You are on page 1of 8

Lundoy-(pandiwa) nakababa ang dulo, nakalawit

Nakalundoy sa lupa ang pagkakasabit ng duyan.

Lurok- (pang-uri) sobrang ulan, buhos na buhos

Lurok ang ulan ng naisipan niyang sumilong sa kubo.

Lusak-(pangngalan) putikan

Napakalusak sa daan papuntang pinaglubayan.

Lusaw-(pangngalan) tunaw

Lusaw na ang sorbetes na binili niya dahil hindi niya kinain kaagad.

Lusong-(pandiwa) pagsuong o pagpunta sa tubig

Sa kanyang paglusong sa ilog, namataan niya ang ahas.

Maanghang(pang-uri)- mahalang

Maanghang ang ulam na napili niya.

Mabanas(pang-uri)- mainit

Mabanas ang panahon sa buwan ng Mayo.

Madugas (pang-uri)- madaya

Madugas siyang kasama sa partehan

Mangbabakaw(pang-uri)- manghihingi
Mangbabakaw siya ng isda.

Maghahalabas(pang-uri)- tawag sa tao na kumukuha ng bunga ng niyog sa puno gamit ang karit.

Si Tonyo ang napili na maghahalabas sa niyugan.

Magdikit(pandiwa)- magpa-apoy

Ikaw na ang magdikit Nena, para tayo ay madaling makapagluto.

Mag-iigib (Pandiwa) tawag sa tao na sumasalok ng tubig

Mag-iigib na ang kayang tatay simula pa lamang.

Mag-iimpis- (pandiwa) magliligpit ng kalat, mag-aayos ng gamit.

Mag-iimpis si Clarence ng mga ikinalat niyang kagamitan.

Mananagbo (pang-uri)- tawag sa tao na sumasalubong upang kumuha ng isda.

Mananagbo siya ng isda upang may maibenta siya.

Mananakati(pang--uri)- tawag sa tao na kumukuha ng damo.

Mananakati siya ng damo upang may maipakain sa kuneho.

Mangilaw(pandiwa)- manghuli ng isda o ibang lamang dagat, manghuli ng hipon at isda sa ilog.

Gusto niyang mangilaw ng sihi.

Mamiwas(Pandiwa)- manghuli ng isda gamit ang kawil.

Mamiwas ang pinagkakaabalahan ng kanyang mga pinsan sa ilog.


Matuyag(pang-uri)- sapol kung tumira

Matuyag ang mga batang naglalaro ng tilok.

Nadale(pandiwa)- nakuha, nasaktohan

Nadale ang mga batang pasaway, ibinagsak sila ng kanilang guro.

Ningas(pangngalan)- maliit na apoy

Mahalaga ang ningas ng apoy upang makapagluto.

Palakat(pang-uri) - pala-iyak

Palakat ang batang walang nag-aaruga.

Piki(pang-uri)- paglakad na magkadikit ang tuhod

Piki ang kanyang lakad nung dalaga pa.

Pilaway(pang-ngalan) - bungang kahoy

Masarap ang pilaway.

Pilsen (pangngalan)-tawag sa uri ng pagtatakal ng langis.

Mali ang kanyang pagtakal ng langis sa pilsen.

Pinaw(pandiwa)- pagkuha ng binilad

Sa kanyang pagpipinaw ay hindi niya nakita ang isang damit na nahulog.

Piritin (pandiwa)- pisain


Nagawa niyang piritin ng todo ang pisngi ng bata dahil sa gigil.

Pisang (pangngalan)- hati

May pisang kanyang kuko dahil babagsakan ng takip ng kaldero.

Pulasi(pangngalan)- padaluyan ng pinaglinisan ng pinggan o banggerahan

Maayos dapat ang pulasi upang hindi pagbahayan ng lamok.

Putihin (pandiwa)- pagkuha ng bunga

Putihin mo ang bunga ng mangga parang.

Sakad (pandiwa)- akyat

Sa pagsakad niya sa bundok ay nakita niya ang magandang tanawin.

Sakada(pandiwa)- pagbili ng mga paninda

Nabili siya ng kanyang sakada sa greenleaf.

Sakang(pang-uri)- tawag sa paglakad na magkalayo ang dalawang paa

Kahit sakang ang lakad kapag bata pa ay natutuwid din.

Saltik(pang-uri)- hindi maayos

May saltik ang babaeng iyan.

Sasaka(pandiwa)- pupunta sa bundok

Sasaka siya upang makakuha ng mga gulay.


Sibad (pangngalan)- huli

Marami siyang pasibad na isda kagabi.

Sibak(pandiwa)- pagpuputol ng kahoy

Magsibak ka ng kahoy.

Sibil(pang-uri)- mamamayan

Nabubuhay siya katulad sa mga sibil.

Sibol (pandiwa)- pag-usbong

Pasibol na ang mga bagong tanim na saging.

Silaban(pandiwa)- sunugin

Huwag mong silaban ang gubat.

Silo (pangngalan)- panghuli, maaaring gawa sa tali o iba pa

Marami siyang inilagay na pangsilo sa gubat.

Siring(pang-uri)- hindi maayos na paglakad

Sa kanyang pagsiring ay nahulog siya sa balon.

Sugapa (pang-uri)- pagkagumon, sobra .

Nakulong siya dahil sa kanyang pagkasugapa sa sugal.


Sumibig- (pandiwa) umuwi

Sumibig siya sa kanilang bahay nang gabi na.

Tamsi-(pangngalan) tali na maaaring panghuli ng isda

Marami siyang nakatabing tamsi.

Tanglad- (pangngalan) salay, dahon na inilalagay sa mga lutuin

Masarap ang ginataang manok kapag may tanglad.

Takal(pangngalan)- sukat,

Limang takal ng bigas ang ibinigay niya.

Talahib(pangngalan) uri ng dami na natubo tabing palayan.

Talop(pandiwa)- balat, balatan

Magtalop ka mangga at kumain.

Tahip(pandiwa)- proseso ng pagtatanggal ng ipa sa bigas gamit ang bilao.

Tahipan mo ang bigas upang matanggal ang ipa.

Tapalang(pangngalan)- lamang dagat, maaaring kainin

Masustansya ang tapalang.

Tilamsik (pandiwa)- pagtama ng tubig ng hindi sinasadya

Malakas ang tilamsik na kanyang damit dulot ng dumaang sasakyan.


Timbog-(pandiwa)-huli, nahuli

Natimbog ng mga pulis ang mga kawatan.

Tinuto-(pangngalan)- tawag sa ulam na buhat sa dahon ng gabi.

Maraming sahog ang niluto niyang tinuto.

Tugpa-(pandiwa)-paglaot, pagpalaot sa dagat

Ang pagtugpa niya ang nagbigay sa kanya ng magandang buhay.

Uhugin- (pang-uri)-Tawag sa indibidwal na may lumalabas na sipon at dumi sa tainga.

Kailangang laging maglinis ng katawan upang hindi matawag na uhugin.

Ula- (pandiwa). Pagdadala sa hayop sa kung saan may maraming damo upang makakain.

Ini-ula niya ang kanyang kalabaw sa madamong parang.

Uway- (pangngalan). baging na matatagpuan sa gubat, ginagawang mga bangko at gamit sa


bahay

Uway ang kanyang nilala upang lagyan ng gamit.

Wisik- (pandiwa) pagsaboy ng bahagya

Nagwisik siya ng pataba sa mga pananim.

Yantok- (pangngalan), baging na matatagpuan sa gubat.


Pinalo niya ako ng yantok dahil siya ay galit.

You might also like