You are on page 1of 2

Ako'y umusbong sa tabi ng pasig

Muling namasdan ang malinis na tubig

Lumaking paligid ng bundok na umuusok


Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay nang anak ng pasig


Swimming-swimming sa itim na tubig
Playground lang ang bundok ng basura mo
Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo

Anak ng pasig naman kayo


Kalat doon kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang ilog ko

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo


Hanggang nakakita ako ng lumang litrato
'Di maniwalang pasig din ang tinitignan ko (oh)
Kaibigan ano ang nangyari dito (anong nangyari anong nangyari)

Anak ng pasig naman kayo


Kalat doon kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang ilog ko

Anak ng pasig naman kayo


Tapon doon tapon dito
'Di n'yo alam ang tinatapon n'yo
Ay bukas ko at nang buong mundo

Huli na ba ang lahat


Patay na ba ang ilog at dagat
Kapag pasig ay pinabayaan
Parang bukas ang tinalikuran

Anak ng pasig naman kayo


Kalat doon kalat dito
Natakpan na ang langit kong ito
Nilason din ang ilog ko

Anak ng pasig naman kayo


Tapon doon tapon dito
'Di n'yo alam ang tinatapon n'yo
Ay bukas ko at nang buong mundo
Anak ng pasig naman kayo
May bukas pa ang ating mundo
Translate to English

You might also like