You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7
Unang Lagumang Pagsusulit sa EPP- Industrial Arts

A. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Si Mang Alvin ay kilala sa pagiging magaling na karpintero sa Barangay Cogon. Sa anong gawaing
pang-industriya nahahanay ang kaniyang propesyon?
a. Gawaing-Metal b. Gawaing-kahoy c. Gawaing-elektrisidad d. Lahat ng nabanggit
2. Anong bahagi ng niyog ang kapaki-pakinabang sa mga mamamayan?
a. Dahon b. Kahoy c. Bunga d. Lahat ng nabanggit
3. Ang yakal, narra at kamagong ay nakapaloob sa anong materyal na industriya?
a. Himaymay b. Kahoy c. Kabibe d. Metal
4. Anong uri ng himaymay na materyal na karaniwan ay gumagapang at ginagamit sa paggawa ng upuan,
higaan, at kabinet?
a. Abaka b. Rattan/yantok c. Niyog d. Kawayan
5. Anong uri ng materyales ang maaaring gamitin sa paggawa ng iba’t -ibang produkto tulad ng lubid at
basket?
a. Katad b. Elektrisidad c. Baging d. metal
6. Alin sa mga sumusunod ang nahahanay sa gawaing pangkahoy?
a. Paggawa ng lubid b. Pagpapalit ng mga sirang bombelya
c. Paggawa ng bag at damit d. Pagkukumpuni ng mga silya, upuan at lamesa
7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng himaymay na materyales sa paggawa ng pang-industriyal
na produkto?
a. Kahoy, katad, Rattan b. Buri, Metal, Niyog
c. Abaka, Rami, Buri d. Niyog, kawayan, Plastik
8. Bakit kailangang mahaba ang pagdaraanang proseso ng katad bago ito magawa sa mga panibagong
produkto?
a. Upang mas mahal itong maipagbili
b. Upang madali itong mabulok at maitapon
c. Upang mapanatili ang tibay at natural na ganda nito
d. Upang mas mura at mas magugustuhan ng mga mamimili ang produktong yari nito
9. Saan karaniwang ginagamit ang kabibe o kapis?
a. Sa paggawa ng mga bahay b. Sa paggawa ng mga wallet at baskit
c. Sa paggawa ng mga upuan d. Sa paggawa ng bag, alahas at palamuti sa bahay
10. Si Tata ay nagwewelding ng gate sa paaralan. Sa anong gawaing pang-industriya siya nabibilang?
a. Gawaing pang-elektrisidad b. Gawaing-kahoy c. Gawaing-metal d. Lahat ay tama
11. Inutusan ka ng guro mo na lagariin ang isang piraso ng kahoy ayon sa nasabing sukat. Paano mo ito
gagawin?
A. Gagamitin ang mga kasanayang natutuhan sa gawaing kahoy.
B. Gagamitin ang mga kasanayang natutuhan sa gawaing elektrisidad.
C. Tatawagin ang tatay para gawin ang ipinagagawa ng guro.
D. Hindi susundin ang utos ng guro.
12. Nais mong putulin ang sobrang plywood sa ginawa mong proyekto na toolbox. Anong kagamitan sa
gawaing kahoy ang iyong gagamitin?
A. barena B. lagari C. katam D. ruler
13. Bihasa si Randy sa pagkukumpuni ng mga sirang upuan, mesa at aparador kaya lagi siyang
ipinapatawag ng kanyang mga kapitbahay kapag nagkakaroon ng sira o aberya ang kanilang mga
kasangkapang nabanggit. Siya ay may pagsasanay sa anong gawaing pang-industriya?
A. gawaing metal B. gawaing kahoy C. gawaing seramika D. gawaing kawayan
14. Sumangguni ka sa iyong ama ng mga paraan kung paano mo mapapakinis ang mesa na iyong
proyekto. Ano kaya ang maaring niyang gamiting kagamitan?
A. granil B. pait C. martilyo D. katam
Serve with Excellence Values Equality and Nobility

🕿 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7
15. Sino ang tatawagin ng iyong kasama kapag ang linya ng kuryente sa loob ng bahay ninyo ay nasira?
A. Tubero B. Karpintero C. Latero D. Electrician
16. Anong uri ng kagamitan ang ginagamit bilang pamutol ng pahalang sa hilatsa ng kahoy?
a. Paet b. Cross-cut Saw c. Katam d. Plais
17. Si Mang Juan ay may pakikinising kahoy, ano ang gagamitin niyang kagamitan?
a. Hasaan b. Liyabe. c. Katam d. Lagari
18. Napansin ni Eli na may nakausling pako sa upuan, anong kagamitan ang kailangan niya?
a. Lagari b. Martilyo c. Paet d. Barena
19. Ang kikil at Oil Stone ay kagamitang ____.
a. Panghasa b. Pamutol c. Panukat d. Pampakinis
20. Anong kagamitan ang gagamitin kung may luluwagan o hihigpitan na turnilyo?
a. Liyabe b. Destornilyador c. Martilyo d. Hasaan

Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang angkop na sagot sa loob ng kahon.

martilyo zigzag rule plais


lagari paet

21. Si Anton ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Sa kanilang klase mayroon silang pangkatang
proyekto sa paggawa ng lampshade. Naatasan siyang magdala ng pamputol sa wire. Alin kaya sa itaas
ang kaniyang dadalhin?

22. Natapos na ni Mang Jose ang kaniyang nagawang kabinet. Gusto pa niya itong pagandahin sa
pamamagitan ng paglilok ng disenyo. Tulungan mo si Mang Jose sa pagpili ng kanyang kasangkapang
gagamitin. Ano-anong mga gamit ang iyong pipiliin?

23. Isa si Eric sa pinakatanyag na tagagawa ng mesang kainan. Gusto niyang makuha nang wasto ang
lapad at taas nito. Sa palagay mo, anong kagamitan kaya ang dapat niyang gamitin?

24. Gumawa ng silya si Andoy at natapos na ito, pero napansin niyang masyadong mataas ang paa nito.
Kaya kinuha niya ang _________ para putulin ang sobrang bahagi nito.

25. Mainam na gagamitin ang __________ bilang pamukpok at pambaon sa pako at paet.

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

🕿 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7
TABLE OF SPECIFICATIONS
Lagumang Pagsusulit # 1 sa EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
First Quarter/SY 2023-2024

TOPIC MOST ESSENTIAL Number Number % No. Re Un A Ev Cr


of Days of Items of me de n al ea
LEARNING
Items mb rst a ua tin
COMPETENCIES erin an ly tin g/
(MELC) g/ din zi g/ Ite
Ite g/ n Ite m
m Ite g m Pl
App
25 100% Plac m
lyin
/ Pl ac
em Pla It ac e
g/
ent ce e e m
Item
me m m en
Plac
nt P en t
eme
l t
nt
a
c
e
m
e
n
t
- Batayan at -Natatalakay ang 10-13
Kaalaman sa mga mahalagang 15 25 100% 1-9
Gawain Gamit kaalaman at 17-19
ang Lokal na kasanayan sa 14-16,
Materyales gawaing kahoy, 20 21-25
metal, kawayan
at
-Mga Kagamitan iba pang lokal na
at materyales sa
Kasangkapang pamayanan
Pang-industriya -Nakagagawa ng
mga malikhaing
proyekto na gawa
sa kahoy, metal,
kawayan at iba
pang materyales
na makikita sa
kumunidad

TOTAL 15 25 100 13 12
%

Prepared by:

MARY-ANN R. ESCALA

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

🕿 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
DISTRICT 7
Teacher III

Noted:

MARIFI C. GUALBERTO
Principal II

Serve with Excellence Values Equality and Nobility

🕿 09175028703
Email: rosalina.panganiban@deped.gov.ph

You might also like