You are on page 1of 20

Name:

_________________________________________________________________________________
Grade/Section: Three – SSES

Learning Activity Sheet in English


Third Quarter
Module 6: I Can Read Words with Long /ā/,/ī/,/ō/, and /ū/ Sounds!

I. Learning Competency
Identify words with long /ā/, / ī/, /ō/, and /ū/ sounds;
Read words with long /ā/, / ī/, /ō/, and /ū/ sounds (ending in e); and
Choose words with long /ā/, / ī/, /ō/, and /ū/ sounds from the given sets of words.)

II. Objectives:
Identify words with long /ā/, / ī/, /ō/, and /ū/ sounds;
Read words with long /ā/, / ī/, /ō/, and /ū/ sounds (ending in e); and
Choose words with long /ā/, / ī/, /ō/, and /ū/ sounds from the given sets of words.)

III. Key Concept


(Copy this part on your English Notebook )
Key Points
Usually, a word with a short vowel is changed into a long vowel by placing a silent letter “e” at the end of a
word.
A long vowel is pronounced the same way as the name of the letter itself.
A word has a long /ā/ sound when it is spelled with an a in the middle of the of the word and an e at the end.
Long /ā/ is pronounced as in cape.
A word has a long / ī / sound when it is spelled with an i in the middle of the word and an e at the end.
Long /i/ is pronounced as in time.
A word has a long /ō/ sound when it is spelled with an o in the middle of the word and an e at the end.
Long /ō/ is pronounced as in phone.
A word has a long /ū/ sound when it is spelled with u in the middle of the word and an e at the end. Long /ū/
is pronounced as in tube. However, it can also be pronounced like June, Luke, and blue.

Read the following words below.

IV. Activities
A.Direction: Read the words below. Choose the words that have the long /ā/, / ī /, /ō/, and /ū/ sounds.
Encircle the letter of the correct answer.
1. long /ā/ a. cap b. cape c. can d. car

2. long / ī / a. Tim b. tin c. ten d. tire

3. long /ō/ a. cop b. cup c. cope d. cut

4. long /ū/ a. tube b. tub c. ton d. tone

B. Direction: Read the words inside each pair of cupcakes. Color the word that has a long vowel
sound from each pair.

Name: _________________________________________________________________________________
Grade/Section: Three – SSES

Learning Activity Sheet in Mathematics


Third Quarter
Module 6: Recognizing and Drawing Point, Line, Line Segment and Ray

I. Learning Competency
Recognize and draws a point, line, line segment and ray (M3GE-IIIe-11)

II. Objective:
Recognize and draws a point, line, line segment and ray

III. Key Concept


(Copy this part on your Mathematics Notebook )

IV.Activities
A. Direction: Choose the letter of the correct answer. Write your answer on the blank before each
number.

1. Dot is a symbol for _____________.


a. line b. ray c. angle d. line segment
2. A ________________ can be longer, through its arrows showing no ending.
a. point b. lines c. segments d. dots
3. part of the line is a ray which is compose of endpoint and a/an ____________.
a. arrowhead b. endpoint c. line d. dot
4. Line segment is part of a line that has _______ endpoints.
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
5. This represents a ____________.
a. segments b. ray c. line d. point
B. Direction: Choose the correct answer in the box to complete the sentence below. Write your answer
on the blank.

line point line segment ray

1. A ________ has two arrow head.


2. A geometric figure that has one endpoint and arrowhead is called________________.
3. A ________________ has two endpoints.
4. A ________________ can be named through a letter.
Pangalan: ____________________________________________________________________________
Baitang/Pangkat: Three – SSES

Mga Gawaing Pampagkatuto sa MTB-MLE 3


Ikatlong Markahan
Modyul 6 - Anong sa ‘Yo?
I.Kasanayang Pampagkatuto
Nakapagbibigay ng pamagat para sa tula o talata na nabasa. (MT3RC-llla-I-2.6)

II.Layunin
Nakapagbibigay ng pamagat para sa tula o talata na nabasa.

II. Konsepto ng Pagpapahalaga


( Kopyahin ang bahaging ito sa iyong kwaderno sa MTB-MLE)

Ang pamagat ng isang tula, teksto o talata ay isa sa mga aspeto na humihikayat sa mga mambabasa
na basahin ang isang akda. Hinihikayat rin nitong ipagpatuloy at tapusin ang pagbabasa ng isang akda.
Palaging isaisip na sa pagbibgay ng pamagat sa nabasang tula, teksto o talata, gawin itong payak at
nakabibighani. Ang mga mahahalagang salita sa pamagat ay kinakailangang nagsisimula sa malaking titik.

IV. Mga Gawain


Panuto: Basahin ang bawat talata. Piliin ang letra ng maaaring maging pamagat nito. Isulat ang iyong
sagot sa patlang bago ang mga bilang.

_____1. May apat na alagang aso ang pamilya nina Teddy. Sila ay sina Sammy, Bobby, Tammy, at Koby.
Malulusog at napakabibo ng mga ito. Si Sammy at Tammy ang palaging nauutusan gaya ng pagtaboy ng
mga uwak habang si Koby at Bobby naman ay palagi lamang naglalaro.
A. Pamilya Teddy! C. Ginagawa sa Araw-ara w
B. Maglaro Tayo! D. Ang mga Alagang Aso

_____2. Sariwang simoy ng hangin, huni ng mga ibon, at tiktilaok ng mga manok, ang siyang mga
nakaugalian kong pakinggan noong aking kabataan. Sa tuwing hapon naman ay palagi kaming naliligo sa
dagat ng aking mga pinsan. Iyan ang ilan sa mga alaalang baon ko noong aking kabataan.
A. Noon sa Aming Bukid C. Kailangan Ba Yan?
B. Anong Sabi Nila? D. Sabi nga Nila

_____3. Ang aking itay ay may matalik na kaibigan. Ito ay ang kaniyang kalabaw na pinangalanan niyang
Berto. Si Berto ang kasama ni itay sa bukid buong maghapon. Ito ang tumutulong sa kaniya sa pagsasaka sa
aming bukid. Inaalagaan ni itay nang mabuti si Berto. Pinapakain, pinapainom ng tubig, at pinapaliguan sa
batis pagkatapos ng trabaho. Kasabay niya rin itong nagpapahinga sa lilim ng puno.
A. Magsasaka ang Aking Itay C. Kaibigan ko Siya
B. Tara sa Bukid D. Sa Aming Bukid

_____4. Makukulit, maiingay, at siyempre mababait, iyan ang aking mga kaibigan. Kasama ko sa kasiyahan
at kalungkutan. Kahit na anong mangyari ay palagi ko silang maaasahan. Hinding hindi ko sila ipagpapalit
sa kahit ano mang kayamanan dahil walang katumbas ang hatid nilang saya.
A. Mga Kasangga Ko C. Sabi ko na Nga Ba
B. Sino-sino nga Sila? D. Sila Lang Naman

_____5. Bagong dating ang aking ate mula sa ibang bansa. Doon kasi siya nakatira dahil sa kaniyang
trabaho. Ang dami niya laging dalang pasalubong sa tuwing uuwi siya at lalo pa siyang gumaganda. Kaya
nasabi ko tuloy na gusto ko ring tumira sa ibang bansa. Ngunit, laging saad ni ate na mas pipiliin pa rin niya
ang manatili sa kanyang sariling bayan dahil kasama niya ang kanyang pamilya. Napagtanto ko rin na tama
nga ang ate. Totoong mas masaya dito sa ating bansa.
A. Saan Ka Galing? C. Iba pa rin Sa Sariling Atin
B. Si Ate D. Saan Mo Gusto?
_____6. Ating taimtim na pananampalataya,ang ating tanging sandata. Sa pandemya na ating hinaharap, na
sumusubok sa atin at nagpapahirap. Sa tulang ito, ano ang maaaring pamagat ng kuwento at bakit?
A. “Paghihirap” dahil tinatalakay dito ang mga paghihirap sa buhay
B. “Pananampalataya” dahil isinasaad dito na ang pananampalataya ay sandata sa bawat paghihirap na
hinaharap natin
C. “Ang ating Pandemya” dahil sinasabi dito ang pandemya na sumusubok sa atin.
D. “Mga Pagsubok Natin” dahil nagsasaad ito ng mga pagsubok natin

_____7. Siya ang kasama,


sa hirap at saya.
Diyos naming mahabagin,
Ikaw ay mahal na mahal namin.

Sa tulang ito, ano ang paksang-diwa nito?


A. Diyos na laging kasama sa hirap at saya
B. Diyos na mahabagin
C. Diyos na mahal namin
D. Diyos na maunawain

_____8. Hindi Niya Tayo Pababayaan,


Lahat ng suliranin, ay ating haharapin.
Nang buong tapang at pananampalataya,
‘pagkat tayo’y hindi pababayaan ng ating lumikha.

Kinakaharap na pandemya,
ay ating mapupuksa
Sapagkat lagi siyang nakaalalay,
at sa atin ay patuloy na gumagabay.

Bakit “Hindi Niya Tayo Pababayaan” ang naging pamagat ng tula?


A. Ang tema ng tula ay tungkol sa pag-asang dala ng Panginoon.
B. Tumatalakay ang tula sa tulong ng ating Panginoon.
C. Ang tula ay tungkol sa walang hanggang awa ng Panginoon sa atin.
D. Tumutukoy ito sa pandemyang ating hinaharap

_____9. Bilang mga ordinaryong mamamayan, may magagawa tayong tulong upang matapos na ang ating
kinakaharap na pandemya. Ang ating simpleng pananatili sa loob ng bahay ay isang malaking kontribusyon
upang hindi na kumalat ang bayrus. Kung susunod tayong lahat ay mas mapabibilis ang pagbabalik sa
normal ng ating pamumuhay.
Ano ang tema ng talata?
A. Ang mga gagawin ng ordinaryong mamamayan sa pagsugpong ng pandemya
B. Pagiging masunurin ng tao upang maibalik na sa normal ang ating pamumuhay
C. Mga batas ng gobyerno na kailangan nating sundin.
D. Pandemyang ating hinaharap

_____10. Sa panahon ng pandemya o bagong normal kung tawagin, nanatili tayo sa loob ng ating bahay.
Limitado ang ating mga galaw at bantay-sarado tayo ng ating gobyerno. Sa ating pagsunod sa mga batas, tila
nakahinga naman ang ating mundo. Naging malinis ang hangin at katubigan at tumubo ang mga halaman at
kahoy sa kagubatan. Habang sinusubok ang ating pananatili sa mundong ibabaw ay pinatutunayan naman ng
ating mundo na kaya niyang magpatuloy kahit wala tayo. Kaya magsilbing aral sana ito upang irespeto natin
at alagaan ang ating nag-iisang mundo. Dahil wala tayo kung wala ang ating planetang ginagalawan. Ngunit
mananatili ito kahit wala tayo.
Ano ang tema at maaaring pamagat ng talatang ito?
A. “Saan Ka Nakatira?” dahil tinalakay sa talata ang ating tirahan.
B. “Pandemya sa Buong Mundo” dahil tungkol sa pandemya ang talata.
C. “Tuloy ang Buhay” dahil tungkol sa buhay pagkatapos ng pandemya ang talata.
D. “Alagaan ang Ating Mundo” dahil nakasaad sa talata na mayroon lamang tayong nag-iisang tirahan at
hindi natin kaya kung wala ito.

Pangalan: ____________________________________________________________________________
Baitang/Pangkat: Three – Science Paaralan: Bantug Elementary School:105810

Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Ikatlong Markahan
Modyul 6: Tuntunin Ating Sundin!

I.Kasanayang Pampagkatuto/ Layunin:


Natutukoy ang mga tuntuning may kinalaman sa kaligtasan tulad ng mga babala at batas trapiko (EsP3PPP-
IIIh - 17)

II. Layunin:
1.1 Naipapaliwanag ang tamang pagsunod sa ibat ibang tuntuning may kinalaman sa kaligtasan at
1.2 Nailalarawan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga tuntuning may kinalaman sa pagiging ligtas sa iba’t
ibang pagkakataon.
II. Konsepto ng Pagpapahalaga
( Kopyahin ang bahaging ito sa iyong kwaderno sa Edukasyon sa Pagpapakatao)

Mahalaga ang pagsunod sa mga batas trapiko tuntunin o babala sa ating komunidad. Makatutulong
ito sa pagpapanatili ng kaayusan ng pamayanan. Ang pagkakaroon ng disiplina at ang tamang
pagdedesisyon sa mga nakikitang babala ay mahalaga para mabigyan tayo ng impormasyon upang manatili
tayong ligtas at hindi tayo mapahamak.

Bigkasin nang malakas at maayos ang tula na nasa ibaba sa harap ng iyong magulang o iba pang
kasama sa bahay.

Ang Ama Kong Disiplinado


ni Tyrene Rowena R. Reyes
Ngayong pandemya, ‘di maiwasang mangamba
Patuloy ang buhay, balik trabaho si ama
Face mask at face shield, suot niya tuwina
Plastik na harang sa dyip, iyong makikita

Kuwento sa akin ni ama, marami mang pagbabago,


kailangang manatili sumunod sa batas trapiko
Sa “pedestrian lane”, doon tatawid ako
Pagpula ng ilaw, tatawid ang mga tao.

May pasaherong para nang para,


Kahit sa bawal na lugar nais bumaba na
Ngunit sadyang disiplinado si ama,
Sa tamang lugar ibinaba niya.

Pagdaan sa simbahan, pagbusina ay iniiwasan


Sumusunod din sa tamang likuan
Dinaraanang humps, siya ay dahan-dahan
Iniingatan ang mga pasahero, ayaw niyang masaktan.

Nang kailangang bumalik ngunit may “No U-turn” na nakita,


umusad pang muli kung saan ang pag-ikot ay pwede na.
Nang mapagod si ama at nais na magpahinga,
“No Parking” sign nakita, humanap kung saan pwede pumarada.

Marami pang mga batas trapiko na sa kalsada ay makikita.


Lahat ng iyon ay masiglang sinusunod ng aking ama.
Sa bawat araw, panatag ang aming pamilya,
na si ama ay laging ligtas pagka’t siya ay may disiplina.

VI. Mga Gawain


A. Piliin ang angkop na babala o paalala na maaring makita sa bawat sitwasyon o lugar. Isulat ang
titik ng tamang sagot patlang bago ang mga bilang.

_____

_____

_____

_____

_____
B. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ito ay nagpapakita ng pagsunod sa mga tuntuning may
kinalaman sa kaligtasan at malungkot na mukha naman kung hindi.

_____1. Tinitingnan ni Edna ang nilalakaran at nag-iingat sa pag-akyat sa hagdan ng munisipyo.


_____2. Tumatawid si Roy kahit saan niya gusto kapag siya ay nagmamadali.
_____3. Hindi pinansin ni Mang Ben ang babala na “Madulas ang kalsada” dahil mahusay naman daw
siyang magmaneho ng dyip.
_____4. Iniwasan ni Carla ang may nakapaskil na “Basa ang Sahig” at saka siya maingat na naglakad.
_____5. Nagpaunang magpaandar ng motor si Mang Lito nang magkulay dilaw ang ilaw trapiko para
makaiwas sa mabigat na traffic.

Pangalan: ____________________________________________________________________________
Baitang/Pangkat: Three – SSES

Filipino 3
Ikatlong Markahan
Modyul 6: Pagbuo ng Bagong Salita

I.Kasanayang Pampagkatuto
Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita. (F3KP-IIIe-g-6)

II. Layunin
Nakapagpapalit at nakapagdaragdag ng mga tunog upang makabuo ng bagong salita.

III. Konsepto ng Pagpapahalaga


( Kopyahin ang bahaging ito sa iyong kwaderno sa Filipino)

Ang bawat salita ng ating wika ay binubuo ng mga tunog na nirerepresentahan ng mga titik. Mahalaga ang
mga tunog na ito sapagkat maaari nitong mabago ang kahulugan ng isang salita.
Maaaring palitan ng isang tunog sa unahan ang isang salita o maaaring dagdagan ng tunog sa hulihan nito
upang makabuo ng bagong salita. Sa pamamagitan nito, napalalawak mo ang iyong talasalitaan.
IV. Mga Gawain
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang mga bilang.
_____1. Kung ang salitang bula ay dadagdagan ng /g/ sa hulihan, anong salita ang mabubuo?
a. bulag b. bulak c. bulan d. bulas
_____2. Alin sa sumusunod na tunog ang ipapalit sa unahan ng salitang pantay para mabuo ang salitang
bantay?
a. /b/ b. /d/ c. /g/ d. /p/
_____3. Anong salita ang mabubuo kung papalitan ng /t/ sa unahan ang salitang hitik?
a. titig b. tigil c. tinda d. titik
_____4. Sa salitang laba anong salita ang mabubuo kung dadagdagan ng /n/?
a. lambat b. laban c. labas d. labis
_____5. Sa mga salitang bahay, palay at kamay, anong tunog ang idinagdag sa hulihan?
a. /b/ b. /k/ c. /p/ d. /y/

B. Panuto: Bilugan ang tunog na maaaring ipalit sa unahan upang makabuo ng isang bagong salita
ayon sa ibinigay na kahulugan. Isulat ang sagot sa patlang.

1. hango (/b/, /l/, /m/) – halimuyak = ____________________


2. kahon (/d/, /g/, /p/) - bahagi ng halaman = ____________________
3. hipon (/p/, /r/, /s/) - uri ng sakit = ____________________
4. banga (/l/, /m/, /s/) - dito dumidikit ang mga dahoon = ____________________
5. bisa (/d/, /k/, /m/) - isinasagawa ng pari sa simbahan = ____________________

Pangalan: ____________________________________________________________________________
Baitang/Pangkat: Three – SSES

Mga Gawaing Pampagkatuto sa Araling Panlipunan 3


Ikatlong Markahan
Sining Mo, Pahalagahan Mo: Mga Sining ng Lalawigan

I.Kasanayang Pampagkatuto
Nakapagsasabi ng ilang sining mula sa iba’t ibang lalawigan tulad ng tula, awit at sayaw;
Nakapaglalahad ng mga paraan upang mapahalagahan at maisulong ang pag-unlad ng sining mula sa iba’t
ibang lalawigan; at
Napahahalagahan ang mga angking sining ng lalawigan at rehiyon.

II.Layunin
Nakapagsasabi ng ilang sining mula sa iba’t ibang lalawigan tulad ng tula, awit at sayaw;
Nakapaglalahad ng mga paraan upang mapahalagahan at maisulong ang pag-unlad ng sining mula sa iba’t
ibang lalawigan; at
Napahahalagahan ang mga angking sining ng lalawigan at rehiyon.

III. Konsepto ng Pagpapahalaga


( Kopyahin ang bahaging ito sa iyong kwaderno sa Araling Panlipunan)
Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang pangkat ng tao. Ang bawat pangkat ay mayroong kaniya-
kaniyang kultura at paniniwalang sinusunod. Ang kultura at paniniwala ng bawat pangkat ay dapat igalang
at pahalagahan.
Mga Pangunahing Pangkat ng Tao sa Rehiyon III
Ang mga mamamayang naninirahan sa Rehiyon III ay nabibilang sa iba’t ibang pangkat ng tao tulad
ng Tagalog, Ilokano, Zambaleño, at Kapampangan.
Tingnan at pag-aralan ang talahanayan sa ibaba upang makilala ang mga pangkat ng tao sa mga lalawigan
ng Rehiyon III.
Talahanayan ng mga Pangunahing Pangkat ng Tao at Kinabibilangang Lalawigan

Tagalog
Ang Tagalog ay nagmula sa salitang taga-ilog na ang ibig sabihin ay nakatira sa baybaying ilog. Ang mga
Tagalog ang isa sa pinakamaraming distribusyon sa rehiyon dahil sila ang mga pangunahing pangkat ng tao
sa mga lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, at Nueva Ecija. Sila rin ay naninirahan sa ilang bahagi ng
Tarlac, Zambales at Pampanga.
Biniyayaan ang mga Tagalog ng mayamang lupa at dagat kaya ang pangunahing hanapbuhay nila ay
pagsasaka at pangingisda. Sila ay kinagigiliwan dahil sila ay masisipag, masayahin, matatapat, madasalin,
palakaibigan, at may pagpapahalaga sa edukasyon. Bunga marahil ito ng pagiging malapit nila sa
sibilisasyon, komersiyo, at pamahalaan.

Ilokano
Ang isa pang pangkat ng Pilipino sa Rehiyon III ay ang mga Ilokano. Karaniwang nakatira sila sa bandang
hilaga ng Luzon. May mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, at Zambales. Ang
pamumuhay ng nakararaming Ilokano ay pagsasaka at pag-aani. Kilala sila sa pagiging matipid at masipag.

Zambaleño
Ang mga Zambaleño, Tagalog, Ilokano, Kapampangan at Aeta ay ang mga pangkat ng tao sa Zambales.
Nagmula sila sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sambal ang kanilang katutubong wika. Nabigyan sila ng
hanapbuhay mula sa US Subic Naval Base (San Antonio at Subic) at maging sa panahon ng Amerikano sa
ating bansa. Ang pananatili ng mga Amerikano sa Zambales ay nagdulot ng malaking impluwensiya sa
pamumuhay, uri ng pagkain, at maging sa estilo ng pananamit sa mga tao.
Nanatili pa rin ang kanilang pagbibigay respeto sa matatanda kahit may impluwensya sila ng kulturang
banyaga. Ang mga pagdiriwang ng kapistahan ay paraan ng pagpapakita ng pasasalamat sa kanilang mga
patron sa bawat bayan at simbahan. Ang mga Zambaleño ay kilala rin sa maayos na pagtanggap ng bisita.

Kapampangan
Ang Kapampangan ay nagmula sa salitang lele pampang, na ang kahulugan ay tabing-ilog o pampang ng
ilog. Sila ang pangunahing naninirahan sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac, gayundin sa mga
lalawigan ng Nueva Ecija, Bataan, at ilang bahagi ng Bulacan. Sila ay kilala sa pagiging relihiyoso,
masayahin, mapustura, mahusay magdamit at masarap magluto.
Kapampangan din ang tawag sa wika ng mga katutubong Kapampangan.
Mga Katutubong Pangkat ng Tao
Ang Ita, Agta, Aeta, at Dumagat ay mga katutubong naninirahan sa mga
lugar sa Luzon. Sila ang mga taong nanirahan sa Pilipinas na
pinaniniwalaang nakarating sa lugar sa pamamagitan ng pagsakay sa
bangka o balangay. Kilala sila sa pagiging matapang, maliksi at
malikhain. Sa kasalukuyan, marami pa ring mga Dumagat o Aeta ang
patuloy na naninirahan sa kabundukan ng Sierra Madre, Zambales,
Bataan, Bulacan at bulubunduking bahagi ng mga lalawigan sa Timog
Katagalugan.
May ilan pa ring katutubong mga Aeta ang patuloy na naninirahan sa
kabundukang malayo sa mga kabihasnan at nananatiling nakabahag.
Pagsasaka at pangangaso ang pangunahing hanapbuhay nila.

Iba pang Pangkat ng mga Tao sa Rehiyon


May ilang pangkat ng mga dayuhan ang naninirahan sa mga lalawigan ng ating rehiyon. Ilang pangkat ng
mga Chinese o tinatawag na Tsino ang matatagpuan sa ilang bahagi ng rehiyon. Halos lahat sa kanila ay
mga negosyante. Mayroon ding tinatawag na Indian na nanggaling sa bansang India. Karaniwang tawag sa
kanila ay mga Hindu. Sila rin ay mahilig magnegosyo. May ilang dayuhan pa ang patuloy na naninirahanan
sa rehiyon gaya ng Amerikano, Hapon, at iba pa.

Ilang mga Paraan ng Pagpapahalaga ng mga Pangkat ng Tao sa Lalawigan at Rehiyon.


Mahalagang maipakita ang pagpapahalaga sa bawat pangkat ng tao sa ating lalawigan at rehiyon dahil:

1. Paggalang sa Kultura at Tradisyon. Hindi lamang sa magandang asal mayaman ang ating Rehiyon.
Mayaman din tayo sa kultura at tradisyon. Bilang isang Pilipino ang bawat pamilya ay may kinaugalian o
paniniwala. Hindi natin maitatanggi sa ating sarili na hindi tayo naniniwala sa mga sinabi ng ating mga
ninuno. Dahil bahagi na ito ng buhay natin bilang mga Pilipino. Mayaman tayo sa tradisyon, kultura at
kaugalian. Tulad ng pagdiriwang ng iba’t ibang pangyayari katulad ng Pasko, Pista at iba pa. Nakasanayan
na ng pamilyang Pilipino ang mga gawaing ito. Naipamana na kasi ito ng mga ninuno natin ang mga
nakaraaang ginagawa nila. Maraming mga impluwensya ang ating kultura, tradisyon at kaugalian kaya
naisabuhay natin ito sa pang araw araw. Sa kasalukuyan,
unti-unti ng napapalitan at naiwawaksi ng makabagong henerasyon ang mga kaugaliang Pilipino. Kapansin-
pansin na ang mga kilos, gawi at ugali na minana pa natin sa ating mga ninuno ay madalang nang makita sa
mga kabataan sa panahon ngayon.

2. Pantay na Pagtingin sa Bawat Pangkat ng Tao. Bawat isa sa atin ay tao lamang at walang sinuman ang
makakalamang. Kahit gaano ka man karangya sa buhay, nararapat lamang na marunong kang magbigay ng
respeto sa iba. Ang sinumang marunong magbigay ng respeto ay nirerespeto din. Kapag ito ay palaging
ginagawa ng tao sa kanyang kapwa ay nagiging masaya ang puso, nagiging magaan ang pakikipag kapwa at
magiging masaya ang buhay at maunlad ang pamayanan.

3. Pakikisama at Pakikipagkapwa. Madaling makisama ngunit mahirap makipagkapwa- tao. Sa mga


sinaunang Pilipino, bakas sa bawat isa ang pkikipagkapwa – tao. Bunsod ito ng mga matibay na batas na
ipinatutupad ng mga unang pinuno. Mataas ang pagpapahalaga ng mga sinaunang Pilipino sa paggalang lalo
na sa mga pinuno ng komunidad. Ito ay masasalamin pa rin sa mga kapatid na mga katutubo na dala dala at
isinasabuhay pa rin ang mga nakagawiang kultura at tradisyon.

4. Pagbibigay ng Tulong sa Kapwa Tao. Likas sa mga sinaunang Pilipino ang mapagbigay ng tulong sa
kapwa- tao. Sino man ang mayroon sa buhay ay masaganang nagbabahagi sa mga kapwa na
nangangailangan nito.
Ito rin ang dala- dalang kultura at tradisyon ng mga kapatid nating katutubo tulad ng mga Aeta. Hindi
makasarili ang mga sinaunang Pilipino. Sabay sabay na pag- unlad ang konsepto ng ating mga ninuno.

IV.Gawain :
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung
ang pahayag ay nagpapakita ng tamang gawain at ekis kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago
ang mga bilang.
____1. Sasali sa pangangampanya na makalikum ng pondo para sa kapakanan ng mga katutubong pangkat
ng lalawigan.
____2. Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga katutubong pangkat.
____3. Pagtawanan ang mga Mangyan dahil sa mga suot nitong katutubong damit.
____4. Pabayaan lang ang kaklaseng Aeta na hindi naghuhugas ng kamay bago kumain.
____5. Magsasabi sa mga kaklase na iiwasan nya ang mga batang Mangyan dahil hindi naliligo ang mga ito.
____6. Tinutulungan ang kapwa kamag-aaral sa ibang gawain.
____7. Nakikipaglaro sa mga kamag-aaral na galing sa ibang lugar.
____8. Hindi pinapansin ang kaklaseng naiiba ang itsura at aktibidad.
____9.Namimili ng mga batang maaring kaibiganin sa paaralan.
____10.Nakikihalubilo sa mga guro at kaklase sa mga pagkakataon sa eskwelahan.
B. Panuto: Unawain ang mga tanong/pahayag sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang mga bilang.

_____1. Ano ang pinagmulan ng salitang Tagalog?


A. Taga-baryo C. Taga-ilog
B. Taga-bundok D. Taga-lungsod
_____2. Alin sa sumusunod ang tawag sa mga Dumagat?
A. Aeta C. Malay
B. Kankana-ey D. Zambaleño
_____3. Alin sa sumusunod na dahilan ang tama ayon sa pagkakaroon ng mga Tagalog ng mataas na antas
sa paglinang?
A. Ang mga Tagalog ay halos nag-aaral sa ibang bansa.
B. Ang mga Tagalog ay may malalaking paaralan at maraming tao.
C. Ang mga Tagalog ay halos nasa kabihasnan at nasa sentro ng komersiyo.
D. Ang mga Tagalog ay natural na mahusay simula pa noong kapanganakan.
_____4. Ang sumusunod ay maaaring gawin ng ating pamahalaan upang mapaunlad ang edukasyon at
pamumuhay ng mga Dumagat, maliban sa
A. Bigyan sila ng maraming pana at sibat gamit sa pangangaso.
B. Magtayo sa lugar nila ng mga paaralan at turuan ang mga bata.
C. Turuan ang mga kalalakihan ng paraan ng pagsasaka at ibang paraan ng pamumuhay
D. Turuan ang mga kababaihan tungkol sa tamang pag-aalaga sa kanilang pamilya.
_____5. Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang maipagmalaki ang sariling pangkat?
I. Mag-aral nang mabuti para sa sariling kinabukasan.
II. Sabihin sa ibang pangkat ng tao na mas magaling ka.
III. Makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad ng pamayanan.
IV. Pumunta sa ibang lalawigan at doon manirahan.

A. I at II C. III at IV
B. II at IV D. I at III

Pangalan: ____________________________________________________________________________
Baitang/Pangkat: Three – SSES
SCIENCE

QUARTER 3 - MODULE 6: What are the Forces that affect Motion?

1. Frictional force

Frictional force is a force that slows down an object, stops an object from moving, or pushes back
when an object tries to slide. In picture A, pulling the bag in a rough surface will slow down the
movement of the bag because rough surface offers greater friction. In picture B, the bag in a
smooth surface is much easier to pull because smooth surface offers less friction.
2. Magnetic force
A magnet is anything that pulls or attracts iron and steel. Magnetic
force is another force that affects movement which pulls objects
made of iron and steel toward a magnet.
For example, a magnet pulling the nails together.

3. Force of Gravity
Gravity is the force that pulls objects toward the center of the earth
(Ramos and Apolinario, 2017). For example, the ball he throws up will
eventually fall.
Another factor that affects the motion of an object is inertia. It
causes an object to stay at rest or in motion unless an outside force is acted or applied
upon them (Ramos and Apolinario, 2017). For example, the ball will not move unless the
boy kicks it.
Balanced forces Unbalanced forces

Looking at the pictures above, picture A shows that the two boys pulled the rope from opposite directions
with equal strength. When the forces on an object are equal and in opposite directions, it is called
balanced forces, that is why the ribbon in the middle of the rope does not move. However, in picture B,
there is a greater force applied on the other side of the rope. Since they are not equal in number and
strength, the ribbon moves on the side where two boys are pulling the rope because of unbalanced forces .

Activity 1. Write TRUE if the statement is correct or FALSE if it is not. Write your answers on
on the blank before each number.
_____1. Force is needed to make things move.
_____2. The forces are balanced when the forces on an object are equal and in opposite
directions.
_____3. A magnet pulls or attracts wood and plastic.
_____4. An object will move if all the forces are balanced.
_____5. Inertia causes an object to stay at rest or in motion unless an outside force
acted or applied upon them.
Activity 2. Read each question carefully in column A. Choose between a and a that
best describes your answer and shade it.
Activity 3. Identify the force used in each situation. Choose the letter of your answer from
the box and write it on a blank before each number.
A. Balanced forces B. Force of gravity C. Frictional force
D. Inertia E. Magnetic force F. Unbalanced forces

_____1. Charles finds it hard to push the box because the road is rough. Which force
affects the motion of the box?
_____2. Mark lies down under the guava tree when a fruit fell on him. Which of the forces
causes it?
_____3. Stephanie opens the door of their fridge then it closes automatically. What causes
the door of the fridge to close automatically?
_____4. The wheelbarrow stays still at the backyard until Mr. Peralta pushed it in front of
the house. Which of the forces is this?
_____5. Sean and Lucas played seesaw. Lucas is heavier than Sean, when they sat on
both ends, Lucas inclined the seesaw towards the ground. Which force happened?

Pangalan: ____________________________________________________________________________
Baitang/Pangkat: Three – SSES

Mga Gawaing Pampagkatuto sa Music 3


Ikatlong Markahan
Kilos at Galaw na Nagpapahiwatig ng Lakas at Hina ng Tunog

I.Kasanayang Pampagkatuto
Nakatutugon sa kilos at galaw na ipagagawa ng guro na nagpapahiwatig ng lakas at hina ng tunog
(MU3DY-IIIe-4)
Nakakikilala ng malakas, katamtaman at mahinang tunog sa musika
Nakauugnay ng dinamiko sa galaw ng mga hayop.

II. Layunin:
Nakatutugon sa kilos at galaw na ipagagawa ng guro na nagpapahiwatig ng lakas at hina ng tunog
Nakakikilala ng malakas, katamtaman at mahinang tunog sa musika
Nakauugnay ng dinamiko sa galaw ng mga hayop.

III. Konsepto ng Pagpapahalaga


( Kopyahin ang bahaging ito sa iyong kwaderno sa Music )

Ang antas ng pagkilos o paggalaw ng hayop ay nagpapahiwatig din sa antas ng tunog sa pag-awit.
Ang awit ay ginagamitan ng dinamiko upang maipahiwatig ang damdaming nais iparating ng sumulat nito.
Subukan mong awitin nang may antas ng dinamiko ng tunog ang awiting “Tunog at Galaw ng
Hayop”. Maaari mo ring ugnayin ang dinamiko ng tunog sa dinamiko ng paggalaw ng hayop.

Liriko ng Awit Kaugnay ng Dinamiko sa


Dinamiko ng Tunog
paggalaw ng hayop

Malakas Ako si Kalabaw


masipag,matiyaga. Pagsikat ng
araw dapat ng gumalaw.
ma! ma! ma! ma!
ma! ma! ma! ma!
Pakinggan n’yo ako ngayon
maaah!
Ako ay si Bantay, bantay ng ‘yong
bahay.
Matulin tumakbo, mabait na aso
aw! aw! aw! aw!
Katamtaman
aw! aw! aw! aw!
Pakinggan n’yo ako ngayon.
awoo!
Ako ay si Kuting ,kuting na
malambing.
Matinik sad aga, matalinong pusa.
kaluskos! kuskos!
Kaluskos! Kuskos!
Mahina
Pakinggan n’yo ako ngayon.
meow!

Ang galaw ng hayop ay tumutugon din sa antas ng dinamiko ng tunog. Kaya, iyong napapansin na
may malakas, katamtaman, at mahina ang iyong boses sa pag-awit.
Ang antas ng boses sa pag-awit ay naaayon din sa dinamiko ng paggalaw ng hayop.
Ang antas ng pagkilos at paggalaw ng hayop ay nagpapahiwatig din sa antas ng tunog sa awitin.
Sa musika, may bahagi ng kanta na inaawit natin nang malakas,katamtaman at mahina. Ito ay
tinatawag na antas ng tunog sa pag awit o daynamiko .
Makikita mo sa sumunod na pahina ang isang uri ng awiting may dinamiko. Maaari mo rin itong
awitin ayon sa antas ng tunog na nakasulat sa musical piece.

Iyong napansin na may antas ng tunog sa musical piece. Ito ay nakasulat sa bughaw na kulay. Ang antas
ng tunog ay malakas, katamtaman, at mahina.
Mula sa awiting “Pilipinas kong Mahal”, mainam na pakinggan ang isang musika kung ito ay
ginagamitan ng iba’t-ibang antas ng tunog.
Narito ang bawat bahagi ng awitin ayon sa antas ng tunog sa pag-awit.

Antas ng Dinamiko Linya ng Awit


ng Tunog
Malakas Tungkulin ko’y gagampanan

katamtaman 1. Na lagi kang paglingkuran


2. Ang laya mo’y babantayan Pilipinas kong hirang
1. Ang bayan ko’y tanging ikaw,
Mahina 2. Pilipinas kong mahal ,
3. Ang puso ko at buhay man

IV.Mga Gawain
Panuto: Tukuyin ang antas ng paggalaw ng tao . Isulat ang M - para sa malakas , K - para sa
katamtaman at MH - para sa mahina . Isulat ang sagot sa patlang.

B. Panuto: Isulat ang malakas , katamtaman o mahina ayon sa antas ng kilos o galaw ng hayop sa
patlang. Ihanay ang tunog ng hayop sa Hanay B mula sa larawan ng Hanay A.

You might also like