Panuto: Basahing mabuti ang mga pangugusap. Isulat ang TAMA kung tama ang inilalahad ng pangungusap at kung hindi, palitan ang salitang naging dahilan ng kamalian sa pangungusap. _________1. Sumerian ang tawag sa mga sinaunang taong nagmula sa Tsina. _________2. Ang Kabihasnang Indus ay kabihasnang umusbong sa lambak malapit sa Ilog Indus.
_________3. Ang kabihasnang Shang ay umusbong sa Tsina.
_________4. Ang mga Sinaunang Kabihasnang Asyano ay may mahahalagang ambag sa kasaysayan ng Asya at ng buong mundo.
_________5. Ang mga kabihasnan ay nagsimulang umusbong sa mga lugar na malapit sa
ilog.
_________6. Ang isang kabihasnan ay bumabagsak dahil sa kawalan ng pagkakaisa ng
mga tao.
_________7. Patuloy na namamayagpag ang Kabihasnang Sumer sa kabila ng tunggalian ng
mga lungsod-estado.
_________8. Ang Ziggurat ay matatagpuan sa kabihasnang Indus.
_________9. Sinasabing mahiwaga ang Kabihasnang Indus. _________10. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal lamang.
_________11. Ang Cuneiform ay ang sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Shang.
_________12. Maraming nakitang artifact sa Kabihasnang Shang na nagpapakita na
masayahin at malikhain ang mga tao sa kabihasnang ito.
_________13. Pictograph ay isang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Sumer.
_________14. Paring-hari ang tawag sa pinuno ng mga Sumerian. _________15. Bumagsak ang kabihasnang Shang dahil walang pagkakaisa.