You are on page 1of 1

Pantay pantay na karapatan ng bawat mamamayan

Mahirap, mayaman, bata o matanda man

Dapat na matamasa sa pantay na lipunan

Upang katarungan lubos na maramdaman.

Iba iba man ang ating paniniwala

Relihiyon, kasarian, lahi at kultura

Sa ilalim ng batas dapat ay iisa

Hindi dapat apihin o idiskrimina.

Pangunahing pangangailangan dapat natutugunan

Nang pamahalaang sa mamamayan ay may pananagutan

Karapatan sa edukasyon, trabaho, at kalusugan

Nakakamit ng bawat miyembro ng pamayanan.

You might also like