You are on page 1of 2

AP 9 Ikalawang Markahan Reviewer (EKONOMIKS)

Modyul 1
 Ang Demand ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t-ibang
presyo sa isang takdang panahon
 Batas ng Demand : P - Qd P - Qd
 Tatlong Pamamaraan ng pagpapakita ng hindi tuwirang ugnayan ng Presyo at Quantity Demanded
1. Demand Schedule – Talahanayan
2. Demand Curve – Grapiko
3. Demand Function – Matematiko
Formula : Qd = a-bP
 Salik na nakaaapekto sa Demand
1. Kita - halimbawa: Tumaas ang Sahod ni Maricar kaya nakapaggrocery ito ng maramihan
2. Panlasa – halimbawa: Paborito ni Jane ang matatamis na pagkain kaya sa tuwing recess bumibili ito ng
Tsokolate
3. Dami ng Mamimili – halimbawa: Napabili ang mga kamag- aral ni Leonor ng mga Tumbler na
Aquaflask dahil ito ay patok sa masa
4. Inaasahan- halimbawa : May paparating na bagyo kaya naman bumili na ng grocery ang pamilyang
Santos bilang paghahanda
5. Presyo – halimbawa: Nagkaroon ng sale sa National Book Store, kaya marami ang mga bumili ng ibat
ibang school supplies
Modyul 2

 Ang Supply ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbenta o ipagbili ng mga
negosyante o nagtitinda sa iba’t-ibang presyo sa isang takdang panahon
 Batas ng Supply : P - Qs P- Qs
 Tatlong Pamamaraan ng pagpapakita ng tuwirang ugnayan ng Presyo at Quantity Supplied
1. Supply Schedule – Talahanayan
2. Supply Curve – Grapiko
3. Supply Function – Matematiko
Formula : Qs = c +dP
 Salik na nakaaapekto sa Supply
1. Pagbabago sa Teknolohiya – hal: Bumili ng bagong Makinarya si Ramon sa kanyang Pabrika ng mga
Pantalon upang mapabilis ang Paggawa nito.
2. Pagbabago sa halaga ng salik ng Produksyon hal: Nagmahal ang Presyo ng Itlog at Harina na
sangkap sa paggawa ng tinapay kaya bumaba ang produksyon ng Tinapay sa Bakery
3. Pagbabago Presyo ng magkaugnay na Produkto- hal: Tinapay at Palaman ; Kape at Asukal
4. Pagbabago sa bilang ng nagtitinda – hal: Nalalapit na ang Araw ng mga Puso , kaya dumarami ang
nagtitinda ng mga bulaklak at tsokolate
5. Inaasahan- hal: Inaasahan na tataas ang Presyo ng Bawang sa susunod na linggo, maglalabas ng
maraming supply ng bawang sa susunod na linggo ang mga nagtitinda
Modyul 3

Interaksyon ng Demand at Supply


Ekwilibriyo: Qd=Qs (pareho ang dami ng demand at supply, nagkakasundo ang konsyumet
at prodyuser)
Shortage : Qd> QS (Mas madami ang demand kaysa sa supply)
Surplus : Qs>Qd (Mas madami ang Supply kaysa sa Demand)
Modyul 4

 Pamilihan - ito ang lugar kung saan nakakamit ng konsyumer ang kaniyang pangangailangan sa
pamamagitan ng produkto at serbisyo na ibinibigay ng prodyuser.
 Pamilihang May Ganap na Kompetisyon
Katangian
1. Magkakapareho ang Produkto (Homogenous)
2. Malayang paggalaw ng salik ng produksyon
3. May maliliit na prodyuser at konsyumer
4. Malayang daloy ng impormasyon
 Pamilihang May Hindi Ganap na Kompetisyon
a. Monopolyo – iisa lamang ang prodyuser ( Hal: Meralco, Manila Water, Maynilad, MRT/LRT)
b. Oligopolyo – iilan lamang ang prodyuser (Hal: Gasolina, Semento, Bakal, Ginto)

c. Monopsonyo – iisa lamang ang mamimili at maraming prodyuser ( Hal: Guro, Pulis, Doktor,
Bumbero at iba pa)

d. Monopolistic Competition – Magkakapareho ang mga produkto ngunit hindi eksaktong


magkakatulad ( Hal: Softrinks, Cellphones, Shampoo, Biscuits, Tinapay, Sabon at iba pa)

Modyul 5

Ugnayan ng Pamilihan at Pamahalaan

 Price Floor – pinakamababang presyo na maaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto sa
mga mamimili. Tinatawag din itong price Support na naglalayon na tulungan ang mga magsasaka
upang hindi magkaroon ng kakulangan sa pamilihan.
 Price Ceiling- pinakamataas na presyo na maaring ipagbili ng isang prodyuser ang kaniyang produkto sa
mga mamimili upang maiwasan ang pagmamalabis ng mga negosyante
 Price Freeze- pagtigil ng paggalaw ng presyo ng produkto, ipinapatupad ito sa tuwing may
Kalamidad upang manatiling abot- kaya ang presyo ng mga bilihin
 Department of Trade and Industry – ahensiya na nangunguna sa pagpapatupad ng SRP o suggested
retail price upang manatiling abot-kamay sa mga mamimili ang presyo ng mga bilihin

You might also like