You are on page 1of 12

Aralin 11-12

Likas na
Batas Moral
LIKAS NA BATAS MORAL
Ang batas ay isang kauutusan upang mapanatili
ang kapayapaan at kaayusan ng lipunan. May
mga batas na nasusulat, ito ang itinakda ng
pamahalaan at ito ay pinagkaisahan, pinag-
isipan, dininig at inaprubahan sa senado at
kongreso. May mga batas na hindi nasusulat,
ito ang likas na batas na ang pinagbatayan ay
ang kagandahang- asal gaya ng kodigo ng
kagandahang-asal
BATAS MORAL (Natural Law)

✓Batas na hindi ibinigay ng tao.


✓Kaloob po ng Diyos upang magbigay
ng kaayusan, kagandahan, at ng
pagkakatugma ng mga bagay at ang
kaugnayan nila sa isa’t isa.
✓Batas na naaayon sa kung ano ang
mabuti sa mga tao sa lipunan.
✓Narinig mo na ba ang prinsipyong “First Do
No Harm” (Primum non nocere) ng mga
manggagamot? Sinasabi nitong ang unang
layunin ng mga manggagamot ay hindi
makapagdulot ng higit pang sakit. Negatibo
man ang pagkakasabi, at hindi positibo
gaya ng "Magbigay lunas," positibo ang
nais sabihin nito: laging may pagnanais na
makapagpagaling at maiwasan ang lahat
First Do No Harm
ng makapagpapalala ng sakit o
makasasama sa pasyente.
✓Paniwala ng pilosopong si Sto.
Tomas de Aquino:
Lahat ng tao ay may kakayahan
g mag-isip. Lahat ng tao ay may
kakayahang makaunawa sa
kabutihan.

✓Para sa pilosopong si Max


Scheler, ang pag-alam sa
kabutihang ito ay hindi lamang
gumagalaw sa larangan ng pag-
iisip kundi sa larangan din ng
pakiramdam.
Ninanasa ng tao ang mabuti; hindi ang masama. Walang sinuman ang
magnanais na mapasama siya. Halimbawa:
✓Kahit na tinatamad akong mag-aral, alam kong mabuti ang mag-aral.
✓Kahit na natatakot akong magpatingin sa doktor, alam kong mabuting
gawin ito upang makita ang kalagayan ng aking kalusugan.
✓Kahit gustong-gusto kong kunin ang cellphone ng kapatid ko, alam
kong masama ito.
Iba ang mabuti sa tama. Ang mabuti ay ang mga bagay na tutulong sa
pagkabuo ng sarili. Ang tama ay ang pagpili ng mabuti batay sa panahon,
kasaysayan, konteksto at sitwasyon.
✓Mabuti ang gamot, ngunit may tamang gamot para sa tao. May ibang
gamot na nagdudulot ng mga allergies sa mga partikular na tao. May
mga gamot na hindi mabisa sa mga ibang tao.
Uri ng Batas
URI NG BATAS
1. Ang Divine Law ay batas na ibinibigay ng
Diyos ayon sa Banal na Kasulatan. Sa Lumang
Tipan, ang Divine Law ay tumutukoy sa
Sampung Utos ng Diyos na nagsasaad ng
pagkatao at katuruang moral ni Hesukristo na
binigyang-diin sa Sermon sa Bundok, Beatitud
at ng dalawang kautusan ng pag-ibig.
URI NG BATAS
2. Ang Batas Moral/Natural Law ay uri ng batas
na likas sa pagkatao, ang mga tungkulin at
karapatan na nakaatang na galing sa kaniyang
dignidad bilang tao. Halimbawa: Ang sosyal na
aspeto ng tao ang siyang nag-udyok sa kaniya
upang makipagkapuwa-tao. Ang tao ay nilikha na
kawangis ng Diyos kaya siya ay nararapat
gumalang at magmahal ng kaniyang kapuwa.
URI NG BATAS
3. Ang Civil Law ay batas na nabuo ng mga
pag-aaral ng kapangyarihan o inatasang mga
tao upang bumuo ng mga batas na nakaayon
sa Batas Moral/Natural Law, Divine Law, at
Batas Pananampalataya. Ito ay ginagawa
upang maglingkod sa mga mamamayan sa
pamayanan, paaralan, at pamahalaan.
URI NG BATAS
4. Ang Batas ng Simbahan ay batas na
isinaad sa Divine Law na dapat maging
totoong pamumuhay ng Kristiyano.
Kailangan ng tao ang kanyang kapuwa upang mabuhay at
ganundin ang iba pang nilikha ng Diyos sa kapaligiran.
Bawat isa ay pinagkalooban ng talento, kakayahan, talino,
memorya, pag-ibig, damdamin, at iba pang biyaya.
Karapatan niyang gamitin ang mga kaloob na ito subalit
kaakibat ng bawat karapatan at biyaya ay ang mga dapat
gawin upang mapalago at mapaganda pa ang mga nilikha
ng Diyos. Tungkulin ng tao na alagaan, palaguin,
payabungin, dagdagan, pagandahin ang kanyang buhay,
talino, katawan, kakayahan, moral, pagpapahalaga, aspeto,
at talino.

You might also like