You are on page 1of 10

CATCH-UP FRIDAYS

February 16, 2024

Reading Enhancement for Grade 12


Components Objectives Activities
Preparation To create an  The teacher opens with,
and Settling enabling Are you aware about the
In environment for discontinuation of the senior High
the students’ school program in state universities
reading session
and colleges, and local universities
and colleges nationwide?

 Provide background information


about the topic.

 Today, we will read an editorial about


the K-12 transition program in State
Universities and colleges, and Local
Universities and colleges.

 The teacher distributes the reading


material while creating a quiet and
conducive reading atmosphere. For
15 minutes, let the learners’ read the
piece alone. Let the learners write the
unfamiliar words and acronyms from
the editorial.
Dedicated To ensure class  The learners will read the
Reading participation and editorial through a “Popcorn
Time inspire learners Reading”.
to remain
attentive to the  Explain how to execute the
text, and Popcorn reading.
contribute a
more  Popcorn reading is an interactive way
concentrated to mix up reading time in the classroom.
reading You can implement it with any text you
atmosphere need to present to your class. The
process is simple: Have one student
read at least one paragraph of text
aloud to the class. When they finish,
have them shout “Popcorn!” This
signals that it’s the next student’s turn
to resume reading where the previous
student left off.
 Teacher ensures that learners stay
focused on the reading material.

Address: 3819 Nicodemus St., Capitol Homesite Subd., Brgy. Cotta, Lucena City
Telephone Nos.: (042) 785-0876/(042) 373 7291
Email Address: 308502@deped.gov.ph
FB Account: DepEd Tayo Cotta National High School – Lucena City
Progress To assess  For the next 15 minutes, the learners
Monitoring progress, will present the piece through Popcorn
through address reading Reading, followed individual activity
reflection issues, build
and relationships,  Individual Activity, for 20 minutes.
performanc and reflect on Learners will analyze the editorial
e experiences piece and answer the given
questions below.

Wrap Up To consolidate  The teacher reinforces key points or


information main takeaways from the reading
gained from material.
reading  Say:

 The editorial piece clarify issues on


the discontinuation of the Senior High
School program in local and state
universities and colleges. K to 12
Program is not abolished. CHED has
no authority to abolish senior high.

 CHED and DepEd had an agreement


in 2015 which allowed LUCs and
SUCs to offer an SHS Program from
year 2016 to 2017 up to 2020 to 2021
to help address capacity issues. Now,
that this program discontinued,
there’s no arbitrariness on part of
CHED because it also serves as a
reminder about their agreement that
has been legalized.

 Senior High program continues, under


Department of Education.

* See attached copy of “Editorial about K-12 Program discontinuation in SUCs and
LUCs”
Address: 3819 Nicodemus St., Capitol Homesite Subd., Brgy. Cotta, Lucena City
Telephone Nos.: (042) 785-0876/(042) 373 7291
Email Address: 308502@deped.gov.ph
FB Account: DepEd Tayo Cotta National High School – Lucena City

Prepared by:

LYKA B. EUBINA
SHS Teacher II

JOY P. RIVERA
SHS Teacher II

CYRINE JOY V. QUINCENA


SHS Teacher II

MAY GRACE SALAZAR, PhD


SHS, Master Teacher I

Noted by:

MAY GRACE SALAZAR, PhD


SHS, Master Teacher I

Inspected by:

CARMEN H. MACATUGOB, PhD


Principal II
EDITORYAL - Kapahamakan ng Senior High

Hindi katanggap-tanggap ang ura-uradang desisyon ng Commission on Higher Education (CHEd) at


Department of Education (DepEd) na huwag ipagpatuloy ang Senior High School Programs sa mga
unibersidad at kolehiyo ng estado para sa school year 2024-2025. Napakabilis naman ng pagpapasya sa
maselan na isyung ito na dapat ay kinunsulta muna ang nakararami lalo ang mga magulang at estudyante. Sa
pabigla-biglang desisyon na ito, walang ibang apektado kundi ang mga estudyante na rin. Ano ang
kahahantungan ng mga Grade 11 students kung hindi na sila papayagan sa state and local universities and
colleges. Saan sila pupulutin? Ngayon pang problema ang kakapusan ng classrooms sa mga pampublikong
eskuwelahan. Kung sa pribadong school, tiyak na malaking pasanin dahil mahal ang tuition fees.
Sinabi naman ng DepEd na ang mga maaapektuhang Grade 11 students ay maaring mag-enrol sa public
schools at ang iba ay sa pribadong eskuwelahan. Maaari naman daw i-avail ang voucher program. Ayon sa
pagtataya ng DepEd, mayroong 17,700 Grade 11 students para sa school year 2024-2025.
Sabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), hindi sana nagdesisyon agad ang CHEd at DepEd sa
isyung ito dahil magkakaroon ito ng domino effect. Maaaring maapektuhan ang edukasyon ng mga kabataan.
Isinabay pa ito sa maraming problema ng DepEd gaya ng kakulangan sa classrooms at sa mga guro mismo.
Dapat daw bawiin ng CHEd at DepEd ang naunang pasya sa di-pagpapatuloy ng SHSP sa mga unibersidad at
kolehiyo ng estado.
Malaking problema ang kahaharapin ng mga estudyante at magulang sa desisyong ito na hindi na
tatanggapin sa mga kolehiyo at unibersidad ng estado ang senior high school. Bukod sa gagapang sa hirap ang
mga magulang, posibleng maapektuhan ang pag-aaral ng mga estudyante na magiging dahilan para sila tumigil
sa pag-aaral. Tatamarin na silang mag-aral lalo pa nga’t kakapusin sa budget ang kanilang mga magulang.
Kaysa mabaon sa utang at magutom, titigil na lang at tutulungan ang mga magulang sa pagtatrabaho.
Kung ganito ang kahihinatnan ng mga estudyante sa SHSP, makabubuting ibasura na lang ang K-12
program na inilunsad noong 2013. Kung hindi rin lang makikipagtulungan ang mga ahensiya at ilulubog pa
ang programa, wala nang dahilan para ito ipagpatuloy.
Ang K-12 program ay inumpisahan sa termino ni President Noynoy Aquino sa layuning mapabuti ang
edukasyon sa bansa. Isinabatas ito noong 2013 (RA 10533) o “Enhanced Basic Education Act of 2013”.
Subalit kabaliktaran ang nangyayari ngayon sapagkat nangungulelat ang mga estudyanteng Pilipino sa
maraming larangan. Dapat pag-aralan ang nangyayaring ito sa sistema ng edukasyon.

Mga gabay na tanong:


Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang kasagutan.
1.Ano ang paksa ng editoryal na iyong binasa?
a.Bilang ng G11 at G12 mag-aaral para sa S.Y 2024-2025
b.Kakulangan ng silid-aralan sa mga pampublikong paaralan
c.Pagpapatuloy ng Senior High School Program sa mga pribadong paaralan
d.Usaping pagpapahinto ng Senior High School Programs sa mga unibersidad at kolehiyo ng estado para sa
school year 2024-2025
2.Alin sa sumusunod ang direktang magiging apektado sa usaping nabanggit mula sa editoryal?
a.mga magulang
b.grade 11 students
c.kaguruan sa Senior High School
d.State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs)

3.Ayon sa iyong binasa, nasa ilang Grade 11 mag-aaral ang tinatayang papasok ngayong taong-panuruang 2024-2025?
a.17, 100 b.17, 700 c.17, 000 d.17, 500

4.Batay sa editoryal na iyong binasa, anong sangay ng pamahalaan ang nagsasabing hindi na ipagpapatuloy ang Senior High School
Program sa mga SUCs?
a.ACT
b.CHEd at DepEd
c.Department of Finance
d.Private Education Assistance Committee

5.Sapat ba ang kahandaan ng mga pampublikong paaralan para sa pagpasok ng mga Grade 11 students?
a.Oo, sapagkat mayroong sapat na klasrum at mga pasilidad para sa mga mag-aaral
b.Oo, sapagkat mayroong sapat na kagamitang pampagtuturo para sa mga mag-aaral
c.Hindi, sapagkat hindi lahat ng pampublikong paaralan ay may sapat na bilang ng guro
d.Hindi, sapagkat hindi lahat ng pampublikong paaralan ay may sapat na silid-aralan, kagamitan at ibang pang pasilidad

6.Ano ang nakikitang pansamantalang solusyon ng DepEd para sa mga grade 11 students na maaapektuhan kung hindi sila
mapapayagang pumasok sa State Universities and Colleges?
a.Pagbibigay ng scholarship
b.Pagbibigay ng mga kagamitan para sa paaralan
c.Pagbibigay ng financial assistance
d.Pag-enrol ng grade 11 students sa public schools o sa mga pribadong paaralan at maaaring pag-avail ng voucher program

7.Sa iyong palagay, mas makabubuti bang tuluyan nang ipahinto ang Senior high sa mga State Universities at Local Colleges?
a.Oo, dahil handa na ang lahat ng pampublikong paaralan para sa pasilidad na gagamitin
b.Oo, dahil ang Senior High School ay hindi bahagi ng kolehiyo at sakop pa rin dapat ng DepEd
c.Hindi, dahil hindi sapat ang bilang ng mga kaguruang magtuturo para sa mga pampublikong paaralan
d.Hindi, dahil may sapat at legal na basehan ang mga State Universities at Local Colleges upang ipagpatuloy ang Senior High School
Program

8.Batay sa iyong binasa, ano ang maaaring maging epekto sa mga grade 11 students ng desisyong ito kung hindi na sila papayagang
makapasok sa mga State Universities at Local Colleges?
a.Maaaring maapektuhan ang mga magulang
b.Maaaring maapektuhan ang kanilang emosyonal na aspeto
c.Maaaring maapektuhan ang kanilang performans sa klasrum
d.Maaaring maapektuhan ang kanilang edukasyon, gayundin magkakaroon din ng suliranin sa pinansyal na aspeto na magiging sanhi
ng kanilang paghinto sa pag-aaral,

9.Bilang mag-aaral, ano sa palagay mo ang mas angkop gawin batay sa maaaring maging pagbabago ng edukasyon sa kasalukuyan?
a.Huminto na lang sa pag-aaral
b.Maghanap ng trabaho upang makatulong sa pamilya
c.Sumama sa magulang upang makatulong sa kanilang trabaho
d.Pumasok pa rin sa paaralan, maaaring sa pampubliko o pribadong paaralan sapagkat maaari pa ring gamitin ang voucher

10.Sa iyong palagay, nararapat pa bang ipagpatuloy ang K-12 Program sa mga susunod na taon?
a.Oo, dahil ito ay nasimulan na
b.Hindi, nagkakaroon pa ng maraming pagbabago sa Sistema ng edukasyon
c.Oo, dahil ito ay naisabatas na taong 2013 sa ilalim ng RA 10533 sa layuning mas mapabuti ang edukasyon ng bansa at mas
mahubog ang emosyonal, mental at sosyal na aspeto ng bawat mag-aaral
d.Hindi, dahil marami pa ring mga mag-aaral ang nakararanas ng problema lalo’t higit sa suportang pinansyal kung kaya’t hindi
maiiwasan ang paghinto o pagtigil ng ilang mga estudyante sa pag-aaral.

Sanggunian:https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2024/01/07/2323969/editoryal-kapahamakan-ngsenior-high
Key to Correction
1.D
2.D
3.B
4.B
5.D
6.D
7.B
8.D
9.D
10.C
Key to Correction
1.D
2.D
3.D
4.D
5.D

6.D
7.B
8.D
9.B
10.A

You might also like