Mexico?
A. Dahil ang ruta ng barko ay papuntang Maynila hanggang Acapulco,
at Acapulco hanggang Maynila.
B. Dahil ang lumahok sa kalakalan ay taga Maynila at Acapulco lamang.
C. Dahil sa mas maraming bumibili sa mga bansang ito.
D. Dahil sa Maynila at Acapulco ginagawa ang barkong Galyon.
___ 36. Ang gobernador-heneral ang kinatawan ng hari ng Spain at
pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral. Sino ang kauna-unahang
gobernador-heneral sa Pilipinas?
A. Luis de los Rios C. Ruy Perez Dasmarinas
B. Miguel Lopez de Legaspi D. Juan de Tabora
___ 37. Ano ang tawag sa lalawigang tahimik at pinamumunuan ng Alcalde
Mayor?
A. Corrigimiento C. Pueblo
B. Alcaldia D. Barangay
___ 38. Pinuno ng isang bayan o pueblo at nangangasiwa ng katahimikan ng
lugar ay tinatawag na _______________________.
A. Alcaldia C. Gobernadorcillo
B. Barangay D. Corrigimiento
___ 39. Ano ang tawag sa namumuno sa barangay? Sila din ang mga dating
datu.
A. Cabeza de barangay C. Alcalde Mayor
B. Gobernador-heneral D. Prayle
___ 40. Bago dumating ang mga Espanyol, iba ang anyo ng panahanan ng
mga Pilipino. Malaya silang tumira kung saan nila gusting manirahan. Ang
pamayanan noon ay _________.
A. layo-layo C. masusukal
B. lapit-lapit D. mapanganib
___ 41. Ito ay salitang Espanyol na nangangahulugan ng “ipagkatiwala”. Ito rin
ay pahintulot sa isang Espanyol na pangasiwaan ang isang teritoryo at ang
mga mamamayan na nakatira dito. Ano ito?
A. reduccion C. bandala
B. pueblo D. encomienda
___ 42. Ang sistemang bandala ay sapilitang pagbibili ng mga produkto tulad
ng palay at langis ng niyog sa pamahalaan na kadalasang hindi nababayaran.
Ang mga sumusunod ay ang mga epekto nito sa mga Pilipino maliban sa isa.
Ano ito?
A. nag-alsa ang mga Pilipino
B. lumubha ang kahirapan sa bansa
C. naluge ang mga Pilipino
D. umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap
___ 43. Upang tustusan ang mga pangangailangan ng pamahalaan, ang mga
Espanyol ay nagpakilala ng sistema ng pagbubuwis o __________ Maaari itong
bayaran ng salapi, ginto, tela at iba pang produkto.
A. negosyo C. tributo
B. barter D. encomendero
___ 44. Ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ang polo y servicio o sapilitang
paggawa. Ano ang masamang epekto nito sa lipunan?
A. lumaganap ibat ibang uri ng sakit
B. pinahirapan ang mga kababaihan sa pagtatrabaho ng mabibigat
C. sumasabay ito sa panahon ng pagtatanim at anihan kaya
napapabayaan ang pagsasaka
D. walang makuhang isda sa mga ilog at dagat kaya nagkaroon ng
kakulangan sa pagkain
___ 45. Kung ikaw ay isang magsasaka sa panahon ng monopolyo ng tabako,
susunod ka ba sa patakarang ito? Bakit?
A. Hindi po, dahil siguradong magkakaroon ng matinding tag-gutom
dahil puro tabako lang ang tanim. Walang maaaning palay.
B. Hindi po, dahil sayang ang mga abono sa halaman kung sa mga
tabako lamang ito ilalagay.
C. Opo, dahil magkakaroon ako ng maraming kita.
D. Opo, dahil kailangang sundin ang mga patakaran ng mga Espanyol.
___ 46. Bakit ayaw iwanan ng mga Pilipino ang dati nilang tirahan?
A. dahil gusto nila na walang kalapit bahay
B. dahil ayaw nilang iwan ang kanilang mga kapit-bahay
C. dahil ayaw nilang iwan ang lupain kung saan nakalibing ang kanilang
mga ninuno
D. dahil binabantayan nila ang espiritu ng mga namatay nilang kamag-
anak
___ 47. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Law of Indies maliban sa
isa. Ano ito?
A. kailangang bayaran ang mga polista sa kanilang pagtatrabaho.
B. hindi sila dapat dalhin sa malalayong lugar para magtrabaho.
C. hindi sila dapat magtrabaho sa panahon ng pagtatanim o pag-aani.
D. hindi sila maaaring magbayad ng tributo
___ 48. Bakit maraming mga Pilipino ang tumutol sa pagbabayad ng Tributo?
A. dahil sa pang-aabuso ng mga encomendero sa paglilikom nito
B. dahil dumami ang kita ng mga Pilipino
C. dahil naubos ang mga produkto na ginagamit sa pagsasaka
D. dahil dumami ang trabaho ng mga prayle
___ 49. Maaaring ibigay na tributo ang ginto, tela, bulak, palay, manok at
salapi. Magkanong halaga ng salapi ang ibinabayad ng mga Pilipino noong
1571?
A. walong reales C. apat na reales
B. dalawang reales D. isang reales
___ 50. Ang mga sumusunod ay dahilan kung bakit tinutulan ng mga Pilipino
ang Polo Y Servicio maliban sa isa. Ano ito?
A. sumasabay sa panahon ng pagtatanim kaya napapabayaan ang
pagsasaka
B. nahiwalay ang mga kalalakihan sa kanilang pamilya
C. masama ang epekto nito sa lipunan
D. gumanda ang ani ng mga magsasaka at nagkaron ng maraming
patubig

You might also like