You are on page 1of 16

–tuwirang pananakop –patakaran o paraan ng

ng isang bayan sa iba pamamahala kung saan ang


pa upang gamitin ang makapangyarihang mga
yaman nito o makuha bansa ay naghahangad na
rito ang iba pang palawakin ang kanilang
pangangailangan ng kapangyarihan gamit ang
mangongolonya pagsakop o pagkontrol ng
pangkabuhayan at
pampolitika ng ibang bansa
1.Pangkabuhayang Interes
2.Politikal at Militar na Interes
3.Layuning Maka-Diyos at Makatao
1.Pangkabuhayang Interes
Nais ng mga makapangyarihang
bansa na maisakatuparan ang tatlong
bagay:
1. pagkakaroon ng bagong pamilihan
2. makuha ang mga likas na yaman
ng mga bansa
3. magkaroon ng bagong lupain na
siyang paglalagakan ng kanilang
sobrang puhunan
2.Politikal at Militar na Interes
Ang mga steam-powered na
sasakyan at naval na barko ay
nangangailangan ng mga base sa
iba’t ibang panig ng daigdig upang
magpadala ng mga suplay.
Kinamkam ng mga bansang may
lakas na industriya ang mga
kapuluan o mga daungan upang
magbigay-solusyon ng kanilang
pangangailangan.
2.Politikal at Militar na Interes

Kailangan ng mga lider sa


kanluran ang mga karagdagang
kolonya para sa kanilang
pambansang seguridad. Kung
minsan pa, ang mga kolonya ay
karagdagang kabantugan para sa
bansang kanluranin.
3. Layuning Maka-Diyos at Makatao
Naniniwala ang mga
misyonaryo, mga doktor, at
mga kolonyal na opisyal na
may katungkulan silang
ikalat ang mga biyaya ng
kanlurang sibilisasyon.
1. Kolonya
2. Protectorates
3. Spheres of Influence
4. Concession
1. Kolonya
Sa ibang lupain ang mga malakas na bansa ay bumuo ng
mga kolonya. Upang kontrolin ang mga tao at magtatag ng
gobyernong burukrasya (bureaucracy), nagpadala sila ng
mga gobernador, opisyal, at mga sundalo. Kadalasan ang
mga opisyal na namumuno sa mga kolonya ay sinisikap
baguhin ang nananalaytay na sistemang panlipunan sa
sinasakupan.
Pransiya – direktang
pamamahala
• nagpadala ng mga
opisyal upang
pangasiwaan ang mga
kolonya
• layuning pairalin ang mga
kulturang Pransiya at
gawin ang mga kolonya
na mga lalawigan ng
Pransiya
Britanya – di-tuwirang
pamamahala
• ginamit nila ang mga
sultan at pinunong lokal
bilang ahente ng
pamamahala sa kolonya
2. Protectorates
– ang mga lokal na pinuno
ay nananatili sa lugar at
umaasang tatanggapin ang
mga payo ng Europeo sa
larangan o kalakalan o mga
gawaing pangmisyonaryo
2. Protectorates
– may kalamangan sa
kolonya sa dahilang mas
mababa ang gastos sa
protectorate ng inang bansa
kaysa sa kolonya
3. Spheres of Influence
– inaangkin o kontrolado ng
malalakas na bansa na may
eksklusibong karapatan dito
ang isang bahagi ng lupain
3. Spheres of Influence
Ang Europa ay may mga
spheres of influence sa Tsina.
Ang Latin Amerika ay inangkin
ng Estados Unidos bilang
bahagi ng spheres of influence
nila. Pinaghahatian din ng
Alemanya, Pransiya, Portugal,
at Gran Britanya ang Tsina.
4. Concession May mahihinang bansa na
nagbibigay ng konsesyon
sa mga makapangyarihang
bansa tulad ng mga
espesyal na karapatang
pangnegosyo, karapatan sa
daungan, o paggamit sa
likas na yaman.

You might also like