You are on page 1of 5

UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS

MATAAS NA PAARALAN NG EDUKASYON

ARALING PANLIPUNAN 10
MODYUL 3

IKA-SAMPUNG BAITANG
UNANG MARKAHAN

INIHANDA NI:
MR. JOSEPH RAFAEL A. ALINAS
MR. SHERWIN A. LANARIO

IKA-APAT NA LINGGO
AGOSTO 9, 2022- SETYEMBRE 2, 2022
UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS
MATAAS NA PAARALAN NG EDUKASYON

MODYUL 3
MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ng ikasampung baitang ay inaasahang:

● Natutukoy ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan sa sariling


pamayanan
● Natatalakay ang mga hakbang ng pamahalaan sa pagharap sa mga suliraning
pangkapaligiran sa sariling pamayanan

MGA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

SOLID WASTE

● Isang uri ng basura na hindi maaaring sunugin gaya ng mga salamin, mga
electronic gadget, at sermakika. Kabilang din ang mga basurang galing sa mga
industriyang nagpoproseso ng mga kemikal, pintura, produktong
pang-agrikultura, at minahan.
● Ang mga nabubulok na basura ay nakalilikha ng methane sa pagdaan ng
panahon. Kung hindi tama o walang sapat na bentilasyon ang pagtatapon nito,
maaari itong magdulot ng pagsabog.
● Ang mga basurang basta na lamang itinatapon ay maaaring magbara sa daanan
ng tubig na pwede magpalala sa baha at kontaminasyon sa mga yamang tubig.

BATAS NA NAGTATAGUYOD SA SOLID WASTE MANAGEMENT

● Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000

○ Ang mga opisyal ng barangay ang namamahala sa pangongolekta at


paghihiwalay ng mga basurang nabubulok na maaaring gawing pataba at
maaaring gamiting muli. Nakasaad din sa batas ang pagpapatayo ng
sanitary landfill na paglalagyan ng basura.

DEFORESTATION

● Isang suliraning umuubos sa ating kagubatan dahil sa labis-labis na pagputol sa


mga puno.
● Dahil sa mabilis na antas ng urbanisasyon, illegal logging, at mga forest fire
patuloy na nauubos ang mga puno sa kagubatan at tinatayang nasa tatlong (3)
porsiyento na lamang ang kagubatan ang natitira sa bansa mula sa orihinal na
forest cover nito.

BATAS NA NAGTATAGUYOD SA DEFORESTATION

● R.A. 9168 - Philippine Plant Variety Protection Act of 2002


● R.A. 9154 - Mt. Kanla-on Natural Park Act of 2001
● R.A. 9147 - Wildlife Resources Conservation and Protection Act
● R.A. 7611 - Strategic Environmental Plan for Palawan Act
● R.A. 7586 - National Integrated Protected Areas System Act of 1992
● R.A. 4190 - Lanao del Sur National Parks
● P.D. 705 - Revised Forestry Code of the Philippines

PAGKASIRA NG MGA CORAL REEF

● Ang pagkasira ng mga tirahan ng isda dahil sa pagpapasabog ng dinamita at


paggamit ng cyanide sa pangingisda.

OVERFISHING AT DESTRUCTIVE FISHING

● Ang paggamit ng maling pamamaraan sa pangingisda. Dahil sa overfishing


hindi nabibigyan ng sapat na panahon upang muling magparami ang mga isda.

BATAS NA NAGTATAGUYOD SA REGULASYON NG PANGINGISDA

● R.A. 8435 o Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997

○ programang ng pamahalaan na sinisiguradong isinasaalang-alang ang


climate change sa mga bubuuing programang pang-agrikultura at
pangingisda.
● R.A. 8550 o The Philippine Fisheries Code of 1998
○ Nangangalaga sa sektor ng pangingisda sa pamamagitan ng wastong
pamamahala at paggamit ng mga yamang tubig at konserbasyon ng mga
palaisdaan.

POLUSYON SA HANGIN

● Ang pagdumi ng hangin na mula sa mga usok ng sasakyan at pabrika.


Nakapagdudulot rin ng polusyon sa hangin ang iba't ibang aktibidad gaya ng
pagsusunog ng basura, paninigarilyo, at iba pa.
● Ayon sa pananaliksik, ang dumi sa hangin ay maaaring magdulot ng sakit sa
baga at iba pang sakit.

BATAS NA NAGTATAGUYOD PARA SA MALINIS NA HANGIN

● R.A. 8749 o Clean Air Act of 1999


○ Naglalayong magkaroon ng epektibong programa sa pangangalaga sa
kalidad ng hangin at mapigilan ang pagsidhi ng polusyon ng hangin.

POLUSYON SA TUBIG

● Ang pagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng malinis na tubig. Karapatan ng tao


ang pagkakaroon ng akses sa malinis na tubig. Subalit dahil sa solid waste at
water waste nakokompormiso ang pagkakaroon ng malinis na suplay ng tubig.

BATAS NA NAGTATAGUYOD PARA SA MALINIS NA TUBIG

● R.A. 9275 o Clean Water Act of 2004


○ Nagbibigay ng komprehensibong paraan para sa pamamahala sa kalidad
ng tubig.
○ Batas na tumutugon sa sewage pollution at programa para sa waste water
treatment

MGA MUNGKAHING SOLUSYON SA SULIRANING PANGKAPALIGIRAN

Suliranin Mungkahing Solusyon

Solid Waste ● Magtayo ng mga sanitary landfall at linisin ang mga


dumpsite.
● Paghusayin ang pangongolekta ng paghihiwalay ng mga
basura.
● Ipatupad ang paggamit ng mga reusable bag at magrecycle
ng basura.
● Gumamit ng modernong incinerator na hindi nakapagdudulot
ng polusyon.
● Bawasan ang basurang itinapon at iwasan ang paggamit ng
labis na packaging.
● Paigtingin ang kampanyasa paghihiwalay ng basura.

Deforestation ● Simulan ang reforestation


● Dagdagan ang mga forest reserve ang mangrove.

Pagksira ng Coral ● Simulan ang pangangalaga sa mga nasirang coral


Reefs reefs.
● Paigtingin ang pagpapatupad sa mga batas na
nangangalaga sa mga coral reef.

Polusyon sa Hangin ● Ipagbawal ang mga sasakyang hindi pumasa sa


pollution standard.
● Hikayatin ang paggamit ng mga pampublkiong
transportasyon.
● Magtipid sa paggamit ng enerhiya
● Palawakin ang paggamit ng malinis at alternatibong
enerhiya katulad ng solar, wind, at geothermal.
● Mahigpit na ipatupad ang mga batas laban sa polusyon
ng hangin.
● Ipagpatuloy ang kampanya sa pangangalaga sa
kapaligiran at laban sa polusyon.
● Ipagtuloy ang kampanya sa pangangalagan sa
kapaligiran at laban sa polusyon.

Polusyon sa Tubig ● Palawakin ang sewerage system sa bansa at dagdagan


ang bilang ng mga water treatment plant.
● Linisin at muling buhayin ang mga ilog at iba pang
anyong tubig na nasira ng polusyon.
● Iwasang mapahalo ang mga pataba, pesticide, at iba
pang kemikal sa anyong tubig o daluyan nito.
● Iwasang magtapon ng basura sa mga anyong tubig o
sa mga lugar na malipit dito.
● Paigtingin ang pagpapatupad ng batas laban sa
polusyon sa tubig.

You might also like