You are on page 1of 10

lOMoARcPSD|37278796

Lesson Plan AP 9

curriculum development (Saint Joseph College of Maasin)

Scan to open on Studocu

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)
lOMoARcPSD|37278796

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN SA IKAWALONG BAITANG

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

K. Natutukoy ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan sa pag-unawa sa daigdig.

S. Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig.

A. Napapahalagahan ang heograpiyang pisikal ng daigdig bilang tirahan ng tao.

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa

HEOGRAPIYA NG DAIGDIG

B. Sangunian

ARALING PANLIPUNAN Unang Markahan – Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig

C. Mga Kagamitan

Laptop Speaker Mga Larawan Video

Zoom Kahoot Cellphone PowePoint

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagdadasal
(Ipakita sa klase ang isang Video ng panalangin) (Lahat ay nakinig at nanalangin ng mataimtim)
Sabihin: “Ang lahat ay makinig at
manalangin ng mataimtim.”

2. Pagbat
Sabihin: “Magandang umaga sa inyong “Magandang umaaga din po Teacher Crest”
lahat ako si Crestituto Cuizon ang
inyung guro sa Araling Panlipunan,
tawagin nyo lang akong Teacher Crest ”

3. Pagtala ng liban sa klase


(Ang guro ay nag siyasat kung may liban sa Klase)

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)


lOMoARcPSD|37278796

IV. PARAAN NG PAGKATUTO

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


B. PAGLINANAG NA GAWAIN
1. Pagganyak
(Magpakita ng mga larawan kaugnay sa
Heograpiya)

(DAGGIID)

(KODNUB)

(TAGUB)

“Una: Daigdig
Sabihin: “Ayon sa naka halo-halong letra Pangalawa: Bundok
ano ang tinutukoy sauna, pangalawa at Pangatlo: Gubat”
pangatlong larawan?”

Sabihih: “Tumpak! Maraming Salamat


Mr/Ms._________.”

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)


lOMoARcPSD|37278796

Sabihin: “Ayon sa iyong nakita, buohin (HEGRAIYAPO GN GIDGDIA)


ang naka halo-halong letra upang “Heograpiya ng daigdig”
matukoy kung ano ang ating Aralin
ngayong araw”

Sabihin: “Tama! Maraming Salamat


Mr/Ms._________.”
“Ang heograpiya ay ang pisikal na
Sabihin: “Ano sa Palagay nyo ang paglalarawan sa ating daigdig”
Heograpiya?”

Sabihin: “Magaling! Maraming Salamat


Mr/Ms._________.”

2. Paglalahad ng paksa
Sabihin: “Ang ating Aralin ngayong araw ay
tungkol sa Heograpiya ng Daigdig”

3. Pagtatalakay
Sabihin: “Ang Heograpiya o Geography ay
nag mula sa salitang Griyego na “Geo” o
daigdig at “Graphia” o paglalarawan.
Samakatwid, ang Heograpiya ay
tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig.”

Limang Tema ng Heograpiya:


1. Lokasyon- Tumutukoy sa kinaroroonan
ng mga lugar sa daigdig na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy.
Lokasyong Absolute na gamit ang mga
imahinasyong guhit ng latitude line at
longitude line na bumubuo sa grid. Ang
pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang
tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng
isang lugar sa daigdig.

2. Lugar- Tumutukoy sa mga katangiang


natatangi sa isang pook na may dalawang
paraan sa pagtukoy.

3. Rehiyon- Bahagi ng daigdig na


pinagbubuklod ng magkakatulad na
katangiang pisikal o kultural.
4. Interaksiyon ng tao at kapaligiran- ang
kaugnayan ng tao sa pisikal na katangiang
taglay ng kaniyang kinaroroonan.

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)


lOMoARcPSD|37278796

5. Paggalaw- ang paglipat ng tao mula sa


kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar;
kabilang din dito ang paglipat ng mga
bagay at likas na pangyayari, tulad ng
hangin at ulan.

Ang katangiang pisikal ng daigdig:


Crust- ang matigas at mabatong bahagi ng
planetang ito.

Mantle- isang patong ng mga batong


napakainit kaya malambot at natutunaw
ang ilang bahagi neto.

Core- ang kaloob-loobang bahagi ng


daigdig.

Estruktura ng daigdig:
Plate- malaking masa ng solidong bato na
hindi nanatili sa posisyon. Sa halip ang
mga ito ay gumagalaw na tila mga
balsang inaanod sa Mantle.

Hemisphere- Ang apat na hating-globo


na bumubuo sa daigdig.
Ang Northern at Southern Hemisphere
na hinahati ng equator, at ang Eastern at
Western Hemisphere na hinahati ng
Prime Meridian.

Longitude at Lattude:
Prime Meridian- Ang Prime Meridian na
nasa Greenwhich sa England ay itinalaga
bilang zero degree longitude.

Ang 180 degrees longitude mula sa Prime


Meridian, pakanluran man o pasilangan,
ang International Date Line na
matatagpuan sa kalagitnaan ng Pacific
Ocean. Nagbabago ang pagtatakda ng
petsa alinsunod sa pagtawid sa linyang
ito, pasilangan o pakanluran.

Equator- Tinatawag na latitude ang


distansiyang angular sa pagitan ng
dalawang parallel patungo sa hilaga o
timog ng equator.

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)


lOMoARcPSD|37278796

Ang mga kontnente:


Asya
⮚ 44,579,000 sq. km
⮚ Pinakamalaking kontinente
⮚ Sinasabing ang sukat nito ay higit sa
pinagsama-samang lupain ng North at
South America
⮚ Ang kabuuang sukat nito ay tinatayang
sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang
sukat ng lupain ng mundo
⮚ Nasa Asya din ang mahigit sa kalahati ng
kabuuang tao sa mundo
⮚ Ang China na may pinakamalaking
populasyon sa mundo ay nasa Asya
⮚ Ang Mt. Everest ang pinamataas na
bundok sa daigdig ay nasa Asya

Europa
⮚ 9,938,000 sq. km.
⮚ Ikaapat na bahagi lamang ng Asya ang
laki nito
⮚ Noong panahon ng kolonisasyon,
pansamantalang sa Europa ang malaking
bahagi ng daigdig
⮚ Dito rin nagsimula ang mga
kaganapang humantong sa dalawang
digmaang pandaigdig sa kasaysayan
noong ika-20 siglo

Africa
⮚ 30,065,000 sq. km.
⮚ Matatagpuan dito ang Nile River, ang
pinakmahabang ilog at ang Sahara Desert
ang pinakamalaking disyerto naman sa
mundo.
⮚ Ang malaking suplay ng ginto at
diyamante ay dito rin makikita
⮚ Ito ay nagtataglay ng pinakamaraming
bansa sa ibang kontinente

North America
⮚ 17,819,000 sq.km.
⮚ May hugis tatsulok na unti-unting
nagiging patulis simula sa bahaging
equator hanggang sa Cape Horn sa
katimugan
⮚ Ang kabundukang Andes, na may

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)


lOMoARcPSD|37278796

habang 7,240 km ay sumasakop sa


kabuuang kanlurang baybayin ng South
America

South America
⮚ 24,256,000 sq. km.
⮚ May hugis ng isang malaking tatsulok
subalit mistulang pinilasan sa dalawang
bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico
⮚ Matatagpuan dito ang dalawang
mahabang kabundukan- ang Appalachian
Mountains sa silangan at Rocky Mountains
sa kanluran

Australia
⮚ 7,687,000 sq. km.
⮚ Bukod-tanging kontinente na
nagtataglay ng iisang bansa sa kanyang
nasasakupan- ang Commonwealth of
Australia
⮚ Sinasabing mas marami pang tupa ang
kumpara sa mga taong naninirahan dito
⮚ Kalapit nito ang Oceanina na tumutukoy
sa mga bansa, estado at pulo sa
Micronesia, Melanesia at Polynesia

Antarctca
⮚ 13,209,000 sq. km.
⮚ Tanging kontinenteng natatakpan ng
yelo
⮚ Ang kapal ng yelo dito ay halos
umaabot ng halos 2 kilometro o 1.2 milya
⮚ Dahil dito maliban sa mga siyentistang
nagsasagawa ng pag-aaral dito
⮚ Ang karagatang nakapalibot dito ay
sagana sa mga isda at mammal

Mga anyong Lupa at anyong Tubig


Tinatawag na topograpiya ang pisikal na
katangian ng isang lugar o rehiyon.

Lambak-ilog: Tigres at Euphrates, indus at


huang ho sa asya at lambak-ilog ng nile sa
Africa

Pinakamataas na bundok sa buong


daigdig ay ang Bundok Everest na
matatagpuan sa asya.

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)


lOMoARcPSD|37278796

Limang karagatan: Pacific, Atlantic,


Indian, Arctic at Southern Ocean.

4. Paglalahat
Sabihin: “ano ang iyong natutunan sa
ating tinalakay ngayong araw?”

Sabihin: Mahusay! Maraming Salamat “Ang natutunan ko ngayong araw ay tungkol sa


Mr/Ms.________.” Heograpiya ng daigdig at ang kahalagahan
neto”

5. Paglalapat
(Alamin kung ano ang hinahanap sa kahon)

1.
2.

3. “1. Crust
2. Mantle
3. Core”

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.
Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa iyong kuwaderno.

1. Alin sa sumusunod ang maaaring maglarawan sa klima ng Pilipinas?

A. Tropical na klima

B. Maladisyertong init

C. Buong taon na nagyeyelo

D. Nakararanas ng apat na klima

2. Nagmumula dito ang malaking suplay ng ginto at diyamante.

A. Asya B. Europe C. Africa D. Antarctica

3. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula sa

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)


lOMoARcPSD|37278796

kinagisnang lugar; kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na

pangyayari, tulad ng hangin at ulan.

A. lokasyon B. lugar C. rehiyon D. paggalaw

4. Alin sa isa sa pitong kontinente ng daigdig ang tanging kontinenteng natatakpan

ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km (1.2 milya)?

A. Asya B. Europe C. Africa D. Antarctica

5. Alin sa mga estruktura ng daigdig ang tumutukoy sa matigas at mabatong bahagi

ng planeta?

A. Crust B. Mantle C. Core D. Plate

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa

tema ng pag-aaral ng heograpiya?

A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.

B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.

C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang

mamumuhunan.

D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi

Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

7. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may

magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?

A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon

8. Ito ay tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.

A. kabihasnan B. heograpiya C. kultura D. sining

9. Tumutukoy ito sa isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa

daigdig.

A. Austalia B. North America C. South America D. Antarctica

10. Alin sa mga sumusunod na imahinasyong guhit ang humahati sa globo sa hilaga

at timog hemisphere o hemispero. Ito rin ay itinatakdang zero degree latitiude?

A. latitude B. longitude C. equator D. Prime Meridian

V. TAKDANG ARALIN

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)


lOMoARcPSD|37278796

*Magsaliksik tungkol sa “Heograpiyang Pantao: Wika”*

PREPARED BY: CRESTITUTO C. CUIZON – TEACHER I APPLICANT

Downloaded by Ma. Paula Fernanda C Solomon (paulasolomon03@gmail.com)

You might also like