You are on page 1of 1

MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS BATAS MORAL

Mhicaela : Magandang hapon po sa iyong lahat kami po ang Group 1 upang talakayin sa araw na ito ang tungkol sa
Mga Batas na nakabatay sa Likas Batas Moral.

Narito si Ms. Hapis para talakayin sa inyo


Ano nga ba ang mga batas na nakabatay sa likas na batas moral?

Hapis : Itinuturo nito na:


Una Hindi kinakasangkapan ang tao
Pangalawa, Ang tao ang may pinakamataas na halaga
At Pangatlo, Pangalagaan ang tao at pagyabungin ito.

Mhicaela : Ibig sabihin, Tulad din sa Likas na batas moral, preskripsyon ang mabuti, ang tama ay angkop sa tao.

Alam niyo ba sa Pilipinas ay may mga batas tayo na nakaayon sa likas na batas moral?
Dabay : Meron tayong mga batas na nakabatay sa batas moral, isang halimbawa nito ang R.A. 10354 THE
RESPONSIBLE PARENTHOOD AND REPRODUCTIVE HEALTH ACT OF 2012.

Elisha : Nilalayon ng batas na ito ang pangalagaan ang ina at sanggol sa kanyang sinapupunan.

Aliyah : Pangala, Section 9 of Republic Act 8189 and stated by the Commission in Section 5 of Comelec
Resolution no. 10549

Katrina: ito ay para pangalagaan ang iyong karapatan na bumuto sa panahon ng National Election di kaya’y local
election.

Geraldine: At ang Pangatlo, ay ang Republic Act no. 11469, otherwise known as the Bayanihan to Heal as One Act.

Peter : Ito ay para naman masugpo at matigilan ang pag kalap ng corona virus na kumakalat sa buong mundo ay
ipinasa ng kongreso ang R.A no. 11469.

Mhicaela : Narinig nio na ba ang prinsipyong FIRST DO NO HARM ng mga manggagamot?


Prinsipyo ng mga doctor na laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng
makapagpapalala ng sakit o makasama sa pasyente

Elisha : Magkagayon man may nabalitaan na ba kayo marahil na may mga doctor na nakapag bigay ng maling
reseta sa kanilang mga pasyente, may kaso rin ng kamatayan dahil sa maling prognosis, nilabag na nga ba
ng mga ito ang kanilang mga tungkulin bilang manggagamot?

Katrina : Ayon kay Sto. Tomas de Aquino


“ Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan”
Ayon naman kay Pilosopong Max Scheler
“ Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din
ng pakiramdam”

Jeremiah: Ibig sabihin nito ninanasa ng tao ang mabuti, Hindi ang masama, walang sinuman ang magnanais na
mapasama siya.

At ang TAMA iba sa Mabuti

Villamor : Ang MABUTI ay mga bagay na tutulong sa pagbuo ng sarili, at ang TAMA naman ang pagpili ng pinaka
mabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon.

Mhicaela: Ang likas na pagnanais ng tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Ang Likas na batas moral ay hindi instruction manual. Hindi ito malinaw na utos kung ano ang gagawin
ng tao sa ibat ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang Makita ang halaga ng tao.
Hanggang dito nalamang po ang aming report Muli, Kami po ang Unang Grupo, Maraming salamat sa
iyong pakikinig.

You might also like