You are on page 1of 2

Department of Education

Region 4-A CALABARZON


Division of San Pablo
San Francisco District
ATISAN INTEGRATED SCHOOL
IKALAWANG MARKAHAN
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN
ARALING ASYANO
BAITANG 7
PANGALAN: _______________________________ PUNTOS: ___________
PANGKAT: ________________________________ PETSA: _____________

PANUTO: (TAMA O MALI) BASAHING MABUTI ANG BAWAT PANGUNGUSAP. ISULAT ANG LETRANG T KUNG TAMA ANG
NAKASAAD SA PANGUNGUSAP AT M NAMAN KUNG MALI.
________ 1. Sa larangan ng siyensya, ang Teorya ng Ebolusyon ng biologist na si Milford Wolpoff ay ang pangunahing
pinagbabatayan ng paliwanag sa pinagmulan ng unang tao sa daigdig.
________ 2. Ang fossils ay ang anumang mga kasangkapang ginagamit ng sinaunang tao na siyang isa sa mga ginagamit na
pangunahing ebidensya sa ebolusyon ng tao.
________ 3. Hominid ang pangkalahatang katawagang ibinigay ng mga siyentipiko sa sinaunang tao at iba pang nilalang na
malatao (humanlike creatures) na naglalakad ng tuwid sa panahong prehistoriko.
________ 4. Ang Australopithecine ay hindi kabilang sa pamilyang Hominid.
________ 5. Ang Homo Habilis ay pangkat ng Homo species na may kakayahang gumawa ng mga kasangkapan.
________ 6. Ang Homo Sapiens na nagmula sa Africa ay ang unang pangkat ng Homo species na nagtungo sa ibat-ibang panig
ng daigdig at nakarating sa Asya at Europa.
________ 7. Sa panahong Paleolitiko ang mga tao ay natutong manirahan sa isang lugar.
________ 8. Sa panahong Neolitiko ang mga tao ay natutong magsaka at mag-alaga ng hayop.
________ 9. Natuklasan ang paggamit ng apoy sa panahong Paleolitiko.
________ 10. Sa panahong Paleolitiko ang sinaunang tao ay umaasa sa kalikasan.

PANUTO: BASAHIN AT SURIING MABUTI ANG MGA TANONG SA IBABA. ISULAT ANG TITIK NG TAMANG SAGOT SA IYONG
SAGUTANG PAPEL.
______11. Ang ziggurat ay templo sa anong kabihasnan?
A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer
B. Kabihasnang Indus D. Kabihasnang Pinoy
______12. Nawala ang mauunlad na kabihasnan ng Sinaunang Asya?
A. dahil sa mananakop. C. kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan
B. kawalan ng mabuting pinuno D. lahat ng nabanggit
______13.Sa anong kabihasnan naimbento ang potter’s wheel at paggamit ng kalendaryong lunar?
A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer
B. Kabihasnang Indus D. Kabihasnang Aryan
______14. Sa anong kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang lungsod−citadel at mababang bayan?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
______15. Anong kabihasnan namumuno ang isang emperador na pinaniniwalaang pinili ng langit?
A. Kabihasnang Shang C. Kabihasnang Sumer
B. Kabihasnang Indus D. Kabihasnang Aryan
______16. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sakasaganaan ng lahat ng nasasakupan.
B. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyon
C. Ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao.
D. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon.
______17. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi
ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng pag-
ulan.
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan.
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi
pumasok sa kanilang pamayanan.
______18. Binubuo ito ng 500 na mga simbolo sa pagsulat.
A. Cuneiform B. Alibata C. Calligraphy D. Dholavira
______19. Nabuo ang isang kabihasnan sa pagkakaroon ng ______________.
A. sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining ,arkitektura at sistema ng pagsulat
B. pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
______20. Anong anyong tubig ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagkakabuo ng kabihasnan?
A. Ilog B. Dagat C. Lawa D. Talon

You might also like