You are on page 1of 2

PANGALAN: _____________________________

GRADE/ SECTION: ________________________

GAWAIN 1: Piliin ang letra ng pinakatamang sagot

Panuto: Unawain at sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Titik lamang ang isulat. Isulat sa sagutang papel.

______1. Itinuring ang kabihasnang Sumer bilang pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig dahil
A. nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
B. sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
C. sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile Crescent
D. kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon
sa daigdig.

______2. Anong kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform?


A. Sumer B. Indus
C. Shang D. Lungshan

______3. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na kinilala nila bilang dambana ng kanilang
diyos o diyosa?
A. Great Wall of China B. Taj Mahal
C. Ziggurat D. Hanging Garden

______4. Ano ang cuneiform, pictograph, at calligraphy?


A. Sistema ng Pagsulat B. Sistemang Pampolitika
C. Sistemang Panlipunan D. Sistemang Relihiyon

______5. Ano ang kabihasnang umusbong malapit sa Iambak sa pagitan ng Ilog Huang He at Yangtze?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy

______6. Ang ziggurat ay templo sa anong kabihasnan?


A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy

______7. Nawala ang mauunlad na kabihasnan ng Sinaunang Asya?


A. dahil sa mananakop. B. kawalan ng mabuting pinuno
C. kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan D. lahat ng nabanggit

______8. Sa anong kabihasnan naimbento ang potter’s wheel at paggamit ng kalendaryong lunar?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan

______9. Sa anong kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang lungsod−citadel at mababang bayan?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
B. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan

______10. Ano ang tawag sa tagatala ng mga mahahalagang pangyayari sa Kabihasanang Sumer?
A. Scribe B. civilization
C. Sworn D. Yangtze

______11. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa kasaganaan ng lahat ng nasasakupan.
B. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling panrelihiyon
C. Ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa
mga tao.
D. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang panrelihiyon.

______12. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila
magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring sumira sa kanilang lupain kapag panahon ng
pag-ulan.
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may ulan.
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at inayos ang mga daluyan ng tubig upang hindi
pumasok sa kanilang pamayanan.
______13. Binubuo ito ng 3000 na mga simbolo o karakter sa pagsulat ng Kabihasang Shang.
A. Cuneiform B. Alibata
C. Calligraphy D. Dholavira

______14. Nabuo ang isang kabihasnan sa pagkakaroon ng ______________.


A. sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining ,arkitektura at sistema ng pagsulat
B. pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan

______15. Anong anyong tubig ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa pagkakabuo ng kabihasnan?
A. Ilog B. Dagat
C. Lawa D. Talon

GAWAIN 2
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangugusap. Isulat ang TAMA kung tama ang inilalahad ng
pangungusap at MALI kung hindi wasto ang inilalahad ng pangungusap. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

_________1. Sumerian ang tawag sa mga sinaunang taong nagmula sa Tsina.


_________2. Ang Kabihasnang Indus ay kabihasnang umusbong sa lambak malapit sa Ilog Indus.
_________3. Ang kabihasnang Shang ay umusbong sa Tsina.
_________4. Ang mga Sinaunang Kabihasnang Asyano ay may mahahalagang
ambag sa kasaysayan ng Asya at ng buong mundo.
_________5. Ang mga kabihasnan ay nagsimulang umusbong sa mga lugar na
malapit sa ilog.
_________6. Ang isang kabihasnan ay bumabagsak dahil sa kawalan ng
pagkakaisa ng mga tao.
_________7. Patuloy na namamayagpag ang Kabihasnang Sumer sa kabila ng
tunggalian ng mga lungsod-estado.
_________8. Ang Ziggurat ay matatagpuan sa kabihasnang Indus.
_________9. Sinasabing mahiwaga ang Kabihasnang Indus.
_________10. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal lamang.
_________11. Ang Cuneiform ay ang sistema ng pagsulat ng Kabihasnang Shang.
_________12. Maraming nakitang artifact sa Kabihasnang Shang na nagpapakita
na masayahin at malikhain ang mga tao sa kabihasnang ito.
_________13. Pictograph ay isang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Sumer.
_________14. Paring-hari ang tawag sa pinuno ng mga Sumerian.
_________15. Bumagsak ang kabihasnang Shang dahil walang pagkakaisa.

You might also like