You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

ARALING PANLIPUNAN 6
“MGA PANGUNAHING SULIRANIN AT HAMONG KINAHARAP NG MGA PILIPINO
MULA 1946 HANGGANG 1972 (UNANG BAHAGI)”

Pangalan: Marka:
Baitang/Seksyon: Petsa:

I. PANIMULA

Kung ating iisipin, ano nga ba ang mga suliraning kinaharap ng mga Pilipino pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Sa ngayon ay nakararanas ang ating bansa ng iba’t ibang suliranin at hamon na maaari nating
ihalintulad sa panahon noon, pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nakikita natin ang
maraming parehong suliranin na pangkatahimikan o pangkabuhayan at ang matinding hamon sa
pagkakaisa ng bansa

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


• Inaasahan na maipamamalas ng mag-aaral ang mga sumusunod:
• Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946
hanggang 1972

III. TALAKAYAN

Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino


mula 1946 hanggang 1953

Sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Manuel Roxas, ang unang pangulo ng Ikatlong Republika noon
(Mayo 1946 – Abril 1948) ay dinanas ng Pilipinas ang matinding hagupit ng digmaan. Walang pondo o
salapi ang gobyerno kaya’t unti – unting isinulong ang mga programang makapagpapalago sa ekonomiya.
Kulang din ang supply ng pagkain at iba pang pangangailangan ng mamamayan. Naparalisa ang
transportasyon. Halos 80% ng mga paaralan at iba pang imprastraktura ay nawasak at napilitang isarado.
Naging isyu pa ang kolaborasyon o pagtataksil sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa kaaway o kalaban
ng bansa. Lugmok ang moral ng mamamayan dahil sa mga namatay na mahal sa buhay o nawalang
kabuhayan dahil sa digmaan
Buong pagsisikap na hinarap ni Pangulong Roxas ang pagbangon upang magkaroon ng bagong buhay ang
Pilipinas. Inuna niya ang rekonstruksiyon upang muling maisaayos ang mga pasilidad at imprastraktura ng
bansa at rehabilitasiyon naman upang mapanumbalik sa normal ang pamumuhay ng mamamayan na nasira
ng digmaan. Nagsumikap siyang lutasin ang mga suliranin, tulad ng pagsasaayos ng kabuhayan,
katiwasayan, kaayusan at mababang moralidad ng lipunan. Ang Pilipinas ay isa sa mga unang bansa na
sumali sa Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) bunsod ng pakikipag – ugnayang diplomatiko.
8

Naging hamon naman sa atin, isang bansang nagsisimulang magsarili, ang mga di – pantay na kasunduan at
naging pagsandal sa Amerika. Lumala rin ang kalagayang panseguridad dahil sa paglakas ng puwersa ng
Huk o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB) at ng Partido Komunista ng Pilipnas (PKP).
Umunlad ng bahagya ang pagsasaka sa paggamit ng mga makinarya at mga siyentipikong paraan ng
pagsasaka.

Tinulungan din ang mga tao at pribadong korporasyon ng pagpapautang mula sa Rehabilitation Finance
Corporation (RFC) na ngayon ay Development Bank of the Philippines.
Hindi naging makatarungan ang kasunduang pangkalakalan natin sa Bell Trade Act o Philippine Trade Act
dahil hindi naging pantay ang parity rights o ang Karapatan ng mga Pilipino at Amerikano na linangin ang
mga likas na yaman ng bansa at ang pamamalakad ng mga pambayang paglilingkod.

Ngunit napilitan tayong tanggapin ang kasunduang ito bilang kapalit sa tulong pinansiyal ng Amerika sa
bansa. Hindi rin naging pantay ang Estados Unidos at Pilipinas sa usaping panseguridad. Sa nilagdaang
Military Bases Agreement noong Marso 14, 1947 ay 99 na taon ang karapatan ng Amerika na manatili sa
bansa ng libre at aking teritoryo at pag-aari ang mga base militar.

Nakasaad din sa Military Assistance Agreement noong Marso 21, 1947 ang pahintulot ng Pilipinas na
magtustos sa atin ang Estados Unidos ng armas at kagamitang militar kasabay sa pagbabahagi ng kaalaman
sa pamamalakad at estratehiyang – militar sa Pilipinas. Lalo pang pinaigting ng mga kasunduang ito ang
impluwensiya at kontrol ng mga Amerikano sa ating bansa.

Malaking impluwensiya rin ang Kaisipang Kolonyal sa mga panahong iyon. Ibinunsod nito ang higit na
pagtangkilik natin sa kanilang mga produkto at kaisipang dayuhan. Ang neokolonyalismo ay
nakaaapektong lubos sa kahinaan ng Pilipinas. Naidikta ng Amerika ang mga patakarang pang –
ekonomiya at pulitikal sa bansa at nanatiling malakas ang kanilang impluwensiya kahit tayo ay naturingang
malaya. Ang pagkiling na ito sa Amerika ay nagpapatunay na hindi pa rin tayo ganap na malaya at matindi
pa rin ang suliranin ng bansa ukol sa kasarinlan.

Biglaang binawian ng buhay dahil sa atake sa puso si Pangulong Roxas at humalili bilang pangulo si
Elpidio Quirino mula Abril 1948 – Disyembre 1953. Sinikap ni Pangulong Quirino na patuloy na
maibangon ang bansa at mapagtibay ang kalagayan natin bilang isang nagsasariling bansa.
Muling hinarap ni Pangulong Quirino ang lumalalang suliranin sa ekonomiya at seguridad. Pinagtibay ang
pagtatakda ng pinakamababang sahod (minimum wage), iniutos ang pagtaas ng sahod ng mga guro at
kawani ng pamahalaan, itinatag ang Agricultural Credit Cooperative Financing Administration (ACCFA)
upang matulungan ang mga magsasaka, at bagamat nakapagsimula ng ilang bagong industriya laganap pa
rin ang kahirapan at katiwalian sa pamahalaan. Sinubukan namang lutasin ang lumalalang ligalig ng
9

Huk at ng pamahalaan sa pagtatatag ni Pangulong Quirino ng President’s Action Committee on Social


Amelioration (PACSA) at pagkakaloob ng amnestiya, hindi siya lubos na nagtagumpay bagkus ay
bahagyang napahina lamang ang puwersa ng Huk (HMB).
IV. GAWAIN

A. Panuto: Buuin sa sagutang papel ang sagot sa mga palaisipan.


1. Sinong M R ang unang pangulo ng Ikatlong Republika?
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
2. Ang P ay ang kauna – unahang bansa na lumaya sa pagiging kolonya ng Kanlurang Kapangyarihan.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
3. Anong K ang pangunahing suliranin ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
4. Anong T ang sistemang naparalisa pagkatapos ng digmaan kaya’t nawalan ng sasakyan sa mga
lansangan?
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
5. Pang – ____________ (anong klase) E ang mga programang isinulong ni Roxas gaya ng Philippine
Trade Act at Rehabilitation Finance Corporation.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
6. Ang R ang unang mithiin ni Pangulong Roxas upang muling maisaayos ang mga pasilidad at
imprastrakturang nasira sa digmaan.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
7. Isa pa ang R na naisulong din upang maipanumbalik ang normal na pamumuhay ng mga mamamayan.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
8. Ang isyung K ay naging mabigat na usapin dahil sa paratang na pagtataksil sa bayan.
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
9. Sinong H ang malakas na puwersang kalaban noon ng pamahalaan?
___ ___ ___
10. Sinong E Q ang sumalo at nagpatuloy ng mga mithiin ng bansa sa biglang pagpanaw ni Pangulong
Roxas?
___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

B. Panuto: Gamit ang 1-6 pagsunud – sunurin ang mga suliraning sinikap lutasin ng mga naging pangulo ng
bansa mula 1946 hanggang 1972 (Panahon ni Pangulong Roxas) at 7-10 (Panahon ni Pangulong Quirino)
Panahon ni Pangulong Roxas

_____ Ikalawang Digmaang Pandaigdig


_____ Kawalan ng komunikasyon at transportasiyon
_____ Huk / PKP
_____ Di – pantay na mga kasunduan sa Amerika
_____ Paghingi ng tulong Militar sa Amerika
_____ Bagsak na Ekonomiya
Panahon ni Pangulong Quirino
_____ Huk / PKP
_____ Ekonomiya
_____ Pagtataas ng sahod at Pagtatakda ng Minimum Wage
_____ Pagtulong sa problema ng mga Magsasaka

V. REPLEKSYON
Ano-ano ang mga dapat nating gawin o wastong kilos para makatulong sa komunidad o sa bayan?
Bilang mag – aaral may magagawa ka ba para makatulong?
VI. SANGGUNIAN
Gregorio, Sheila P. et al. (2021). Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Pangunahing
Suliranin at Hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang 1972 (Unang Bahagi). Pilipinas.
Kagawaran ng Edukasyon. pp. 7 - 10
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

FILIPINO 6
“PAG-IISA-ISA NG MGA ARGUMENTO SA BINASANG TEKSTO”
SUSI NG PAGWAWASTO

Gawain A:
1. Manuel Roxas
2. Pilipinas
3. Kahirapan
4. Transportasyon
5. Ekonomiya
6. Rekonstruksiyon
7. Rehabilitasyon
8. Kolaborasyon
9. Huk o Hukbong Mapagpalaya ng Bayan
10. Elpidio Quirino

Gawain B:
Panahon ni Pangulong Roxas
1, 3, 6, 5, 4, 2

Panahon ni Pangulong Qurino


7, 10, 8, 9

Inihanda ni:

MARIA LUISA P. MARTIN


Teacher III

Noted:

ARMIDA SJ. SANTOS


Principal I

You might also like